12 years ago... Kasalukuyang nagkakasiyahan ang mga tao sa mansyon ng pamilya O'Hara. Sabay na ipinagdiriwang ang ika-37 na taong kaarawan ni Francis at ika-12 naman ng nag-iisa nilang anak na si Jake. Maraming dumalo sa nasabing birthday party at halos hindi mabibilang sa daliri ang mga taong nagkakasiya sa napakaluwang nilang recieving area. Mga malalapit na kaibigan, kamag-anak at maging ang mga VIP's sa kanilang kompanya ay naroon din. Ngunit hindi pa man tuluyang nagsisimula ang programa, isang malakas na pagsabog sa loob ng mansyon ang pumukaw sa atensyon ng lahat. Hindi matukoy kung ano ang bagay na 'yon at kung saan nanggaling dahil mabilis kumalat ang usok. Umingay ang fire alarm na naging dahilan upang magkagulo sa paglabas ang karamihan. Naglabasan ang mga bisita pati na ri

