CHAPTER FIVE: Die to live

1738 Words
Yasmine.       "Miss! Isa pang beer dito!" Sigaw ng isang customer.   Agad kong kinuha ang isang bucket ng beer saka dinala sa table kung nasaan ang isang grupo ng mga kalalakihan. Hindi naman masyadong marami ang tao ngayon sa bar, kaya hindi nakakapagod ang gabing ito. Ilang araw na simula nang puntahan ako ng isang lalaki, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinasabi niya o binobogus lang ako ng taong iyon, pero base sa itsura nya at gara ng sasakyan nya ay mukha naman syang mayaman.   Hindi Yasmine, sa panahon ngayon kahit mga mukhang artistahin kaya nang makapangloko ng kapwa. Hinubad ko na ang apron ko at nagpalit na ng uniform sa locker nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Rumehistro sa screen ang pangalan ni Anthony, bahagyang nangunot ang noo ko at sinagot ang tawag. "Hello? Anthony bakit ka.." "Ate si Mama inatake nanaman!" Bungad sa akin nito, nanlaki ang mga mata ko at halos patakbong lumabas sa bar saka pumara ng taxi.   "Sige papunta na ako dyan hintayin mo ako." Sambit ko rito saka binaba ang phone. Mabilis akong pumasok sa loob ng hospital at tinungo ang ER kung saan ko naabutan si Anthony na nakaupo sa bench at naghihintay. "Ate.." Si Anthony nang makita ako nito. "Kamusta si mama?" Nagaalala kong sambit. "Nasa loob parin sya ate, hindi parin lumalabas ang mga doctor." Aniya, nagaalala akong napaupo sa upuan. Sinabihan na kami ng doctor na kailangan nyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil sa susunod na atakihin ito ay lalong mas magiging delikado. Hinilamos ko ang sariling mga palad sa mukha, hindi pa sapat ang naipon kong pera para sa operasyon ni nanay.   Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bumukas ang pinto at lumabas ang doctor sa ER. Sabay kaming napatayo ni Anthony at sinalubong ang doctor. "Ms. Santiago, kailangan nang maoperahan ng nanay mo, kung hindi ay lalo lang dadalas ang pagatake ng sakit nya, at baka sa susunod na atakihin sya ay hindi na nya kayanin pa." Nanghina ako at napahawak sa kapatid ko.    "Hahanap po ako doc ng pera, please tulungan nyo po ang nanay ko." Sambit ko. "Your mother needs the surgery as soon as possible, Ms. Santiago." Aniya, saka umalis na.   Napaupo ako sa malamig na upuan saka muling hinilamos ang palad sa mukha, nabablangko na ang utak ko wala na akong ibang malapitan. Hindi naman ako pwedeng lunapit kay Mr. Pablo, masyado pang malaki ang utang namin sa kanya. Naalala ko ang lalaking lumapit sa akin at nagbigay ng business card noong isang araw. "Anthony, maiwan ka muna dito may kailangan lang akong puntahan." Sambit ko sa kapatid ko, tumango naman ito saka ako naglakad palabas ng hospital. Sa labas ay kinapa ko ang calling card na nasa bulsa ko saka kinuha ang phone ko at tinawagan ang numerong nandon. Wala pang ilang ring ay may sumagot na rito. "H-hello?" Utal kong sambit. "Ito ba si Mr. Harry Vallejo?" Dugtong ko, ilang mahihinang hinga ang naririnig ko sa kabilang linya, napakunot ang noo ko.   Hindi kaya mali ang natawagan ko, ilalayo ko na sana sa tainga ang phone nang may marinig akong magsalita sa kabilang linya. "Ms. Santiago." Baritonong boses nito. Napasinghap ako nang marinig ang pangalan ko, paano nya nalaman na ako nga ang natawag sa kanya? "M-Mr. Vallejo, p-paano mo nalaman na ako ang tumawag?" Utal kong sambit. "Hindi ba’t ang importante ay kung bakit ka napatawag?" He said. "Um, sorry kung alanganin ang tawag ko." Sambit ko, nagtataka man ay binalewala ko nalang importanteng malaman ko kung willing parin ba sya sa inaalok nya sa akin o hindi, para makahingi ako ng tulong sa iba. "No, Yasmine. You’re just right in time. I keep on waiting for your call." Aniya. "Um, yung.. yung tungkol sa inaalok mo. P-pwede ba nating pagusapan?" "Meet me tomorrow at the restaurant near the hospital." Tugon nito saka binaba na ang phone, magsasalita pa sana ako pero huli na.   Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka tinitigan ang calling card na hawak ko. Nakasulat sa taas ang Vallejo Enterprises Holdings Inc. at ang pangalang Harry Vallejo, COO. Ngayon ko lang napagtanto pamilyar ang pangalan niya, at ang kumpanyang nakasulat sa taas.   Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko at isang text message ang na-recieve ko galing kay Mr. Vallejo, binigay nya ang pangalan ng restaurant at kung anong oras kami magkikita. Kinabukasan, maaga akong pumunta sa restaurant para makipagkita kay Mr. Vallejo. Kinakabahan man ay pilit kong pinakakalma ang sarili, wala na akong ibang choice kundi ang lumapit sa kanya.   Maya-maya lang ay may isang matangkad na lalaki ang pumasok sa restaurant, naka-polo ito at maong pants. Mukha parin siyang presentable tingnan katulad noon unang beses ko siyang nakita, ngunit ang mga mata niya ay mas lalong naging malalim at madilim na nagbibigay ng kakaibang awra sa kanya na para bang kapag nakabangga mo ito ay katapusan na ng maliligayang araw mo.     Ngunit hindi maipagkakaila ang pagkamatipuno at kagwapuhan nito, napaawang pa ng bahagya ang bibig ko dahil para syang isang modelo, ang malaki nyang katawan ay humahapit sa suot nitong polo. Napailing ako, hindi ngayon ang oras para magpantasya ka Yasmine! May kasama syang isa pang lalaki na nasa likuran nya, nakasunod lang ito kay Mr. Vallejo. "Ms. Santiago." Narinig kong sambit ni Mr.Vallejo.   Hindi ko alam kung ngingiti ba ako, o tutugon. Hindi naging maganda ang pakikitungo ko rito noong nakaraan. Umupo ito sa katapat kong upuan at ang kasama nitong lalaki ay nanatiling nakatayo sa gilid nito at nakamasid lang sa paligid na para bang binabantayan ang amo niya.   Tumikhim si Mr. Vallejo para mapukaw ang atensyon ko. "I want to head straight to the point Ms. Santiago. I want to deal with you, ibibigay ko ang kahit na anong hingin mo basta gagawin mo ang lahat ng ipapagawa ko sayo." Baritonong sambit nito. "Get the money and pretend as Cassandra Montemar, sisiguraduhin kong hindi na maghihirap pa ang pamilya mo." Harry said with fiery eyes. I can hardly breathe by the way he looks at me, natatakot ako.   Hindi madali para sa akin ang gagawin kong ito, pero kailangan ko ng pera para sa operasyon ni nanay at kailangang mabayaran ang utang namin kay Mr. Pablo, kung hindi ay baka kung anong gawin nya sa amin ng kapatid ko. Alam kong masamang tao si Mr. Pablo, marami syang tauhan na pwedeng utusan para gawan kami ng masama kapag hindi pa kami nakabayad sa araw na binigay nyang palugit, wala na akong ibang pagpipilian. Suminghap ako bago nagsalita. "P-pumapayag na ako." Halos magaralgal kong sambit.   Nginisian ako nito saka muling nagsalita,"Sign this paper first and I'll give to you the money that you want." Aniya saka inabot sa akin ang isang papel at ballpen, bumaba ang tingin ko sa papel saka nangunot ang noo kong kinuha iyon. "Ano ito?" Kunot noo kong tanong. "That's a nondisclosure agreement; sign it if you want the money." Aniya. Ilang segundo ko iyong tinitigan bago ko kinuha ang ballpen at pinirmahan iyon. "We should set things first." Napaigtad ako nang muli itong magsalita. Umangat ang tingin ko rito at bahagyang nangunot ang noo. "A-anong ibig mong sabihin?" "Yasmine Santiago should die for you to become Cassandra Montemar." Seryosong sambit nito, lalong naging matalim ang tingin nito sa akin. Lalo akong nangilabot sa sinabi nito at makailang beses na napakurap. Money is the root of all evil, hanggang saan nga ba ang sukdulang kakayahan ng isang tao para sa pera? Matapos kong makuha ang pera na binigay ni Mr. Vallejo ay dumeretso ako sa hospital para magbayad at maoperahan na si nanay. Sinalubong ako ng kapatid kong si Anthony nang makita ako nito palapit sa OR. "Ate, ano nang mangyayari kay mama?" Tanong nito sa akin, nang makalapit ako. Bakas ang pagaalala sa mukha nito. "Huwag kang magalala, gagaling na si mama. Nakakuha na ako ng pera pang opera. Magiging maayos na ang lahat." Tugon ko rito. Halos labing walong oras na kaming naghihintay habang inooperahan si nanay. Nakatulog na si Anthony sa upuan pero ako ay hindi man lang madalaw ng antok dahil sa pagaalala at pagiisip ng mga pwedeng mangyari. Iniisip ang kasunduan namin ni Mr. Vallejo.   Ano nang mangyayari sa akin? Kailangan ko ba talagang lumayo sa pamilya ko? Pero nasaan ba ang tunay na Cassandra Montemar? Sinasabi ni Harry na kamukhang kamukha ko si Cassandra, posible ba iyon? Hindi naman kami magkakilala o magkaano-ano? Paano nangyari iyon? Bumalik ako sa ulirat nang biglang magbukas ang pinto ng OR at lumabas doon ang doctor, agad akong lumapit dito at nagising narin si Anthony saka lumapit rin sa doctor. "Doc, kamusta po si nanay?" Nagaalala kong tanong. "The operation was successful, but she was in coma. We need to wait for her to wake up para maisagawa ang mga susunod pang test." Sambit nito pagkatanggal ng masks na suot. "Coma? P-pero, kailan sya gigising doc?" Tanong ko rito, nangingilid narin ang luha sa mga mata ko. "We'll never know. All we have to do is to wait for her to wake up. Excuse me."sambit nito saka umalis na. Inilipat namin sa isang kwarto si nanay, may nakakabit ring oxygen tank rito. Nakaupo ako sa gilid ng kama nito nang dumating si Anthony hawak ang ilang papers na pinakuha ko sa cashier.   "Ate, saan ka ba nakakuha ng ganito kalaking halaga?" Tanong nito habang hawak ang resibo na binigay ng cashier. Napaigtad ako saka Kinuha ko iyon saka nilagay sa loob ng bag.   "N-nangutang ako sa kaklase ko dati na nagtatrabaho sa ibang bansa. Saka, Anthony pwede kana ulit pumasok sa University. N-nakakuha na kasi ako ng bagong trabaho, pwede kana ulit mag-enroll." Sambit ko rito.   Lumiwanag ang mukha nito saka ngumiti, bakas ang tuwa sa mga mata pero napawi rin nang dumako ang tingin sa ina namin na nakahiga sa kama. "Hindi na Ate, aalagaan ko nalang si Mama. Mas kailangan mo ako dito." Aniya, umiling ako saka nginitian ito. "Anthony, ako nang bahala kay mama. Mababait yung mga bago kong amo ngayon, sigurado akong maiintindihan nila ang Kalagayan ko. Importante makapagtapos ka ng pagaaral mo, para matulungan mo si ate okay?" Tugon ko rito.   Ngumiti naman ito saka tumango. "Oo ate, pangako. Gagalingan ko sa University. Hindi ka mapapahiya sa akin." Sambit nito. Mabilis kong naipasok sa University si Anthony, kinuha ko rin sya ng dorm doon para hindi na nya kailangan pang bumyahe mula sa bahay papasok sa University. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD