CHAPTER SEVEN: You are Cassandra Montemar.

1386 Words
Binalingan lang ako ng tingin ni Vincent, sinigurong wala akong ibang mapupuntahan. Wala akong ibang nagawa kundi bumalik ng kama at muling mahiga. Ilang linggo pa akong nanatili sa hospital, wala akong phone at kahit na anong pang-contact sa labas, may pumupunta lang dito na mga tutors at maid na nag-aasikaso sa akin at nagtuturo hindi ko na nakita pang muling si Harry matapos ang gabing iyon, palaging si Vincent lang ang pinapapunta nya sa akin o kaya ay pinagbibilinan nito.  Ang alam ng lahat ay may amnesia ako, kaya hindi naging malaking palaisipan sa pamilya ni Cassandra ang pagkakaroon ko ng tutors at ilang personal assistant. Hindi narin sila muling bumalik pa sa hospital para dalawin ako, minsan ay nagtataka nalang ako kung pamilya ba talaga iyon ni Cassandra? bakit parang hindi pamilya ang turingan nila?  Maraming itinuturo sa akin si Vincent, mga personal na dapat kong matutunan tungkol kay Cassandra pati narin sa pamilya niya, lahat ng impormasyong dapat kong malaman tungkol sa mga taong malalapit dito ay masusi kong pinag-aralan. Hindi ako hinahayaan ni Harry na makibalita tungkol sa pamilya ko, ang alam nila ay patay na ako dahil nilibing nila ang katawan ni Cassandra at ako ang narito para pumalit sa kanya.   Maraming ititnuturo sa akin na halos nagpasakit sa ulo ko, magmula sa business, finance, logistics, languages hanggang ettiquetes at kung paano kumilos at manamit si Cassandra ay tinuro sa akin. She came from a very rich family, sikat ang pamilya ng mga Montemar sa manning and Investment. Hindi man kasing yaman ng mga Vallejo, their family was estabilize a great empire. Kaya nang magkasundo ang dalawang pamilya ay si Cassandra ang piniling ipakasal sa isang Vallejo na si Dominic. I never heard about him, sabi ni Vincent bata pa si Dominic nang manirahan ito sa New Zealand at hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Paano ako magpapakasal sa isang taong hindi ko pa nakikita? Iniisip ko palang ay nanlalamig na ako, ito ba talaga ang pakakasalan ko? Kaya ko ba talagang panindigan ito? "Ms. Cassandra kailangan na po nating umalis." Sambit ng isang lalaking nakasuit na pumasok sa silid ko, sa wakas. Makakalabas na ako ng hospital, magagawa ko naring makatakas para mapuntahan si nanay, ilang linggo ko na syang hindi nakikita, nagising na kaya sya? Si Anthony? Gustong-gusto ko na silang Makita. Habang nasa sasakyan ay tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang isang bodyguard na kasama ni Vincent ang syang nagdadrive ng sinasakyan namin habang abala si Vincent sa tablet na hawak nito at paminsan minsan ay may kinakausap sa cellphone. Ang dalawa pang bodyguards ay nakasakay sa isa pang sasakyan na nakasunod lang sa amin. Hindi ko maiwasang mapailing, dapat ba talagang ganito kahigpit ang pagbabantay sa akin? Binalingan  ko nang tingin si Vincent nang magsalita ito.  "Ms. Cassandra, Mr. Harry wants to meet you, he said that wait for him in the penthouse." Baritonong sambit nito, walang emosyon ang mukha. Tumango lang ako saka muling binaling ang tingin sa bintana. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa Dela Merced Hotel kung saan ang penthouse ni Harry. Pinasuot sa akin ni Vincent and shades at cup para walang makakilala sa paglabas ko ng sasakyan kahit na nasa underground parking naman kami at wala namang ibang taong nagpapark doon bukod sa mga mamahaling sasakyan ni Harry at mga bikes nito. Sumakay kami ng lift at bumukas sa penthouse ng hotel, the fantastic view greats me. Sinalubong kami ng dalawang babae na sa tingin ko ay mga stylist, may mga klase-klasing damit na nakahelera sa harapan ko. Sumenyas lang si Vincent saka nagumpisa na ang mga ito na ayusan ako. Hindi ko magawang magprotesta dahil kasama ito sa pinirmahan kong kontrata, kahit pa nagtataka ay hindi ko magawang magtanong kay Vincent. Alam ko namang hindi ako sasagutin nito. The maid prepared my bathe, lumubog ako sa buthtub nagbabakasakaling maibsan ang takot at pangambang nararamdaman ko sa pinasok kong gulo. Kailangan kong makatakas sa mga security ni Harry, pero paano? Matapos nila akong ayusan at bihisan ay umalis narin ang mga ito, naiwan nalang sa loob ng penthouse si Vincent, nakatingin ako sa salamin habang malalim ang iniisip. Hindi ko akalaing magiging ganito ang itsura ko, tiningnan ko ang mga litrato ni Cassandra na nakapatong sa vanity mirror. Inayusan nila ako base sa itsura ng tunay na Cassandra Montemar. Halos hindi ako makapaniwala, para kaming kambal. “Not bad.” Napaigtad ako nang marinig ang isang baritonong boses mula sa pinto ng kwarto. Si Harry, nakakrus ang mga braso nito sa dibdib habang nakasandal sa pintuan, his firm muscles move as he stands straight and walks towards me, his domineering aura makes me nervous. He leaned on the chair and looked at my reflection in the mirror. “You’re gorgeous Ms. Cassandra Montemar.” He huskily said, his warm breath touch my ears and the mint scent lingers in my nose. I cleared my throat. “Mr. Vallejo.” Mahina kong sambit, he towered me. I looked at him and bit my lip before I continued. He furrowed his thick eyebrow. “Gusto kong Makita si nanay, pwede ko ba s’yang puntahan sa hospital?” I asked. He walk towards the glass doors and crossed his arms in his hard chest. “Wala ka nang koneksyon sa mga taong iyon, Cassandra. Patay na si Yasmine Santiago, hindi ka pwedeng magpakita sa kanila” He said with a fiery eyes. “Please, pangako hindi ako magpapakita sa kanila, gusto ko lang malaman kung okay lang sila Anthony, lalong-lalo na si Nanay.” Pakiusap ko rito, a thin line appears on his lips na para bang nauubusan na ng pasensya. “Hindi ka aalis and that’s my command!” he shouted with finality. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot. “Don’t push me into my limits Cassandra, maiksi ang pasensya ko and you’ll never like it when I get angry.” Dugtong nito. Bumaba ang tingin ko at hindi na sumagot pa, nanginginig ang mga kamay ko kaya pinagtalikop ko iyon saka pinisil-pisil. “Let’s go, you need to go home.” Muling sambit nito, napaangat ako ng tingin rito saka nagsalita. “What do you mean Mr. Vallejo?” Kunot-noo kong sambit, lumapit ito sa akin saka muling tumugon. “You have to familiarize your house and lifestyle. Prepare yourself to meet your future husband soon.” Baritonong sambit nito saka ako nilagpasan at lumabas na ng kwarto. Tahimik lang ako habang nasa sasakyan kami, pilit na winawaksi ang kaba sa dibdib. Kahit pa napag-aralan ko na ang mga taong nakasalamuha at nakasama ni Cassandra ay hindi ko parin maiwasang kabahan, lalo na kapag naiisip ko ang pagkikita namin ni Dominic Vallejo. Ang lalaking pakakasalan ko, paano kung malaman nito na hindi ang tunay na Cassandra ang pinakasalan nya? Napailing ako at lihim na bumuntong hininga. Sa wakas ay narating na namin ang villa sa isang sikat at exclusive subdivision. Papasok palang ay hindi ko na maiwasang mamangha sa naglalakihang bahay na nadaanan namin, pero mas maganda ang hinintuan naming villa, it was luxurious nararapat lang sa katulad ni Cassandra Montemar. Is she living here alone? Sinalubong kami ng tatlong katulong nang makapasok kami sa malaking pinto ng villa. “Good evening Ms. Cassandra. Good evening Mr. Harry.” Bati nito, hindi ko alam kung anong reaksyon ang bibitawan ko sa mga ito, naramdaman ko nalang ang mainit na kamay na humaplos sa baywang ko at iginaya ako papasok sa living room. Naiwan naman kasama ng mga katulong si Vincent at mga bodyguards, nakita ko pang parang may sinasabi ito sa mga iyon. Harry seems familiar in this house, kabisado na nya ang loob ng bahay, I wonder kung anong relasyon ni Harry kay Cassandra? Madalas ba ang lalaking ito dito? Bumitaw lang sa baywang ko ang kamay ni Harry nang makapasok kami sa living room. Dumeretso ito sa isang lamesa at nagsalin ng alak sa baso, habang ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto at nilibot ang paningin sa magarbong silid. Kung ano ang kinaganda nito sa labas ay may mas igaganda pa pala sa loob, the floor was carpeted, western style ang villa, at ang mga kagamitan ay masasabi kong mamahalin dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong mga gamit. Hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang portrait, isang babae na nakapulang damit, her eyes are fiery and majestic, she’s an example of elegance and grace. Her beauty was irresistible, it’s Cassandra Montemar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD