Sandra's POV
I CAN'T believe everything happened! f**k! He kissed me twice this day! Manyak talaga! How dare him steal my first kiss! Damn! I hate him! Isa pa 'tong puso ko! Panay ang kabog nang sobrang bilis! Bwisit talaga!
I found myself staring at the mirror and I look damn red! Oh, crap color red reminds me of that Jerk who just kissed me!
I know that it was just a kiss, there's no meaning for it, so I better move on now, but… s**t! That was my first! Kahit si Jhake noon, I never let him kissed me on my lips! Hanggang cheeks lang ang pwede, pero itong manyak na 'yon…ang kapal!
I want my first kiss to be something special. Kahit na gaga ako, I know my limitations. Yes, I used to party late night for the past three years, I got drunk and wasted but that's it! I want to give my first kiss to my future husband! But that Jared, epal, pula, manyak at lampa na 'yon! He ruined everything!
'I hate him!'
I dived myself into my bed even if I'm still soaking wet. Isinubsob ko ang aking mukha sa isang unan upang doon ilabas ang inis at panggigigil. Sinuntok-suntok ko pa ang unan na iyon, mabuti na lang at biglang nag-ring ang cellphone ko kaya natigil ako sa pagwawala ko. "Hello?!" Gigil kong sagot.
"Ate Sandra? May problema po ba?" She asked worriedly. Huminga ako nang malalim bago muling magsalita.
"Nasaan ka ba?" I asked her.
"Kasama ko po si Gella. Akala ko po ba bibili ka ng kotse?" She answered.'Oo nga pala.'
"Yeah, I will. Nasaan ba kayo ngayon?"
"Nandito kami sa mall," sagot niya. "Kasi may car show po pala ngayon dito. If nasa bahay ka, pwede ka naming sunduin ni Gella para hindi na hassle."
"Ako na lang ang pupunta d'yan. Just send me your location," sagot ko bago ibaba ang tawag. Tumayo na ako at para makapagpalit ng damit. Pambihira, sisipunin pa ako nang dahil dito, e.
Paglabas ko ng kwarto sakto namang dumating ang text message from Ella kung nasaan sila. 'The hell? Where the hell is this place?' Hindi ako familiar sa address na 'yon, e. Naabutan ko naman si Pula na kalalabas lang sa kabilang pinto. Nakapagbihis na din ito. Lalagpasan ko na sana siya nang may maalala ako. "Hoy, pula! Nasaan na si Casper?"
"Isa pa'ng tawag sa akin ng mga pet names na 'yan, hahalikan ulit kita," sagot niya na kasimangot pa.
"Nasarapan ka naman yata, tss!" I even rolled my eyes on him pero ngumisi lang siya sa akin.
"At least, it's effective. Anong kailangan mo?" pagsusungit nya sa akin .
"I need my Casper back," tipid kong tugon. "And I need a driver. I'm going somewhere."
"Saan ka pupunta?" He asked.
"Sa mall," sagot ko.
"Bakit?" Tanong niya ulit kaya pinaikutan ko siya ng mata bago sumagot.
"Ano bang ginagawa sa mall? Bakit ba ang tanga mo? Ganito na ba sa Pinas? Tatlong taon lang ako nawala, nawala din ba ang tinatawag na common sense dito? Malamang may bibilhin ako sa mall," bulong ko habang nakahalukipkip pa.
"Ang yabang, a! Para inform ka, ha? Hindi kasi ako pumupunta sa mall para mamili. I only go there kapag may concert kami. Hindi naman kasi lahat ng nasa mall, bumibili." Taas-kilay pa ang kanang kilay niya habang sumasagot. Kairita, diba?
"Ano ba sa tingin mo gagawin ko 'don?" Sigaw ko. Iritang-irita na talaga ako sa kanya.
"Malay ko ba? Baka nga gusto mo lang akong i-date sa mall, e." Nakangisi pa niyang sigaw.
"Ang kapal mo! Ang yabang-yabang mo, Pula!" Sigaw ko sa kanya. Pero ngumisi lang siya sa akin bago unti-unting lumapit sa akin. "W-what are you doing?!"
"I warned you, baby." Nakangisi pa niyang bulong habang patuloy lang sa paglalakad. "Pero tinawag mo pa rin ako gamit ang mga pet names na 'yan. Hindi kaya, ikaw ang nasarapan sa halik?" Automatic na bumuka ang bibig ko. I can't believe him! I can't imagine how red I look like now! Damn! "Why are you blushing? Kinikilig, 'no?" Natatawa niyang kantsaw sa akin. "You need to get used to it, ganyan talaga… because you're finally falling for me…" Mas lalong nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"Oh boy. Sorry to burst your bubble. But there's no way I'll fall for you," sagot ko.
"Bakit?"
"Simply as NYFB? As in, none of your f*****g business." Flat ko'ng sagot.
"Okay, that's fine. Wala naman akong pakialam sa past mo. What I really care is about, is our bright future," he said while having this huge grin on his face.
"Future your ass, tss!" Ismid ko pa. "Sasamahan mo ba ako o hindi? And besides, I'll be giving you favor here. Ipagdrive mo ako, then I'll return your motorbike."
"Good deal, then." Tumango pa siya. "Ako din may deal ako sa'yo. I'll return Casper, in one condition," he said.
"Ano na naman 'yan? Earlier you gave a condition of being your slave, now what?" Nakahalukipkip ko pang tanong sa kanya.
"I need a date," he even released a deep sigh. "Every sunday."
"What do you mean?" Naguguluhan ako sa sinabi niya. What sundays?
He chuckled first before answering my question, and I find that very cute… Wait? Did I just say cute? Ugh, Sandra! Get into your senses! "What I'm trying to say is, I want you to save your sundays just for me."
"So you want a date with me?" Natatawa kong tanong.
"Not just one date, baby. Every sundays," all smile pa niyang sagot kaya sinimangutan ko siya.
"Stop smiling," iritable ko'ng utos sa kanya.
"Is that a yes? But don't worry, I don't take no for an answer," full of confidence pa siyang ngumiti sa akin.
"I don't date monkey," pang-aasar ko pa sa kanya.
"Good! Mas maganda 'yon. I don't want anyone to date you while you're still dating me," tugon niya. I really can't believe na hindi na ma-gets na siya ang tinutukoy ko. What a perfect epitomy of stupidness! "There are lots of monkeys around here.Infact, may isa nga sa pool area, e." Bulong pa niya.
"Idiot, I was referring to you." Retarded yata ang isang 'to, e.
"Talaga? Ang gwapo ko namang unggoy," sagot niya at nag-smirk pa sa akin.
"Asa!" Pambabara ko sa kanya.
"So, let's go?" Inalok pa niya ang kanyang kamay kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Para kay Casper!
"Fine! Just sundays. Then I can get my Casper back, right?" Paninigurado ko. Tumango naman siya bilang sagot. "Deal."
"Good! Tara na," aniya at sabay na kaming bumaba ng hagdanan. "Oh, before I forgot… give me the keys. I'll drive."
"Of course you will. Kaya nga driver ang kailangan ko, diba?" I answered sarcastically. "I don't want to get lost in the street," bulong ko pa.
"And I don't want to die, yet . Mapapatay mo ako sa bilis mo'ng mag-drive," bulong din niya.
"Hindi 'yon mabilis. Weak ka lang kasi," I teased him.
"Kasalanan ko ba'ng ikaw na nga yata ang weakness ko?" Kumindat pa siya bago umakbay sa akin.
"Tanggalin mo 'yang pagkaka-akbay mo at tigilan mo lang ako sa mga hirit mo na 'yan," pambabara ko sa kanya at inirapan pa siya. Huminto ako sa paglalakad dahil papaunta na kami sa swimming pool. "Ano ba'ng ginagawa mo?!" bulong ko pero nag-smirk lang siya sa akin.
"Guys, mag-date lang kami ng Baby ko, ha?" Paalam pa niya kina Lorenz. Kulang na lang mamulot ako ng mga panga nila sa lupa. Gago kasi itong si pula, kung anu-ano ang sinasabi.
"Asa ka naman!" Inis ko'ng bulong at siniko pa siya. s**t! Sobrang init ng pisngi ko!
"Wuy! Kinikilig si Big boss!" Mapang-asar na sigaw ni Echo.
"Manahimik ka d'yan, Echo. Baka sa impyerno ang diretso mo kapag hindi mo itinikom 'yan malaki mong bibig, " seryoso ko pang pagbabanta sa kanya. "Ano ba? Matutuloy ba o hindi? Naghihintay na sila Ella," nakasimangot ko pa'ng tanong kay epal.
"Okay, aalis na nga," sagot naman niya sa akin. "Bye, guys! See you later," paalam pa niya sa lahat.
"Okay! Enjoy your date!" The angels answered in unison.
"Tss," I rolled my eyes on them. "sige , ibugaw niyo pa ako sa manyak na 'to," bulong ko pa habang nakasimangot sa kanila bago sila talikuran. Narinigg ko lang ang malulutong at humahagalakpak nilang tawa. 'Tss! Nothing's funny, duh!'
"Maka-bugaw ka naman! Para naman akong Dirty old man," nakalabi pa na reklamo ni epal. Seriously, marunong palang mag-pout ang tuod na 'to. "O, baby ko… baka naman matunaw na ako sa malalagkit mo'ng pagtitig," nakangisi pa niyang bulong kaya't sinimangutan ko siya.
"My bad, iniisip ko kasi kung ano yung pamilyar sa mukha mo. Now, I know. Kamukha mo pala yung gorilla sa isang zoo sa California," asar ko sa kanya, "and stop calling me baby. It's so disgusting," inirapan ko pa siya.
"What? Ang gwapo ko'ng mukha may kamukhang gorilla sa California?" He asked in disbelief. "Wow! Ang gwapo namang unggoy 'non," sabi pa niya habang sumasakay sa motor.
'Oh, great! You gonna be kidding me!'
Naiiling akong sumakay sa motor niya, nagulat pa ako nang may iabot siyang helmet sa akin.
"Ano'ng gagawin ko d'yan?" Taas kilay ko pang tanong sa kanya, "Just in case you haven't noticed, I don't use helmets. Ikaw na lang gumamit,"
"It will be better if you will wear that," sagot naman niya habang nakangiti sa akin. "Sige na I want you to be safe."
"Bakit naman hindi ako magiging safe? I can handle myself," flat ko'ng sagot. Ngiti lang ang isinagot niyabago isuot pa rin sa akin ang helmet.
"Sakay na," utos niya kaya sumakay na rin ako. "Our destination, please?"
"Tss," umismid muna ako bago ipabasa sa kanya and location na binigay ni Ella. Hindi naman na siya sumagot at nag-umpisa nang mag-drive.
Hindu ko alam kung dahil sa pagod, o sadyang nakakantok lang talaga ang pagmamaneho niya. Idagdag pa na sobrang bango niya, talagang inaantok ako na naman ako. Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanyan beywang at ipinikit ang aking mga mata. 'I really want to sleep.'
**
JARED'S POV
NASA KALAGITNAAN na kami ng aming biyahe nang naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap ni Sandra sa beywang ko.
'Did she fall asleep, again?'
Tss! Napaka-antukin ng babaeng 'to. Pero ayos lang naman sa akin, e. I'm just worried that that she might fall but I must admit, I like it when she hugs me from my back.
"Sandra," bulong ko sa kanya, "You know, theres something in you that attracts my heart. What have you done to me?" I asked.
Alam ko namang hindi niya ako maririnig dahil for sure, nananaginip na siya sa mga oras na 'to. I just want to say those words to her.
After five minutes of driving, we arrived on our destination. I was about to wake her up nang magising siya ng kusa. "Ang bagal mong magdrive nakatulog tuloy ako," aniya habang hinuhubad ang helmet na ako mismo ang nagsuot sa kanya.
"Sinisi mo pa 'ko. Ikaw talaga, baby!" Sagot ko sa kanya. I just love calling her baby, but obviously, she hate it.
"Stop calling me 'baby'. Hindi mo ako baby," she rolled her eyes on me but I smiled to her.
"Well, for me, you are my baby."
"Quit smilling, mukha ka'ng tanga," iritable pa niya sagot.
" why so hard?" Nakasimangot ko'ng tanong sa kanya. Minsan na nga lang ako kung ngumiti, napag-sabihan pa ng mukhang tanga. Psh!
"Hard? Anong akala mo sa'kin?" Taas-kilay pa niyang tanong sa akin.
"Bakit hindi ba? You're cold and it seems that you have a heart made of stone," sagot ko sa kanya habang bumababa ng motor.
"Am I that bad, Jared?" Natigilan ako sandali dahil ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan ko. I looked at her and sadness filled her eyes.
I don't know what pushed me to hug her, but my instinct tells me that I need to make her feel safe.
"Oh, baby. It's never too late to change," bulong ko habang hinagod ang mahaba niyang buhok.
"Ano ba'ng drama 'to? May payakap-yakap ka pa'ng nalalaman, "bitiwan mo lang ako, manyak!" Seryoso niyang utos sa akin pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayap ko sa kanya.
"Guato mo din naman," sagot ko sa kanya.
"Kapal mo! Bitiwan mo na ako!" Nagpupumiglas pa siya pero hindi ko pa rin siya sinunod.
"Sandali lang, please?" Paki-usap ko pa sa kanya dahil alam ko namang kailangan niya 'to. Wala naman na siyang nagawa. 'Another point goes to Jared!'
Nagulat pa ako nang biglang may umubo sa likuran namin at sabay kaming napalingon ni Sandra sa tumikhim sa amin. Sila Ella At Gellang Bakla pala. Mga panira ng eksena, e. Psh!
Mabilis na kumalas naman na sa pagkakayakap ko si Sandra na halata sa mukha ang pagkapahiya.
"Ate, maraming magagandang sasakyan sa loob. I saw a red Ferrari. I think you'll like it," ani Ella habang nakatingin sa amin ni Sandra. She wasn't asking anything, but confusion is written all over her face.
"Ayoko ng pula. It reminds me of someone," nakangisi pa siyang tumingin sa akin. "Wala ba'ng purple?"
"Parang wala, Mama Sands," sagot naman ni bakla. "pero may nakita akong color violet na Lamborghini."
"Oh, good! I'll buy that. Let's go?" Pag-aaya pa niya sa amin kaya nag-umpisa na akong maglakad pero mabilis niya akong pinahinto. "Ikaw. Alis na," halos manlaki ang mga mata ko, pinapaalis niya ba 'ko? 'Aba't matindi! Ginawa nga lang akong driver!' "Hindi mo 'ko narinig? Bingi lang?" Nagtaas pa siya ng kilay kaya sinimangutan ko siya. "Aalis ka o hindi ako sasama sayo sa linggo? Can you please leave?" Lumabi ako bilang sagot tsaka naglakad palayo.
"Kung hindi lang talaga sa date, e." Mahina kong bulong. "Alis na nga ako!"
"Ay akala ko hihintayin mo," parang bata pa niya sagot sa akin.
"Ang alin?" Tanong ko naman.
"Na ipagtabuyan pa kita," aniya. 'Bakit? Hindi pa ba niya ako ipinagtatabuyan sa lagay na 'yan?'
"Oo na," sagot ko. "kiss ko?"
"Fist ko, wanna try?" Itinaas pa niya ang kanyang kamao kaya mabilis akong umiling. Para akong batang inagawan ng candy habang palayo sa kanya at pabalik sa motor ko.
Tinignan ko pa sila ulit at noong malapit na sila sa entrance, sumigaw ako, "Ba-bye, Baby ko!!"
"f**k you! Get lost!!" Malakas niyang sigaw kaya inihit ako ng kakatawa.
"I love you, too!!" Naiiling ko'ng sigaw at sumakay na sa motor ko. Makabalik na nga lang sa bahay nila Lorenz.
**
Sandra's POV
HINDI AKO mapakali habang hinihintay si Ella na nakikipag-transaction sa manager ng car show na pinuntahan namin. I'm really excited to ride that purple Lamborghini! "Ang tagal naman ni Ella," excited ko pang bulong.
"Seriously, Mama Sands? Para ka'ng bata s***h tanga sa ginagawa mo. "May patalon-talon ka pang nalalaman!" Tumigil ako sandali at tinapunan siya ng masamang tingin. Pasalamat nga siya't itong side ko ang ipinapakita ko sa kanya. Kabahan na siya kapag ipinamalas ko sa kanya ang masamang ugali ng isang Sandra Martin.
"Who cares? Huwag ka nga'ng epal!" I rolled my eyes on him, naalala ko na naman tuloy si epal este si Jared pala. "Oo nga pala, Gella. Ano ang totoo mo'ng pangalan? Hindi ka nagpasa ng resume. Kapal ng mukha mo, basta-basta ka na lang sumulpot."
"Kailangan pa ba 'non, Mama Sands?" Nakanguso niyang tanong.
"Of course! What do you think of my business? Cheap?" Inismiran ko pa siya.
"Okay, magpapasa ako bukas," tumango pa siya.
"Oh, ano nga real name mo?" Tanong ko ulit. Parang ayaw pa nga niyang sumagot noong una.
"Angelo Luis Santosagrado." Nakasimangot niyang bulong, as if sinusumpa niya talaga ang pangalan na 'yon.
"Nice name, a! Bagay sayo," pang-aasar ko pa sa kanya. "Alam mo, gwapo ka. It's really unbelievable na bakla ka. Why don't you try na magpakalalaki?" Suggest ko pa.
"E, bakit ang daldal mo ngayon?" Tumitirik pa ang kanyang mga mata habang sumasagot. Napaisip din ako, bakit nga kaya? Ano ba'ng nakain ko at ang daldal ko ngayon?
"Kung ayaw mo'ng sumagot, edi wag! Tss!" Inirapan ko pa siya. "Malay ko ba kung pinagloloko mo lang kami na bakla ka, o baka naman hindi ikaw yung pinsan ni Joan?"
"Ang daming sinabi, a? Ilang taon mo inipon 'yan Mama Sands?" Nakanguso ulit niyang tanong.
"Ewan ko sayo," sagot ko. Akma pa'ng sasagot pa si Gella nang lumapit sa amin si Ella at may pinapirmahan lang.
"Saan niyo gustong kumain?" Tanong ko sa kanila.
"Doon tayo sa JADE's Place, Mama Sands," suhestiyon pa ni Gella.
"Kay," tumango pa ako sa kanya.
Mayamaya lang, nakuha na namin ang purple Lamborghini ko. Sa wakas! I don't have to deal with Lorenz's rotten car.
"Ang saya lang ni Mama Sands, o?" Pang-aasar pa ni Gella sa akin kaya pinaikutan ko siya ng mata.
"Wag mo'ng basagin trip ko, Angelo. Baka bungo mo ang basagin ko," banta ko pa sa kanya.
"Owkeyaychatapna," he said while zipping his lips. 'Ano daw? Alien ata 'tong baklang ito, e.
I just rolled my eyes and waited for Ella. I'm so excited! I'll name my new care as Fame.
**
AFTER OUR dinner sa isang restaurant, nagpasya na kaming umuwi. Pero itong si Gella, kanina pa nangungulit.
"Mama Sands, sige na! Mag-joyride tay! Para ride testing na rin sa bago mong car," aniya habang kuntodo pagpapa-cute pa.
"Busy ako," tipid kong sagot.
"Dali na! Ipasyal mo muna si Ella," pagpupumilit pa niya. Ang kulit lang, idinamay pa si Ella.
"Hala! Dinamay pa ako," sagot naman sa kanya ni Ella. "kung gusto mo'ng gumala, gala ka mag-isa, isasabit mo pa ako!"
"Ito naman! Hindi man lang magbigay ng konting support!" Reklamo ni Gella kay Ella.
"Some other time, Gella." Sagot ko aa kanya, "I'm not in the mood and besides, we still have tons of works to do. Malapit na ang anniversary ng VSC," paliwanag ko pa.
"Thanks, Mama Sands! Asahan ko 'yan, a!" Nagdudumilat pa niyang sigaw habang pumapalakpak.
"No prob," sagot ko ulit. "umuwi na tayo," pag-aaya ko sa kanila.
Masyado ako'ng na pagod at stressed sa trabaho. Ilang taon na ako sa ganitong business, pero ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang stress. Ang hirap kasing mag-adjust ngayong nakabalik na ako.
Hindi ko alam kung ano ang dapat ko'ng gawin lalo na at nandito na rin ang Angels. I want to hug them but I can't. I don't belong with them anymore, because I'm Cassy. Kasama na nila si Lycka. She helped them reach their dreams. At kahit naman ano ang mangyari, I still hate them for everything they have done to me.
Lalo na si Lycka. Isa siya sa mga sumira ng masayang buhay ni Cassy. Siya at ang nanay niya. I hate to think na naging kaibigan ko siya, that I treat her as my own sister.
"Thanks sa ride Mama Sands!" Kumaway pa sa amin si Gella pagkababa niya. Hinatid muna namin si Bakla sa dormitory na tinutuluyan niya, "babye, Ellangge!"
"Stop calling me, Ellangge! Ang pangit kaya," nakanguso pa'ng bulong ni Ella. Pinaikutan ko lang sila ng mata. Naglandian pa!
"Cute kaya! Bagay sayo," pang-aasar pa ni bakla. Tss!
"Tama na yan, Gella. Shoo!" Pagtataboy ko kay Gella.
"Aso lang, gan'on?" Nakasimangot pa niyang tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"May reklamo ka?"
"Wala po! Arf! Arf!" He said mimicking the sound a dog can make. In fairness, bagay sa kanya!'
"Bagay sayo! Alis na kami!" I waved my hand before restarting the engine.
**
TAHIMIK LANG ang naging biyahe namin ni Ella pabalik sa mansion. Napagod din siguro siya. Nang makarating kami sa bahay sinalubong kaagad ako ni Lycka na halata namang may tama na ng espiritu ng alak.
"Bakit kayo lang? Nasaan si Red?" Maarte niyang tanong habang nakataas ang magkabilang kilay niya. 'Arte! Tss!'
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala akong panahon sa kanya. Tss!
"Kinakausap pa kita! Wag mo nga akong tinatalikuran!" Hinila pa niya ang braso ko na may pasa! Peste! Hindi niya ba alam na kanina pa along nanggigil kay Jared nang dahil sa mga pasang 'yan?!
"Ella, go ahead. Susunod lang ako sayo," sabi ko at hnintay na munang makalayo sa amin si Ella, "at ikaw naman, bitiwan mo lang ako," utos ko kay Lycka habang diretso lang na nakatingin sa kanyang mga mata.
"Nasaan si Red?!" Sigaw niya. Gaga pala 'to, e. 'Mukha ba akong nangongolekta ng krayola?'
"Baka nasa rainbow," malamig ko'ng tugon sa kanya.
"Sumagot ka nga nang maayos!!" Mas hinigpitan pa niya ang kanyang pagkakahawak sa braso ko at bumabaon na ang mga kuko niya doon kaya naman nag-akyatan lahat ng dugo ko papaunta sa ulo.
"f**k off, Lycka! Get your filty hands off of me!" Buong lakas ko pa'ng binawi ang braso ko bago siya titigan nang masama.
"Saan mo dinala si Red!?" Tanong ulit niya. Tss!
"Ano ba'ng pakialam mo? Mukha bang pusa yung Pula na 'yon para hindi makabalik dito?" Iritable kong tanong sa kanya, "And by the way, why are you so paranoid? Daig mo pa nanay, a!"
"I love Red," full of confidence niyang sagot. Tss! Ano namang pakialam ko? Hindi ko naman tinatanong.
"Talaga?" I smirked. Sinira na rin lang din naman niya ang gabi ko, pwes, sisirain ko rin ang sa kanya, "Yes, maybe you love him. Ang tanong, mahal ka rin ba?" She was about to answer but I cut her out, "Don't bother to give excuses. Alam ko na ang sagot. Piece of advice, wag ka'ng masyadong assuming," nakangisi ko pa rin na sagot sa kanya.
"You know me, Cassy. What I want, I get," mayabang pa niyang bulong. "stop flirting Red. He's mine!"
"Binili mo? May tatak mo?" Natatawa ko'ng pambabara sa kanya, "Tsk, Lycka… hindi kasi lahat ng bagay, makukuha ng pagiging ahas mo." Hinawi ko pa ang buhok, "Well, no doubt na magaling kang mang-agaw. May pagmamanahan ka naman, e. Another piece of advice, wag mo na akong pakitaan ng kalandian mo, nakakawalang-ganda. Toodles," sabi ko at tinalikuran na siya.
Kung inaakala niyang magpapatalo ako sa kanya, nagkalamali siya. They want me back, then I'll give the hell life they all wanted. Gagawa ako nang paraan just to get even.
**
JHAKE's POV
TAHIMIK LANG naming pinanuod si Lycka sa kanyang pag-iyak. I don't know what happened, okay naman siya kanina pero nang bumalik siya dito, ganyan na.
"Ang sama na talaga ni Cassy!" Aniya habang patuloy lang sa pag-iyak.
"Bakit? Ano ba kasing nangyari?" Tanong naman agad ni Renz habang hinahagod ang likuran ni Lycka.
"Tinanong ko lang naman kung nasaan si Red, e. Kung anu-ano na ang sinabi sa akin! Okay naman na tayo nung wala siya, e!"
"Ano ba'ng sinabi niya?" Si Alyson matapos siyang abutan ng tubig.
"Ahas daw ako! Malandi, man-aagaw! Pero wala naman akong inaagaw sa kanya, e. Tapos pati si Mommy dinadamay pa niya!"
"That doesn't sound like Cassy," bigla kong singit.
"Yes, but remember na hindi na siya ang dating Cassy, she's Sandra now. And you saw how different she is from the Cassy we all know," sabat naman ni Echo. Palibhasa naka-tikim na.
"Alam naman siguro natin yung reason niya, diba?" Makahulugang paalala ni Alyson habang nakatingin sa akin kaya't mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"What? Siya pa rin ba nag kakampihan niyo? Pati ba naman kayo?" Mas lalo lang siyang naiyak.
"Lycka, ikaw na muna sana ang bahalang umunawa kay Cassy," kalmado pang paki-usap sa kanya ni Renz. "Lycka, wag mo naman sanang gawing mahirap para sa amin 'to," nagpakawala pa siyang ng buntong hininga, "Please understand na tatlong taon kinimkim ni Cassy lahat ng sakit at sama ng loob niya, normal lang siguro na bigla na lang siyang mag-burst out at makapagbitiw ng mga masasamang salita."
"Normal?! Mga bulag ba kayo? She's not Cassy! Hindi na siya yung kaibigan niyo!" Sigaw niya bago nagmartsa palayo sa amin.
She's right. Hindi na nga si Cassy ang kasama namin ngayon. And I am so guilty. Isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nagbago, kung bakit siya nagka-ganito.
Ako ang dapat na sisihin sa bawat nangyayari sa kanya.
I caused her too much pain when all she did is to love me, wholeheartedly. Aam ko din naman na may iba pa siyang rason pero hindi 'non mababago ang katotohanan na isa ako sa mga nakasakit sa babaeng mahal ko.
Pero handa akong bumawi. I'll make sure to win her heart back and she'll be mine, again. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba, lalo na kay Jared.