PHOENIX GONZALES Pagdating ko sa bahay uminom agad ako ng tubig. Maraming-maraming tubig. Nabasa pa nga ang damit ko, sa bandang dibdib. Napansin ako ni Manang Bebe kaya tinanong niya ako kung ano’ng nangyayari sa 'kin. Sinabi ko na lang na sobrang nauhaw ako. Pero ang totoo, natakot ako kay Ate Sophie. Ganito kasi ako kapag kinakabahan, umiinom ng maraming tubig. “Oh, Jake. Nandito ka na rin?" Pati ako ay napalingon kay Jake nang banggitin ni Manang Bebe ang pangalan niya. Halos magkasunod lang pala kaming nakauwi. May hawak siyang papel na nakatiklop pero hindi ko alam kung ano 'yon. Tumingin siya sa akin at nagsalita. “Phoenix, mag-usap tayo. Sumunod ka sa 'kin sa taas." Seryoso ang itsura niya at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makasagot. Tinalikuran na niya ako. Nil

