Chapter 3

1050 Words
Lucas Baroni POV I am very sure right now na si Kara Montenegro ang kasama ni Jake Rhodes, ang fiancee ni Rika na busy daw sa trabaho sa kanyang opisina. Nandito din sila sa Dani's at malamang nakita na sila ni Rika pero hindi kaya niya namumukhaan ang fiancee niya? They were the same couple last night na gusto niyang puntahan pero pinigilan ko siya. Should have I known na magkasama pa rin sila hanggang ngayon ay hinayaan ko na sana siyang makita ang kalokohan ng fiancee niya kagabi pa. But I don't want her to be hurt. I don't want her to feel the feeling of being betrayed. Ayokong maramdaman niya ang sakit naramdaman ko noong nalaman kong pinagtaksilan din ako ng girlfriend ko. Yung pakiramdam na you are not enough for that person though you know you gave your best shot but still not enough kaya nagawa niyang maghanap ng iba. I had a business trip in London for a week but I went home 2 days before. I wanted to surprise her and propose to her over a sweet dinner near the shore but I was the one who got surprised. Nahuli ko sila ng katrabaho niyang model having s*x in her room. That moment I went back to London and stayed there for good. She wanted me back but I would never trust any woman again after that betrayal. Since then I never had a serious relationship. I had flings and promised myself to never trust a woman ever again. Then I met her again. My first love. Ang batang masungit at tomboyin na nakilala ko sa bahay bakasyunan ng lola ko way back my teenage life. I thought hindi na niya ako kilala because it was a long long time ago. I lose hope to see her again when I went to LA. Hindi ko akalain na maaalala pa rin niya ako but unfortunately I am not the same Lucas she met years ago. I've changed and I will never be the same Lucas na mabait and will do everything to please a girl. "Penny for your thoughts? Parang mas malalim pa sa karagatan ang iniisip mo ah" sabi ko sa nakatulalang si Rika. "Just thinking of someone" malungkot na sagot niya. "If you're thinking about him, you are just wasting your energy thinking of an asshole womanizer like him. It's not your loss anyway. Hindi niya alam how precious you are." "You are all assholes and womanizers. Anyway it's just that I thought ready ako sa lahat ng pwedeng mangyari knowing that I fell in love with a womanizer. And I hate being stabbed at the back. I prefer na sabihin nalang niya that he fell out of love rather than doing such things like he's doing now. Ganito siguro yung tinatawag nilang ghosting" malungkot na sabi nito. "And you know kung ano yung nakakainis sa sarili ko? That all of my friends are always saying that he's not the one for me and that he is still a womanizer pero ayoko silang paniwalaan. I'm like St. Thomas- to see is to believe. They say I'm a masochist kasi gusto ko pa daw mahuli siya sa akto. Ganito na nga lang ginagawa niya ngayon parang nasasaktan nako what more if i see him kissing or having s*x with other woman." " The pain will change you" sabi ko while lighting my cigarette. "Can I have one?" tanong niya. "I gave her one at tumahimik na kami parehas. I don't know if I will tell her that Kara is with Jake right now or I will just let her discover it herself. After lunch ay nagswimming na kami sa private beach sa harap ng Villa. Nakaupo lang ako sa buhanginan with a beer in my hand kasama ng mga kupal kong kaibigan when the girls came out wearing their bikinis. "Remind me why we haven't bedded anyone of them yet mga tol" nagniningning ang matang tanong ni Chris ang pinakababaero sa lahat. "Because they are off limits! Yun ay kung gusto mo pang mabuhay ng malaya, kung gusto mo naman na magpatali na ay go on you can go with Mira tutal alam naman nating lahat na matagal ng may gusto sayo ang chika babe na yan. Sila yung tipong pangsimbahan na, hindi sila pang kama lang. " si Daniel. "Nakakatakot kaya sa katarayan si Mira! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo noh. Eh ikaw may gusto din si Kaye sayo diba eh bat dimo din patulan" balik ni Chris. "Bulag kaba? Si Rika ata ang gusto ni Daniel eh kita mo princess pa tawag niya dito" si Roberto. "Are you f*****g kidding me? Hindi nyo pa kilala si Rika mukhang lang angel yan pero pag nagalit mas malakas pang manapak kesa sa inyo. Tsaka ayoko pang mamatay dahil alam kong may baliw na baliw dyan kay Rika yun nga lang too bad at may fiancee na siya. Mahal na mahal ni Rika yung hitong pangit na yon." mahabang kwento ni Daniel. "Sino naman yung baliw na baliw sa kanya aber?" curious na tanong ni Frank. "Kayo talaga napakatsismoso niyo, mga kalalaking tao" supladong sabat ni Lucas sabay tungga sa boteng hawak niya. Nagkatawanan nalang silang lahat sa sinabi ni Lucas at tumayo na sila para sabayan ang mga girls sa dagat. Mga nakaupo nalang kaming lahat sa seashore habang pinagmamasdan ang napakagandang sunset. Inabot ko ang isang bote ng beer kay Rika at sa iba pang mga girls. "Thanks but I don't drink beer" sabi nito. "Nahawaan kana din sa pagiging kj ng hitong Jake na yun Rika" nang aasar na sabi na naman ni Mira. "Kahit kailan talaga Mira panira yang bunganga mo, kita mong malungkot na nga siya at hindi na siya naaalala ng kanyang fiancee kahit tawag man lang dumadagdag ka pa. It's like rubbing an alcohol to a wound" pang aawat ni Kaye. "Rubbing salt to a wound yun Kaye" pagtatama ni Daniel. "Parehas lang yun masakit" nasabi nalang ni Kaye. "Let's just enjoy the sunset and later after dinner we can go out and enjoy some drinks sa mga bar along the shore? Is that ok for all of you?" tanong ko sa kanila. "Manlilibre ka tol? Sky is the limit?" pangungulit ni Frank. "Yeah sure!" sagot ko nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD