Chapter 17

1381 Words
Rika Rae POV I was shocked once again nang makita ko kung anong nangyari. Well hindi ako informed na may babae din siya dito dahil kung alam ko lang ay nauna na lang ako sa Bali at sumunod na lang siya. Pero ano nga naman ang pakialam ko kung may babae ngang naghihintay sa kanya dito? Wala namang masasabing kami, hindi din siya nanliligaw so wala akong pakialam. Wala nga ba akong pakialam? Eh bakit parang naiinis ako dahil may ibang humalik sa kanya. Hala bahala siya nasabi ko na lang sa aking sarili at bumaba na lang mag isa tutal hindi ko nan kailangan ang tulong niya. Maging siya ay halatang nagulat din sa ginawa ng babae sa kanya. Bigla niya itong inilayo sa kanya na parang napaso at lumingon siya sa akin para sana tulungan akong bumaba pero huli na siya dahil nakababa na ako. "Why didn't you wait for me babe?" bulong niya sa akin dahil lumapit siya kaagad sa akin. "Busy ka kay gurlaluh eh mahirap naman pag inistorbo ko kayo at kita mo naman nakaya ko naman bumabang mag isa." sagit ko sa kanya at inirapan siya. "You saw it right? She was the one who kissed me first." pagtatanggol niya sa sarili. "Hindi ka naman umiwas! Masarap ba? And huwag mong gawing rason yang she's the one who did it first ha. Hindi yan uubra sakin! gasgas na ang linyahan ng mga lalaking ganyan." "No baby! Mas masarap ang lips mo! I like that you're jealous." bulong niya sa akin at nahagip pa ng kanyang labi na alam kong nakangiti ang tainga ko. That gave me goosebumps pero dahil nga naiinis ako sa presensiya ng babae ay ipinagsawalang bahala ko na lang. Sasagutin ko sana siya na hindi ako nagseselos pero nagsalita bigla ang babae. "Hi hun! Mabuti naman pala at nagkataon na nandito ka rin sa Isla. I really miss you!" sabi ng haliparot na lumapit kay Lucas at kumapit sa pa braso nito. "Hi Melody! Nandito ka rin pala." sagot niya pabalik at tinggal ang mga kamay ng babae sa braso niya at lumayo. Tumingin siya sa gawi ko pero iniiwas ko ang mga mata ko sa kanilang dalawa at nagsimulang maglakad papunta sa tabing dagat. Hindi ko naman alam kung saan kami tutuloy at lalong wala akong planong manatili sa harapan nila para panoorin silang magharutan. I found myself sitting sa isang natumbang puno ng niyog while watching for the sunset. Sa ganda ng tanawin ay hindi ko pa din mapigilang mamangha. I've seen so many sunsets but yet i feel so different watching it in his island. I lit a cigar while I am lost in my thoughts at hindi ko namalayan na may nakayakap na naman sa likod ko at hinahalikan ang buhok ko. "Penny for yout thoughts? Siya na naman ba ang iniisip mo?" panimula na naman niya. "Why do you always ask me that question. Siya lang ba ang pwede kong isipin? At bakit ko naman siya iisipin?" masungit na sagot ko sa kanya. "Ang sungit mo na naman! Nagtatanong lang naman ako baka kasi sakaling ako naman ang iniisip mo" malambing na sabi niya at lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa akin. "At bakit naman kita iisipin aber?" "Sabi ko nga. Bakit mo nga ba ako iisipin diba?" " Sino yung girl kanina?" Damn ayoko sanang magtanong pero hindi ko napigilan "Si Melody? Wala yon ganon lang talaga yun." "Ok sabi mo eh!" Hindi ko na siya pinilit pa. Wala din naman akong karapatan na magtanong sa kanya kung sino ang babaeng humalik sa kanya diba dahil wala namang kami. Pumasok na kami sa loob ng villa at dumeretso na ako sa kwartong nakalaan para sa akin. Naligo ako at kumatok ang isa sa mga katulong para tawagin akong kumain. Kami lang ni Lucas ang nagdinner. Nag usap pa rin kami sa mga dapat gawin kinabukasan dahil iyon na ang araw para maibigay ang mga bahay at ang mga iba pang pangangailangan ng mga nawalan ng tirahan sa isla. Nawala saglit sa isipan ko ang Melody na iyon. Hindi rin kami ipinakilala ni Lucas sa isa't isa kanina dahil nga umalis din ako sa harapan nila. Kinabukasan ay maaga akong gumising para magluto ng breakfast namin. I brewed the coffee din with my moka so I can drink the kind of coffee that I love. Nakangiting pumasok si Lucas sa kusina ng makita akong naghahanda ng breakfast namin. "Good morning babe! Why did you cooked? Andyan naman si manang, baka mapagod ka pa." malambing niyang sabi habang lumalapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. "Lalo tuloy akong na iinlove sayo niyan!" dagdag pa niya. Hinampas ko siya sa braso niya. "Good morning din! Umagang umaga nambobola. I made your coffee na." sagot ko sa kanya at uupo na sana sa upuan na hinila niya para sa akin nang dumating si Melody. "Good morning hun! I cooked your favourite breakfast" masiglang sabi niya kay Lucas na pinakita pa sa kamay niya ang bitbit niyang paperbags. What the heck is she doing here so early in the morning? Ganoon ba talaga sila ka close ng lalaking toh para pwede siyang pumasok sa bahay niya ng ganito kaaga? "Oh! Thanks Melody but she already cooked my breakfast. Actually we are about to start to eat" sagot niya sa babae. "It's alright I'm sure naman mas masarap ang luto ko kesa sa maid mo and I'm here na rin sana para saluhan kang kumain." abot tainga ang ngiti nito habang ako ay nagpipigil para sampalin ang mukha niyang umagang umaga ay puno n ng make up. "Excuse me? Who are you calling my maid?" He answered her with a cold tone at halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Melody "Eh hindi mo ba siya maid?" mataray pa ring sagot nito. "No! She's my fiancee!" iritadong balik din nito, nagulat ako sa sinabi niya pero lihim akong nagbunyi dahil sa hindi maipintang mukha ni Melody. "What? Bakit hindi sinabi ni daddy sakin na may fiancee kana?" hirit pa rin niya dito. "And look at her! Saan mo ba siya napulot at kung manamit eh parang katulong?" pagpapatuloy niya na siyang ikinainis ko na kaya ako sumagot. "Not because I don't dress like a w***e so early in the morning doesn't mean katulong na ako. And if ever katulong nga ako and so what? That doesn't justify you to insult me." nakataas ang kilay kong sagot sa kanya. "Makakarating to kay daddy Lucas, I will tell him to pull out his shares sa company mo sa Pilipinas." pagbabanta nito. "Then tell it to your dad lil brat. It seems like you don't really know who he is. He doesn't need investors, It's the other way around so I think kumpanya pa ng dad mo ang may kailangan sa company ni Lucas para lang lumago. So go on! Tawagan mo na daddy mo magsumbong kana at lumabas kana rin dahil gutom na kami at baka mawalan pa kami ng ganang kumain kapag nanatili ka pa dito." And she was shocked! I smiled for the victory! Bumabalik na talaga ang pagiging maldita ko ulit. I don't know if that's a thing I could be proud of but for me it's just a sign that I'm moving on from that idiot. Lumingon ako kay Lucas na halos namumula na dahil pinipigilan niyang tumawa. Nang makaalis si Melody ay tsaka pa lamang nito inilabas ang halakhak na kanina pa niya pinipigilan. "Wow! That's my girl! Fierce ha!" sabi pa nito habang nilalagyan ng laman ang plato ko. "Magbiro kana sa lasing, huwag lang sa taong gutom." nakangiti ko namang sagot sa kanya. I will never let anybody hurt me nor insult me and my friends just because we prefer to live a simple life. "And imma guess it. She's the daughter of one of your business partner sa Pinas at may gusto siya sayo? Oh di ikaw na ang gwapo! But are you sure hindi mo siya pinatulan?" nang uusig kong tinignan si Lucas. "Are you jealous? Hindi ko siya naging fling. Hindi ako pumapatol sa mga babaeng may kinalaman sa mga negosyo. Bad yon!" proud pang sagot niya. "Bad maging babaero in general Lucas!" litanya ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD