CHAPTER 05

4501 Words
Sandra's POV Maaga kaming umalis ng VSC para makadaan pa sa mall. Ang ikinaiinis ko, public place naman ang mga department stores pero bakit parang ngayon lang nakakita ng maganda ang mga tao dito. Tss! Panay ang bulungan nila na naririnig din naman namin. Pero mas pinili ko na lang na 'wag silang pansinin, wala naman akong mapapala kung iintindihin ko pa sila, diba? Hindi ko lang napigilan ang sarili ko na matawa sa huli kong narinig. "Ang cute nung guy… kaya lang mukhang chickboy! Dalawa kaagad ang kadate!" Narinig ko pang sabi ng isang dalaga sa gilid, landi lang, e. "Chickboy ka daw." bulong ni Ella kay bakla. "Chickboy naman talaga ako, a!" Sagot naman ni Gella at nag boses lalaki pa! Sa totoo lang, wala sa dating nito na bakla siya. Malaki ang pangangatawan nito, gwapo din at maayos manamit. Bakla ba talaga to? "Pwede sa chicks, pwede sa boy!" Dagdag pa niya bago tumawa nang malakas. Halos maibuga ko naman ang iniinom kong tubig sa sinabi niya. "Ang inggay!" Basag ko sa pagtawa niya at tinapunan pa siya ng masamang tingin. Agad naman siyang nanahimik at nagtago pa sa likuran ni Ella. Dapat lang! "Gawin na nga lang natin kung ano yung ipinunta natin dito." Sabi ko pa bago sila iwanan. Binili ko na lang kaagad ang mga kailangan ko pati na rin yung para kay Lorenz. Akala niya yata porket kapatid ko siya, makakaligtas siya sa akin, e. Nasa sasakyan na kami at ihahatid si Gella sa sinasabi nyang Boarding house daw na tinutuluyan niya nang muling nag-ingay si bakla, natakot yata sa akin, e. Hindi ko alam kung ano yung kinakanta niya, basta tagalog. Okay lang naman sana kung maganda ang boses niya pero hindi, e. Si Ella nga nakatakip na sa tainga niya and I cant blame her dahil makabasag eardrums ang ginagawang pagkanta ni Gella! "Sino ang pipiliin ko! Ikaw ba na pangarap ko, o siya bang kumakatok sa puso ko a---" "f**k, Gella!" Putol ko sa pagkanta niya, "Sing one more f*****g word, then you'll be on the headlines by tomorrow!" Gigil kong banta sa kanya. "Hala bakit, Mama Sands? Papasikatin mo ako? Ipo-post mo sa sss ang video na kamakanta ako?" Amazed na amazed niyang tanong. "No." Matipid kong sagot. "E, bakit?" "Because I will kill you before you sing another damn word, if singing is what you call that damn annoying thing." I answered him coldly before he gulped two times. Nag-kunwari pa siyang nag-zipper ng kanyang bibig. "That's better." Bulong ko pa. ** Nang maibaba namin sa tapat ng dorm niya ay naging amooth lang ang biyahe namin pabalik sa bahay nang biglang na-flat ang gulong ng kotse. Mabuti na lang at naging maagap ako, kung hindi baka naaksidente pa kami. "s**t!" Sigaw ko bago bumaba ng sasakyan to check the car. Damn this Car! Bakit ngayon pa nasira? Wala akong alam sa pag aayos ng kotse, ano nang gagawin ko dito? "s**t! s**t! s**t!!" I cussed while kicking the flat tire. "Bwisit na kotse ka!!" Gigil ko pang sigaw. "A-ate, 'wag mo na pong sipain. You'll hurting yourself." Awat sa akin ni Ella kaya tumigil ako. "Do you know how to change tires?" tanong ko sa kanya pero agad siya umiling bilang sagot. "Okay, let's try to fix this, mukhang madali lang naman 'to." I guess it's better to try to fix this than do nothing, right? But I swear, bibili na ako ng sarili kong kotse! After several times of trying… I gave up! f**k, ang hirap pala nito! Kung may number lang talaga ako ni Lorenz I won't stress myself with this f*****g thing! "Ella, get inside the car." Utos ko sa kanya dahil papadilim na at medyo malamok na dito sa labas. Noong una, ayaw pa niyang pumasok pero tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya sumunod na rin siya sa gusto ko. Kung sa bawat mura na sinasabi ko ay umaayos ang gulong na 'to, kanina pa siguro kami naka-uwi. Bakit ba kasi minamalas ako? Badtrip na badtrip na ako lintik na gulong na 'to, mamamaya ipapakain ko talaga kay Lorenz itong bulok niyang sasakyan. "Excuse me?" Natigil ako sa pagbububod nangay magsalita sa aking likuran. "Need help?" "Ano sa tingin mo?" Sarcastic kong tanong nang bago tinitignan yung nagsalita. Hello? Hindi pa ba obvious? "Okay." Sagot nito at tumalikod na, akma siyang sasakay na sa motor niya kaya mabilis akong napatayo. "Wait!" Awat ko dito. "Yes, I need help." Bulong ko, wala naman akong choice kung hindi humingi ng tulong sa kanya, it's getting darker here at nagugutom na ako. "Do you know how to change tires?" Humarap ulit siya sa akin pero hindi ko makita yung mukha niya dahil may suot siyang helmet. "Oo," sagot niya, "bakit ? " I rolled my eyes dahil may pagka-retarded siya. "Can you help me with this?" bulong ko at bahagya ko pang sinipa yung gulong. "Depende." Napakunot ako ng noo sa sagot niya. "Depende saan?" Naguguluhan kong tanong. "If you smile and say please, then it will be my pleasure to help." Sagot nito habang nakasandal sa motor niya. Okay, Sandra. You really need help right now. Huminga muna ako nang malalim, "Please?" "Sweeter, please?" I rolled my eyes on him, ang lakas lang ng trip "Kay. Please?" sabi ko ulit at pinaarte ko pa ang pagkakasabi ko ng please. "Pwede na nga 'yan." Anito bago kuhanin sa kamay ko ang tools na hindi ko alam kung para saan. Halos wala pang limang minuto, natapos na kaagad niya ang pagpapalit ng gulong. "Done!" "Kay!" Sabi ko at akmang papasok na sa loob ng kotse pero mabilis niyang iniharang ang kanyang kamay. "Hep, anong dapat sabihin kapag tinulungan ka ng ibang tao?" "What?" I rolled my eyes to him bago muling magsalita, "Mr. Helmet Guy…" Hindi pa rin kasi nya hinuhubad ung helmet niya kaya iyon na ang itinawag ko sa kanya. "… what do you need? I mean, how much do I owe you for your service?" "I helped you, don't you think you should at least thank me?" Kumunot ang noo ko bago siya paikutan ng mata. "Kay, thanks." I said flatly. "Wala bang galing sa puso?" Reklamo pa niya. "Ugh, fine. Thank you, Mr. Helmet Guy!" Pinasigla ko pa kunwari yung boses ko at nag smile pa sa kanya para matapos na. Then he chuckled that gives me a strange feeling, so strange that I don't know why it feels strange. "You look cute when you smile…" Bulong niya kaya inalis ko ang pagkakangiti ko sa kanya. "Tse!" Sabi ko pa at pumasok na sa loob ng sasakyan na mabilis kong pinaandar pero sinilip ko pa siya kaya biglang kumabog ang dibdib ko nang makitang nadoon pa rin siya at kumaway pa sa akin habang hinahatid ng tanaw ang umaandar na sasakyan. Sino kaya 'yon? ** Nang makarating kami sa bahay, kaagad akong sinalubong ni Lorenz ng sermon kung bakit late na kaming nakauwi pero hindi ko na siyang pinansin. Pagod at gutom ako. Idagdag pa na kanina pa ako nanlalagkit dahil sa dami ng alikabok na nakuha ko sa pag-aayos ng kotse niyang bulok. And another thing, hindi pa ako nakakabawi sa kanya after calling me Cassy brute… brute my ass! Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama ko at ipinikit ang aking mga mata. You look cute when you smile.. "Aish!!" Ginulo ko pa ang buhok ko dahil kusang umalingawngaw ang boses nung lalaking tumulong sa akin kanina. "Ate, ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ni Ella. "Yeah, why?" "You look so red. May nangyari ba?" Huh? Ako namumula? Bakit? I rolled my eyes, why would my face turn to red? Psh! Tumayo na ako atvpumasok sa cr para maligo. Ang dumi ko kaya, puro ako alikabok! After kong maligo, hindi ko na naabutan si Ella sa loob ng kwarto, marahil ay nasa ibaba na ito para sa hapunan kaya bumaba na rin ako. "Where's Ella?" Tanong ko sa mga tao sa dining room. "She recieved a phone call," sagot ni Lorenz na abalang-abala sa cellphone nya. Naupo na ako sa pwesto ko bago tignan ang magaling kong kapatid, may puting benda parin siya sa ulo pero I don't feel pity him, sabi nga niya, Cassy brute, diba? "Lorenz," I called him using Cassy's sweet voice then he looked at me. "Can you do me a favor?" "What is it?" "Can you get my cellphone sa room ko? Naiwanan ko kasi." Nagpa-cute pa ako sa kanya. "Sure, basta ikaw!" sabi niya at tumayo na. Psh, uto-uto din, e. Nang naka-talikod na siya, kinuha ko yung binili ko kanina sa mall and I placed it in his plate na nakataob pa, wala namang nakakita kaya napangiti ako pero kaagad iyong nawala nang magkasabay na bumalik sina Ella at Lorenz kayainaasan ko sila ng kilay. "Hey, chill! Nagkasabay lang kami. Ayoko na ng bukol, no!" Depensa pa niya habang nakanguso. "O, phone mo!" Sabi pa niya bago iabot sa akin ang phone ko. Nakangiti namang naupo sa tabi ko si Ella at akmang magpapaliwanag but I stopped her. Mayamaya pa'y naghain na ng dinner ang mga kasambahay. "s**t! Dad!! Manang!!" Sigaw ni Lorenz kaya lihim akong napangiti. "Putcha naman, alisin niyo 'yan!!" Itinulak pa niya palayo ang pinggan niya. "Bakit may ganyan pinggan ko?!!" Nilagyan ko kasi ng fake tiny frogs ang plate niya and nowing Lorenz, he'll be forever inhate with those frog. I smirked as a sign of victory. But I'm not done yet Lorenz… "Hey, Lorenz. What's with those frogs? Those are fake, para ka namang bakla!" I mocked him. "Damn?! Cassy… did you - don't tell me…" "Oh, yeah." Tumayo pa ako, "I'll tell you, I did that." I smirked, "Surprise!" "You… you're imposible, Cassy?!" He shouted with disgust. "What? Are you mad?" Painosente ko pang tanong. "Enough!!" Sigaw ng magaling kong ama, Tss! "Tsk, wait, don't stop me, I'm just starting! Such a f*****g kill joy old man!" Natatawa kong sagot. Si Lorenz, ayon nakayuko lang. Nakakuyom ang kamao niya and I can sense that he is really pissed, which is exactly what I wanted to happen. "Cassy!" Awat sa akin ni Lola Stacy. "What? Totoo naman, a." Natatawa kong sagot. "My God, all I want here is to prove to my dear twin, how brute I can be, but this old man i---" "STOP IT, CASSY! ANO BANG PROBLEMA MO!? WHAT'S WRONG WITH YOU?! " Lorenz shouted on my face. "Marami, gusto mo ba na isa-isahin mo sayo?" I asked him flatly. "THIS IS TOO MUCH CASSY! MATATANGGAP KO ANG p*******t MO SA AKIN PERO ANG BASTUSIN MO TATAY NATIN, IBA NA YAN!" Gigil niyang sigaw sa akin but I just gave him a cold look. "If you cant give the respect that our father deserves, maybe its time for you to-- " "To what? To go? Oh! How I love the Idea, Lorenz!" Tumaas na rin ang boses ko. "You know that I hate being here and if it's not because of that f*****g contract, I shouldn't be here." I said still having this poker face. "So, since sayo na rin naman nanggaling, bida? I'll leave you all here, then I'll return myself to Hell." Tinalikuran ko na sila pero natigilan ako nang makita ko si Ella na tila nasa state of shock pa. "Ella, pack your things and book a flight first thing in the morning. Uuwi na tayo." "But this is your home Cassy." mahinahon na sabi ng tatay ko. "Ito ang bahay mo at hindi ka aalis ng bahay na 'to. At kung kinakailangan kong ipitin ka gamit ang kontrata, gagawin ko." I looked at him with a blank face, "I will never let you leave again." He sincerely said. "Oh, really?" Sagot ko bago pumanhik sa kwarto. Ugh, I hate him! Padabog ko pang isinara ang pintuan bago nag-martsa sa loob ng aking silid. I need to refresh myself. Nagbihis muna ako bago kunin ang susi ni Casper. Pagbaba ko, lahat sila ay nasa sala at nakatingin sa akin pero nilagpasan ko lang silang lahat. "Where do you think you're going?" Nakasimangot na tanong ni Lorenz sa akin habang nakamata lang sa amin sina Ella. "None of your business." I said at lumabas na pumunta sa garahe. I smiled when I saw him .. Casper .. oh ! I really missed you !! Agad akong tumakbo sa kinalalagyan ng motor ko na tinatawag kong bilang Casper. Casper was a gift from my Lolo Jorge, asawa ni Lola Stacy. He gave me his favorite motorcycle before he died. "Casper…" Naibulong ko sa hangin. Mabilis kong inilabas ang motor ko sa garahe pero nakaabang na pala si Lorenz sa akin. "What?" Nang-uuyam ko pang tanong bago siya taasan ng kilay. "You're not going to use Casper tonight, Cassy. Gabi na." "Give me a break bago ko maisipan na baliin 'yang leeg mo." Banta ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Cassy, mali yung ginawa mo kanina." Bulong niya. "I know." "Then bakit mo ginawa?" "Dahil gusto ko." "What? Cassy, this is not you! You're not my sister. Who are you?!" Frustrated niyang tanong habang ginugulo yung buhok nya. "I'm Sandra… Sandra Martin." I flatly said. "Punyeta naman talaga, oh!" Sigaw niya sa akin. "Ano ba talagang problema mo??" I rolled my eyes, he's just wasting my time. "Cassy, hindi ka pwedeng umalis." "Aalis ako kung kailan ko gusto." Sagot ko bago paandarin si Casper. I need a break, badly. A few glasses of beer would be enough, I think. I decided na pumunta sa unang bar na nakita ko dahil ayoko na rin namang lumayo pa. It's late and I'm out to have some drinks, ayoko namang mahirapan pa ako sa pag-uwi mamaya. Nang matantiya kong medyo may tama na ako, tumigil na ako at plano nang umuwi nang may biglang humarang sa akin at pilit akong hinila sa gitna ng dance floor. "Hey, sayaw muna tayo." Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Bitiw." Matipid 'kong utos sa kanya. Tinitigan niya lang ako kaya't nagtagisan kami ng tingin pero dahil na rin sa nakainom na ako bahagya akong napapapikit sa hilo. "Bibitiwan mo ako o bibitiw ka sa buhay mo?" "Woah! Matapang ka pala, I like that!" Sabi nito habang naka-ngisi pa. Tss, another jerk. "Let me go then I'll let you live." "Not yet sexy." Bulong niya sa tainga ko na nagpakilabot sa akin, yuck! Itinulak ko siya palayo sa akin pero ang higpit ng hawak nya sa akin. "Bitiwan mo 'ko sabi, e!" Sabi ko sabay suntok sa kanya, malakas yun pero hindi sapat para mabitiwan niya ako. "Ang tapang talaga!" Natatawa pa niyang sagot sa akin. "Of course she is. Greg, bitiwan mo s'ya." Tinignan ko yung lalaking humawak sa kamay ng mokong na 'to. "What? Bakit? Kilala mo ba 'to?" "Yes," "Tss!" Ismid ko nang bitiwan ako ng manyak na 'to. Tinuhod ko si manyak sa ano niya kaya namalipit naman siya sa sakit. "Serves you right!" Sigaw ko pa at pagewang-gewang na lumabas ng bar. "Hey, Cassy…" "I'm not Cassy." "Fine. Sandra, what are you doing here? You're not supposed to be out here by this time. Naasan ba si Renz?" "In hell." sarcasric kong sagot . "What?" Naguguluhan niyang tanong. "Quit caring! Ano ba'ng pakielam mo? Tss!" Sabi ko at tinalikuran na siya. "Sandra, please… hindi mo pa ba ako napapatawad?" Malungkot niyang tanong. Humarap ulit ako sa kanya. "Tawad? Bakit? Palengke ba ako para tawaran mo?" "Cassy, please… 'wag mo namang gawin 'to. I'm sorry about wha--" "Bullshit na sorry 'yan! Tigilan mo nga ako! You don't have any care kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko!" Sigaw ko sa kanya. "No! You're wrong," sagot niya "because I care, I always do." Seryoso pa niyang sabi. Hindi ko sya pinansin at tumalikod na lang ulit sa kanya. "Cassy… I'm really sorry. I know hindi sapat ang salitang sorry para mapatawad mo ako, pero Cassy, I swear! Pinagsisisihan ko na yung nagawa ko sayo dati. Cassy, please give me another chance. Lets fix this, I know we can still work it out. I know because I still love you, Cassy." Parang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya kaya hinarap ko siya at buong lakas na sinampal. "Love your face! Wala nang magagawa 'yan dito, sira na 'to!" sagot ko habang tinuturo yung puso ko. "Matagal na 'tong sira, at gusto ko'ng tandaan mo na isa ka mga may kasalanan kung bakit nagkaganito ako." Sumbat ko sa kanya. "Pinagsisisihan kong minahal kita, Jhake. You made me believe that you love me, and I hate you for doing that." Tinalikuran ko na ulit siya pero this time, sumakay na ako kay Casper. I hate dramas! Pinaharurot ko si Casper para lang makalayo na ako sa lugar 'yon. I can't risk na makita niya akong umiiyak pa nang dahil sa kanya… I really can't. After a long time, ngayon na lang ulit ako umiyak nang dahil sa kanya, infact, ngayon na lang ulit ako umiyak. Dahil na rin sa mga luha ko, hindi na ako makapagfocus sa pagmamaneho ko. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tainga ko ang lahat ng mga sinabi ni Jhake. At kaysa naman maaksidente pa ako nang dahil sa punyetang kadramahan ko, huminto mun ako sa may park para maikondisyon ko'ng muli ang aking sarili. Akala ko wala na yung sakit… akala ko tapos na akong masaktan nang dahil sa kanya… but I was wrong. FLASHBACK Halos mapuno ang bahay namin ng mga taong nais makiramay sa pagkawala ni mommy kaya napag-desisyonan kong umiwas muna sa mata ng lahat. Bitbit ang isang cup ng ice cream, tahimik akong umiyak. Ayokong makita nila papa at Lorenz na pinanghihinaan na ako ng loob. Sa harap ng lahat, ipinapakita kong ayos lang ako… pero ang totoo, gusto ko nang sumuko. Hinayaan ko lang ang aking sarili na ilabas ang mga sama ng loob ko nangay bigla akong narinig na nagsalita. Nasa madilim na bahagi ako ng garden kung kaya't hindi nito marahil napansin na may tao dito. "Oo nga, sasabihin ko naman sa kanya, e." Natigilan ako dahil kilala ko ang boses na iyon, it was Jhake. "Wag lang sana ngayon, her mom just died." Huh? Anong sasabihin niya sa akin? "NO! 'wag ka nang makialam. Ako na ang bahala. Hahanap lang ako ng bwelo… Oo. Promise… I love you." "Jhake? S-sinong kausap mo?" Tanong ko. Para siyang na-estatwa nang makita niya ako. "Kanina ka pa?" Nag-aalala niyang tanong. "Oo." Tumango pa ako bago lumapit sa kanya. "Sino yung kausap mo? Tiyaka, ano yung sasabihin mo sa'kin?" Mahinahon kong tanong sa kanya "I'm sorry Cassy…" bulong niya habang nakayuko. "Bakit ka nagso-sorry? May nagawa ka ba'ng kasalanan sakin?" Nalilito kong tanong. "I'm sorry, pero may iba na ako." Nabigla ako sa sinabi niya kaya sinubukan kong matawa, baka naman nagjo-joke lang siya. "Comedy ka naman, Jhake!" Natatawa kong sagot pero bumagsak bigla ang luha ko, maybe because I wasn't that stupid para hindi maintindihan ang sinabi niys. "Sus! Huwag ganyan, Jhake. Hindi naman nakakatawa yung joke mo, e. Nakakasakit…" "Seryoso ako, may iba na akong mahal." aniya. "Alam kong hindi ngayon ang tamang timing to tell you this but I'm breaking up with you, Cassy--" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil kusang lumapat ang palad ko sa kanyang pisngi. "Gago ka ba?! Hindi nga sabi nakakatawa, e!" "Cassy, hindi ako nagbibiro…" Nakayuko pa rin niyang sagot. Naikuyom ko ang aking palad at pilit na kinalma ang aking sarili. "Ah… ganoon ba?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang aking luha. "Bakit, Jhake? Sabihin mo sa'kin? May mali ba sa'kin? May kulang ba? Sabihin mo sa'kin, Jhake… anong nangyari sa'tin?" "Wala na kasi yung spark, e." "Spark? Ano tayo? Poste ng kuryente at hinahanapan mo ako ng spark?!" Gigil kong tanong sa kanya. "I'm really sorry." Sabi pa niya bago ako talikuran, literally and figuratively. No Jhake, if you really feel sorry you won't leave me for the first place.. END OF FLASHBACK "Okay ka lang?" "Ay kabayo ka'ng tatsulok!" Malakas kong sigaw sa gulat at nalaglag pa ako sa swing. "Ouch." Daing ko pa habang sapo ang pwet ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin nang dahil sa ginawa niyang panggugulat sa akin. But he only giggled as a response. "Wanna die?" "Una sa lahat, hindi ako kabayo. Pangalawa, walang tatsulok na kabayo." Natatawa pa niyang sagot kaya inaninaw ko siya. Teka, kilala ko 'to, a! "Tss," ismid ko bago tumayo at naupo nang maayos sa swing. Umupo naman siya sa katabi ko'ng swing at feeling close pa na nakipag-usap sa akin. "So, bakit ka umiiyak?" Tanong niya. "Paki mo ba?" Pagtataray ko na sinamahan ko pa ng pag-irap sa kanya. "E, bakit ang taray mo?" "Wala ka na dun!" "Natural kasi nandito ako, wala talaga ako dun." Nakasmirk pa niyang sagot. Ewan ko ba kung dahil lang ba sa lasing ako o dahil madilim lang pero bakit ang gwapo niya ata ngayon? Parang hindi naman ganito ang itsura niya kanina. "Huwag mo naman akong pagpantasyahan!" Nakangiti pa niyang tinakpan ang kanyang mukha, which I find very cute. s**t! "A-asa!" Nauutal ko pang sagit sa kanya bago ibaling ang aking mata sa ibang direksyon. "E, bakit ka namumula?" Nang-aasar pa niyang tanong sa akin. "Wala!!" Sigaw ko pa nang hindi tumitingin sa kanya. "You also look cute when you blushed." Bulong niya kaya agad akong napatingin sa kanya. "Ano'ng sabi mo?" "Wala! Teka…" sabi niya at inamoy-amoy pa ako. "A-ano b-ba! Lumaayo ka nga! Manyak ka!" Sabi ko habang inilalayo ang ulo niya sa leeg ko. Ang bango niya… "Amoy alak ka! Hala lasing ka!" Sabi niya na nanlakaki pa ang mga mata. Ang cute! "Hindi ako lasing, nakainom lang ako." Depensa ko sa aking sarili kahit aminado naman na akong medyo may tama na ako. "Okay ! So, paano ka napunta dito? Don't tell me, naglakad ka lang?" "Idiot! Bakit ako mag lalakad? Marami akong pera." "E, paano nga?" "I'm with my Casper." Sagot ko at nginuso pa si Casper na nakaparada sa gilid. "Alin? Yung flat na motor na 'yon?" "Oo 'yon na -- what?!" Napatayo ako sa sinabi niya, "Did you just say FLAT?" "Oo. Ayon, o!" Napatakbo ako kay Casper. "s**t! My Casper, what happened to you?!" "Tsk, tsk, tsk! Paano ka ngayon uuwi?" Nakahalukipkip pa niyang tanong, which made me think. Paano nga ba? Hindi ko naman pwedeng iwanan dito si Casper. "Aakayin ko na lang." Sagot ko pero umiling lang siya sa akin. "Iwanan mo muna iyang si Casper. Akalain mo, sa'yo pala yang motor na palaging nililinis ni Tito Benedict." Aniya habang nalangiti sa akin. "Excuse me?" baling ko sa kanya, "nililinis kamo ng matandang hukluban si Casper?" "Yes, all the time. But, for now iwanan mo muna dito si Casper." "No way! Hindi ko iiwananan si Casper dito." "What's your plan then?" "Aayusin ko siguro," bulong ko. "Psh, aayusin mo? E, hindi ka nga marunong magpalit ng gulong." "Huh?" Nagtataka ko pa siyang tinignan mula hanggang paa. Wait a second… May suot siyang black leather jacket… And his voice! Oo nga, siya yung lalaki kanina! "Stop drooling, lady." nakasmirk niyang sabi. "Yuck! I'm not drooling." Pinaikutan ko siya ng mata. "Tara na, ihahatid kita." "Hindi ko nga pwedeng iwanan si Casper dito!" madiin kong sagot sa kanya. "Okay. Tara, may malapit na talyer dito." Pag-aaya niya. "Samahan na kita." Nakangiti pa niyang inalok ang kanyang kamay. "Fine!" Sagot ko pero hindi ko tinanggap ang kanyang kamaya, hindi ako bulag para alalayan ba niya. Inakay ko na si Casper at pinuntahan naman niya yung motor. "Malayo pa ba? Inaantok na ako, e." Pagrereklamo ko pa. "Malapit na, ayon, o!" Ngumuso pa siya kaya sinundan ko yung tinuturo niya. "A, 'kay." Tumango pa ako. ** "What!? No!" Sigaw ko. Gusto lasi nung mekaniko na iwanan ko raw muna dito si Casper, but no way! "Tsk! Sige, iiwanan na muna namin." Sagot nung kumag bago ako balingan. "Hoy! Uuwi na tayo!" Sabi pa niya sa akin. "Ayoko ngang iwanannsi Casper ko!" Pag-mamaktol ko pa. "Tara na nga kasi!" "Hindi nga pwe--" "Isa pang salita mo hahalikan kita!" "Wha-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Tss! Baka mahalikan pa ako ng Psh na 'to! "Good! Tara na, sakay na." Sabi pa niya habang hinihila ako papunta sa motor nya. "It's getting late, ihahatid na kita. For sure nag-aalala na sayo sila Renz." "Tss, asa naman ako." Mahina kong bulong bago sumakay sa motor niya. "I'm sleepy." "Hoy! Bawal matulog, baka malaglag ka." Sagot niya pero hindi ko na siya pinansin at mas hinigpitan lang ang pagkakayakap sa kanyang beywang. Nakaka-adik yung bango niya… ** Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. f**k? Paano nga ba ako naka-uwi? It wasn't really clear. Basta ang alam ko, naihatid naman ako nang maayos ni Jared. Bumaba na ako para kumain ng almusal. Nagugutom na ako, Ibjust realized that I haven't eaten anything since last night. "Hoy, babae! Anong nangyari sayo kagabi?!" Bulyaw sa akin ni Lorenz. Ang ingay! Tss! "At bakit kayo magkasa ni-" "Punyeta! Ang aga-aga, ang ingay mo na! Wala ka'ng pakielam kung saan ako galing at kung ano ang ginawa ko!" Sigaw ko sa kanya na nakapag-urong ng dila niya. "Good morning, guys!!" Napatakip ako sa aking tainga bago siya batukan ng malakas. "Isa ka pa, ang ingay mo. Tss!" Inis ko pang sabi. "Anong kailangan niyo?" Tanong ko pa sa kanila. "Wala naman, susunduin lang namin si Renz!" Kumindat pa siya sa akin kaya pinaikutan ko siya ng mata. "May depekto ka ba sa mata, ha?" "Wala naman." "'Kay. Lumayas na kayong lahat. Isama niyo na si Lorenz, maaga pa para masira niyo ang araw ko." "Psh, sungit." Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Akala niya yata close kami dahil sa nangyari kahapon. "Whatever, epal." "Walang utang na loob." Bulong niya pero sadya namang ipinarinig niya sa akin. "Magkano ba?" Inirapan ko pa siya, "Name your price." "Well," sabi niya habang nakapamulsa pa. "Casper is enough." "Wanna die?" Iritable kong tanong sa kanya. "Of course not," nakangisi pa niyang sagot kaya nakaramdam na ako ng pagka-pikon. "Whatever, nasaan si Casper?" cold kong tanong sa kanya. "Secret." Muli ko siyang tinignan nang masama. "Sasabihin ko kung nasaan si Casper, in one condition." Napakunot ako ng noo. Halata naman sa mukha ng members ng GreatSurvival ang pagtataka kung bakit kami nag-uusap ng ganito ni Psh. "What condition?" I asked. I would anything, regalo sa akin ni lolo Jorg si Casper. He's so valuable. Tinitigan ko siya nang mabuti habang nag-iisip, biglang nagliwanag ang kanyang mukha at parang bigla akong nakaramdam ng kaba. "Be my slave." Sabi pa niya habang nakangisi. Nalaglag yata ang panga ko. Did he just say SLAVE? No f*****g way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD