Chapter 35. Blackout

1851 Words

VALERIE HERA "The return of the young bride..." Matapos niya 'yon sabihin, nag-iwas agad ako ng tingin. Dinampot ko ang sterilized milk sa harap ko at saka ko inalis sa plastik ang straw at tinusok sa ibabaw. Sinimulan ko 'yon sipsipin. Ang lalaking katabi ko naman ay naglagay na rin ng yelo sa baso bago niya 'yon salinan ng beer. "Bakit hindi ka man lang nagsabi bago ka pumunta rito?" puna sa kaniya ni Gino. "Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. May lahi ka bang tigyawat?" "Stop being so nosy. Do you really have to know everything?" masungit na sagot ni Jake. Sila na ang magkaharap ngayon. "Are you drawing a line between us? Aw. That makes me sad." Napailing pa nang bahagya si Gino, tila naghihinanakit. "But anyway, alam mo ba na sa bahay ko tumutuloy ang babaeng katabi mo?" "What?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD