“This is your home, Cassandra.” Narinig kong sambit ni Mr. Vallejo na noon ay nakaupo na sa sofa at hawak ang isang baso ng alak.
Madilim ang mukha nito at matalim na nakatitig sa akin. Lumapit ako para umupo sa sofa saka nagsalita. Hindi iniinda ang paninitig nito.
“M-mag-isa lang ba ako dito?” Kunot noo kong sambit. He looked at his glass saka muling nagsalita.
“I’ll designated a bodyguards for you, wala kang ibang iintindihin kung hindi ang pagpapanggap mo bilang Cassandra.” He said.
“P-pero, paano kung malaman nila? Lalo na ng pamilya ni Cassandra? Paano kung mahalata nila na hindi talaga ako si Cassandra?” Kunot-noo kong tanong rito, he smirked. Tumayo ito saka hinawakan ang braso ko, hinila ako nito palapit sa pintuan ng beranda na gawa sa salamin, muli kong nakita ang mukha ng babae sa portrait.
“Look at your self. Kamukhang-kamukha mo si Cassandra, sinong makakapagsabi na impostor ka maliban sa ating dalawa?” nakangisi nitong sambit habang nakahawak sa dalawang braso ko, tama si Harry, sino nga namang magaakala na isa akong impostor, kung mula ulo hanggang paa ay wala akong pinagkaiba sa tunay na Cassandra.
Humarap ito sa akin at tinitigan ako sa mga mata. “Ikaw si Cassandra Montemar, wala nang iba. Iyan ang itatak mo sa utak mo, naiintindihan mo?” Dugtong nito, napalunok ako at nanlamig nang salubungin ang titig nito, may kakaiba akong nakikita sa mga mata nito. His sharp stare are enough for me to shiver.
Umalis din ito kinagabihan pagkatapos naming kumain, naiwan ang tatlong bodyguards na kasama namin kanina. Naligo na ako at binalot ang katawan sa makapal na roba, pumasok ako sa walkin closet at napaawang ang labi nang makita ang iba’t- ibang klase ng mga damit at gamit pang-babae.
Magmula sa sapatos hanggang mga alahas, kompleto ang mga naroon. Naghanap ako ng komportableng damit pantulog, pero ilang minuto na ako sa loob ng silid ay wala parin akong nakikita man lang na t-shirt o shorts doon. Pinili ko nalang ang isang mamahaling silk na lingerie.
Naasiwa ako nang tingnan ang sarili sa manipis na damit na iyon, kailangan ko nang masanay sa mga ganitong pananamit simula ngayon. Sambit ko sa sarili Dahil narin siguro sa sobrang pagod kaya nagawa kong makatulog kaagad. Nagising nalang ako kinabukasan nang may marinig akong mahihinang katok sa pinto. Umupo ako sa kama saka pinikit pikit ang mga mata ko hanggang sa makuha ang tamang linaw nito.
"Ms. Cassandra, gising na po ba kayo?" Narinig kong boses mula sa pinto.
"Oo, tuloy ka." Sambit ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang babaeng nakauniporme, hindi sila ang nakita kong sumalubong sa akin kagabi, kaya bahagyang kumunot ang noo ko.
"Sino kayo?" Tanong ko, ngumiti ang isa at saka sumagot.
"Kami po ang personal assistant nyo Ms. Cassandra, kami po ang incharge sa lahat ng kailangan nyo dito sa Villa." Aniya, bahagyang napaawang ang bibig ko. Malamang si Harry ang nagtalaga sa dalawang ito.
"Ihahanda na po namin ang pampaligo nyo para makakain na po kayo ng agahan." Nakangiting sambit nito, bago pa ako makapagprotesta ay nakapasok na ang dalawa sa banyo, wala na akong ibang nagawa kundi ang sundan nalang ng tingin ang mga ito. Nang maihanda na nila ang tubig sa tub ay lumabas narin ito ng banyo saka ako muling binalikan.
"Ms. Cassandra, nakahanda na po ang pampaligo ninyo. Tawagin nyo lang po kami kapag may kailangan kayo." Sambit nito, ngumiti lang ako saka tumayo na sa kama.
"Thank you, pwede na kayong umalis." Sambit ko, sandaling nagkatinginan ang dalawa bago muling ngumiti sa akin at lumabas ng kwarto.
Sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng rose scented candles sa banyo. Hinubad ko na ang manipis na damit ko at saka bumaba na sa bathtub, ang mabangong amoy ng body wash ang syang nagpapakalma sa akin. Ang sarap sa pakiramdam, samahan pa ng mainit init na tubig. Paglabas ko nang banyo ay nasa loob nang muli nang kwarto ang dalawang assistant na magaasikaso ng isusuot ko.
Naiilang man ay pinilit kong huwag ipahalata sa mga ito, hindi ako makapaniwalang pati sa pagbibihis ay may mga katulong si Cassandra, hindi ba s’ya marunong magbihis mag-isa? Pinilit ko nalang na huwag ipahalata sa mga ito ang pagkasuya ng mukha ko habang binibihisan nila ako, kailangan kong makausap si Mr. Vallejo tungkol dito, siguro naman ay pwede kong hilingin na huwag na akong bigyan ng mga assistant.
Sinuot ko ang isang puting spaghetti strap dress na hindi aabot hanggang tuhod, saka ako namili ng alahas na iteterno sa damit ko, kung ako ang tatanungin ay okay na sa’kin ang ganito. Hindi parin kasi ako komportableng gamitin ang mga personal na gamit ni Cassandra, pero dahil kailangan kong panindigan ang pagpapanggap sa huli ay kinuha ko ang isang pares ng kulay pink na diamond earrings, ito lang ang pinakasimpleng alahas na naroon pero ito rin ang pumukaw sa pansin ko. Napakaganda ng kulay nito, lalo na ang kakaibang kinang kapag nasisilawan ng liwanag.
Hindi parin ako makapaniwala kung gaano kaganda ang bahay na ito, halos pwede na akong magsalamin sa kintab ng sahig na puting-puti at ang mga mamahaling paintings na nakasabit sa pader na agaw pansin ay masasabi kong pinag-isipang maigi bago inilagay roon. Para akong nasa isang museum at hindi bahay.
“Good morning Ms. Cassandra.” Bati sa akin ng isa pang kasambahay habang naglalapag ng pagkain sa dining. Ngumiti ako saka bumati rito.
“Good morning!” Tugon ko, sandaling natigilan ang kasambahay ko at naiilang na ngumiti, binalewala ko nalang iyon saka umupo na. Habang ang dalawa kong assistant ay nakatayo lang sa gilid habang nag-babantay. Lalo akong naging balisa kaya binalingan ko ito ng tingin saka nagsalita.
“Kumain na ba kayo? Sabayan n’yo akong kumain.” Sambit ko rito. Tumango ang dalawa saka nagsalita ang unang babae na bumati sa akin sa kwarto.
“Thank you po Ms. Cassandra, pero kumain na po kami. At mahigpit pong ipinagbabawal ang pag-sabay namin sa pagkain niyo.” Tumaas ang dalawang kilay ko saka bahagyang napaawang ang labi ko. Sino naman kaya ang naka-isip ng ganung rules sa bahay na ito? Si Cassandra?
Napalingon ako nang may marinig akong magsalita mula sa pinto ng dining, napalunok ako nang makita si Harry, seryoso ang mukha at matalim na nakatingin sa akin. Sinenyasan niya lang ang dalawang assistant ko, hindi ko alam kung paano pero nakuha kaagad nito ang gustong ipahayag ni Harry, mabilis na umalis ang dalawa at kami nalang ni Harry ang naiwan sa loob ng dining area.
“Cassandra never eat with her assistant.” Mababa at baritonong sambit nito, saka hinila ang upuan sa gilid ko at umupo roon. “Be careful on how you act, you’re not just somebody anymore you are Cassandra Montemar.” Dugtong nito.
“I’m sorry.” Mahina kong sambit, he glare at me and furrowed his thick eyebrows.
“Dominic will be back tomorrow, be prepared by then.” Napaangat ang tingin ko rito saka napalunok, darating na si Dominic? Kinakabahan ako sa mga mangyayari, kahit pa ang alam ng lahat ay ako si Cassandra, hindi parin nito maitatago ang katotohanang hindi pa ako handa sa pagpapakasal lalo na sa taong hindi ko pa nakikita kahit kailan. Napasinghap ako nang marinig ang pagtikhim ni Harry.
“Cassandra, are you nervous?” Sambit nito. Tumango ako saka pinagtalikop ang mga kamay.
“H-Harry, kailangan ko ba talagang magpakasal kay Dominic?” Tanong ko rito, lalong nalukot ang noo nito saka tumayo at lumapit sa akin, tinukod ang kamay sa lamesa saka yumuko para hanapin ang mata ko, kinabahan akong lalo nang magtama ang mga mata namin, ang malamig nitong mga tingin ay mas nakikita ko na, ngunit bukod doon ay may iba pa akong nakikita sa mga mata nito, lungkot. He has the sadder eyes that I’ve ever seen, he’s grieving! Why?
“Don’t make me repeat myself Cassandra, gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko. naiintindihan mo?” Malalim at seryosong sambit nito, muli akong napalunok at nauutal na tumango rito saka tumugon.
“O-okay.” Utal kong sambit, umayos ito ng pagkakatayo saka inayos ang nagusot na coat.
“Stay here, your tutor will come today.” Aniya, saka umalis na ng dining area. Halos maubusan ako ng hininga sa tagpong iyon, magkahalong kaba, takot at dagundong ng dibdib ang naramdaman ko habang magkalapit ang mga mukha namin. Nangilid ang luha ko nang makitang lumabas na si Harry sa dining room.