CHAPTER 03

3886 Words
Sandra's POV "Welcome back to Philippines!!" Magkaaabay pang sigaw nila Ella at Lorenz pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng private airplane na pagmamay-ari daw ng VSC. Nakakairita! Nakakairita na ang ingay-ingay at sayasaya nila knowing na labag sa kalooban ko ang pag-uwi ng Pilipinas. "Cassy, we're finally home!!" Excited pa siyang umakbay sa akin. "Ingay, tsk!" Inirapan ko siya bagoalisin ang kanyang pagkaka-akbay sa akin. "Get off me, you leech!" Tinapunan ko pa siya ng masamang tingin. "Let's go, Cassy. May pinadalang sasakyan si Dad para hindi na hassel sa pag-uwi." Nakangiti pa niya akong hinila sa paglalakad to the point na makaladkad na ako. Nakita ko pang nataranta si Ella sa pag-sunod sa amin but she still managed to keep a distance from us, maging ang mga tao sa paligid ay nakatuon na sa amin ang atensyon. "Stop!!" Sigaw ko sa kanya bago huminto sa paglalakad. "Anong akala mo? Uuwi pa ako sa bahay ng tatay mo?" Taas-kilay kong tanong sa kanya. "There is no way I'm staying with your father and his mistress in one roof." "Cassy, for the record, he's your father too." Sagot naman niya. "And tita Gina is not his mistress." "Who are you trying to fool?" Napaismid pa ako sa kanya. "Ako pa ba?" "Fine. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin." Huminga pa siya malalim. "Basta, uuwi na tayo." "No. Sa hotel kami tutuloy ni Ella." Matigas kong sagot. "Yes, ma'am?" Nagmamadali pa siyang lumapit sa amin. "Call for a cab. We'll go straight to the hotel I asked you to book." Utos ko sa kanya. "Yes, ma'am." Tumango pa siya pero kaagad din siyang pinigilan ni Lorenz. "No need for that, ako na ang maghahatid sa inyo." Nagkatinginan kami ni Ella, she waited for my signal kung itutuloy pa niya ang pagtawag ng taxi kaya umiling ako. Wala namang point kung magtatalo kami ni Lorenz, he'll always win and get whatever he wants. Sumakay na kami sa sasakyang ipinahanda daw ng magaling naming ama, at dahil wala ako sa mood na makipag-usap kay Lorenz, I decided to have a short nap. Hindi naman nagtagal may naramdaman akong tumutusok sa pisngi ko kaya dumilat na ako at pagmumukha ni Lorenz amg bumungad sa akin. Tss! Abot-tainga pa ang pagkakangiti niya laya bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Mabilis akong lumabas ng sasakyan, just to confirm my suspicion… "You liar! Sabi mo hindi dito?!" Galit kong sigaw sa kanya dahil nasa harapan lang naman kami ng mismo naming bahay. Tangna lang! Bakit ba kasi nagtiwala ako sa hayop na 'to?! "Hindi nga," todo ngiti pa niyang sagot sa akin, "as in hindi ka nagkakamali!" Dagdag pa niya bago humagalpak sa kakatawa. Pumikit muna ako upang pigilan ang sarili ko na masaktan siya pero hindi mawala sa isip ko ang nakakapeste niyang mga ngiti. "Sorry, alam ko kasing hindi ka sasama kung hindi ako magsisinungaling sayo, e." Paliwanag pa niya, pero wala ako sa kundisyon upang tanggapin ang paliwanag niya kaya kusang umigkas ang kaliwang kamao ko papunta sa kanyang mukha. "You!" Sigaw ko sa kanya at sinuntok ulit siya sa mukha kahit hindi pa siya nakakabawi sa nauna kong suntok. "Nasisiraan ka na ba?! D'yan mo ako patitirahin?! Baliw ka na talaga!" Sunod-sunod kong tanong sa kanya habang hawak ang kwelyo ng suot niyang polo shirt. "Dito ka naman talaga nakatira, e." Sagot pa niya habang pinupunasan ang dumugo nyang labi. "Pumasok na nga tayo sa loob." Nakalabi pa niya akong hinawakan sa braso pero agad din niya akong binitiwan dahil inakmaan ko ulit siya ng isa pang suntok, "alam mo bang may performance pa ako mamaya? Ginasgasan mo ang gwapo kong mukha!" Maluha-luha pa niyang sumbat sa akin bago nagtuloy sa pag lalakad. Naiwan akong nakatayo sa kasama si Ella. "Ma'am, do you want me to call a taxi?" Nag-aalangan pa niyang tanong sa akin. "Gigisingin ko na po sana kayo kanina, pero pinigilan po ako ng kapatid niyo." Paliwanag pa niya. "You're not going anywhere." Malumanay pero nakakakilabot ang tinig nga isang babae na nakatayo sa aming harapan. "Cassy, get inside." Ewan ko pero authomatic na lumakad ang mga paa ko papasok ng bahay. I didn't expect her to be here. Tuloy lang ako sa paghakbang habang kasunod ko naman si Ella, pero nang makatapat ko siya, bigla na lang niya akong sinampal. "Ma'am!" Sigaw ni Ella. Sa sobrang pagkabigla, hindi ko manlang nagawang mag-react. Halos magmanhid ang kaliwang pisngi ko at nalasahan ko pa ang sarili kong dugo mula sa pumutok kong labi. Such a nice way to say welcome! "You little brat! Paano mo nagawang umalis nang walang paalam, ha? Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa'yo!" Unti-unting nagbalon ng luha ang kanyang mga mata bago ako yakapin. "Miss na miss kita, apo!" Mas humigpit ng kanyang pagkakayakap sa akin. "Lola, you're such a very nice lola." Sarcastic kong sagot sa kanya bago pilit na umalis sa pagkakayap niya. "And it's so kind of you. Nag abala ka pang salubungin ako. Salamat sa sampal ha?" Ipinagpag ko ang aking damit na bahagyang nalukot sa pagkakayakap ni Lola Stacy. "And by the way , I'm not a brat." Paglilinaw ko pa sa kanya. Pistilan! Kung hindi ko lang lola 'to, baka kanina ko pa siya nasapak! "You have to explain everything." Pagde-demand pa niya sa akin. "Oh, come on, Lola!" Sigaw ni Renz na biglang lumitaw sa likuran ni lola. "Let Cassy have some rest first. Pagod kaya kami sa byahe." Nagulat pa ako nang bigla siyang batukan ni lola, "aray, a!" Reklamo pa niya bago ngumuso sa amin. Pero hindi ko pa nakakalimutan ang kalokohan niya kaya hindi bebenta sa akin ang pagpapa-cute niya, mukha siyang tuta! "Ella, come here and give me the damn scissor." Utos ko pa, "Let me cut this dog's mouth." Sabi ko at lumapit naman si Ella sa akin bago inabot sa akin ang nadampot niyang grass cutter. Halos lumuwa ang mga mata ni Lorenz bago muling pumasok sa loob ng bahay habang sumisigaw. "By the way, who is this beautiful young lady?" Tanong ni lola habang tinitignan si Ella na para bang experiment. "She is Ella." Pagpapakilala ko sa kanya kahit pa ayaw ko sa mga introductions. "She's my secretary and she will stay here as well." Dagdag ko pa. Hinayaan ko muna silang mag-usap sandali para kilalanin ang isa't-isa habang nakatayo lang ako sa tabi nila hanggang sa masyado na silang nalibang "Ano Lola? Papasok ba tayo sa loob o balak mo akong gawing blue cheese?" Iritable kong tanong sa kanila "Oh, pasok na at masyado nang mainit iyang ulo mo." Natatawang sabi ni Lola. Dumiretso na kami ni Ella sa kwarto ko. I insist na magsama na kami sa isang kwarto dahil ayokong magkaroon ng chance si Lorenz para pumuslit. Alam ko na ang weird na siguro ng tingin sa akin ni Ella dahil nitong nakaraan lang muntik-muntikanan na siyang mawalan ng trabaho nang dahil sa akin tapos ngayon, ito ako at gustong maki-share ng kwarto sa kanya. Like I said, I don't really hate Ella. Naiinis lang ako sa kanya dahil she reminds me of my old self. And the truth is, masyadong masalimuot ang pinagdaanan niya. Nalaman ko mula kay Joan ang totoong dahilan kung bakit iba ang pagtingin niya kay Ella. She's only 19, pero bread winner na. Biktima siya ng isang pekeng agency na nagpadala sa kanya sa California, mabuti na lang at nakilala siya ni Joan. My dear best friend processed Ella's legal papers at nang makitang may angking talino at talento, ayon nga ipinasok niya bilang secretary ko. "Malaki naman yung bed, pwede na siguro tayong magtabi." Pagbasag ko sa katahimikan "If hindi ka comfortable, I'll buy you a solo bed pero prefer ko talaga na dito ka din." "Ayos na po," Nag-aalangan niyang sagot sa akin. "Good. You can put your clothes in the closet." Tumango naman siya bilang sagot. "But, before that mag-usap muna tayo." "A-ano po yung pag-uusapan natin, Ma'am?" Tila bigla siyang kinabahan. "First thing's first, from now on call me Ate Sandra." Napanganga siya sa akin at halatang naguguluhan sa sinabi ko. "I will introduce you to everyone as my sister." "Po?! Bakit po?" Nagdudumilat pa niyang tanong. "Basta." Bumuga pa muna ako ng hangin bago muling magsalita. "Another thing, beware of Lorenz. I know mukha siyang mabait but please, don't fall for him. He's a player." Pagbibigay babala ko pa sa kanya. Hindi naman sa siniairaan ko ang sarili kong kapatid, I just knew him so well. "Magkaibigan lang po kami." Nakangiti niyang sagot sa akin. "Tsaka, kabisado ko na rin po ang mga ganyang lalaki, wag po kayong mag-alala." Ngumiti pa siya sa akin. "That's a relief then." Tumango pa ako. "From now on, mga katulad ni Lorenz ang makakasama natin pareho so no matter what happens, ipangako mo na hindi ka magpapadala sa kanila, you understand?" "Yes, ma'am, I mean ate Sandra." Pagtatama niya, marahil nasindak sa ginawa kong pagtingin sa kanya ng masama. "And lastly, I want you to stay close with me." Bulong ko. "This place is full of people who I don't want to be with, gusto kong palagi kang nand'yan para ipaalala kung bakit tayo nandito and that is because of business." "Medyo naguguluhan po ako…" Nalilito pa niyang bulong kaya ngumiti ako sa kanya. "Just always remind me that I am Sandra Martin not Cassy Villaruis." Mahigpit kong paalala sa kanya. "I need to stay strong, pero mangyayari lang 'yon if I stay as Sandra." Hindi siya sumagot at pilit lang na inuunawa ang mga sinasabi ko. Hindi ko na siya hinintay sumagot at nahiga na lang sa kama. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid, walang ipinagbago ang kwarto ko, kung paano ko ito iniwanan ang lahat ay ganoon ko din nadatnan. Ipinikit ko na ang aking mga mata, I'm back, but it doesn't feel like I'm home… ** "Morning," bati sa amin ni Lorenz nang makasabay namin siya ni Ella sa may hagdanan. "Nice #OOTD." Nakangisi pa siya sa akin bago pumito sabay tingin sa suot ko. "But too daring," puna pa niya. "Hi, Ella! Nice dress, you look like a princess." "S-salamat." Pabulong naman na sagot ni Ella. Pumagitna ako sa kanilang dalawab at tinapunan muna ng masamang tingin si Lorenz. "Back off." Babala ko sa kanya bago mauna nang bumaba. "How's your flight?" Tanong sa akin ng magaling kong ama nang makarating kami sa dining room ni Ella para kumain ng agahan. Hindi ako sumagot sa tanong niya at umiwas pa nang tangka siyang hahalik sa aking pisngi. Tinapunan ko pa siya at ang kanyang katabi ng masamang tingin bago naupo. I heard him sighed bago balingan si Ella. "I assume you're Ms. Tierra, right? Ikaw pala ang secretary ng anak ako, please to meet you." "She's not just my secretary, she's my sister." I said in a very cold manner. "That's impossible." Natatawang sagot sa akin ng matandang-hukluban. "Paano naman nangyari 'yon?" "Nothing is impossible." Sagot ko naman. "Kagaya na posibleng mapalitan mo kaagad ang mommy ko kahit kamamatay lang niya." "Anak, can we not discuss about that in front of our food?" Paki-usap niya sa akin subalit umismid lang ako sa kanya. "If she's your sister, then fine." "Kumain na lang muna tayo." Napapikit ako nang marinig ko ang boses ng babaeng nakaupo sa tabi ng tatay ko. "Cassy, do you like the food?" "Please, don't talk to me. I don't talk with trash." Pinaikutan ko pa siya ng aking mata. "Cassy, enough!" Saway sa akin ni Lola Stacy na kanina pa tahimik na kumakain. "I'm done." Padabog ko pang ibinaba ang kubyertos na gamit ko. "I'll wait for you outside." Baling ko kay Ella na mabilis namang tumango sa akin. "Give me your car key." Inilahad ko pa ang palad ko kay Lorenz na sandali pa munang nag-isip. "Which car?" Tanong pa niya. "Kahit ano. Basta yung hindi bulok." Sabi ko pa. Nagkibit-balikat naman siya bago iabot sa akin ang isang susi. Mabilis ko iyong kinuha bago lumabas. Kotse muna ni Lorenz ang gagamitin namin pansamantala dahil wala pa akong sariling sasakyan dito. Uso naman na ang mga ways app kaya't hindi ko na problema na maliligaw kami kahit ngayon pa ang kami pupunt sa VSC. "Get in," utos ko kay Ella nsng makalabas ito. Kasunuran naman niya ang magaling kong kapatid na abot tainga ang ngiti sa amin. Akma siyang sasakay sa loob ng kotse pero hinarang ko siya. "Hindi ka pwedeng sumabay." Inirapan ko pa siya bago isara ang pinto ng sasakyan. "Kotse ko 'to, diba?" Natatawa niyang tanong pero tinignan ko lang siya ng tuwid bago sumakay at paandarin ang sasakyan. Hinayaan ko siyang kumain ng alikabok, tutal mukha naman siyang kutong-lupa! ** Nang makarating kami sa VSC, nakakainis isipin na tila tumigil ang mundo para sa lahat ng tao na nandoon. Kung makatingin sila, tila ngayon lang sila nakakita ng tao, tss! Nakakainis talaga! Idagdag pa yung receptionist na muntik ko nang bigyan ng personal drive papuntang impyerno. "Ella, can you get me some tea?" Sabi ko habang hinihilot ko ang aking sentido. I'm stressed out right now, idagdag pa na kulang na kulang ako sa tulog. "Sure ma'am este… ate po pala!" Agad nyang pagtatama, sinamaan ko sya ng tingin, e. "Just give me a minute, babalik din po ako agad." Tumango ako bilang sagot. "Don't talk to those shits, Ella." Bilin ko pa sa kanya. "I wont." Sabi pa niya at lumabas na nga. Mas maganda siguro kung magpaset-up na ako ng sarili naming pantry. Makalipas ang mahigit sampung minuto, hindi pa rin nakakabalik si Ella kung kaya't nag-umpisa nang mag-init ang ulo ko. Hindi naman malayo ang pantry mula dito kaya nakapagtataka na wala pa siya. Nang tuluyan na akong nainip, napagpasiyahan kong sumunod na sa kanya. Una kong pinuntahan ko ang pantry, pero wala siya doon. Then I saw a janitor kaya nagtanong na ako. "Have you seen a girl around here? She's wearing a pink dress." Sandali siyang nag-isip. "Ah! Ma'am, kasama po ni sir Renz." Sagot naman nito. "Renz? Renz who?" nakataas na kilay kong tanong. "Yung vocalist po ng GreatSurvival." Napasimangot na lang ako. Badtrip talaga itong kapatid ko, e. "Saan sila nagpunta?" Tanong ko ulit. "Baka po sa dressing room ng GS." Nakangiti pa nitong sagot pero wala akong balak na ibalik ang ngiti sa kanya. "Kay." sabi ko at tumalikod na. Maghahanap pa ako ng dressing room ng GS. "Wuy , ang ganda mo naman! I'm Lance, guitarist ng GS, ang cute mo!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses. "E, s-salamat… Sir Lorenz, hinahanap na po ako ni Ate." Si Ella na halata sa boses ang pagkailang. "Ako naman si Echo, drums ang hawak ko. Nice meeting you!" At talagang nagkaroon pa sila ng meet and greet sa loob, tss! At bago pa man matapos ang pagpapakilala nila, walang pasabi na akong pumasok sa loob ng dressing room nila. Halata sa mukha nila ang pagkagulat maliban na lang kay Renz. "Cassy!!" Sabay-saby na sigaw nila Lance, Jack Echo at Jhake, actually may isa pa pero hindi ko kilala, baka bago lang. "Tss!" Ismid ko sa kanila bago harapin si Lorenz. "Ano sa salitang off limits ang hindi mo maintindihan?" "Come on, Cassy. I just want to introduce Ella to your friends." Nakangiti pa siyang ngumiti sa akin bago tignan ang mga ka-grupo niya. "Wala namang masama 'don, diba?" Ngumiti ako sa kanya bago siya lapitan. He opened his arms, akala yata yayakapin ko siya but no, I wasn't planning to hug him, instead hinubad ko ang suot kong stilettos at ipinukpok sa ulo niya. "Aray!!" Malakas niyang sigaw. "f**k! Binutas mo bunbunan ko!" Sigaw niya sa akin pero nginitian ko lang siya at pinukpok ulit siya. This time may dugo nang umaagos sa ulo niya. "Renz!!" Isa-isang dumalo sa kanya ang mga kabanda niya kaya I took that chance para hilahin palabas si Ella. "Ate, will he be fine?" Nag-aalala niyang tanong sa akin kaya tumango ako. "Pasensya na po, he just grabbed me kasi, e." "It's okay, I know." Ngumiti ako sa kanya. "But I warned you once at hindi ko na uulitin pa iyon." Seryoso kong paalala sa kanya bago kami sabay na bumalik sa production room. Nawalan na ako ng gana para uminom ng tsaa. "Good morning!" Sabay pa kaming napahinto ni Ella nang dahil sa lalaking naabutan namin sa loob ng production room. "Who the hell are you?" Taas-kilay kong tanong sa kanya. "Hello, I'm Gella with double L and I was sent by Joan Tan to assist you here." Nagkatinginan kami ni Ella bago ulit siya tingnan. Gella? What a weird name for a man. "Group hug!!" Sigaw pa niya bago kami hilahin para yakapin. "Move." Utos ko. "Ayst, sorry!" Umatras pa siya palayo sa amin. "Nakakaloka! Muntik ko nang makalimutan yung bilin ni Marie! I should never touch you!" Maarte nitong sabi… ay… confirm he's gay! "Can you please enlighten us? Who are you?" "Again, ako po si Gella at pinsan ko si Joana Marie." Paliwanag niya. "Pinadala niya ako dito para may makatulong kayo." Nasapo ko ang aking ulo sa kanyang sinabi. "Sana mag-enjoy tayo lahat sa trabaho! Yieeh! I'm so excited!!" Malakas niyang sigaw. What am I supposed to do now? Masyado akong napapalibutan ng mga taong magulo, dumagdag pa itong pinsan ni Joan. Tsk! "Totoo pala ang sinabi ni Insan, ang ganda mo pala talaga sa personal!" Compliment pa niya sa akin na nagpasilau ng simpleng ngiti sa aking mga labi. "Ate, mas gumaganda ka kapag naka-smile ka." Nakangiti pang bulong sa akin ni Ella. "You should do that often." "I know," sagot ko na lang dahil ayoko naman nang pahabain pa ang tungkol doon. "Okay, let's get back to work." Sabi ko pa bago maunang maglakad sa kanila. "Wait, saan tayo?" Nakangiti kong tanong sa kanila. Kailangan na kasi naming i-meet ang mga artist. "Great Survival po," nag aalangan na sagot ni Ella. Kusang nawala ang pagkakangiti ko sa sagot niya. "Ella, umiwas ka lang kay Lorenz. Okay?" Paalala ko pa sa kanya habang naglalakad na kami, tumango na lang siya bilang sagot kaya nauna na akong maglakad sa kanila, ang bagal kasi nila, tss! Hindi na ako nag-abalang kumatok, basta ko na lang binuksan ang pinto, nagulat pa ako nang makita ko si Echo na nakasubsob sa sahig, ano naman kaya ang ginagawa niya 'don? "Aray ko," bulong pa ni Echo. "O, mamaya na lahat ng ginagawa!" bungad ko sa kanila. Naglalaro kasi sila ng Cards , yung kapatid ko naman wala dito tapos may isang tulog. "Nako! Dalawa na ang injured sa amin," pagrereklamo ni Lance habang itinatayo si Echo. "Bakit kapag nagkikita tayo nadidisgrasya kami?" Dagdag pa niya. "Gusto mong pumangatlo?" Nakataas pa yung kilay ko habang nagtatanong, umatras naman siya kaya mas lumapit ako sa kanila. "Sino gustong mauuna?" Tanong ko na kunwari ay sobrang excited pa ako. "Ayoko!" Sabay-sabay nilang sigaw na kulang na lang ay magturuan pa. "Ayaw n'yong masukatan? Paano kami gagawa ng mga damit niyo kung hindi namin alam ang measurements niyo?" Nakapameywang ko pang tanong ko. "Wuy, Mama Sands! Bakit mo naman kami ini--- ooh lala, ang daming papa!!" Hindi na niya natapos ang pagrereklamo at isa-isang tinignan sina Lance. "Just in time, Gella with double L. Sukatan mo na sila habang nanunuod lang kami ni Ella." Kusang tumaas ang isang sulok ng aking labi dahil parang ayaw nang lumapit ng mga ito kay Gella. "Ayaw kasi nilang magpasukat sa akin, e. Kaya, go lang. Solohin mo na sila!" Pang-aasar ko pa sa kanilang lahat, which is pabor na pabor naman dito kay bakla. "Oh, sure Mama Sands! Paabot na lang ng extra rice, ulam na ang mga 'to!" Tila kinililig pa niyang sigaw. Sa totoo lang, ang sagwa sa kanya dahil gwapo naman siya, tapos ganyan kaharot. "Cassy, ikaw na lang, please?" Natigilan ako sa biglang nagsalita, si Jhake. " Ayaw n'yo kasi sa akin, e." Sagot ko nang makabawi na ako. "Ganun talaga." dagdag ko pa, sakto namang dumating si Lorenz. "Oh , Cassy. Susukatan na ba kami?" bungad ni Lorenz kaya tumango ako habang nakasandal lang sa dingding. "Ay, Mama Sands! Uunahin ko na si papa Renz, my loves!" Akma pa siyang lalapit ngunit mabilis ko siyang hinarang. "No, Gella. He's mine." Sabi ko pa. "Awts… Type mo din siya?" Nakanguso pa niyang tanong pero hindi ko na siya inintindi. "Kainis! Jowa mo ba sya, ha? Sige na Mama Sands, akin na lang si papa Renz, please??" Pangungulit pa niya kaya kinantuhan ko siya sa ulo. Ang dami kasing arte! "Aray naman po!" "Hihirit ka pa?" Taas-kilay kong tanong. "Hindi na po!" Umiiling pa niyang sagot. "Ang sakit mo pa lang mangbatok!" Reklamo pa niya. "Ba-bye papa Renz, dito na lang ako sa iba!" Hinarap na niya yung iba habang si Ella naman ang nagsusulat. "Hindi ba pwedeng si Ella na lang?" tanong ni Lorenz habang nakatingin sa mga kaibigan niyang napipilitan na lang magpasukat kay Gella. "Extrang bukol, gusto mo?" Umiling naman na siya bilang sagot, "Good!" Nag-smirked pa ako sa kanya kaya napa-ismid na lang siya. Takot din naman palang masaktan, ipipilit pa yung alam na bawal. "Matagal pa ba 'yan?" Tanong ko kila Gella matapos ang ilang minuto. "Mama Sands, isa na lang po… yung si ano… 'yon po, " Nginuso pa niya yung kanina pa natutulog. "Gisingin mo na. Marami pa tayong gagawin." utos ko naman sa kanya. "E, baka po magalit!" Nakalabi pa niyang tanggi. "Mas matakot ka kapag ako ang nagalit." Banta ko sa kanya kaya napalunok siya ng sarili niyang laway bago niyugyog ang mahal na prinsepe. "Ano ba'ng problema mo?!" sigaw nung lalaki. "Susukatan lang kita." Bulong ni Gella na nawala ang harot at mukhang nabigla sa pagsigaw nito. "Ayoko, alis! Hindi mo ba nakikitang natutulog yung tao?!" Sigaw nito at tinulak pa si Gella bago bumangon at nagpunta pa sa may bintana. "Mama Sands, I did my best but I guess my best wasn't good enough." Pagda-drama pa nito kaya ako na ang lumapit 'don sa lalaking nag-iinarte. "Hey!" Tawag ko sa kanyang pansin at pinalo pa siya sa balikat. "What?!" Malakas niyang sigaw, pakiramdam ko nasira ang eardrums ko sa lakas ng pagkakasigaw niya. "Nakakahiya naman sayo, kailangan lang namin ng measurements mo kaya 'wag kang pa-importante." Nakasimangot kong sagot sa kanya bago siya tignan ng tuwid. "Makipag-cooperate ka ng maayos or else, sukat na ng kabaong mo ang kukunim ko." Banta ko sa kanya. "Fine!" Inis na sagot nito, tss! Mag-iinarte pa, papayag din naman pala! Kinuha ko ang tape measure ko at sinukatan na siya na kaagad din namang natapos. "Done! O, diba sandali lang, kung hindi ka nag-inarte sana kanina pa tapos." Prangka ko pang sabi. "Anong pangalan mo?" "Tsk! Bakit type mo ko?" tanong ni sungit kaya bigla naman akong natawa. "Gusto mo bang sampalin kita ng alarm clock para naman magising ka sa katotohanan?" Ngumisi pa ako sa kanya. "Sorry to burst your bubble, pero hindi kita type." "Bakit mo tinatanong pangalan ko?" Mayabang pa niyang tanong "For record purposes. Mukhang hindi ka kasi sikat kaya hindi kita kilala." Pang-aasar ko pa. "'Wag kasing assuming." "Psh!" ismid niya bago ako talikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD