PHOENIX GONZALES Dahil sa pinag-usapan namin kanina ni Hanna, halos hindi ako makapagtrabaho nang maayos. Kailangan kong makapag-check ng mga stocks pero minsan ay natatahimik at napapatulala na lamang ako habang iniisip kung mabubuntis nga ba ako o hindi. Pero…ilang beses ng may nangyari sa amin ni Jake, at sa pagkakatanda ko, wala kahit isang pagkakataon na hinugot niya ang alaga niya kapag lalabas na ang kaniya. Lahat ‘yon kinarga niya sa akin. Kaya paano kung…? Napakagat ako sa isang daliri ko—index finger—habang pinagmamasdan ang tiyan ko. Paano kung lumobo ‘to pagdating ko sa France? Siguradong masisira mga plano ko sa buhay. Ayoko pa. Hindi pa ako puwedeng mabuntis. Marami pa akong gustong gawin at marating. “Saan ka pupunta, Nix?” tanong sa akin ni Hanna nang lumabas ako sa

