Chapter 9

2600 Words
Chapter 9 "Donatella." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tulad noon, kahit nagdadalaga pa lang ay may kolorete na siya sa kanyang mukha. Although it is lighter, it strongly emphasized her every facial expression. Ngumiti ang kanyang kulay pink na labi at lumitaw ang mapuputing ngipin. "You still remember me, huh?" Humagikgik siya at saka pa lamang hinubad ang suot na malaking shades. Inilagay niya iyon sa kanyang Hermes bag at lumapit sa akin. Umatras ako at gumilid para makapasok siya nang tuluyan. Sinarado ko ang pinto at hinarap siya. "This... is very, very, very tiny..." aniya habang pinapasadahan ng tingin ang buong apartment. Isang palapag lang kasi ito. Ang sala ay puwede nang dining room, isang kuwarto at banyo, at kusina. May mga appliances naman tulad ng TV, washing machine, maliit na refrigerator at iba pa. They're included in this apartment when I moved in. "Anong ginagawa mo rito?" Lumingon siya sa akin at ngumiti. Nanatili naman akong seryoso habang pinapanood siya. "Hindi mo man lang ba ako aaluking umupo? Inumin? I prefer juice, by the way." She smirked wickedly. Iritado sa hindi inaasahang pagdating niya, tinuro ko pa rin ang sofa. "Umupo ka muna. Magtitimpla ako ng kape. Wala akong juice." Humalakhak siya at umupo na roon, hindi na nagsalita pa pero pinagmamasdan pa rin ang buong paligid. "Diyan ka lang. Sa kusina muna ako," malamig kong sinabi bago umalis doon. Habang nag-iinit ng tubig ay pasimple ko siyang sinilip mula sa pader na nakapagitna sa sala at kusina. Nakapatong ang kanyang kanang hita sa kaliwa at nagtitipa sa kanyang phone. Nagsimula akong magtimpla ng kape. Sinigurado kong maraming asukal sa kanya dahil iyon ang gusto niya. Dala ang dalawang tasa ay lumabas na ako at pinatong iyon sa coffee table. "Thanks, cousin!" aniya at kinuha ang tasa. Umupo ako sa tabi niya. "Paano mo nalaman kung nasaan ako at anong ginagawa mo rito?" Ngumiwi siya, hindi pa man natitikman ang kape. "Can you reserve your questions for later? Geez. Kararating ko lang, ah? Layo ng biniyahe ko!" Umirap siya at sumimsim na sa kape. "Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na pumunta rito?" Binaba niya ang tasa at hinarap ako. Seryoso na ang kanyang mukha kaya naisip kong sasagutin niya na rin ang mga tanong ko. "Magkano ang rent mo rito? This looks cheap but I guess it's fine since you don't have money na, right?" Or not. Marahas akong bumuga ng hangin at matalim siyang tiningnan. Ngumiti lang siya nang matamis, nagpapa-cute na akala mo ay isa akong mababaw na lalaking mahuhulog sa kanya. "Dona, answer my darn questions." She pursed her lips. "Fine. Walang nag-utos sa akin na pumunta rito. I came here on my own." "Paano mo nalamang nandito ako? Pinasundan mo ako?" "Yeah—" "What the hell are you thinking?" Tumaas ang boses ko. "Pinasundan mo ako? Bakit? Paano kung nalaman nila na nandito ako, huh? Kung pumunta ka rito para sabihing umuwi na ako, alam mo na ang sagot diyan, Dona. Makakaalis ka na." Tumayo ako at dumiretso sa pintuan. Pero bago ko pa labuksan iyon ay nakasunod na siya agad at marahang hinihila ang aking braso. "Wait, Kyomi. That isn't my intention! Yes, pinasundan kita pero hindi sa tauhan ng Daddy mo. Even though I think he already knows about your whereabouts..." "Kanino mo ako pinasundan, kung ganoon?" "Hindi mo kilala." Umiwas siya ng tingin. Humalukipkip ako at ngumisi sa irita. "Lapag mo nga ang pangalan at baka naman isa pala sa mga kaibigan ko, ah?" Nalukot ang kanyang mukha. "Duh. No, of course. Though, he's someone from your school. Kapatid ng fubu ko." Ilang saglit kaming nagkatinginan. Gumapang ang init sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Ni hindi ko alam kung ano ba ang pupunahin ko. Ang tinukoy niyang schoolmate ko o ang pagbanggit niya sa salitang fubu. Suminghap siya at humalakhak. Kumunot ang noo ko at bumalik ang iritasyon. "Akala ko ay sanay ka na sa mga sinasabi ko matapos ang dalawang taon. Ano? Virgin ka pa ba?" Agad kumulo ang dugo ko. Padarag kong binuksan ang pinto at hinawakan siya sa braso. Ngumiwi siya at pilit hinila iyon mula sa hawak ko. "Labas! Umalis ka na rito!" "Ayaw ko nga! Can't I stay here for one night, at least? Tinatamad akong bumiyahe ng halos anim na oras. Let me stay here for one night!" Humawak siya sa hamba ng pinto para pigilan ang pagtulak ko sa kanya. Kamuntik pa siyang matapilok sa taas ng takong niya. "Ano ka, sinusuwerte? Hindi puwede. Bumalik ka sa pinanggalingan mo at 'wag mo na akong babalikan dito!" "Ugh! Ano ba? Stop pushing me!" maarteng reklamo niya sabay hawi sa kamay kong nakahawak sa kanya. Tumahol nang malakas mula sa kuwarto ko si Susie kaya natigilan kaming dalawa. Napaatras na lang ako nang itulak ni Dona at pabagsak na sinara ang pinto at ni-lock iyon. "Is that Susie? I want to see her!" excited niyang sinabi. Bago pa ako makapag-react, nabuksan niya na ang pinto sa kuwarto ko at agad tumakbo palabas ang alaga ko. "Susie!" tili ni Dona kaya umirap ako. Naghabulan ang dalawa sa loob ng maliit kong tinutuluyan kaya wala na akong nagawa para paalisin si Dona. Mukha nga lang siyang sira na tumatakbo habang naka-heels. Sa kabilang banda, mukhang mas okay na rito muna siya. Aalis nga pala ako... at bahala siya sa buhay niya kung ano man ang gawin niya rito. Huwag lang niyang itakas ang alaga ko o sunugin ang buong bahay. "Dona!" tawag ko nang mahuli niya ang aking aso. "Oh?" "Ikaw muna ang mag-alaga kay Susie. Aalis ako mamaya." "Sama ako!" Sabay tayo niya sa sofa habang karga si Susie. "At bakit ka sasama? Hindi puwede. Walang magbabantay kay Susie. Para may gawin ka naman, paliguan mo na lang siya at tanggalan mo ng garapata." Ngumiwi siya. "May garapata na si Susie? How dare you let her collect garapatas!" Ngumuso ako para pigilang tumawa. Collect daw, e. The heck. Kung ano na lang term ang pumasok sa utak, iyon na. "Kapag nahanapan mo, uuwi na ako sa amin." Nalukot ang kanyang mukha bago ibinaba si Susie. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Sama na kasi ako, Kyo. Saan ka ba pupunta? May company ka? I can be your company if you don't have any!" Nagpa-cute pa siya sa akin. Napakamot ako sa ulo. Hindi ko puwedeng isama si Dona lalo't may mga kasama akong lalaki. Siya pa. Haharutin niya lang ang mga kaibigan kong lalaki. 'Yong isa, suplado sa iba kaya ayos lang. E 'yong tatlo, marurupok. Mauuto lang sila ng pinsan ko. Paano kaya kung huwag na lang muna akong sumama? I can go to grocery today. Tapos isasama ko na nga ang kawawang ito pati na si Susie. Pero baka naman asahan ako ng mga kaibigan ko na pupunta mamaya? Oh, shoot. Bumuga ako ng hangin at tiningnan ang nagmamakaawang mukha ni Dona. Her pouty lips and puppy eyes won't work on me. "Laro tayo. Rock, paper, scissor. Kapag nanalo ako, hindi ka sasama. Kapag ikaw ang nanalo, isasama ko kayo ni Susie." Lumiwanag ang kanyang mukha. "Sure! Sabi mo 'yan, ah?" If I win, I'd go to our group outing. If I lose, then I'd go to grocery with Susie and Donatella. "Isang bagsakan. Kung sino unang manalo, iyon na," sabi ko. Tumango siya at nagtaas ng kilay. "Game." Just like what I thought. Napahilamos ako sa mukha. Ending, silang dalawa ang kasama ko ngayong araw para mag-grocery. Nag-chat na agad ako sa gc namin para sabihing hindi ako makakasama dahil may emergency. Feracious: BAKET DI KA SASAMA. ANO EMERGENCY HAYP Kiyomi: I have to babysit someone. Lokeret: Sino? Kiyomi: Neighbor's dog. Imbes na sa grocery store lang kami pumunta, sa mall na ang diretso namin dahil iyon ang gusto niya. Hawak niya ang leash ni Susie at kung saan-saang botique na sila nagpupunta. Ang sabi ko, grocery. Hindi shopping. "Kyomi, let's eat nga muna. I'm hungry." Sabay hawak niya sa kanyang tiyan. Matalim ko siyang tiningnan pero ngumisi lang siya. Nakukuha niya ang atensyon ng mga tao dahil matangkad, maganda at kita ang maputing hita at cleavage niya sa kanyang suot. Dapat pala ay pinagpalit ko muna siya ng pantalon at shirt. "Sa fast food lang tayo kakain kung gusto mo—" "What? No way! Ang dami namang restau rito, ah? Ililibre naman kita dahil alam kong wala kang pera. Don't worry." Ngumiti siya. Wow. Sige, ipagdikdikan mo pa na wala akong pera, Dona. But... I kinda miss eating in a restaurant so... "Fine. Libre mo, ah?" paninigurado ko. Lumawak ang kanyang ngiti. "Of course! You're poor now, remember?" Isa na lang talaga at sasakalin ko na siya gamit ang leash ni Susie. Ako ang pumili ng restaurant na kakainan namin. Pero dahil hindi puwedeng pumasok sa loob si Susie, pinabantayan namin siya roon sa guard sa labas habang nakatali siya. My poor doggie. "Table for two, Ma'am?" one of the waiters asked. Ngumiti ako at tumango. Hinatid niya kami sa pangdalawahang table at binigyan ng menu. I chose roasted beef while Dona chose salad. Umirap ako at dinagdagan na ang order para sa aming dalawa. Kaya ang payat, e. Puro d**o lang ang kinakain. "You'd eat all of that?" tanong niya nang makaalis na ang waiter. "Tayong dalawa. Eat rice, Donatella. Nang magkalaman ka naman." "But I'm on diet!" Ginaya ko ang sinabi niya kaya sumimangot siya lalo. Ngumisi ako. "Lagi ka na ngang nadidiligan, e." Namilog ang mga mata niya bago bumulanghit ng tawa. Napahawak siya sa kanyang bibig nang mapansin sigurong napalakas ang tawa niya. Humilig siya sa mesa at nagtaas ng kilay sa akin habang nakangisi nang nakakaloko. "Now, you're mentioning about my sexcapades, huh? Thought you're still innocent. Hmm..." Umirap ako, nangingiti na rin. Dona's always been my best buddy, or my best friend even before I left Buen Capital, our hometown. She's the real Cristobal's spoiled bratinella. Lahat ng tungkol sa kanya at sa mga pinaggagagawa niya ay alam ko dahil ako lang ang pinagkakatiwalaan niya sa buong buhay niya. Parang may kumurot sa puso ko nang mapagtantong... baka wala siyang masabihan ng nararamdaman niya noong umalis ako. Napawi ang ngiti ko nang natulala siya at tila ba nag-isip nang malalim. "What are you thinking?" Naningkit ang mata niya, tila ba may tinititigan o pinapanood. "Dona..." Nilingon niya ako. Gamit ang mapilantik na hintuturo ay may itinuro siya sa isang direksyon. Kumunot ang noo ko at sinundan iyon ng tingin. "Look at that guy. His face seems familiar," aniya. Natigilan ako at natulala. Kilala ko rin ang taong iyon, e. Buhok na nakatali pa lang, malalamang si Jairo iyon. "I know him, too. Paano mo siya nakilala?" tanong ko sa kanya. "Parang nakita ko na siya somewhere sa isang high class club? Sa BGC, I think. I remember his hair, e." "O, tapos? Nag-usap kayo?" Umiling siya. "I tried to talk to him but he said... he's not available as of now. That time, huh." Dumating ang order namin kaya nawala ang atensyon niya sa puwesto ni Jairo. Pasimple kong binalik ang tingin sa table niya at pinuna ang kasamang babae. Maganda at mukhang sopistikada. Mukha ring mas matanda ng ilang taon sa akin. Sino kaya iyon? Date ni Jairo? Panay ang ngiti ng babae samantalang seryoso lang ang mukha ng kasama niya. Himala at mukhang suplado siya? Hmm. Sa bahay nga natulog ang pinsan ko sa gabing iyon. Pinahiram ko muna siya ng isang jogging pants at shirt para hindi masyadong lamukin. Nagsiksikan pa kami sa kama. "Ugh! Why does this bed so tiny? At ang init! Wala bang aircon?" "May electric fan naman. I-number three mo kung naiinitan ka pa." "Pinakamalakas na nga 'yan, e. Damn, ano ba naman 'to." "Sshh! Huwag ka ngang maingay at natutulog na si Susie. Hindi rin ako makatulog sa ingay at gaslaw mo, e." Maaga siyang nagising kinabukasan. Nakasimangot pa nga ang mukha niya noong nagpaalam sa akin. Dahil wala naman siyang dalang damit, pinasuot ko siya ng pants at blouse. That suits her better. "I'll come back here if I have time," she said as she kissed my cheek. "Kahit huwag na. Bigyan mo na lang ako ng pera." Sabay lahad ng kamay sa harapan niya. Matalim niya muna akong tiningnan pero naglapag din ng ilang libo sa kamay ko. Ngumisi ako. "Thanks. Isipin mo na lang na room rate sa isang hotel ang binayaran mo." I winked. Umirap siya pero sa huli, ngumiti rin at niyakap ako nang mahigpit. Binalik ko ang mainit na yakap sa kanya hanggang sa naramdaman ko na lang na nanginginig na ang kanyang balikat. Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang gustong kumawalang hikbi nang marinig ang pag-iyak niya. "I missed you, Kyomi. Sana ay bumalik ka na..." bulong niya sa nanginginig na boses. I can't. I won't... for now. But I can assure her that I will be back. Kinabukasan ay halos hindi na muna pumapasok ang mga teachers. Sa Miyerkules na kasi ang unang araw ng intrams kaya naman hinahayaan nila ang mga students na kasali sa alinmang sports para makapag-practice. Kaming walang ginagawa, nakatambay lang sa Chevon. Dapat pala ay nagtrabaho na lang ako. Nagtatampo ang mga kaibigan ko noong nag-usap na kami. Kinuwento ko naman ang tunay na nangyari pero ganoon pa rin. Next time, I'll make sure to join them. "Kapag nanalo tayo sa game, mag-celeb tayo. Outing ulit. Sasama na ako," sabi ko sa kanila. "Kaninong laro? Magkakahiwalay pa naman tayo. Ano ba 'yan..." ani Orange. Lumingon sa akin si Loke na nakasuot ng jersey. Mamaya pa kaunti ang oras ng practice nila. "Kyomi, tinatanong pala ng mga ka-team ko kung ayos lang na ikaw ang maging muse namin," aniya. Ngumuso ako. "Si Fera na lang, Loke." "Duh! Ayaw ko!" react agad ni Fera sabay hawi sa kanyang buhok. Umiling ako at tumayo para bumili ng inumin. Saglit akong natigilan nang makita si Jairo sa may counter. Inakala ko pang babae dahil nakalugay ang kanyang buhok. Lumapit agad ako at ngumisi. "Hi!" bati ko. Sinulyapan niya lang ako, seryoso pa rin ang mukha at hindi na pinansin pa. Bakit ang suplado? "Uh, nasa akin pa nga pala ang shirt mo. Dala ko na iyon. Ibabalik ko na," patuloy ko. Kinuha niya ang order na kanin at ulam bago nagbayad. May dinukot pa siya sa kanyang wallet at inilahad iyon sa akin. Nakakunot ang noo kong tinanggap iyon at binasa ang nakalagay. This is a calling card. Bakit niya ako binibigyan nito? "Para saan 'to?" naguguluhan kong tanong. Nagtaas siya ng kilay at tuluyan akong hinarap. Hindi pa rin siya ngumingisi o ngumingiti tulad ng ginagawa niya madalas. Nanliit ang mata ko nang mapansing may dalawang maliit na ahit ang kanyang kaliwang kilay. "Kung kailangan mo ako, iyan ang number na tatawagan mo," malamig niyang sinabi. Napaatras ako at tinitigan siya. Bakit parang may iba sa kanya ngayon? At anong kakailanganin ko naman sa kanya. Ah! Baka iyong sa shirt ang tinutukoy niya. "Sige, miss..." aniya at tinalikuran ako. Miss? "Wait, Jairo!" Hinawakan ko siya sa braso dahilan para matigilan siya. Bumaba ang tingin niya roon bago ako tuluyang hinarap muli. Ang kanyang ekspresyon ay dumilim na para bang may ginawa akong mali. Agad kong inalis ang kamay sa kanya at baka iyon ang ikinagagalit niya. "You have no right to call me that way. If you want my company, call me Von. Not Jairo. Tss... stupid girl," mariin niyang sambit bago ako tuluyang iniwang nakatanga roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD