PHOENIX GONZALES Hindi ako nagtagal sa ospital at agad din lumabas. Hindi ko na hinintay lumipas pa ang maghapon dahil baka bumalik pa si Jake. Nagpatulong na agad ako kay Kim tutal ay bayad naman na ang hospital bill ko. Ayaw pa nga sana akong payagan umuwi dahil kailangan ko pa raw magpalakas, pero ako na ang nag-insist. Pinapirma na lamang ako ng nurse sa waiver na ano man ang mangyari sa akin ay hindi pananagutan ng ospital, nurses at mga doktor. Pero ang ipinagtataka ko, hindi man lang sumipot si Ate Sophie. Kahit si Kim ay nagtataka sa hindi niya pagbalik. Bago niya raw kasi ako puntahan sa kwarto ay nagpaalam ito sa kaniya na bibili lang ng pagkain sa labas. Pero halos dalawang oras na ang inabot namin ni Kim sa kwarto ay hindi naman siya dumating. Sinubukan din tawagan ni Kim a

