Chapter 42. DNA Result

2673 Words

KIMBERLY DE JESUS "TAMA NAAAA!" Bigla kong nabitawan si Hanna nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Valerie. Nalibang kami sa pagbabardagulan kaya hindi namin namalayang nakalapit na pala siya doon sa hagdan at nakalusong na ang paa niya sa tubig. Pero kakaiba ngayon ang istura niya. Nakatakip ang magkabila niyang tainga na parang may iniiwasan siyang marinig. Halata ring nanginginig siya na tila natatakot. "Ikaw kasi, ayaw mo pa 'kong bitawan. Nagalit tuloy si Velerie..." bulong ni Hanna sa akin at dinunggol pa nito ang braso ko. Pero sa tingin ko ay hindi iyon ang dahilan kaya sinubukan ko itong lapitan. Si Hanna naman ay agad din sumunod sa akin. "Valerie, ayos ka lang?" mahinahon kong tanong sa kaniya ngunit laking gulat ko nang tabigin niya ang kamay ko at saka siya muling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD