Chapter 23. Message tone

1824 Words

PHOENIX GONZALES Wala na si Jake sa tabi ko nang magising ako. Ewan ko kung nasaan. Pero wala akong pake. Bumangon ako at nag-inat habang naghihikab pa. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Satisfied ang brain ko, nakatikim na naman siya ng eight hours sleep. Umusog ako sa gilid ng kama, plano ko sanang bumaba pero hindi ko pa magawang itapak ang mga paa ko. Masakit pa rin. "Manaaaang!" sigaw ko, kasunod ang agaran kong paglingon sa pinto dahil bigla iyon bumukas samantalang kasisigaw ko pa lang. Pero si Jake ang iniluwa no'n. Tagaktak ang pawis at may towel na puting nakasablay sa balikat niya. Oo nga pala. Sabi n'ya kagabi maaga s'yang magwo-workout. "Sa'n ka galing?" tanong ko pa rin kahit halata naman ang sagot. "Sa labas. Nag-bike." Dumiretso siya sa cabinet at saka kumuha ng damit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD