CHAPTER SIX: Yasmine is dead!

1224 Words
Kinabukasan ay muli kaming nagkita ni Mr. Vallejo, pero hindi na sa mataong lugar kundi sa penthouse nito, napaawang ang labi ko nang pumasok ang sinasakyan kong kotse sa underground parking ng isang Hotel, nilibot ko ang paningin at nakita ang iba’t-ibang mga klase ng mamahaling sasakyan.   Nang magbukas ang lift, bumungad sa akin ang isang malaking sala, sa gilid ay may itim na piano, makintab ang marmol na sahig na lalong nangingintab dahil sa liwanag mula sa glass wall. May mga nakadisplay ring mamahaling mga paintings at vase. Minandohan ako ni Vincent na maupo na sa couch habang hinhintay si Mr. Vallejo.   Napalingon ako nang may marinig akong bumababa sa hagdanan, tumayo ako at humarap doon saka ko nakita si Mr. Vallejo na nakasuot ng puting t-shirt at itim na pants, nakapaloob sa bulsa ang mga kamay nito habang pababa ng hagdan at nakatingin sa direksyon ko, sa akin.   Hindi ko maiwasang mailang nang magtama ang mga mata namin, hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero, kita ko ang lungkot sa mga mata nito sa kabila ng seryoso at dominanteng awra.   “Have a seat Ms. Santiago.” Baritonong sambit nito nang makalapit sa akin, umupo sya sa katapat ko na couch at saka pinatong ang dalawang kamay sa armrest ng upuan na parang hari.   “You’re going to move in your house soon Ms. Santiago, or should I say—Ms. Cassandra Montemar.” Muling sambit nito, saka ngumisi sa akin.   Hindi ako sigurado sa gagawin ko at marami akong tanong pero wala na akong magagawa, nakuha ko na ang perang pinangako ni Mr. Vallejo, at nabayaran narin ang mga utang namin, hindi naman tama na hindi ako tumupad sa pinagkasunduan namin, pero nagaalangan parin ako.   “Mr. Vallejo, ano po ba talaga ang gusto nyong gawin ko?” Kunot-noo kong tanong rito.   “I told you, pretend as Cassandra Montemar. At sundin mo lahat ng ipagagawa ko sayo at para maging maayos ang lahat, kailangan mo munang mamatay.” Aniya, saka tumayo at lumapit sa akin tinungkod nito ang dalawang kamay sa armrest ng inuupuan ko at nilapit ang mukha sa akin saka ako tinitigan, magkahalong kaba at hindi maipaliwanag na kalabog ng dibdib ang nararamdaman ko.    “A-anong ibig mong sabihing kailangan kong mamatay?” Utal kong sambit.   Papatayin nya ako? Nangilabot ako nang mapagtanto ko ang sinabi nito, buhay ko ba ang kabayaran sa perang pinahiram nya sa akin? Pero bakit?   Ngumisi ito saka muling tumugon. “Yes, you need to die, to become Cassandra Montemar.” Aniya, saka may kinuha sa bulsa nya at biglang tinakip sa ilong ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.   Nagising nalang ako na nasa hospital na ako, kunot-noo akong umupo at tiningnan ang paligid, hanggang sa dumako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng glass wall ng silid, nakasilid ang mga kamay nito sa bulsa at prenteng nakatanaw sa labas.   “Mr. Vallejo?” Kunot-noo kong tanong rito. Humarap ito sa akin na blangko ang ekspresyon ng mukha saka lumapit.   “Why are you calling me Mr.Vallejo, Cassandra?” Baritonong sambit nito.   Natigalgal ako nang maalala ang huli naming pag-uusap. “You never called me Mr. Vallejo before, you used to call me Harry.” Dugtong nito. Napalunok ako nang nilapit nito ang mukha sa akin.   “I’m glad you’re safe Cassandra Montemar.” Aniya, saka ngumisi sa akin.   Lumayo ito sa akin nang biglang magbukas ang pinto at pumasok ang isang may edad na lalaki, kasunod nito ang dalawang babae na kapwa mga nakapostura, mga mukhang mayayaman ang mga taong pumasok at nakangiti sa akin.   “Oh my God Cassandra! kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?” Sambit ng isang babae na hinuha ko ay nasa kwarenta na ang edad. Natigilan ito nang mapansing hindi ako sumasagot at nakatingin lang sa kanila. Lumapit ng bahagya ang lalaki kay Harry at saka nagsalita.   “How is she?” Tanong nito.   “The doctor said that she has a mild amnesia because of the accident. But don’t worry, babalik din ang ala-ala ni Cassandra through therapy.” Sagot ni Harry, napalingon ako rito.   Anong ibig nyang sabihin? Aksidente? Naaksidente ba si Cassandra kaya ako ang nandito?   “Honey, anong gagawin natin? Kung may amnesia si Cassandra, ibig sabihin hindi nya tayo naaalala? Paano ang kasal nila ni Dominic?” Sambit muli ng babaeng lumapit sa akin na noon ay nakatingin na kanila Harry.   Napayuko ako, kasal? Anong kasal?   “Let’s talk outside, kailangan nang magpahinga ni Cassandra, Chairman.” Sambit ni Harry, saka ako binalingan ng makabuluhang tingin, tiningnan din ako ng tinawag niyang Chairman at saka lumabas na ng silid kasunod ang babaeng lumapit sa akin.   Pero naiwan ang isa pang kasama nila at lumapit sa akin, nakakrus ang braso nito sa dibdib mukhang kasing edad ko lang sya, pero dahil sa kapal ng make-up nito ay mas naging matured ang itsura nya.   “May amnesia kaba talaga Cassandra o gusto mo lang makatakas sa kasal?” Sarkastikong sambit nito, binalingan ko lang ito ng tingin. Sino ba ang mga taong ito? Nang hindi ko ito sinagot ay tinaasan nalang ako nito ng kilay saka lumabas na ng silid ko.   Napaawang ang labi ko nang maiwan nalang akong mag-isa. Balisa akong nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto nang magbukas ang pinto at iniluwa non’ si Harry. “Anong nangyari kay Cassandra? B-bakit ako nandito? Sino ang mga taong iyon?” Sunod-sunod kong tanong rito, marahan itong lumapit sa akin saka nagsalita.   “Sila ang pamilya mo Cassandra, hindi mo ba naaalala?” Aniya, saka ngumisi. Nangunot ang noo ko. “Naaksidente ka sa Cebu at nahulog sa bangin ang sinasakyan mo kaya ka nandito sa hospital.” Dugtong nito.   Napatakip ako ng bibig sa narinig, si Cassandra—ibig sabihin, naaksidente ang tunay na Cassandra kaya ba pinagpapanggap ako ni Harry?   Lumapit ako rito ng bahagya, saka muling nagsalita. “Nasaan si Cassandra? kamusta ang lagay nya?” Nag-aalala kong sambit rito, bahagyang tumaas ang kilay nito at binalingan ako ng matalim na tingin.   “You mean Yasmine Santiago? She’s dead.” He said with a low and baritone voice.   Binalot ng kilabot ang buo kong katawan at naramdaman ang panginginig ng mga tuhod ko, ibig sabihin patay na si Cassandra? ang tunay na Cassandra! napaatras ako nang muli itong lumapit sa akin, he’s smiling but I saw the pain in his eyes.   “Patay na si Yasmine Santiago, ikaw na ngayon si Cassandra Montemar, tandaan mong nasa kamay ko ang buhay ng nanay at kapatid mo.” Sambit nito na may pagbabanta.   Napailing ako nang mapagtanto ang lahat, kung ang pagpapalit namin ni Cassandra at pagtatago sa pagkamatay nito ay nagagawa ni Harry ng walang kahirap-hirap. Hindi ko lubos maisip ang kahahantungan ng pamilya ko kapag hindi ako sumunod sa gusto nito. Nangingilid ang luha kong sumagot rito.   “Huwag mong sasaktan ang nanay at kapatid ko, please. G-gagawin ko lahat ng gusto mo.” Pagmamakaawa ko rito. Ngumiti ito saka sinukbit sa bulsa ang dalawang kamay.   “Good, mabuti naman at naiintindihan mo na ang gusto kong mangyari, Cassandra.” Aniya.   Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon, iniisip ang kalagayan nila nanay at Anthony. Kailangan kong makatakas dito, kailangan kong masiguro na ligtas sila, lalong-lalo na si nanay. Tumayo ako at nagsuot ng jacket saka tinungo ang pinto pero paghawak ko palang sa seradora ay bigla na itong nagbukas, iniluwa non ang isang pamilyar na lalaki. Si Vincent, may kasama itong mga lalaking hindi bababa sa lima. Ang iba ay nakatayo malapit sa pinto at ang ilan ay pumasok sa loob ng silid at doon nagbantay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD