CHAPTER THREE: Marriage in Convenience

1364 Words
Cassandra.   “Where are you?” Baritonong boses sa kabilang linya. “I’m in a mall; I want to buy some clothes for the weekend.” Sambit ko kay Harry. “Okay, ipapasundo kita kay Vincent. I can’t wait to see you.” “Me too, I missed you so much, how about we meet later?” “No, I can’t, I have so much to do in the office. Don’t worry; I’m all yours in the weekend.” I heard him chuckled. “Okay, I need to go now. Bye, I love you.” I said and bit my lip. Saka binaba ang phone, I didn’t expect him to answered my ‘I love you’s’ because I know he’s in the office at maraming mata at tenga sa kompanya, pumasok ako sa isang store ng paborito kong brand ng mga damit nang makita ko roon si Beatrix, what a coincidence. I’m not in the mood na makipagplastikan sa kanya so I turn around and ready to leave the store when she suddenly called me. “Is that you Cassandra?” Narinig kong sambit nito. I rolled my eyes bago humarap dito at ngumiti. “Oh, Beatrix, it’s nice to see you here.” Nakangiti kong sambit, lumapit ito sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. “Are you here for shopping? Alam mo maraming bagong dating na mga designer dresses, halika tingnan natin.” Aniya, saka kumapit sa braso ko. I smiled at her and rolled my eyes secretly. Namili lang ako ng ilang damit habang sya naman ay tumitingin rin, may nakita akong kulay rosas na dress at nang akmang kukunin ko na iyon ay naunahan ako ni Beatrix. “Look at this dress, it’s perfect, I think my husband would love this if I wear this for our date on Saturday.” She said then smirked at me, tumaas ang kilay ko at nagkunwaring tumitingin ng iba pang mga damit sa rack. “Yeah, it’s lovely. Bagay sayo.” Sambit ko. “Really? May date kasi kami ni Harry sa sabado e. Oh, right ready kana ba sa kasal mo? Magiging Vallejo kana rin soon!” Aniya, nagpantig ang tenga ko saka humarap dito. “Alam mo ganun siguro talaga kapag pinanganak sa mga mayayamang pamilya kagaya natin, wala tayong kakayahan na pakasalan ang taong mahal natin.” Dugtong nito saka humarap sa salamin, I glared at her, sa puntong iyon alam kong pinariringgan nya ako. Gustong-gusto ko nang sakalin ang babaeng ito gamit ang tali ng dress na hawak nya, but I choose to be calm and not used violence lalo na at nasa public place kami. “Well, I guess it’s different for me, atleast ako, nagawa ko paring makuha ang taong mahal ko bago ako ikasal sa iba. And I’m sure Dominic Vallejo will fall in love with me after seeing me, unlike on other marriage in convenience na one sided love lang.” I sarcastically said, saka nginisian si Beatrix. Nagiba ang ekspresyon ng mukha nito, alam kong nainis ito sa sinabi ko. “I have to go, marami pa akong bibilhin para sa out of town namin ng boyfriend ko e. bye, see you around Beatrix.” Sambit ko rito saka nginitian ito, hindi na ito sumagot pa bagkus at humigpit ang hawak nito sa damit at pinipilit na huwag ilabas ang pagkainis. Bumalik na ako sa sasakyan at nagmaneho pabalik sa bahay ko, nawalan na ako ng gana na mag-shopping dahil kay Beatrix, how could she humiliate me? Kung hindi lang dahil sa arrange marriage nila ni Harry, dapat malaya kaming magkasamang dalawa. Sinalubong ako ng mga kasambahay at tauhan ko nang dumating ako sa mansion. Inabot ko rito ang mga pinamili ko at bag, saka ako umupo sa couch at sumandal rito. Lumapit sa akin ang isang maid at saka nagsalita.  “Ms. Cassandra, may nagdeliver po sa inyo ng mga bulaklak.” Sambit nito, binalingan ko ng tingin ang hawak nitong malaking bouquet ng Juliet rose, inabot ko iyon saka ngumiti. Alam ko na kung kanino galing iyon, wala naman ibang magbibigay sa akin ng paborito kong mga bulaklak kung hindi si Harry. May nakita akong maliit na sobre na nakaipit sa mga bulaklak at binuksan iyon, ganun nalang kabilis nawala ang mga ngiti ko nang makita ang nakasulat. ‘For my soon to be wife, Cassandra. See you soon. –Dominic’ Tumayo ako pagkabasa ko ng note saka pahagis na binalik sa maid ang mga bulaklak. “Ms. Cassandra bakit po?” Sambit nito, bakas ang takot sa boses nito. “Itapon mo ang mga iyan!” Singhal ko rito saka umakyat sa taas at pumasok sa kwarto. Soon to be wife? Is he crazy?  Harry. "Sir, this is all of the information of late Mrs. Montemar." Si Vincent saka inabot sa akin ang isang brown envelope, binuksan ko iyon saka tiningnan ang laman, I saw two birth certificate, one for Cassandra and the other one but has a blank name. Nangunot ang noo ko, how come that Cassandra has a twin at hindi alam ng lahat iyon? "Cassandra has a twin?"   Kunot noo kong tanong kay Vincent umayos ito ng tindig bago nagsalita. "Yes Sir Harry pero mukhang hindi alam ni Ms. Cassandra ang tungkol dito, inilihim iyon ni Chairman Montemar. Nahiwalay ang kambal ni Cassandra nang magkaroon ng sunog sa hospital at hindi na nila nakita pa ang kakambal nito."   Aniya, napaawang ang labi ko, so it means totoo ang nakita ni Cassandra sa supermarket, at ang nakita ko sa flower shop ay kakambal ni Cassandra? Bumaba ang tingin ko sa hawak kong mga papel, saka muling tiningnan si Vincent. "What happened to the girl?" Tanong ko rito, binuksan nito ang tablet na hawak saka inabot sa akin. Nakita ko ang isang resume at nakaindicate doon ang picture ng isang babae na kamukhang-kamukha ni Cassandra. "She's Yasmine Santiago, may mag-asawang kumupkop sa kanya nang makita nila ito malapit sa hospital na nasunog, she's now working in a bar dahil kailangan nya ng pera para sa na-hospital nyang ina at pang-bayad sa isang loan shark, may kapatid sya na nag-aaral sa isang university." Sambit nito. Kunot-noo kong tinitigan ang mukha ng babae sa resume. Hindi makapaniwala sa nalaman kong impormasyon. "Sir, ano pong gagawin namin sa kanya?" Muling sambit nito. "Make sure that Cassandra won’t discover this, let our man followed her. Don’t let her harmed." Seryoso kong sambit dito saka ito tumango at lumabas na ng opisina ko. On that day, I cope up a plan. Cassandra will definitely escape that f*****g marriage using this girl. Sambit ko sa sarili. Hindi na nawala sa isip ko ang nalaman ko, Montemar are known for having a huge connections and powerful influences in the country, how come Chairman Montemar didn't bother to find his daughter? Alam nya ba na may kambal si Cassandra—o itinago ito sa mga Montemar? Tinapos ko ang huling meeting saka tinawag si Vincent, pumunta kami sa isang bar kung saan nagtatrabaho si Yasmine. "Is she a prostitute?" Kunot-noo kong tanong kay Vincent habang nakatingin sa labas ng bar. "No sir, she's a waitress." Tugon nito, I felt relieved. Somehow she didn’t become a prostitute or else chairman Montemar will regret. Pinagbuksan ako ni Vincent ng pinto saka lumabas na sa sasakyan, pagpasok ko sa loob ay nag-tinginan ang lahat ng naroon, their faces are full of amazement. May mga babaeng nagsasayaw sa stage at mga nagiinuman. A middle aged woman came towards me, smiling. "Welcome sir, tamang-tama ang dating nyo may mga bago kaming babae, baka gusto nyong makita?" Nakangiting sambit nito, hindi ko ito pinansin dahil napukaw ang pansin ko sa isang babaeng naglilinis ng isang table, she's wearing a white polo shirt and jeans, may name tag rin na nakakabit sa may dibdib nito.   Napansin nang babaeng kaharap ko na nakatingin ako sa dereksyon ni Yasmine, nahinuha nito ang interest ko roon."Naku, Mr. Sorry pero hindi pwedeng itake out ang mga waitress namin." Sambit nito, sinenyasan ko si Vincent na agad namang nakuha ang gusto kong ipahatid. Inabot nito ang cheke ko saka ko iyon pinirmahan at inabot sa babae. "Name your price, gusto kong ibigay mo sa akin ang babaeng iyon." Sambit ko.   Nanlaki ang mga mata ng babae at halos hindi makapaniwalang tinitigan ang cheke na hawak hawak nito. "Y-yes sir. Right away." Aniya, lumabas ako ng bar at bumalik sa sasakyan, minandohan ko si Vincent na isama si Yasmine sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD