CHAPTER 5

1920 Words
JENNIE'S POV [ Alarm beeping ] Dahan-dahan kong kinakapa ang bawat sulok ng aking higaan at ibabaw ng aking bedside table habang mariin pang nakapikit ang aking mga mata. Ng makapa ko ang aking telepono sa ilalim ng mga unan, agad akong napabalikwas ng makita ko ang oras. Nakalimutan ko nga palang baguhin ang oras sa aking telepono kaya't dali-dali na kong nag asikaso. Napagdesisyunan ko ding ngayong araw na magmaneho ng sasakyan papunta sa university. Pagbaba ko ay agad ko namang nakasalubong si auntie Claire, ang mayor doma ng aming tahanan. Bata pa lang si daddy ay siya na ang katuwang ng aming grandparents kaya naman malaki na din ang tiwala sa kanya ng aming pamilya. " Oh iha, gising ka na pala halina't kumain sa dining area tamang tama at naandon na si Jade " sambit nito " Nasan po si mommy at daddy ? " pagtatanong ko kay aunti Claire " Ay naku iha, kaaalis lang nila " " Ano pa nga ba, lagi naman silang wala " inis na sambit ko Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa ulit si aunti Claire at naglakad na ako patungo sa dining area. Ng makita ako ni Jade ang bunso kong kapatid, agad naman itong ngumiti at nagsalita. " Let's eat Jennie " excited nitong sambit Agad naman akong napangiti ng makita ko itong excited sa pagdating ko. Kaya naman ng makalapit ako ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit at nagsalita. " Naku, gising na pala ang baby brother ko " sambit ko habang pinanggigigilan siyang yakapin " Do you want me to drop you at school ? " Excited na tanong ko sa kanya. Agad namang nagningning ang mga mata niya ng sa sandaling marinig niya ang aking mga sinabi. " Really Jennie !?? " Hindi makapaniwalang sambit niya " Yes of course for you why not ? " Nakangiti kong sambit sa kanya " But you're late na Jennie " sambit niya. Agad ko namang naalala na late nga pala akong nagising ngayong araw kaya kailangan ko na talagang magmadali. "How about I pick you up later after school ? " Suhestiyon ko sa kanya dahil ayokong maging malungkot siya . Ayokong isipin niya na pati ako ay wala na ding oras para sa kanya. Kaya hanggang maaari gusto kong iparamdam sa kanya na lagi akong nasa tabi niya hindi katulad nila mommy at daddy na palagi nalang wala. Bumalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Auntie Claire " You two should eat now " nakangiting sambit ni auntie Claire habang papalapit sa aming pwesto. Agad naman akong kumuha ng mansanas sa lamesa at agad na tumayo para makapag asikaso na " You done Jennie ? " Nagtatakang tanong ni Jade "Yes, I'll pick you up later buddy I promise " sambit ko habang hinalikan siya sa kanyang noo at dali daling lumabas ng dining area " Bye auntie Claire " nagmamadali kong sambit Ng matapos akong mag asikaso ay nagtungo na agad ako sa university, pagdating ay agad kong sinipat ang oras sa aking telepono. 8:30 na ang nakalagay dito at halos kalahati na rin iyon ng schedule para sa isang subject course kaya naman napagdesisyunan ko na lamang na pumunta sa silid ni professor Vale para maisauli na rin sa kanya ang damit na pinahiram niya sa akin kahapon. Habang naglalakad ako sa hallway, napapaisip at nakararamdam ako ng kaba, alam ko namang hindi niya sinadya na makita ang aking dibdib, ngunit ng dahil sa nangyari ay para bang nahihiya na akong magpakita pang muli sa kanya. Ng makarating ako sa silid ni professor Vale, agad akong napahinto sa tapat ng kanyang pinto't nagdadalawang isip na kumatok at pumasok. Mga nasa dalawang oras din ang tinagal ko sa labas ng kanyang silid bago ko mapagdesisyunang umalis na lamang. Ngunit ng papaalis na ko ay agad ko namang narinig ang kanyang boses. " Bakit hindi ka tumuloy ?" Pagtatanong nito. Agad naman akong napahinto at humarap sa kanyang direksyon at ng makaharap ako sa kanyang direksyon agad akong napaiwas ng tingin ng sa sandaling magtama ang aming mga mata. " Uhm i-ibabalik ko lang po sana ang damit niyo professor Vale " nauutal at nahihiyang sambit ko sa kanya " Ahhh ganon ba " sambit niya habang binubuksan ang pinto ng kanyang silid. Ng mabuksan ay agad naman niya kong pinapasok. " Pumasok ka muna " sambit niya " Umupo ka muna, may kukunin lang ako sandali sa isang silid " sambit niya. Ng makalabas siya ng silid ay agad naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si professor Vale. " Pasensya na sa paghihintay " nakangiti nitong sambit, tumabi naman ito sa aking inuupuan ng sa sandaling maibaba nito sa kanyang lamesa ang mga hawak nitong libro. Pansin ko ang pagseryoso ng kanyang mukha ng humarap siya sa aking direksiyon. "Look Jennie.... about yesterday.... I'm so sorry sa nangyari kahapon " seryoso nitong sambit " Hindi ko sinasadyang mapatingin sa iyong direksiyon " dagdag nito. " Okay lang po yon sir, alam ko naman pong hindi niyo sinadya ang nangyari kahapon. " Malumanay at nahihiya kong sambit. Pagtapos ay iniabot ko sa kanya ang damit na ipinahiram niya sa akin kahapon. " Thank you po sir sa pagpapahiram ng damit " sambit ko " Siya nga pala, hindi ka ba nakapasok sa unang klase mo ? " Pagtatanong nito " Late na din po kasi ako sir kaya po napagdesisyunan ko na lang na pumunta dito " " At muntik ng hindi matuloy " nakangisi nitong sambit " Nahihiya po kasi talaga ko sa inyo sir " mahina kong sambit " Ako nga ang dapat mahiya sayo " sambit nito habang nahihiyang nakangiti " Pwede ko bang malaman kung sino ang professor mo ngayong umaga ? " Pagtatanong niya " Uhm si Miss Rose po, sir " sagot ko " Bakit niyo po naitanong ? " Nagtatakang tanong ko sa kanya " Pakiki-usapan ko na lang si Miss Rose kaya hindi ka nakapasok sa kanyang klase " pagpapaliwanag nito " Huwag na po sir, kasalanan ko din naman po kung bakit ako late ngayon " nahihiyang sambit ko sa kanya. Pagtapos ay tumayo na ko at nagpaalam ng aalis sa kanya. "Mauna na po ako sir, thank you po ulit " pagpapaalam ko Ng makalabas ng silid ay agad akong nagtungo sa silid kung saan naka schedule ang aming pangalawang subject course. Pagpasok ko sa silid ay agad ko namang nakita ang bulto ni Josh na halatang nakatingin din ng may pagtataka sa akin. " Where have you been ? " nagtatakang tanong nito " I woke up late, okay ? " Sambit ko sa kanya " Your being weird since yesterday " mapang-asar nitong sambit Hindi na ko nakapagsalita pa ng dumating ang aming professor na si professor Edward. Para lang itong kaidaran ni professor Vale, matangkad at may matipunong katawan din ito kaya naman maraming estudyante din ang may gusto dito. Ng matapos ang klase ay napagdesisyunan naming dalawa ni Josh na tumambay na lang muna sa rooftop after namin sa promenade dahil medyo marami na din kasi ang mga estudyanteng nakatambay sa open field. Ng makarating kami sa rooftop ay agad kaming namangha dahil sa napakalinis at maayos na disenyo ng rooftop, malawak ito at may maraming bench na may mga silong kada gilid, meron din itong garden at maliit na fountain sa gitna at ang sahig nito ay may mga mamahaling kahoy na patag ang pagkakalagay upang makapagyapak ang mga tao. Habang pinagmamasdan ko ang mga taong dumadaan sa baba, napansin ko ang bulto ng isang pamilyar na lalaki- professor Vale, naglalakad siya papunta sa likod ng building kaya naman agad ko din siyang sinundan ng tingin. Kausap nito ang isang babae na sa wari ko’y si Miss Shaira. Mariin silang nag-uusap sa likod ng building kaya’t walang ibang nakakakita sa kanila. Habang mariin kong pinapanood ang kanilang mga bulto, nabigla ako ng hawakan ni miss Shaira ang mga kamay ni professor Vale at mabilis na inilapat sa kanyang dibdib ang kanang kamay nito habang ang kaliwang kamay naman nito ay mabilis ding ipinasok sa loob ng maikli nitong skirt. Ng makita ko ang ganoong pangyayari, agad akong nag-iwas ng tingin. Sakto naman ang pagbalik ni Josh “What’s wrong? What are you lookin’ at? “Nagtatakang tanong nito “Nothing, ang tagal mo mag CR “pagiiba ko ng usapan “Pero kasi some of the restrooms are under maintenance today “sambit nito “It’s alright, let’s go “wala sa sarili kong sambit kay Josh Ang daming namumuong tanong sa aking isipan, ano bang relasyon nilang dalawa sa isa’t -isa patago ba ang kanilang relasyon or they’re just friends with benefits? Pero ang pinaka tanong sa aking isipan ay…. Kung bakit parang nasasaktan ako sa aking nakita? Ng makalabas kami ng building, agad akong nagpaalam “Uhm, you should head first… I gotta use the restroom “ matamlay na sambit ko sa kanya “Okay, see you there “ nakangiti niyang sambit Ng makapunta ako sa restroom, nabigla ako ng makita ko si miss Shaira na kakapasok lang din ng restroom. Ng mapatingin siya sa aking direksyon, agad naman siyang ngumiti at nagsalita “ Oh Hi ! Jennie right ? “ Nakangiti niyang sambit “ Hello po Miss Shaira “ pilit na pagbati ko sa kanya “ You and Vale are friends ? “ Sambit niya habang mariin na nakatingin sakin mula sa salamin “ No we aren’t “ walang buhay kong sambit “ Oh that’s very well to know “ sambit niya habang inaayos ang kanyang mga gamit “ Cause you know, it’s too risky to have that kind of relationship.. especially with professors “ sambit niya ng makalapit sa akin. Pagtapos ay agad naman itong ngumiti at tsaka lumabas ng banyo Naguluhan ako sa kanyang mga sinabi, inaakala niya bang may relasyon kaming dalawa ni Mr. Vale ? Ni wala nga atang pakialam sa akin ang nasabing propesor ‘ngunit may parte sa akin na sana… meron nga’ Dali-dali akong naglalakad ngayon papunta sa pangatlong subject course namin ngayong araw, ‘ I’m 5 mins. Late ‘ sambit ko sa aking sarili. Ng makarating ako sa silid ay nabigla ako ng makitang nasa loob si Mr. Vale ‘siya nga pala ang naka schedule ngayong araw ‘ sa isip-isip ko. Agad naman akong naglakad patungo sa taas kung saan kami nakapwesto ni Josh. “ Don’t look at me like that “ mahinang pagbabanta ko kay Josh “ I did not say something “ natatawang sambit niya Ng makaupo ako ay pansin ko ang pagtataka sa mukha ni Mr. Vale para bang kinakausap niya ko sa mga tinging pinapakita niya sa akin. Hanggang sa matapos ang klase ay pansin ko pa rin ang palihim na titig nito sa aking direksyon, habang pababa kaming dalawa ni Josh umakto akong may hinahanap sa loob ng aking bag at dire-diretsong lumabas ng silid. “ I need to go now, do you want to hop in ? “ Pagtatanong ko kay Josh habang naglalakad kami patungo sa parking lot. “ No, I have my motorcycle today “ nakangiti nitong sambit Ng makarating kami sa parking lot ay agad na kong sumakay “ Drive safe ! “ Sambit ni Josh mula sa gilid ng aking sasakyan “ You too ! “ Sambit ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho para sunduin ang aking bunsong kapatid .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD