Ella's POV
"Wuy, EllaGanda!" Para akong kinilig sa itinawag niya sa akin. "Kwentuhan mo naman ako, dali!!" Napaka-hyper pa niyang inilapit amg kanyang mukha sa akin.
"Ano bang gusto mong ikwento ko sayo." tanong ko naman sa kanya. Sandali siyang nag-isip bago sumagot.
"About kay MamaSandss!" Pumalakpak pa siya, "nakaka-intimidate naman kasi masyado ang aura nya, parang ang daming secrets!" Naghalukipkip pa siya kaya natawa ako.
"Wala din akong masyadong alam eh," nakangiti ko paring sagot sa kanya which is totoo naman, I only work for her maybe for a month?
"Huh? Anong klase kapatid ka?!" Niyakap pa niya ang kanyang sarili at nagkunwaring naiiyak.
"E? Hindi naman talaga kasi kami magkapatid, e. I'm her personal secretary pero , 'yon nga she introduced as her sister." Paliwanag ko.
"Ay bongga! Sana ako din!" aniya habang pumapalakpak pa.
"Sira!" sabi ko sa kanya at kumain na ulit. Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain ng lunch, mostly ang nakakasabay naming kumain dito ngayon ay mga personal assistant ng mga artista, sayang nga at wala manlang kaming matiyempuhan na artista.
"Kyaaa!!" biglang tili ni Gella kaya napatakip naman ako sa tenga ko. "Ay, sorry! Ang gwapo kasi ni Papa Renz, o!" Parang kinikilig pa niyang bulong sa akin. Nilingon ko yung tinutukoy niya, ah… si sir Lorenz pala.
"Uy! Si pala si princess Ella, e." Amazed na amazed na sabi ni Lorenz habang papalapit sa amin. Nako, mabuti na lang at wala dito si Ate Sandra, baka magalit na naman ito. Isa-isa silang lumapit sa amin, teka… parang kulang sila. Ah! Wala yung masungit na nakainitan ni ate Sandra kanina. "Uy Princess Ella, asan si Cassy brute?"
"Grabe ka naman sa Cassy brute! Mabait naman si Ate, e." Pagtatanggol ko sa side ni ate
"Ang brutal, e." Nakapout pa niyang sagot. "Hindi mo manlang ako pinagtanggol kanina!" anito at tumabi pa sa akin. Nako, lagot talaga ako kay ate! Bahagya akong dumistansya sa kanya kaya mas napalapit ako kay Gella.
"Hi, mga papa!" Sabi ni Gella, sa totoo lang, gwapo siya at hindi rin mukhang bakla, cute kaya siya. Sayang nga, e! Crush ko pa naman siya, mas gwapo din siya kaysa kay Lorenz at sa mga bandmates nito. Yung porma niya kasi hindi yung pormang bakla, panlalaki yung mga sinusuot niya maging ang kanyang hairstyle.
"Layo!" Sigaw ni Lorenz na itinulak pa si Gella.
"Gella, okay ka lang?" Baling ko kay Gella na halos masubsob sa lapag. Bakit ang hard nila?
"OMG! Hinawakan ako ni papa Renz!!" Kinikilig pa niyang sigaw. Wala… malala na 'to. Nasapo ko na lang ang aking noo.
"Tara na Gella," hinawakan ko pa siya sa braso at inayang umalis na.
"Bakit? Saan tayo pupunta?" Sagot niya na nakatingin pa rin kay Lorenz.
"Babalik na tayo sa taas, hindi pa kumakain si ate." Sagot ko naman sa kanya. Hindi rin kasi nakakain nang maayos si Ate kanina sa bahay.
"Mamaya na!" anito at inalis pa ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Oo nga naman, kwentuhan muna tayo!" sabi nung Jack habang kumakain ng lollipop.
"Hindi na!" Mabilis kong sagot. "Marami pa akong gagawin, e. Si Gella na lang, maraming kwento 'yan, apo sa tuhod ni Lola Basyang yan. Sige, una na ako!" Mabilis pa akong tumayo at iniwanan sila. Bumili muna ako ng pagkain ni ate Sandra bago bumalik sa production room.
"Wuy! Ella Ganda, wait mo ako!" Tumatakbo pa niyang tawag sa akin. "Ayoko na 'don!" Lumabi pa siya sa akin.
"Bakit naman?" Tanong ko. "Kanina gustong-gusto mo 'don, e."
"May death threat ako doon, e." Lumingkis pa siya sa akin, "Bakit sayo ang sweet nila?"
"Ewan, tara na nga!" Sabi ko at kinawit ko yung kamay ko sa braso nya. Landi ko lang!
Habang nasa daan kami, panay ang pagbibiro ni Gella at hindi man lang niya inaalis ang kamay ko sa kanyang braso kaya ang lola niyo sobrang kinililig! Nang makabalik naman kami production room, natutulog pa rin si Ate. Napangiti ako dahil ang ganda niya habang nahihimbing sa pagtulog. Para siyang isang anghel sa lupa!
"Ang ganda…" Naibulong ko.
"Oo nga, para s'yang dyosa sa ganda." Seryosong bulong ni Gella. Ang laki ng boses niya na parang lalaking-lalaki siya kaya napatingin ako bigla sa kanya. "Inggit ako!!" Muli akong napasapo sa aking noo, akala ko naman, naging lalaki na siya.
"Ingay." Para akong nakaramdam ng kaba dahil baka magalit siya sa amin. "Kanina pa kayo?" Umiling ako bilang sagot.
"Kakabalik lang po," sagot ko. "May dala po kaming food, kain ka muna." Sabi ko pa.
"Kay." sabi niya at nag-inat pa bago umupo ng maayos. "Ella, mamaya daan tayo sa Mall, wala pa akong Cellphone, e." Pupungas-pungas pa niyang bulong.
"Okay po." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Gella, sama ka?"
"Oh sure, Mama Sands!" Excited na sagot naman ni Gella kaya tumango si Ate bilang tugon bago ipagpatuloy ang pagkain. Kaya naman nabalot kaming lahat ng katahimikan. Nagse-cellphone kasi si Gella kaya naman nanahimik ang maingay niyang bibig.
Since wala na kaming susukatan, kinuha ko na lang yung sketchpad ko at nag-umpisang mag-drawing. At habang nagdadrawing ako, si Ate Sandra ang nasa isip ko. Yung kulay icy blue niyang mga mata na punong-puno ng sikreto, her red lips and rosy cheeks… she's almost perfect!
"That's beautiful." Natigil ako sa pagguhit ng magsalita si ate Sandra.
"Po?" Nagtataka kong tanong.
"Ang ganda ko d'yan." Sabi nya bago tignan ginagawa ko sa sketchpad kaya mabilis ko iyon itinago. Nakakahiya! Nakita niyang iginuguhit ko siya!
"Sorry po!" Napayuko pa ako. Baka kasi magalit, e.
"Para saan?" Taas-kilay niyang tanong kaya hindi ako nakasagot. Parang umurong ang dila ko. "Hindi ka dapat mag-sorry, hindi ako galit." Nagkibit-balikat pa siya. "Ang ganda nga ng gawa mo, e!" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Salamat po." Kagat-labi ko pang sagotm
"Ella Ganda, ako din!" Sigaw ni Gella at nag-posing pa sa aking harapan. Iniharap pa niya sa akin ang kanyang mukha.
"Huh? Ayoko! May gagawin pa ako." Tanggi ko at tumayo na, naka-ilang kasi, e.
"Ang sungit! Mama Sands, oh!" Baling niya kay ate Sandra pero agad din siyang nanahimik nang tapunan siya ng masamang tingin.
"Huwag mong gambalain kapatid ko." Sagot ni Ate sa kanya. "Back to work."
"Okay po," sabay naming sagot ni Gella.
**
Renz' POV
Maya't-maya ang pagtingin ko sa suot kong wrist watch para tignan ang oras. Pambihira naman talaga si Jared, kung hindi natutulog basta-basta na lang mawawala. May rehearsal pa kami ngayon para sa isang live performance next week, pero ito ngang si Jared hanggang ngayon, missing in action pa rin.
"Sorry, late ako." Bungad sa niya sa amin bago relax lang na kinuha ang gitara niya.
"Saan ka na naman nanggaling Jared? Late ka na naman!" Sermon ko sa kanya. Pero mukhang hindi manlang niya ako inintindi.
"Sorry na nga, diba?" bored niyang sagot habang inaayos ang kanyang gitara. "Ano Renz, tutunganga ka na lang ba o magpa-praktis tayo?" Tinaasan pa niya ako ng kilay. Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili ko. Ewan ko ba kung bakit namin nakasama sa grupo ang isang 'to. Sumasakit lalo ang ulo ko sa kanya!
"Guys, five minutes pa, please? Ang sakit talaga ng likod ko, e." Pakiusap sa amin ni Echo habang minamasahe ni Jack ang kanyang likod. Sobra naman kasi si Cassy, ang lakas ng impact ng pagkakatama ng pinto likuran ni Echo.
"Sige, let's all take five." Sabi ko at bumaba mula sa pinaka stage ng rehearsal area. Napabuntong-hininga pa ako bago pumikit para magpahinga rin. Kumikirot din kasi ang ulo ko gawa ng napadugo iyon ng sapatos ni Cassy.
"Ang laki ng pinagbago ni Big Boss, no?" biglang sabi ni Jack. "Grabe! Ang brutal lang!"
"Hayaan niyo na muna, alam nating lahat kung bakit s'ya nagka-ganyan." Sagot ko naman na nakapagpa-tahimik sa kanila.
Big Boss, 'yan si Cassy. Siya ang pinaka-ate ng tropa dahil iba siya bilang kaibigan. She's willing to sacrifice and give everything sa amin. That is how she used to be. Pero malaki na ang ipinagbago niya, hindi na siya katulad ng dati kaya kahit mag-kasama na ulit kami, missed na missed ko pa rin siya. Sabay kaming lumaki at masasabi kong malapit kami sa isa't-isa.
Ako ang leader at vocalist ng banda namin, ang Great Survival, wag niyo nang itanong kung bakit ganoon ang pangalan namin dahil hindi ko din alam, kay Cassy nanggaling ang pangalan na 'yan, basta ang alam ko, mga gwapo kami. Well, hindi naman kasi sa pagmamayabang, habulin talaga kaming mga magkakaibigan, pero syempre, ako parin ang pinaka gwapo.
Naaalala ko pa nga noong nasa high school pa lang kami, mga limang taon na siguro iyon, tumutugtog na kami pero sa mga school events lang. Hindi kami magkaklase ni Cassy dahil nasa pilot section siya at nasa pang-huli naman ako. Hindi naman sa bobo ako, hindi ko lang talaga hilig ang pag-aaral at nasa musika din ang buong atensyon ko. At dahil na rin sa nag uumpisa nang gumawa ng sarili namin pangalan ang banda, naging magulo din ang mundo ni Cassy. Ilan lamang ang nakakaalam na magkapatid kami dahil na rin siguro na kapag nasa school kami, pulos pag-aaral lang ang nasa isip niya. Hindi kasi uso sa amin ang magsabay sa pagpasok, lagi kasi akong late na ayaw naman niya. Nakabukod din ang building ng mga nasa pilot section sa mga average students lang. Kahit ang mga barkada ko, hindi alam ang tungkol sa amin, hindi naman kasi sila nagtatanong. Nalaman lang nila ang totoo noong minsan ay nawala si Cassy, nagpatulong ako sa kanila para hanapin si Cassy na nang mga panahon na iyon ay napagtripan pala ng mga diehard fans ng banda. Binugbog at ikinulong siya ng mga ito sa isang lumang banyo sa school, napagkamalan siyang girlfriend ko. But the surprising part of it, hindi manlang nagalit sa kanila si Cassy at tuwang-tuwa pa nga, e.
"Bro?" Tinapik pa ako ni Jhake kaya nabalik ako sa reyalidad. "Kanina ka pa namin tinatawag. Ayos ka lang?" Tanong pa niya sa akin.
"Oo." Tumango pa ako. "Tara, practice na tayo."
**
France ..
Joan's POV
I dived on my bed and buried my face on my pillows, Ugh! Kapagod! Sa sobrang dami ng mga trabaho na dapat gawin, parang naubusan na ako ng energy. Ang dami kasing may gustong makipag-partner sa ANGEL'S CLOTHING LINE which is company namin ni Sandra.
Nag-uumpisa na kaming gumawa ng sarili naming pangalan sa industriya kaya naman hindi na nakakapagtaka kung talagang tambak ako ng mga dapat asikasuhin. At kahit naman ngayon ko pinaka-kailangan ang business partner ko, I know that this is the right time para naman ayusin niya ang kanyang buhay dahil kahit na ganoon kaming dalawa sa isa't-isa, she's still a best friend to me.
Impokrita ako kung sasabihin ko na perpekto o ideal si Sandra bilang kaibigan at hindi ako naiinis sa kanya, but believe me when I tell you this, kahit na ganoon siya, she's still my best friend. Mabait naman kasi si Sandra though hindi nga lang halata.
Sa totoo lang, at first inis na inis din ako sa kanya dahil sa ugaling niya pero nagbago iyon noong minsan na nakita ko siya bilang yung totoong siya. Without intentions, nagawa niyang ipakilala sa akin ang isang bahagi ng pagkatao niya na nagtulak sa kanya para maging kung ano siya ngayon.
Dala marahil ng kalasingan, nagulat ako nang walang humpay siyang nagkwento tungkol sa buhay niya na dinaig pa daw ang Noli me Tangere at El Filibusterismo sa haba este sa kasalimuotan at sa kadramahan! Papasang best film sa Oscars kung gagawing pelikula. Well, base sa mga narinig at nalaman ko, mabigat nga ang mga pinagdaanan nya. May mga dahilan kung bakit siya nagka-ganito at naniniwala ako na hindi pa huli ang lahat para sa kanya. Tao lang din si Sandra, at ang cold and mean treatment ay na pinapakita niya ay paraan lang niya para itago ang totoong siya.
**
Sandra's POV
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang matapos ko ang mga sketches ko. Nakakapagod ang maghapon na ito.
"Let's call it a day, guys." Baling ko kina Ella at Gella. "Magligpit na kayo para maka-uwi na tayo." Dagdag ko pa.
"Copy!" Sabay pa nilang sagot bago mag-umpisang mag-imis ng mga gamit namin.
"Kailangan ko nga pala munang dumaan sa mall," Bulong ko.
"May bibilin ka, Mama Sands?" Todo ngiting tanong sa akin ni Gella kaya tumango ako.
"Malamang siguro?" Sarcastic kong sagot sa kanya, "I need to buy a phone and some personal stuff. Gamitin mo 'yang common sense mo sa katawan." Pinaikutan ko pa siya ng aking mata. "Gusto mong sumama?" Alok ko pa sa kanya.
"Of course naman!" Tuwang-tuwa pa nitong sagot bago ngumuso sa akin, "Napagod ako ngayon, e."
"Stop pouting, Gella." Saway ko sa kanya pero mas pinahaba lang niya ang kanyang nguso. "Huwag mong hintayin na ako mismo ang magtanggal ng nguso mo, Gella. Guguntingin ko 'yan." Seryoso kong banta sa kanya kaya napatakip siya ng kanyang bibig.
"Kaya ka tinatawag na Cassy brute ni papa Renz, e!" Sagot pa niya nang hindi tinatanggal ang kamay sa bibig niya. "You're so brutal!"
Cassy brute?
I smirked. Wait until they see what else I can do.