Kinabukasan, maaga akong nagising, hindi halos ako nakatulog dahil sa nangyari. Ilang minuto pa akong tumitig sa kisame bago nagpasyang maligo, sinuot ko ang binili ko kahapon na chiffon dress, nagpatuyo lang ako ng buhok at naglagay ng minimal na make-up saka sinuot ang isang pares ng stellietos at lumabas na ng kwarto.
Sinalubong ako ni Vincent sa baba ng hagdan saka ito tumango para bumati sa akin. “Ms. Cassandra, nakahanda na po ang sasakyan, pwede na kayong umalis.” Seryosong sambit nito. Nilibot ko ang paningin bago ito binalingan at nagsalita.
“Nasaan si Harry?” Tanong ko rito.
“May importanteng meeting si Sir Harry, kaya hindi siya nakapunta rito.” Aniya, saka minowestra ang kamay para alalayan ako palabas ng bahay. Sa ibang sasakyan nakasakay si Vincent pero may kasama ako sa sasakyan, isang bodyguard at driver. Hindi ko maiwasang kabahan habang nasa byahe, kaya binaling ko nalang ang tingin sa bintana. Hanggang sa makarating na kami sa isang mamahaling restaurant, pinagbuksan ako ng pinto nang kasama kong bodyguard.
Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang makapasok sa loob ng restaurant. Sinalubong ako ng isang staff at sinamahan sa isang private diner. May ilang table ang nandoon pero walang tao bukod sa isang matangkad na lalaking nakatayo malapit sa ceiling-floor glass wall, nakasuot ito ng suit na kulay dark blue at trouser, I got a goosebums pareho sila ng awra ni Harry. Nakakatakot at intimidating, nakapamulsa ito at nakatingin lang sa labas. Lumingon ito sa amin nang magsalita ang staff na kasama ko.
“Mr. Vallejo, nandito na po si Ms. Montemar.” She politely said.
Napalunok ako nang tuluyang humarap sa amin ang lalaki, he has a resemblance at Harry. Thick brows, sharp nose, thin red lips and a perfect pair of jaw, his deep brown eyes are beautiful indeed. Lihim akong napatikhim nang ngumiti ito ng bahagya saka binalingan ang kasama kong staff.
“Thank you, you may go.” Baritonong sambit nito. Agad namang umalis ang staff ng restaurant at naiwan kaming dalawa ni Dominic. Hindi ako kaagad nakapag-salita o makagalaw man lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko hanggang sa muli itong magsalita.
“It’s nice to see you Ms. Cassandra Montemar, have a seat.” Aniya, saka hinila ang upuan at nakatingin sa akin. I don’t know but all of the Vallejo that I knew has the same eyes, deep and has a threatening sharp gaze, but a glimpse of sadness.
“Thank you.” Sambit ko nang makaupo na ako, umikot ito sa katapat ko na upuan saka naupo na.
May mga nakahanda nang mga pagkain sa lamesa, base sa nakikita ko ay mga paboritong pagkain ito ni Cassandra, sandali akong napatitig sa mga iyon at naalala ang totoong Cassandra, pwede ko kayang madalaw man lang ang puntod niya? Napasinghap ako nang biglang magsalita ang lalaki sa harap ko.
“Why? Hindi mo ba gusto ang mga pagkain? I thought this is your favorite food.” He said with blank emotions, tumikhim ako saka umiling rito.
“H-hindi, may naalala lang ako.” Sambit ko saka matipid na ngumiti rito.
“Please eat.” Aniya. Kinuha ko ang kobyertos saka nag-umpisa nang kumain, tahimik lang kami pareho habang kumakain paminsan-minsan ay hindi ko maiwasang mapagmasdan ang mukha ni Dominic. Gaano niya kaya kakilala si Cassandra? Ang sabi ni Harry hindi pa sila nagkikitang dalawa, bakit kaya ito pumayag na magpakasal?
“Ms. Cassandra, is there something wrong?” Narinig kong sambit ni Dominic, I bit my lip saka umiling.
“I’m sorry, pero pwede ba akong magtanong?” Halos manginig pa ang boses kong sambit rito, bahagyang nangunot ang noo nito pero nawala rin kinalaunan saka sumimsim ng wine at tumango. “Why do you want to get married with me?” Tanong ko, binaba nito ang kubyertos na hawak saka pinunasan ng table cloth ang bibig.
“Because of business.” Matipid nitong tugon, nangunot ang noo ko at pilit na prinoproseso ang sinabi nito. “I know you agreed to this arrangement because of business Cassandra, why? Is there anything that you want to get from this marriage other than money?” Sarkastiko nitong sambit.
Napakurap ako ng ilang beses, paano naaatim ng mga taong ito ang magpakasal sa hindi naman nila mahal alang-alang sa pera?
Natigalgal ako sandali at hindi na nakasagot hanggang sa marinig kong magsalitang muli si Dominic.
“I heard you have a mild amnesia from a car accident. Are you okay now?” Muling sambit nito.
“Yeah, I’m okay.” Matipid kong sagot saka binaba ang tingin sa plato ko, pilit paring pinoproseso ang sinabi nito.
“Cassandra, maybe you forget that this marriage is about business nothing else involves, I hope you’ll cooperate well for the sake of two companies.” Aniya, saka nilapag ang table clothe sa lamesa at tumayo. “I’m done eating, please enjoy your meal, let’s meet at the wedding ceremony.” Dugtong nito saka naglakad na palabas ng restaurant habang ako ay naiwang mag-isa at nakaawang ang labi.
Lahat nalang ba ng myembro ng pamilya niya tatakutin at mamandohan ako? Akala ko si Harry lang ang may pagkademonyo sa Vallejo, I was wrong, it’s run in their blood indeed! Evil’s blood!
Dominic.
“Welcome back Dominic!” Narinig kong pamilyar na boses sa di kalayuan, si Lance. Kalalabas ko lang ng airport at hindi ko alam kung bakit siya nandito.
“What are you doing here?” Seryoso kong tanong rito.
“Come on Dominic, are you not please to see me? I’ve cancel all of my meetings just to pick you up. Can’t you be just thankful?” Nakangisi nitong sambit.
“Alright President Lance Vallejo, thank you!” Tugon ko saka ngumisi rito.
Bata palang ako nang magpunta ako ng New Zealand, after my mother died from a tragic accident. Nagpasya si dad na dalhin ako sa New Zealand, ilang taon narin ang nakalipas pero ang aksidente ni mama ay paulit-ulit kong napapanaginipan. Bukod sa katapid kong si Harry, si Lance ang madalas kong nakakausap at nakakasama. Minsan ay nagbabakasyon ito sa New Zealand at nag-aral kaming pareho doon noong college, kaya lang kinailangan niyang umuwi dito sa Pilipinas at dito na magpatuloy ng pag-aaral dahil sa business ng pamilya namin.
And now I decided to come back para sa kasal namin ni Ms. Cassandra Montemar, I barely heard about her. Pumayag ako sa kasunduan para sa company at dahil kay daddy.
“Dominic, nabalitaan mo ba ang nangyari kay Cassandra last month?” Tanong ni Lance habang nasa byahe kami.
“Yeah, I heard about it. Si kuya ang nag-asikaso ng lahat, I think she’s fine.” Tugon ko rito.
“Right, she’s a strong woman, biruin mong nakaligtas pa siya sa pagkakahulog niya sa bangin? But something is off, anong ginagawa niya sa lugar na iyon? At nagkataon rin na nandoon si Harry. That’s odd.” Aniya.
“It’s good that she’s alive, I still have a bride.” Sambit ko rito saka ito nginisian. “By the way, speaking of bride, when will you get married? Mukhang hindi nagbibiro si tito nung sinabi niyang hindi ka niya pamamanahan hangga’t hindi ka nakakasal.” Dugtong ko, he give me a sharp stare.
“Asshole! I’m not like you who can easily get married. maybe I didn’t find yet the right girl for me.” Aniya, napailing nalang ako rito saka ngumisi. How would you know that the girl you’re marrying is the right one? Is it from the first glance? The first kiss? Is it from the strange feeling that you may felt while saying your vows? I don’t know.. I really don’t know, but one thing is for sure. I’m marrying an incredible and beautiful woman.
First Impressions lasts, the first time I saw Cassandra I felt strange, there’s something on her na hindi ko maintindihan, her intense gaze says something. She caught my attention because of her braveness. Totoo nga ang balita tungkol sa babaeng ito, no wonder kung bakit nangunguna ang Montemar sa field ng business nito. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganun nalang kadesperado si dad na ma-acquire ang Montemar.
I can’t wait to get married to this woman and see how incredible she is.