Chapter 60. MJ's Plan

2261 Words

PHOENIX GONZALES Habang pinakikinggan ko ang voice recording ng pag-uusap Ate Sophie at Jake, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Nalaman ko lamang na umiiyak na ako nang may maramdaman akong umagos sa aking pisngi. Ayoko na sanang umiyak, eh. Ayoko ng maging mahina ulit. Pero hindi ko ‘yon napigil nang marinig ako ang mga sinabi ni ate kay Jake. Mahal ako ni Ate Sophie. Mahal n'ya ako... At mas lalo pa akong naging emosyonal nang mapag-usapan nila si papa. Nalaman kong hindi ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala. Dahil iyon sa pagliligtas niya kay Jake sa sunog na lalong nagpasama sa loob ko. “Alam kong mahal ka rin ng kapatid mo. Pati na ang papa mo. Nu'ng araw na nangyari ang sunog at iniligtas n'ya 'ko...ibinilin n'ya sa 'kin si Phoenix. Gusto n'yang alagaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD