EPISODE 11: Wedding of the Century
Cassandra/Yasmine.
Nagkakagulo at abala ang lahat sa Dela Merced Hotel because of my wedding, all of the business partners from different fields are here, friends and relatives of Vallejo are also here. The merging of two big empires makes the media buzz; they called it ‘Wedding of the Century’.
“Isn’t funny? They even get a name on our wedding.” Sambit ng lalaking nakasuot nang isang taylor-handmade white three piece suit, he looks formal and georgous as usual. Mukhang walang nagpapatalo sa buong angkan nila pagdating sa pagiging magandang lalaki. Pero syempre, wala ring nagpapatalo sa kanila pagdating sa kademonyohan, ang isa ay gahaman sa pera, ang isa naman ay gagawin ang lahat makuha lang ang atensyon ng ama, mukhang pare-pareho kaming sa impyerno pupulutin kapag nagkataon.
“Maybe they are more excited in our wedding than us.” Tugon ko rito, saka inipit sa likod ng tenga ang hibla ng takas na buhok.
“Are you sure you want to continue this? Pwede ka pang umatras.” Baritonong sambit nito, lihim akong napangisi, kung pwede nga lang noon ko pa nagawa. Pero nakasalalay rito ang buhay ng nanay at kapatid ko.
“Bakit naman ako aatras? After this wedding the three percent shares of Vallejo Interprises will be mine. Remember that this is just a business deal Dominic with a twist.” Sambit ko rito saka ito nilingon at nginisian, I saw his expression darken, but before he would say anything ay may kumatok na sa pinto ang organizer ng wedding at pinapalabas na si Dominic dahil mag-uumpisa na ang wedding ceremony. Tumayo ito saka inayos ang coat na bahagyang nagusot saka humarap sa akin at inilahad ang kamay.
“Welcome to hell Ms. Cassandra Montemar.”
Inilahad ko rin ang aking kamay saka nakipagkamay at ngumisi rito, agad akong napasandal sa upuan nang makalabas na ito ng silid at nanginginig na pinagtalikop ang mga kamay ko, pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mata ko. Kaya ko ito, para kay nanay at Anthony, kakayanin mo Yasmine!
Suot ang isang maganda at pinakaeleganteng trahe de boda na nakita ko, marahan akong naglalakad sa gitna ng wedding hall kasama ang ama ni Cassandra, kasabay ng magandang musika ay ang mga matang walang patid ang tingin sa akin, their faces are full of amazement and joy over Cassandra, tama at hindi sa akin. Kung malaman siguro ng mga taong nandito ngayon na patay na ang totoong Cassandra at isang impostor ang nasa harap nila, magiging ganyan kasaya parin kaya ang rerehistro sa mga mukha nila?
Binaling ko ang tingin sa lalaking nasa dulo ng aisle, prente itong nakatayo roon at seryoso ang mukha, isang ekspresyon na kahit kailan ay hinding-hindi mo makikita sa anumang normal na kasalan. Si nanay kaya? Kung nakikita niya kaya ako ngayon, masaya kaya siya? Sigurado akong magtatalon iyon sa tuwa kapag nalaman niya kung gaano kamahal ang wedding gown na suot ko, si Anthony? Baka hindi iyon makatulog kapag nalaman niya dahil excited iyon na ibalita sa mga kaklase niya na mayaman ang napangasawa ng ate niya.
Hindi ko namalayan ang luha sa mga mata ko at sunod-sunod itong dumaloy sa pisngi ko, hanggang sa makarating kami sa dulo ng aisle, kinamayan ni Dominic si daddy saka inabot ang kamay ko, habang ako ay nagpapatianod lang sa mga nangyayari.
“I warned you, but you didn’t listen to me.” Bulong sa akin ni Dominic nang kumapit ako sa braso nito, mapait akong napangiti.
“I’m not crying because I’m sad, I’m crying because I pitied you.” Sambit ko rito, nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Dominic at ang matatalim na tingin nito sa akin na agad rin nawala nang magsalita ang pari na nasa harapan namin.
--
“I pronounce you man and wife; you may now kiss the bride.” Narinig kong sambit ng pari humarap kami sa isa’t-isa ni Dominic na noon ay may blangkong ekspresyon. Until he lean forward and kissed me, it was my first kiss. Other says that first kiss is like a heaven, the sweet taste of it makes you feel like home. But for me, I just felt the longing and sadness a miserable feeling that I shouldn’t felt when I get my first kiss.
Naging abala kami ni Dominic sa pagbati sa mga bisita ang lahat ay masayang makita kaming kinasal, hinayaan ko lang na si Dominic ang kumausap sa mga bisitang nilalapitan namin, minsan ay napapasinghap ako kapag nararamdaman ko ang mainit na palad nito sa likuran ko o di kaya ay hahawak sa kamay ko.
“Welcome to the family Cassandra.” Sambit ng isang magandang babae na papalapit sa amin, nakahawak ito sa braso ni Harry. Bahagya akong ngumiti saka binaling ang tingin kay Harry na noon ay seryoso ang mukha.
“Thank you.”
“Dominic should be greatful to have you Cassandra, hindi ba honey?” Muling sambit nito saka binaling ang tingin kay Harry, bahagyang nangunot ang noo ko may laman ang sinabi nito at nakita ko ang bahagyang pagkailang ni Harry pero agad rin namang nawala nang lumapit si Dominic.
“Thank you Beatrix, please excuse us. We need to go, kuya thank you for organizing this wedding.” Baritonong sambit ni Dominic saka humawak sa baywang ko, bumaba ang tingin ni Harry sa kamay ni Dominic saka sumagot at ngumiti.
“Anything for the both of you.” Aniya saka binalingan ako ng tingin, hindi ko matagalan ang pagtitig nito sa akin kaya ako ang unang nag-iwas ng tingin, hanggang sa ayain ako ni Dominic para lumapit sa ama na noon ay abala sa pakikipag-usap sa mga bisita nito.
“Dad.” Aniya, binaling ng matanda ang tingin sa amin saka ngumiti. “We have to go, baka malate kami sa flight.” Dugtong nito, tumango naman ang matanda saka nilipat ang paningin sa akin.
“Okay, welcome to our family Cassandra, you are now my daughter.” Sambit nito, ngumiti ako saka tumango, nagpaalam rin kami sa mga magulang ko, sa lahat ng taong narito sila ang pinakamasaya sa lahat dahil sa perang makukuha nila mula sa Vallejo at sa pagtulong nito sa kumpanya ni dad na siyang dahilan nang kasalang ito.
Nagpalit lang ako ng damit saka kami umalis at dumeretso sa airport, isang linggo ang dapat na honeymoon namin sa Barcelona pero tumanggi si Dominic, marami raw siyang kailangang asikasuhin sa company. Sang-ayon naman ako roon dahil hindi ako pwedeng matagal na mawala lalo na't alam kong nasa poder ni Harry ang nanay at kapatid ko.
Ilang araw kaming nag-stay sa Barcelona, halos mapanganga ako sa ganda ng lugar, ito ang unang beses kong lumabas ng bansa. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nadaraanan naming tanawin, dumeretso kami sa isang five star hotel ang Majestic Hotel Barcelona. Wala namang kakaibang nangyari sa honeymoon namin, nanatili lang kami sa hotel, literal.
Minsan ay kumakain kami sa restaurant sa labas pero normal lang na dinner pagkatapos ay babalik na kaming muli sa hotel. Ito na siguro ang pinaka-weird na honeymoon na nakita ko.
Nang makabalik kami ng bansa ay sinalubong kami ng tauhan ni Dominic na si Con, hindi katulad ng tauhan ni Harry mabait at palangiti si Con kaya noong unang beses ko itong nakita ay nakabiruan ko na kaagad ito. Ngumiti ako nang Makita ito sa labas ng airport.
“Welcome back Sir Dominic, Ms. Cassandra.” Nakangiting bungad nito sa amin, seryoso lang ang mukha ni Dominic at hindi ito pinansin saka dumeretso na sa loob ng sasakyan.
“Thank you Con.” Bati ko rito saka sumakay narin.