Chapter 4

1170 Words
Rika Rae Belfante POV After dinner ay nagpunta nga kaming lahat sa bar malapit sa tabing dagat. I ordered a ladies drink dahil ayokong malasing. I want to enjoy the day tomorrow at ayokong magka hang over. Though malakas ang alcohol tolerance ko dalawang taon na rin akong hindi masyadong umiinom ng alak dahil hindi na nga rin ako masyadong lumalabas with my friends simula nung maging kami ni Jake. I decided to enjoy the rest of the weekend at haharapin ko na lang si Jake when we get back to Manila. I never received any call from him today which is very unusual of him. We had a few drinks and halos may tama na ang lahat. Lumayo ako sa kanilang at naglakad lakad sa dalampasigan. "Are you alright?" nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko at inabutan ako ng isang yosi. "Thanks! Mga bad influence kayo, bumalik ako sa pag iinom at pagyoyosi" pabirong sabi ko dito at ngumiti. "At least you can be you with us. Walang bawal, walang nagsasabi ng mga dapat mong gawin at lalong walang mananakit sayo." "I don't really know what's happening. What went wrong? Did I do something? Or baka busy lang naman talaga siya sa work?" still convicing myself that nothing is wrong. "Do you want an answer to all of your questions? Will you able to survive? Will you hate me for letting you know the truth?" seryoso at sunod sunod niyang tanong sabay buga sa usok ng sigarilyo. "Pwede kayang ngayon na agad para iisang sakit nalang if ever? I mean I don't have to think longer if he's cheating or not." balik tanong ko dito. "Are you ready? Because if you are, come with me then" inilahad niya ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Naguguluhan ako at kinakabahan sa mga sinsabi niya at inaasal niya at hindi ko pa rin maintindihan kung saan niya ako dadalhin. Hanggang sa makarating kami sa is sa mga Villa ng resort at kumatok siya. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nang bumukas iyon and there I saw Kara almost naked sa manipis na nighties nito. She's the girl at the bar last night and sa garden having lunch with her boyfriend nung dumating kami sa resort. I looked at Lucas with a questioning look and he just nodded at me until I heard a very familair voice from the room. "Sweetheart come back here! Sino ba yang mga istorbong yan?" naiiritang bumangon ang isang lalaking kilalang kilala ko. He hugged Kara from the back at sinimulan niyang halikan ang leeg nito without looking kung sino ang nasa harap ng pintuan ng mga ito. He was just wearing his boxers at magulo pa ang buhok nito. Kaya pala wala siyang oras para kumustahin ako dahil busy siya sa iba. This is it. The thing I was waiting for, ang makita siyang may kasamang iba para paniwalaan ko ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko. I just thought I was ready for it pero ang sakit pala. Sobrang sakit palang makita ang pinakamamahal mo sa kandungan ng iba. Parang may mga punyal na tumirik sa aking dibdib ng makita ko kung paano niya hawakan ang baywang ni Kara at halikan ito. Gusto ko silang sapakin parehas lalo na ang mukhang hito kong fiancee but I still managed to compose myself. I wanted to handle it with elegance though nakakapangigil ang mga hayop na manloloko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magsalita. "Sorry wrong room" i said and wanted to walk away pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. I was just standing there wishing na epekto lang ng pag inom ko ng alak. But it's not, this is the truth. The truth that broke my soul into pieces. Napatingin siya sa akin, nagtama ang aming mga mata at para siyang natuklaw ng ahas when he realized it's me standing infront of them. I didn't let him see that I was hurting kahit sa loob loob ko ay gusto ko ng umiyak sa sakit. I walked away from them at naramdaman kong sumunod siya sa akin. "Hon! It's not what you think! Let me explain! We had a business meeting earlier." habol niya sa akin. Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko at bigla akong lumingon sa kanya. "F*** you! What do you think of me? Dumb? Business meeting sa loob ng kuwarto? You can both go to hell!" kalmado ko pa ring sabi. I don't really know kung papaano ko nagagawang magmukhang kalmado sa harap nila wherein sa loob loob ko ay halo halong damdamin ang nararamdam ko. I was hurting and mad at the same time. "Just let her go sweetheart, you don't need to explain to her" sabat ng mukhang slut na si Kara. "Listen to your b***h, i don't even need your explanation. What I saw is enough for me." "Watch your tongue babae, baka hindi mo alam kung sino ako" sabat na naman ni Kara. I turned to her and gathered all my strength and slapped her fu***** face. Sa sobrang lakas nun ay muntikan na itong matumba. "I know who you are b***h. Ako ang hindi mo kilala! Kung sino talaga ako" malumanay pero pagalit kong sabi. Sinaluhan siya ni Jake kaya lalo akong nainis at sinuntok ko ito sa mukha. Tinanggal ko ang engagement ring na binigay niya sa akin at inihampas ko ito sa dibdib niya. Nagmartsa na ako paalis at hindi ko namalayan na nakasunod pa rin pala sa akin si Lucas. "s**t! nakakatakot ka palang magalit. Tama nga si Daniel mas malakas ka pang manapak kaysa sa kanya" simula nito. "Please! I'm not in the mood for your jokes. Just give me a pack of cigar and shut up kung gusto mo akong samahan" masungit na sagot ko at inirapan ko pa siya. Napapailing na lang siyang inabot sakin ang hinihingi ko at naglakad na kami ng tahimik. Bumalik kami sa bar kung nasaan pa rin ang aming mga kaibigan and i asked the bartender to bring us a bottle of tequila. I just want to get drunk dahil parang nahulasan ako sa nakita ko kanina at biglang nawala ang pagkalasing ko. "What happened? Back being with Cuervo huh?" si Mira while looking at the bottle of tequila Jose Cuervo. I told them what happened at hindi na sila nagulat sa mga kinuwento ko, na parang alam nilang lahat na nandito din siya kasama ng babae niya. " Then we should celebrate" si Daniel. "Why celebrate? Hindi ba dapat damayan siya dahil broken hearted siya?" si Frank. "We need to celebrate kasi namulat na siya sa katotohanan kaya goodbye hito na! Next time gold fish nalang kasi ang bingwitin mo" sabi ni Mira na kahit kailan ay laging nang aasar. I'm so thankful to them kasi may mga kasama akong pinapasaya ako. Masaya silang lahat at parang ako lang ang nagluluksa samantalang si Lucas ay tahimik lang sa isang tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD