Chapter 18

1662 Words
Rika Rae POV Hindi man maganda ang umpisa ng araw namin dahil sa babaeng yon at the end of the day naman ay madami kaming napasaya at natulungan na mga taong nangangailangan. Walang kapalit na anumang mamahaling bagay ang makita mong may mga tao kang napangiti lalong lalo na ang mga bata na napakasaya dahil hindi na daw liliparin ang kanilang dingding kapag may darating na bagyo. Nakaupo kami sa puting buhangin, may hawak na beer at nakatingin sa sunset. Nakahawak din ang isang kamay niya sa aking baywang. Walang nagsasalita sa aming dalawa at pinapanood lang namin ang magandang tanawin na nasa aming harapan. Pang ilang sunset na kaya ito na magkasama kami? Naputol ang pag iisip ko ng iabot niya sa akin ang isang y*si. "Bad influence ka!" i said to him. "Kinuha mo naman? Sisindihan ko ba? o magbabagong buhay kana?" sagot niya sabay tawa. "Sindihan mo na! Minsan lang naman toh!" tumawa din ako ng malakas at sinindihan na nga niya. "Gaano kadalas ang minsan? Hmm? Magsawa kana sa bisyo mo kapag pinakasalan na kita at nabuntis ka na hindi kana pwedeng uminom at manigarilyo." mahina lang ang panghuling sinabi niya kaya akala niya siguro ay hindi ko narinig. Hindi ko na rin ito pinansin dahil sobrang advanced naman siya mag isip. Asawa na agad eh hindi pa nga kami. "I like it when your being chatty and cheerful instead of the serious one" paglilihis ko sa sinabi niya. "Mas lalo ba akong nagiging gwapo?" "Nagbuhat ka na naman ng sarili mong banko." "So you like me na?" "Akala ko ba babaero ka? Yet you can't differentiate if i like you or not?" tumatawa kong sabi sa kanya. "But you are not like them?" "Why naman? What makes me different?" maang kong tanong. "Kasi sila parang ahas kung makapulupot eh ikaw dragon na bumubuga ng apoy!" nakahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. "Diyan ka na nga!" nagsisimula na akong maasar sa kanya. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila ulit paupo but this time hindi na sa tabi niya kundi sa gitna na ng mga binti niya. "There, para wala ka ng takas." sabay yakap sa akin. Inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya na tumitibok ng napakabilis. "Do you hear that? My heart goes crazy when you are near. It feels like it wants to come out from my ribcage. I never felt anything like this before so i think i'm doomed" pagtatapat niya. I didn't know what to say because I feel the same way when I'm with him also. It's just been months since my last heartbreak and I think I am not yet ready to enter a new relationship. Parang gusto ko na ayaw ko. "Yeah, I can hear it. It's like your having little heart attacks." "How'd you know that?" takang tanong niya. "Because I also feel like that when I'm with you!" matapang kong sabi. I decided to voice out what i feel dahil wala na rin namang silbi kung magsisinungaling pa ako. If ever I want to start something with someone again dapat laging may communication in a sense na walang maglilihim masakit man o magandang bagay dapat open sa isa't isa. "So you like me din?" biglang sumigla ang boses niya. "Lucas, sa tingin mo ba kasama kita ngayon kung hindi? I just need to clear my mind and heart para kapag ready na ako sayo lang ang puso ko ng buong buo" sounds cheesy but at least i said what i had in my thoughts. Hindi siya sumagot na siyang ikinagulat ko kaya liningon ko siya. He was smiling widely while blushing. "Ang cute mo magblush! Parang teen ager!" pang aasar ko sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga palad namin at iniharap ako sa kanyang kandungan. Tinitigan niya ako ng matagal, bumaba ang kanyang mata sa aking mga labi at inabot iyon. He's kissing me passionately and my hands went automatically on his nape. Hinawakan din niya ang batok ko para lalong lumalim ang halikan namin habang ang isa biyang kamay ay bumaba a aking baywang at pinisil iyon. Siya ang unang humiwalay at pinagdikit ang aming mga noo. "We need to stop now, baka hindi ako makapagpigil." sabi niya sabay tayo habang buhat buhat pa niya ako. Pumasok kami sa loob ng bahay dahil sabi niya ay ready na daw ang pagkain na pinaluto niya. Gusto ko munang magshower dahil feeling ko ang lagkit ko na dahil mainit ang araw kanina kaya dinala niya ako sa harap ng kuwarto ko. "Magshower kana rin para mapreskuhan ka din" nasabi ko habang papasok sa loob ng kuwarto. "Sabay tayo para makatipid ng tubig." simula na naman niya. "Madami kang pambayad sa tubig!" i answered at binilisan ko na ang pagpasok at sinarado ang pintuan. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na din ako agad para makakain at gutom na ako. Nagsuot lng ako ng puting bestida gusto ko na nga sanang mag pijama pero baka magyaya pa siya mamaya na maglakad lakad sa dalampasigan. I saw him waiting for me sa while reading something. Nang maramdaman niyang pababa ako ay sinalubong niya ako at hinalikan sa noo. "Gutom ka na?" he asked. "Medyio lang naman" i answered. Instead na sa dining room kami dumeretso ay dinala niya ako sa likod kung nasaan ang garden at swimming pool ng villa niya. I was mesmerized seeing a gazebo with lights and a table for two was set up. Sa gilid ng table ay nandoon ang mga pagkain na ipinaluto niya. Hawak ang baywang ko he guided me to near the table. "I wanted to cook for you, but I was too tired for today so next time na lang marami pa namang araw." sabi niya habang hinihila niya ang upuan para sa akin. "Wow! This is romantic? Didn't know your that kind of guy. Thanks." "I am not. Ngayon ko lang nadiscover, sayo lang ako ganito." Is he serious? Damn. Gusto kong mangisay sa pinagsasabi niya pero I need to remindyself na playboy ito at magaling sa mga bulaklakin na salita para mabitag ka niya. The hell I'm thinking. Kasasabi nga lang niya na sa akin lang siya naging ganito. "Kahit sa ex girlfriend mo? Never kang naging romantic? or sa mga ex flings mo? never? Ilang babae na ba ang dinala mo dito sa isla mo?" dire diretso kong mga tanong. "Rika Rae! You're ruining the mood. And if I say na sayo lang ako ganito sayo lang. I maybe a fucker or playboy as you always say pero hindi ako sinungaling." parang may galit na sa kanyang boses. Nakita ko din sa mga mata niya ang sakit dahil sa mga pinagtatanong ko sa kanya. "I'm sorry!" "Just eat, wala yon. Di ba kanina ka pa gutom." he smiled na hindi umabot sa kanyang mga mata. Binigyan niya ako ng plato na may mga pagkain na. Nagsimula kaming kumain at nagkuwentuhan na parang walang nangyari kani kanina lang. "You want some wine?" he asked. " Ok!" matipid kong sagot at kinuha ang wine at tinikman ito. "Oh! This is nice!" masaya kong comment. "Do you like it? That's from my vineyard in Toscana. That's just a 2 year old wine." "You have a vineyard in Tuscany? I like the wine hindi siya masyadong mapait and it's not too sweet. The taste is delicate, it's like I'm drinking a rosé." He chuckled. "Maalam ka rin pala sa mga wines? I thought sa business at kape ka lang maalam." "I grew up with the boys noh. Ang aga nga nila ako tinuruan uminom ng alak mga kuya ko at pumayag naman si dad. Basta sa bahay lang ako dapag malasing kaya nga ang taas ng alcohol tolerance ko kasi nga halos laging may wine sa table kapag kumakain." kwento ko sa kanya while laughing. "Naalala ko lang kasi noong nag away ang kapatid ni dad at asawa nito nagpunta siya sa mansiyon at hindi na siya nakarating sa guest room natulog na lang siya sa salas at kinuha ng mga kuya ko yung bote ng tequila na nasa kamay ng tito namin. Inutusan nila akong kumuha ng mugs at nilagyan ng mga ito ng tequila at pinainom nila ako. Noong dumaan ang lola namin sa veranda kung nasaan kami ng mga kuya ay hindi niya napansin na alak ang laman ng mga mugs namin akala niya ay gatas. Kinabukasan ay pare parehas masakit ang aming mga ulo mabuti na lang at si dad ang nakakita sa mga iniwan naming tasa na may mga laman pa sa veranda." tumatawa na rin ako sa kuwento ko. "Sabi nga ni Daniel that you're one of the boys. Akala nga daw niya noon babae din ang gusto mo pero mabuti na lang at hindi daw." "Pinag-uusapan niyo ako no Dani? Mga boys din talaga may pagka marites din kayo talaga." "When I met you again. I never thought alam pala ni Daniel kung nasaan ka di sana matagal na kitang nakita ulit but anyways, everything happens for a purpose sabi nga nila. Tapusin mo na ang pagkain at may tatambayan pa tayo mamaya. "Are you not tired yet?" I asked. "Kapag para sa'yo hinding hindi ako mapapagod." pacute niyang sagot. "Parmesan huh!" I said while trying not to smile. Masyado siyang cheesy. After naming kumain ng dinner ay dinala niya ako sa likod ng gazebo na natatakpan kanina ng puting tela. Mayroong isang oversized bean bag na kasya kaming dalawa at sa gilid nito ay may maliit na lamesa na may bote ng wine and coldcuts. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Lucas. "Wala, tatambay lang while drinking and star gazing i guess while kuwentuhan or pwede ring magtitigan na lang tayo or we can make out if you want." "Pervert ka talaga! Umpisahan na natin ang drinking session!" excited kong sagot at nagsindi ng sigarilyo isa para sa akin at isa para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD