CHAPTER FOUR: Harry’s Grieve

1402 Words
Wala pang ilang minuto ay nakita kong lumabas si Vincent kasama si Yasmine, kunot-noo at matalim ang tingin sa direksyon ko. Pinapasok ito ni Vincent sa loob ng kotse ko at naghintay sa labas. I was astonished by her face, natulala ako at hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita ko sa malapitan ang kakambal ni Cassandra, walang pinagkaiba, maski ang nunal sa ilalim ng mata ni Cassandra ay mayroon din sya at the same place. She looked at me, frightened. "Nice to meet you Ms. Yasmine Santiago." Sambit ko rito. Nangunot ang noo nito saka nagsalita.   "I'm sorry mister pero hindi po ako prostitute. Hindi ako sumasama sa lalaki." Aniya. I smiled a bit, she has the same attitude of Cassandra but a bit softer. "I'm Harry Vallejo, I just want to help you get out of that place, hindi ka bagay sa lugar na iyan." Sambit ko rito, bumuntong hininga ito saka muling nagsalita.   "Thank you nalang po Mr. Vallejo, pero hindi ko kailangan ng awa nyo."Aniya saka akmang lalabas na sana ng sasakyan pero natigilan ito nang nagsalita ako. "I can help you with the operation of your mother." Muli itong bumalik sa pagkakaupo at binalingan ako ng tingin. "P-pano mo nalaman? Sino ka ba?" Sambit nito. "I told you, I can help you get out of that place. If you want to." I said and smirked. Tiningnan lang ako nito na para bang ineeksamina ang mukha ko. "Thank you nalang, pero hindi ko kailangan ng tulong mo." Aniya, kinuha ko ang calling card ko saka inabot iyon sa kanya. Sandali pa nya iyong tinitigan bago tuluyang kunin. "Please reconsider, I'm just here to help you out." Sambit ko, kinuha nya naman ang card saka tuluyang lumabas na ng sasakyan, pipigilan sana siya ni Vincent pero sinenyasan ko ito na pabayaan nalang ang babae. I know she'll reach out for me soon. Cassandra. I packed my things and prepared for our out of town, sakay ng private plane nauna na si Harry sa Cebu dahil may business meeting din sya bago kami magkita. Kinagabihan ang flight ko going to Cebu, I call my assistant to prepared my bently pagdating ko roon, Harry insist to petch me at the airport pero tumutol ako.   Ayokong may makakita sa amin at magkaroon pa ng issues, ayokong masira ang pangalan ni Harry nang dahil lang sa akin. But he's a hard headed man; I rolled my eyes when I saw his car waiting outside the airport.   I saw him in the driver seat at nakapark sa unahan ng bently ko. Sinakay ko muna sa sasakyan ko ang mga luggage ko saka pinuntahan si Harry sa sasakyan nito, ibang sasakyan ang gamit niya. Madalas nagrerent sya ng mga sasakyan na ginagamit niya kapag nagkikita kami out of town para hindi matrace ni Chairman o madiskobre ng media. "I told you, I have my car here. You don’t need to petch me." Nakangiti kong sambit dito. "I can’t wait to see you." Aniya saka ako hinalikan. His fresh and warm breath makes me blush, kumawala ako sa halikan namin saka pinunasan ang lipstick na dumikit sa gilid ng labi nito. "Lead the way Mr. Vallejo." Sambit ko rito saka ngumiti. Hinalikan ako nitong muli bago ako tuluyang pinakawalan.   Sakay ng sasakyan ko sinundan ko lang si Harry, dahil hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Isa pa hindi ko rin kabisado ang lugar, inabot na kami ng dilim at nagbabadya ang ulan. At hindi nga ako nagkamali, ilang minuto lang ay umulan na ng malakas.   Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo namin ni Harry kaya hindi ako kinakabahan. Hanggang sa dumaan kami sa seaside, kahit madilim na ay hindi nakaligtas sa akin ang kinang ng tubig ng dagat. Nakakahalina, may mga signage din akong nakita dahil prone to accident ang dinadaanan namin, kaya mas bumagal pa ang takbo ko. Sinusundan ko parin ang kotse ni Harry, walang masyadong dumadaan na sasakyan siguro dahil malakas ang ulan. Hanggang sa biglang may bumunggo sa sasakyan ko mula sa likuran, nangunot ang noo ko at tiningnan sa side mirror ang sasakyang nasa likuran ko, isang itim na kotse ang bumunggo sa akin, tinted ang salamin nito kaya hindi ko makita kung sino ang sakay ng kotse na iyon, agad kong kinuha ang phone ko pero muli akong binunggo ng sasakyan sa likuran kaya nabitawan ko ang phone, binalot na ako ng kaba balak ba akong patayin ng kotse sa likuran?   Pero sino naman iyon? Sinubukan kong kapain ang phone ko sa sahig ng sasakyan dahilan para malihis sa sariling kong lane ang sinasakyan ko, nang makuha ko ang phone ay ganun nalang ang takot ko nang may sasakyang sumalubong sa akin.       Harry.     Isang malakas na tunog ng banggaan ang nagpahinto sa akin sa pagmamaneho, malakas ang ulan at madulas ang kalsada kaya mabagal lang ang pagdadrive ko para masundan ako ni Cassandra pero laking gulat ko nang hindi ko na makita ang sasakyan ni Cassandra sa likuran ko kasabay ng malakas na tunog na narinig ko.   Hininto ko ang sasakyan at lumabas ng kotse sa di kalayuan isang itim na sasakyan at nakahinto na bukas ang headlight ang namataan ko imbis na sasakyan ni Cassandra, hanggang isang sasakyan ang napukaw ng aking pansin nakatabingi ang dreksyon nito at ang bumper ay nakatapat sa bangin, nangilabot ako at nanlaki ang mga mata nang silipin ko ang bangin at makita ang sasakyan ni Cassandra, nakataob iyon at umuusok. Hindi ako makapaniwala sa nakita.   "Cassandra!" Sigaw ko rito.   Naiiyak na ako sa takot na baka patay na si Cassandra dahil halos madurog na ang sasakyan. Nilapitan ko ang isa pang sasakyan na durog din ang harapan at nakita ang driver nito na nakasandal ang ulo sa steering wheel, nanginginig ang kamay kong kinapa ang pulso nito pero wala na itong buhay.   Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Vincent, wala pang ilang minuto dalawang itim na kotse ang dumating at dali-daling bumaba ang mga tauhan ko para tingnan ang kalagayan ni Cassandra sa ibaba ng bangin. Mahina man ang pulso ay dali-dali naming dinala sa hospital si Cassandra. "Sir, we already cleared the area of the accident." Sambit ni Vincent nang makalapit ito sa akin habang nakaupo ako sa labas ng operating room. "Siguraduhin mong walang ibang makakaalam nito, how about the other car?" Tanong ko rito, nangunot ang noo nito saka muling nagsalita.   "Ano pong ibig nyong sabihin sir?" "There's another car that night." Sambit ko. "Bukod sa kotse ni Ms. Cassandra at nakabangga sa kanya wala na po kaming nakitang ibang sasakyan sir."Aniya, nangunot ang noo ko, hindi ako pwedeng magkamali may isa pang itim na sasakyan doon kanina. "Check all the cctv’s in that area." Tugon ko, tumango naman ito saka kinuha ang phone at umalis. Sakto namang lumabas ang doctor, tumayo ako at lumapit dito hinubad nito ang mask na suot saka nagsalita."How is she?" I asked. "I'm sorry, pero masyadong mababa ang pulse ng pasyente hindi na nya nakayanan ang operation, the traumatic injury from her accident cause hemorrage in her brain. She died 13:05 A.M" Sambit ng doctor, para akong nawalan ng dugo at namutla sa sinabi nito hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi nito, napaupo ako sa malamig na upuan saka tulalang nakatingin sa kawalan.   Lumapit sa akin si Vincent nagulat rin sa nalamang balita, nakatingin lang ito sa akin na para bang pinapakiramdaman ako at naghihintay ng susunod kong iuutos. Mariin akong napapikit saka tumayo.    "No one should know about this, hindi pwedeng malaman ni dad ang nangyari kung hindi ay masisira ang lahat ng pinaghirapan ko." Hinilamos ko ang mukha gamit ang sariling palad, out of frustration at binalingan ng tingin si Vincent.   "Sir, wala na po si Ms. Cassandra, paano natin ito malilihim sa pamilya nya?" Sambit nito, Nag-igting ang panga ko at nanginginig ang mga kamay ko galit na galit ako sa nangyari, wala na si Cassandra, wala na ang babaeng mahal ko. Yung itim na kotse, sigurado akong may kinalaman ito kung bakit nahulog sa bangin ang kotse ni Cassandra.   "Alamin mo kung sino ang pumatay kay Cassandra! Huwag kang titigil hangga’t hindi mo nalalaman kung sino ang sakay ng itim na kotseng iyon!" Singhal ko kay Vincent, yumuko ito saka sumagot.   Muli akong napaupo at naiyak sa pagkawala ng nag-iisang babaeng minahal ko. Ilang oras ako sa ganung posisyon, hanggang sa mahimasmasan ako at maalala si Yasmine.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD