PHOENIX GONZALES "Hoy, ayoko! Ayoko maging president! 'Wag n'yo ko ipasok d'yan kung ayaw n'yong mapariwara buong klase!" angil ko kay Hanna at Kim nang sabihin nilang ino-nominate nila 'ko as classroom president. "Ako! Ako!" Todo taas pa si Hanna ng kamay sa kaklase naming nag-a-act muna as president sa harap para simulan ang botohan. Sarap putulin ng kamay! Nang mapansin siya nito ay agad siyang tumayo at ngiting-ngiting sinabi. "I respectfully nominate Phoenix Zia Ayezhanea Pauline Gonzales for the position of president because I know she can make our ekonomiya better and all the drug dealers & pushers here in this classroom—" Hinila agad siya ni Kim para paupuin na dahil kung anu-ano na naman ang sasabihin niya. Parang tangang bobo talaga 'tong kaibigan ko. Sarap itakwil. "Hindi pa

