CHAPTER ONE
JUNE 2005
“UY TOL! What if malaman nila Auntie at Uncle na hindi pa nga nagsisimula ang pasukan, here you go again, making troubles?” tanong ni Sev kay Dale.
“Actually, ipinagtanggol niya lang iyong babae kanina. Kung tumigil na sana sila Castillo, eh, ‘di walang trouble ang magaganap, ‘di ba?!” si Aries ang sumagot sa tanong nito para sa kanya.
Dale was bravely sitting at the top of parapet wall and simply entertaining himself by looking at the tiny and busy people at the entire school, kung saan parang mga miniature lang ang mga dumaraan. Nasa rooftop silang tatlong magkakaibigan kaya tanaw nila ang lawak ng ibaba— sa rooftop ng Saint Albertus Magnus Science High school— one of the most prestigious Science High school in the Philippines. First day enrollment din nila ng araw na iyon, kung saan nag-enroll sila Dale at ang mga kaibigan niya bilang fourth year high school students.
“Paano na lang kung nakita ka ng mga spy ng parents mo? Dapat kasi hindi mo na ipinagtanggol iyong babae kanina, mukha kaya siyang aligagang nakatakas sa mental hospital at naligaw dito sa school natin!” tatawa-tawa at umiiling-iling si Sev.
Nakasimangot namang tumingin si Dale kay Sev, saka tumingin muli sa ibaba. Pero tama naman si Sev, kung hindi man minsan ay madalas pina-i-spy-yan siya ng kanyang daddy at mommy para lamang bantayan ang kanyang mga kalokohan. Take note, inaabangan talaga ng mga ito ang gagawin niyang kalokohan, especially his perfectionist mother na minsan nga kahit nagtutulakan lang silang magkakaibigan ay suntukan na ang nakakarating dito.
“Teka lang, ‘tol. Alam kong hindi ka naman kasing daldal ko. Pero nababagabag lang kami, para ka nang naging pipi at kanina ka pa walang imik. May problema ka ba?” si Sev muli.
“Oo nga, ‘tol. Kung ako sa’yo sabihin mo na sa’min. Wala namang ibang makikinig sa’yo kundi kami lang,” sabi naman ni Aries. Seryoso naman ang dalawa niyang kaibigan.
Ilang segundo pa siyang nag-isip kung sasabihin niya ba ang panibagong problema. Well, ang mga kaibigan lang naman niya ang nakikinig sa kanya. Bumuntong-hininga si Dale bago nagsalita. “Nahanap na nila Daddy at Mommy ang nakababata kong kapatid,” aniya.
Ang dalawa niyang kaibigan ay saglit na natigilan at nagka-tinginan.
Si Aries ang unang nagsalita. “Oh ‘di mabuti! ayaw mo nun? May kapatid ka?” kumbinsi pa nito sa kanya, nakangiti.
Natawa siya at nailing, saka tumingin sa kalangitan. “Huwag nga kayong patawa, ampon lang ako ‘di ba? At alam niyo ang sitwasyon ko.”
Muling nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan. Si Aries ay magsasalita na sana ngunit umurong ang dila. Si Sev naman na karaniwang hindi nauubusan ng topic at advise ay biglang natahimik, tila pilit tumingin sa itaas bandang kanan at nangangapa ng tamang mga salitang pwedeng sabihin sa kanya.
Nagkamalay si Dale sa mundong ibabaw nang walang kinikilalang mga magulang, tanging mga madre lang at mga batang ulila ang kanyang nakasama sa isang bahay-ampunan. Isang pamilya ang turing niya sa mga iyon dahil ang mga iyon lang ang lagi niyang kasama, kaaway, karamay at kalaro. Pero kahit may nakuha siyang pagmamahal sa mga iyon ay hinahanap-hanap niya pa rin ang pagmamahal ng isang tunay na magulang at inisip kung gaano kasarap mahalin bilang isang anak. Nai-ingit siya sa mga kasamahan niyang naa-ampon at the same time ay masaya siya para sa mga ito.
Hanggang sa dumating na ang araw na siya naman ag binigyang pagkakataon ng tadhana para magkaroon ng buong pamilya. Sampung taong gulang si Dale nang ampunin siya nina Mr. Vlad at Mrs. Emma Anguiano. Sabi ng mga madreng nag-alaga sa kanya ay swerte siya sa mag-asawa dahil kilala ang dalawa bilang pinakamagagaling na duktor at chemist sa bansa at may-ari ito ng isa sa pinakasikat na Pharmaceutical sa bansa— Ang Anguiano Pharmacheutical Corporation. Tandang-tanda niya pa ang pakiramdam na ma-excite, pero habang tumatagal na lumalagi siya sa malaking bahay ng mga ito ay unti-unting naglaho iyon. Napag-alaman niya na inampon lang pala siya ng mga ito bilang replacement sa nawalang anak na babae, at napilitan din ang mga itong ampunin siya dahil sa kanyang pambihirang talino. Dale had an IQ of 180, at mapapakinabangan siya ng dalawang magagaling na duktor. Iyon ang minsan at hindi niya sinasadyang marinig na napag-usapan ng mga magulang at mga kapatid ng kanyang bagong daddy at mommy.
Masasarap ang kinakain nii Dale sa kanyang bagong tahanan kung tahanan ngang maituturing iyon, pero once in a blue moon lang niyang makasalo ang kanyang daddy at mommy dahil laging busy ang mga ito sa trabaho. Kapag nakakasalo siya ng mga ito imbes na siya ang kumustahin ay ang performance lang niya sa school ang kinukumusta. Binibigay din naman ng mga ito ang kanyang mga pangangailangan, but not the thing that he wanted most— their love. Kaya tuloy lumaki siyang mga kasambahay ang laging ka-bonding sa bahay pero kahit magkaganoon pa man ay ginawa niya ang lahat para mapansin siya pero bale-wala ang lahat.
Minsang pangyayari sa buhay niya, noong fourteen years old na siya ay aksidente siyang nahulog sa hagdan ng kanilang bahay at nawalan ng malay. Paggising niya ay naroon pa rin siya sa ibaba ng hagdan, walang tumulong o naligaw man lang doon dahil nga sa lawak ng mansyon. Nang makita niya ang kanyang mommy ay sinabi niya ang nangyari, pero pinagalitan pa siya at tinawag na sinungaling dahil wala naman daw dugo ang kanyang ulo. Wala ngang dugo, but he knew that there was something wrong with him ever since that incident. Madalas siyang mahilo, magsuka at sumakit ang ulo. Napansin din niya na minsan ay bumabagal ang kilos niya at iba pa, pero ang pinaka-ayaw niya ay iyong madalas mahirapan na siya sa mga subject niya sa school, and he suffered from concentration difficulties.
Ang sabi ng kanyang kaibigang si Sev ay normal lang daw na bumaba ang grades kapag nag-rerebelde. Ang buong akala ni Sev at iba niyang kaibigan ay bumababa ang grades niya dahil sa nagrerebelde siya sa kanyang daddy at mommy. At nang makarating sa mga ito ang performance niya sa school ay nagalit ang mga ito sa kanya. He tried again to pleased his father and mother in other way katulad na lang nag pag-a-asikaso niya sa mga ito tuwing darating ng bahay, pero mas lalong napalayo ang mga ito sa kanya. And one day, they started to call him a rebel.
But he knew that he was not a rebel. Hanggang sa nagpacheck-up siya sa isang espesyalista, at base sa obserbasyon sa kanya ng duktor at sa sintomas na kanyang nararamdaman ay nagsa-suffer siya sa Concussion o sa isang Traumatic brain injury. Pinayuhan siya ng duktor na sabihin sa kanyang mga magulang para ma-diagnose pa ng mas maayos, pero hindi niya ginawa kasi alam niyang hindi naman makikinig ang mga iyon sa kanya at pagmumukhain lang siyang papansin at sinungaling. Kaya mahirap mang gawin ay pilit niyang ini-recover niyang mag-isang sarili sa pamamagitan ng mga payo na binasa niya sa mga librong pangmedisina. Hindi na siya nagpatingin sa duktor dahil kinukulit siya nito na isama ang mga magulang niya sa kanyang check-up. Minsan ay ilang ulit niya na ring gustong sabihin, kaso ay baka uminit lang ang ulo dahil walang panahon ang mga ito sa kanya, lalo na ang mommy niya na laging galit sa kanya kahit wala siyang ginagawang masama.
Sa sariling sikap at self-medication, himala na gumaling si Dale at naka-recover. Bumalik sa normal ang kanyang buhay. But one day again, suddenly, he suffered from post-concussion syndrome. Pareho rin ang sintomas tulad ng nauna, pero mas mahirap, at magpa-hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-recover.
“Tol nakikinig ka ba sa’kin?” Yugyog ni Aries sa kay Dale. Bahagya siyang nagulat sa kaibigan. Naririnig niyang kanina pa ito nagsasalita at nag-a-advise tungkol sa kapatid niya, pero masyado siyang busy sa malalim na iniisip.
“Ah, pasensya na,” Umiling siya.
“Ang mabuti pa, Aries, iwan muna natin siya, he needed some time alone,” ani Sev na tinapik siya sa balikat. Napabuntong-hininga naman si Aries, pero sumang-ayon din.
“Sige alis muna kami, puntahan lang namin si Rey sa ospital,” si Sev ulit.
“Huwag kang tatalon, ha? At pwede ba? Bumaba ka na dyan, pwede ka namang sumilip ng hindi umuupo,” sabi naman ni Aries.
“Mahal ko pa rin naman ang buhay ako mga sira. Sige na, paminsan-minsan iwan nyo rin naman ako. Lagi na tayong magkakasama mamaya nyan magkapalitan na tayo ng mga mukha,” Tinaboy niya ang dalawa gamit ang senyas ng kamay. Kumibit-balikat si Sev, si Aries naman ay iiling-iling saka parehong umalis nang may pagdadalawang-isip.
Muling ibinalin ni Dale ang tingin sa mga taong busy sa ibaba ng rooftop. Napabuntong-hininga siya at muling nag-isip. Sa darating na gabi ay makikita na niya ang kapatid niya, or rather he says, ang tunay na anak ng kanyang daddy at mommy. They also said that the girl is genius na namana sa mga magulang nito. So kapag dumating na ito, siya lang ang hindi matalino sa buong pamilya, malamang hindi na siya kausapin ng kanyang daddy at mommy, at malamang... paalisin na siya ng mga ito.
Walang pag-aalinlangang tumayo si Dale sa flat surface parapet ng rooftop. Wala naman siyang balak magpakamatay, wala lang, gusto niya lang tumayo, baka-sakaling mabawasan ang sama ng loob niya. Pero alam niyang kapag wala na siya ay wala namang pakialam ang kanyang daddy at mommy lalo pa ngayong darating na ang nakababata niyang kapatid. Magiging basura na lang siya sa buhay ng dalawa. Kailangan ihanda na niya ang sarili sakaling i-itsapwera na siya sa bahay at buhay ng mga ito.
“Kapag dumating na ang tunay na anak nila daddy at mommy, aalis na ako, bahala na kahit maging lagalag ako sa kalsada at—" naputol lang ang iniisip niya nang maramdaman niyang may humatak sa t-shirt niya sa likuran. Then he fell! He hit his back first!
“Ouch!” napangiwi siya.
“Okay ka lang ba? Pasensya na napalakas ang hatak ko sa’yo,” ani ng tinig ng isang babae. Unti-unting iminulat ni Dale ang kanyang mga mata. He saw the sky, then an Angel.
An Angel, nahulog ba siya? And really? Sa langit siya napunta agad-agad?
“Uy,” a voice of a girl called him again. Then he met her big, round and light brown eyes behind her thick eye glasses.
“Sino ka?” agad siyang napa-upo nang ma-realize na hindi naman pala siya nahulog. He’s still on the rooftop! At isang babae ang nasa harapan niya, hinatak siya nito!
“Ah kasi—” tila nalilitong sabi ng babae. He watched her with his half-closed eyes while she’s struggling to find the right words to say. Based on his perspective, the girl was typical and simple, the kind of girl that you couldn’t find on Saint Albertus Magnus Science High School. From her white t-shirt to her faded denim jeans and a pair of blue converse shoes to her torn out Jansport back pack. She looked like an outsider rather than a ‘SAMian’
Wait, there was something familiar about her. Her long hair and her annoying bangs, her innocent eyes na bumagay sa makakapal nitong kilay at matangos na ilong. Parang nakita na niya ito.
“Teka,” pilit siyang tumayo kahit na nananakit pa ang likod at tumayo rin ang babae. And because he’s tall enough, the girl looking up at her like a child. Then there was a sudden rush of heat in his body, napalunok siya. He did not remember feeling uncomfortably aware of any woman or a girl... until now. Napailing lang siya nang makita niyang napa-awang ang mapupula nitong mga labi. Then he remembered! Ito iyong ipinagtanggol niya sa mga bully kanina! “Ikaw ba ‘yung babae kanina?”
“Naalala mo ako?” lumiwanag ang mukha nito at bahagyang ngumiti.
Napakamot si Dale sa ulo. “Well, mukhang ikaw lang kasi ang nag-iisang makapal ang lente ng salamin dito sa school although marami ritong nerd,” Kumibit-balikat siya, “Ano’ng ginagawa mo dito sa roof top?”
“Nililibot ko ang school para makabisado ko agad. Ikaw? Bakit ka magpapakamatay?”
Napanganga siya, napagkamalan ba siya nitong magpapakamatay? “It’s none of your business after all,” Iwas niya ng tingin dito. “Aww!” kumirot ang likod niya.
“Ang business ko ay ang konsensya ko, ha-haunting-in ako nito gabi-gabi kapag hinayaan kitang tumalon na lang. Kahit naman siguro sino pipigilan ka.”
Napailing si Dale at napabuntong-hininga. Ilang segundo pang hinintay ng babae ang kanyang mga sasabihin, pero hindi na niya nagawa dahil biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Mas lalong napabuntong-hininga siya nang makita kung sino ang tumawag— Ang kanyang daddy.
“Hello Dad? Nandito pa po ako sa eskwelahan. Po? Ngayon na?” Sumulyap siya sa relo. Maaga pa pero nagtatawag na ito ng dinner. “Okay. Will be there in twenty to thirty minutes, ” Diniinan niya ang cancel button ng kanyang cellphone. This is it, he will meet his little sister, the one and true offspring of his parents.
Tumingin siya sa babaeng kaharap. “I’m sorry, babe, I have to go,” aniya dito at nagsimula nang maglakad pero tinawag siya nito.
“Sandali!”
Nilingon niya naman ito. “What?”
“Transferee lang kasi ako dito sa school,” Tumingin-tingin pa ito sa paligid bago muli sa kanya at lumapit. “Pwede ba tayong maging magkaibigan?” walang pag-aalinlangan nitong sabi.
Napanganga si Dale. Agad-agad kaibigan? Nagpapatawa ba ito? Ngunit pakiramdam niya ay nahiya ito, nakita niya kasing namula ang magkabila nitong pisngi. He just smirked, at unti-unti niya itong nilapitan. Napansin niya ring napalunok ito, hindi tuloy niya maiwasang ma-amuse sa babaeng ito.
“Ayokong maging kaibigan ka, gusto ko ligawan ka,” pagbibiro niya dito, he just tried to scare her away. Trip niyang takutin ito, bakit ba?
Napanganga naman saglit ang babae. then, bigla itong napasimangot. “Salbahe!” anito at naglakad palayo sa kanya. She paused for a while then look over her shoulder. “Hindi kita pipiliting maging kaibigan ako, basta huwag ka lang magpapakamatay. Salamat nga pala sa pagtanggol mo sa’kin kanina,” sabi pa nito. She ran and vanished from the other side of the rooftop door.
Napangiti si Dale, tumawa ng kaunti at napailing. That girl was really amusing, napaka-inosente ng babaeng iyon. Natigilan siya, kailan nga ba siya huling ngumiti at tumawa ng totoo? Ngayon na naman lang. Well, somehow he’s hoping to see her again. Lalo pa’t nasa iisang paaralan lang sila. At ewan niya kung bakit gusto nya itong makitang muli.
NAGMAMADALING pumaroon si Dale sa isang fine dining restaurant sa pag-aakalang mahuhuli na siya sa dinner nilang ‘mag-papamilya.’ Hindi na siya nagpalit ng damit at dumiretso na siya doon kaya naman hingal siyang pumasok. Hindi naman siya nahirapang makita agad ang daddy niya na nakaupo sa pang-apatang mesa at nagbabasa sa menu.
“Dad, am I late?” paniniguro niya nang lumapit dito. Kung sa iba ay hahalik sa magulang at magmamano bilang tanda ng paggalang, sa kanila ay hindi iyon uso. Ayaw ng mga ito.
“Oh! You’re here,” Tingala at sabi ni Mr. Vlad sa baritonong boses. The guy was on his mid-fourties. Naka-slick back ang buhok nito, nakasuot ng reading glasses at mababakas sa itsura ang pagka-istrikto. “Have a seat,” Turo pa nito sa katapat na upuan.
Iyon naman talaga ng balak niya kaya naupo siya sa katapat nito.
“Masyado pang maaga pero dumiretso na ako dito galing hospital. Ayoko nang umuwi sa bahay para lang magpalit ng damit. After all, kakain lang naman tayo dito.”
“Asan po si Mommy? At ‘asan po si, si… uhm…” ang anak niyo, ang kapatid ko? Naisa-isip niya. Alin ba ang tamang sabihin?
“Sinundo niya lang ang kapatid mo. Maya maya lang makikita mo na siya. Maiba ng usapan, hindi pa nga nagsisimula ng pasukan nagsimula ka na naman ng trouble? What’s wrong with you, kid?”
Naiwang ni Dale ang mga labi, nailing at bumuntong-hiningang isinandal ang likod sa upuang kutson. Grabe, mabilis pa sa alas kwatro ang balita! Makilala niya lang talaga kung sino ang nagmamanman sa kanya ay makakatikim na sa kanya ng upak.
“Sino na naman po ang nagsabi sa inyo?” matigas nyang sabi. Asa pa siya na sabihin nito?
“Hindi ako ang nagpapamanman sa’yo. Marami akong dapat pagkaabalahan kaysa sa ganyang mga bagay. Tumawag ang mommy mo sa’kin at iyon ang ibinalita. Binigyan mo nanaman siya ng isipin.”
Ipinako ni Dale ang tingin sa makintab na sahig ng restaurant. Magpa-paliwanag ba siya? ‘Wag na lang, hindi naman ito makikinig. Between his dad and mom, ang huli malamang ang may inuutusang tao para makahanap ng butas sa kanya. Bakit hindi na lang siya diretsahin nito? Na sabihin sa harap mismo ng mukha niya na lumayas na siya? Hindi iyong mag-iipon pa ito ng maraming dahilan. Oh, baka naman gusto nitong kusa na siyang umalis? Kaya lang saan naman siya pupunta? Kina Sev? Kay Aries? Babalik sa orphanage o pangangatawanan na lang ang paratang na siya ay rebelde at mag-a-adik na lang sa kalsada?
“Dad, hindi po ako nag-start ng trouble. Inawat ko lang po ‘yung bully, may napag-trip-an kasi. Tapos ayun naghamon ng suntukan kaya inupakan ko. Huwag niyo pong masyadong isipin ‘yun, sa labas naman po ‘yun ng school.”
“Dale, you should be a good role model, lalo na ngayong darating na ang nakababata mong kapatid. You should control your temper, too. Hindi ‘yung basta manununtok ka na lang. Be patience.”
“What if one day, siya po ang nasa trouble? Pababayaan ko ba siya para lang maging good role model niya?”
“Nakikipag-argue ka ba?” tumaas ang boses ni Mr. Vlad. Pati ang waiter na napadaan ay natakot. Dale didn’t flinch, sanay na siya.
“I’m sorry po.”
“Sooner or later, tatawag na naman sa bahay ang disciplinarian.”
Si Yaya Medel naman po ang pupunta, hindi naman kayo, Naisa-isip ni Dale. Si Yaya Medel ang Mayordoma, at ito ang pumupunta kapag napapatawag siya sa Disciplinarian’s Office.
“Anyway, since titira na sa bahay ang kapatid mo simula ngayon, gusto kong magkasundo agad kayo.”
“Makaka-asa po kayo sa bagay na ‘yan,” agad na sagot ni Dale.
Hindi alam ni Dale kung ano ang emosyon ang dapat madama. Noong una ay ayaw niya itong makita dahil alam niyang malamang ay ma-itsapwera na siyang tuluyan. Ngayon, may halong excitement at kaba dahil baka maging magkaibigan naman sila. Ewan niya, humalo-halo na ang kanyang nadarama.
“Oh! Here they are,” untag ni Mr. Vlad na tumingin sa may likuran ni Dale. Napatingin naman siya sa may likuran niya at tumayo.
Nakita niya agad ang kanyang mommy. All white ang suot nitong long sleeve at slacks. Ang usual nitong walang expresyon na mukha ay may kaunting guhit ng ngiti sa mga labi.
“Mom,” tumayo si Dale at nagbigay ng gesture na may paggalang sabay tingin sa kasama nitong tila nagtatago sa may likuran ng kanyang mommy.
“Ah, Dale. I would like you to meet you’re little sister,” Nag-side step ito upang makita niya ang tinutukoy. “Meet Shantel, and from now on, sa bahay na siya titira.”
Tumingin si Dale sa ipinakilala ng kanyang mommy sa kanya. The girl was wearing a beige dress. Then, parang tumigil ang oras sa panahong iyon, not because he already met his rival, but because she was also wearing the familiar eyeglasses.
The girl was definitely the one who pulled him from the rooftop.