Chapter 10

2608 Words
Chapter 10 Hindi ko siya hinayaang lagpasan lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang ibang tao ang kausap at kaharap ko ngayon. Dalawang araw pa lang ang nakalipas, ganito na siya Ano ba ang nangyayari sa kanya? He even called me stupid girl! Oo at hindi ko pa nga siya gaanong kilala. Ganoon din siya sa akin. But I already considered him as my friend. Kung gusto niyang tulungan ko pa siya kay Loke, tutulungan ko pa! Baka naman may problema siya? Pinagdadaanan, ganoon? I can help him with that if he would just let me. "Jairo! Sandali lang!" Hinila ko ulit ang kanyang braso. Kumalansing agad ang mga kubyertos at iba pa niyang dala sa sahig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang hinarap niya ako gamit ang nakakakapanindig balahibong mga tingin. "S-sorry—" nauutal kong sambit at lumuhod para pulutin ang nalaglag. Mabilis na uminit ang sulok ng mga mata ko. Alam kong sobrang nakakahiya ng ginawa ko lalo na at maraming taong nakikiusyuso. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadampot ang plato, kubyertos at mangkok nang hinawakan niya ako sa braso at pilit na itinayo. Kinagat ko ang aking labi at yumuko dahil hindi kayang tingnan ang reaksyon niya. "Huwag mo nang pulutin. Ako na ang bahala sa mga iyan. Umalis ka na rito," he said coldly. Tumango ako, hindi pa rin makatingin sa kanya. Imbes na bumili ng inumin ay bumalik na lang ako sa puwesto namin. "Oh, anong nangyari sa 'yo? Saan na ang binili mo?" tanong ni Orange. Umiling ako. "Ano nga ulit ang oras ng practice niyo, Loke?" Iba-ibang practice ng mga kaibigan ko ang pinanood namin. Loke and Risca on basketball, Renz and Johnny in the gym for table tennis. Hati kami sa sinusuportahan sa panonood para naman ganahan sila. Kahit pa sabihing practice game pa lang iyon. "L-O-K-E! Lorenz Knight! Lorenz Knight!" cheer ng mga babaeng fan ni Loke. "We love you, Loke!" Panay ang nguso ni Fera sa tabi ko habang nanonood ng laro. Nagulantang pa ako ng i-cheer niya ang kabilang team kaya pati si Hazel na tahimik na nanonood ay napatingin sa kanya. "Hoy, Fera! Ano 'yan?" Tumawa ang isang kakilala na nakapansin sa kanya. "This is just a practice game kaya ayos lang!" dahilan niya. "Kahit na, ano! Traydor!" "Tse! Doon ka na, Dominic!" Umiling ako at hinayaan na lang siya. After this, iyong girls naman ang maglalaro. ABM versus STEM. Hindi ko alam kung sino ba ang nag-isip ng ganitong sistema ng practice. Bakit ibang track o strand agad? Para magamay na nila ang makakalaban? Nang sila Risca na ang naglalaro ay nakisabay na ako sa mga nagchi-cheer sa kanila. "Go, Risca!" I shouted when she was about to do a three point shot. "Nice one!" Pumalakpak si Fera at sumigaw rin nang pumasok ang bola. Nang makaramdam ng uhaw ay tumayo ako. Napatingin sa akin sina Fera at Hazel. "O, saan ka pupunta?" "Bibili ng juice. Pasabay kayo?" tanong ko. "Sige, sige. Buko sa akin. Bayaran na lang kita mamaya, ah?" Tumango ako. Ngumiti lang si Hazel sa akin at umiling kaya umalis na ako roon. Sa cafeteria ang diretso ko dahil doon maraming bilihan ng juice. Hiwalay kasi iyong Chevon pero malawak rin para sa mga kumakain at tumatambay kapag walang klase. Bumili ako ng juice namin ni Fera. Binilhan ko na rin ang iba naming kaibigan na malamang ay pagod na sa practice o 'di kaya ay naiinitan na. Alas tres pa lang kaya maaraw pa rin. Napuno agad ng hawak ang mga kamay ko kaya nahirapan pa akong dalhin iyon. At ang bobo lang dahil nabitiwan ko pa iyong hawak kong wallet na hindi agad nailagay sa bulsa ko. "Excuse me..." tawag ko sa isang malapit sa akin. Tumigil ang lalaki at pinagmasdan ako. "Bakit?" Bahagya akong yumuko at nginuso ang nalaglag na wallet. "Puwedeng makisuyo sa wallet na nalaglag? Salamat." I smiled. Mabilis niya naman iyong pinulot at inilahad sa akin. Kaya lang, dahil may hawak na ako sa dalawang kamay at pinilit ko pa ring kunin, nalaglag ulit. My eyes widened a bit. "Hala, sorry! Pakuha po ulit, puwede? Pakilagay na lang sa may bulsa ng palda ko. Sorry talaga!" Bahagya siyang tumawa bago pinulot iyon. Tumagilid ako kaunti para mailagay niya iyon sa bulsa ng palda ko. "Here..." aniya sabay pasok ng wallet sa loob. Kaya lang, imbes na ang wallet lang ang ipasok niya, pati kamay niya ay naroon na sa loob. Agad akong lumayo nang maramdamang hinimas niya ang hita ko, malapit na sa singit. Ngumisi siya. Nag-init agad ang tainga ko. "Bastos ka!" "Anong bastos doon? Inilagay ko lang naman ang wallet mo sa bulsa—" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay tumilapon na siya sa sahig. Napatili ako at ang ilang babaeng siguro ay nakita ang nangyari. Umatras ako para lumayo na roon nang may humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likod. "Anong—" "Ayos na 'yan, Von," anas ng lalaki sa likuran ko. "Baka ma-guidance ka pa." Bumalik muli ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa harapan ko. Sa una ay nagtaka ako pa ako kung sino iyong Von na tinawag niya. Pero nang bahagya siyang lumingon sa gawi ko sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang kamay, namilog ang mga mata ko. "Jairo..." Nilapitan niya ang lalaking tumilapon at hinawakan sa kuwelyo. Bakas ngayon ang takot sa mga mata nito habang hinahawakan ang kamay ni Jairo upang tanggalin sa kanyang kuwelyo. "Dito ka pa talaga nambabastos?" Jairo's deep and scary voice echoed. "H-hindi ko n-naman—" "Huwag ka na ulit magkakamali na ipakita 'yang pagmumukha mo sa akin at baka mabasag ko 'yan. Kuha mo?" mariing putol sa kanya ni Jairo. Sunud-sunod ang tango ng lalaki. Pakiramdam ko ay ilang sandali na lang ay maiiyak na siya sa takot. The guy behind me chuckled when Jairo let the scared dog go by pushing him on the ground. Halos gumapang pa ang lalaki habang sinusubukang tumayo at umalis na sa lugar. Dahil sa nangyari ay hindi agad ako nakapagsalita. Natulala lang ako sa kanya hanggang sa umikot siya at hinarap ako. Dumagundong ang dibdib ko nang matagpuan ang nanlilisik niyang mga mata sa akin. "S-salamat..." I stuttered. "Are you really that stupid?" he asked grimly. Gumapang ang init sa aking mukha. Sa ikalawang pagkakataon, tinawag niya akong tanga! Tinaas ko ang aking noo. Buo na ang loob kong sagutin ang bruhong ito. Ano ba talaga ang problema niya sa akin, huh? Inaano ko ba siya? "Stop calling me stupid because I am not! Bakit ka nandito, ha? Bakit mo pa ako tinulungan kung tatawagin mo lang akong tanga?" Umigting ang kanyang panga at lumingon sa paligid. Dinilaan niya ang kanyang labi at mariing bumalik sa akin ang tingin. Humalakhak ang nasa likod ko pero hindi ko siya tiningnan man lang. "Sinong babae ang magpapahipo sa lalaki sa gitna ng cafeteria kung saan maraming tao?" Mas lalong kumulo ang dugo ko. "Hindi ako nagpapahipo! I was asking him nicely if he could—" "Oh, tapos? Ano ang magagawa ng pagiging nice mo ngayong hinipuan ka na nga?" "Hindi ko naman alam na gagawin niya iyon! Akala ko ay nagmamagandang loob lang ang tao—" "Still stupid! Kung magpapatulong ka, sana ay sa babae na lang! O baka naman gusto mo talagang mahipuan?" That's it! Walang pakundangan kong bintiwan ang ibang dalang inumin bago binuksan ang takip sa buko juice na binili. Napatingin siya roon at mukhang alam niya na ang gagawin ko. Kaya naman noong ibubuhos ko na sana iyon sa kanya ay hinarang niya agad ang kanyang braso. Napapikit ako nang maramdaman ang lamig sa aking mukha pababa sa aking dibdib. Nabitiwan ko ang dalang lagayan at suminghap. Bago pa ako tuluyang makadilat ay may humawak na sa braso ko at basta na lang akong hinila. Someone whistled. "Mga kababayan, maaari na po kayong umalis at tapos na ang palabas. Huwag kayong mag-alala at away magsyota lang ang ginawa nila at paniguradong magkakaayos din sila." Sinubukan kong lingunin ang nagsalita pero dahil sa laki ng hakbang at puwersa ng paghila sa akin ni Jairo ay hindi ko nagawa. Nakarating na kami sa may kabilang building at parang alam ko na kung saan niya ako dadalhin. Padarag niyang binuksan ang pinto sa may pool area. Naghanap agad ako ng tao sa paligid pero wala kahit isa. Bigla ko tuloy naalala ang huling nangyari dito noong Biyernes lang. Hindi pa rin niya ako binibitiwan hanggang sa makarating kami sa loob ng locker room... ng boys. Agad niya iyong ni-lock. Doon na bumilis ang t***k ng puso ko. "J-Jairo, ano bang ginagawa mo?" Binitiwan niya ako at sinandal sa mga lockers na nandoon. Padabog niyang binuksan ang isa sa mga naroon at may kinuhang damit bago isinampay sa kanyang balikat. Muli siyang humarap sa akin kaya kamuntik ulit akong mapatalon sa gulat. "B-bakit mo ako dinala rito?" Imbes na sagutin ay mabilis niyang hinila ang buhol ng necktie ko para matanggal iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Hanggang sa inisa-isa niya nang tanggalin ang butones ng suot kong uniporme. At ngayon, wala na akong pang-itaas at tanging bra ko na lang ang nakasuot sa akin nang tanggalin niya iyon. Nanlamig agad ang buo kong katawan. Nanlaki ang mga mata ko at agad inekis ang magkabilang braso sa tapat ng dibdib nang ngayon ko lang napagtanto ang nangyayari. "Bastos!" Mabilis ang paghinga ko bago siya sinampal. Damn! Nanakit lang ang kamay ko! At parang wala lang iyon sa kanya dahil nakatulala rin siya sa may dibdib ko. "Your uniform is wet and your body is cold! Magkakasipon ka kapag hindi ka nagpalit agad!" pagalit niyang sinabi bago sapilitang ipinasuot sa akin ang kanyang shirt. "Ikaw ang may kasalanan nito! Hindi mabubuhos sa akin ang juice kung hindi mo hinarang ang braso mo!" "Anong tingin mo sa akin? Tanga? Hahayaan kang buhusan ako ng malamig na kung ano man iyon?" "Dapat lang sa 'yo iyon! You called me stupid not just once but twice! Sinong matutuwa roon, ha? Inakusahan mo pa akong nagpahipo talaga roon sa lalaki!" "Just shut up and wear this shirt! Huwag ka nang magpaliwanag dahil nakita ko ang buong pangyayari!" Umigting ang kanyang panga nang hindi ko itinaas ang braso ko para ipasok sa may manggas. Matalim niya akong tiningnan. "Raise your arms." Kinagat ko ang aking labing nanginginig. "No!" Umangat ang sulok ng kanyang labi at inilapit ang katawan sa akin. Wala na akong naatrasan dahil nasa likod ko na mismo ang locker at iniharang pa niya ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko. "Sige. Ayaw mong isuot iyan? Dito ka lang sa harapan ko at panonoorin kitang manginig sa lamig, kung ganoon..." bulong niya sa mukha ko. Napapikit ako sa init at bango ng kanyang hininga. Yumuko ako at inilapat ang dalawang palad sa kanyang dibdib para itulak siya. "M-magbibihis na ako! Puwede bang lumayo at tumalikod ka na lang?" iritado at nahihiya kong utos. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nasa dibdib niya. Para bang napaso ako at agad na inalis iyon doon. "Bakit pa ako tatalikod kung nakita ko naman na? Tss... bata pa nga. Hindi pa kalakihan..." Ngumisi siya. Nanlaki ang butas ng ilong ko. Ngumuso siya at gamit ang hintuturo ay tinusok niya ang pisngi ko. "Taba ng pisngi mo," aniya. Umirap ako at pinalis ang kanyang kamay. Bumalik siya sa pagkakangisi at nagtaas pa ng kilay sa akin. "Magbihis ka na." Kumibot ang ilong ko at umawang ang labi. Napapikit ako nang bumahing ako sa mismong mukha niya. My cheeks heated when I saw how he closed his eyes hardly and clenched his jaw. Pinunasan niya ang kanyang mukha bago dumilat at tiningnan muli ako nang matalim. "S-sorry... ikaw kasi, e..." Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Bigla na lang bumukas ang pinto ng locker room kaya agad akong napalingon doon. Halos lumuwa ang mga mata ko nang may pumasok na lalaki. "Bakit ba naka-lock 'to?" iritadong tanong ng lalaki, hindi pa kami napapansin noong una. I started panicking when his eyes roamed the room. Nanlaki ang mata niya nang makita ang posisyon naming dalawa ni Jairo. "f**k!" mura ni Jairo. Hinampas niya ang locker sa gilid ko at agad hinapit ang baywang ko bago pinaikot. Pumuwesto siya sa likuran ko at nagmura ulit. "Get out, Russ!" he ordered. "Hoy, Von, sino na naman 'yan, ah? Huwag mo ngang gawing motel ang locker room natin!" "I said, get the f**k out! Kita mong may babae, hindi ba?" Humalakhak ang kausap niya. "O, ano naman? Hindi ba ay wala ka namang pakialam kung makita man namin kayong nagse-s*x ng babae mo? Sino ba 'yan—" "Tangina mo! Hindi ko 'to babae! Umalis ka na rito bago ko pa mabalian ang buto mo. Tingnan natin kung makalangoy ka pa!" Dumagundong ang nakakatakot na boses ni Jairo. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan. His ironclad arms were still in my bare waist. Ramdam ko rin ang init sa hubad kong likod mula sa kanyang dibdib dahil nakadikit sa kanya. Kahit hindi ko nakikita, alam kong mabilis at malalalim ang paghinga niya. Nang marinig ko ang tunog ng pagsarado ng pinto ay mabilis ko nang isinuot ang damit. Nagmura ulit siya sa likod ko at lumayo na sa akin. Inayos ko ang medyo basa kong buhok at hinarap siya. "Aalis na ako," matapang kong sinabi. Napasuklay siya sa kanyang buhok at tiningnan ako. Matalim at madilim. "You should," he said huskily. "Ang dami mo nang damit sa akin—" "Sa iyo na 'yan." Sabay singhap at iwas niya ng tingin. "Huh? Pero paano 'yong uniform mo? I mean, 'yong uniform na pinahiram mo sa akin?" Bumalik ang tingin niya sa akin, salubong ang kilay. "Anong uniform?" "Nakalimutan mo na? You let me use your uniform..." "Bakit kita pahihiramin ng uniform ko? Magkaiba ng uniform ang boys at girls," he stated the fact. Ngumuso ako. Bakit nakalimutan kong hindi niya nga pala pinapaalam yata sa iba na bading talaga siya at malamang, front niya lang ang mga babae niya? "You know, even if you call me stupid, I want you to know that it's okay to be that way." Hinarap niya na ako nang mas maayos. Nakapamaywang at bahagyang yumuko upang tingnan ako. "What the f**k are you talking about? That way? What way?" Mas nagsalubong ang kilay niya, dahilan para mapansin ko muli ang ahit doon sa gilid nito. I guess I have no choice. Huminga ako nang malalim at nagtaas ng noo. Nagtaas siya nang kilay. "That... you're a gay! Alam ko na sa 'yo talaga ang uniform na pang-girls na pinahiram mo sa akin noon. Alam ko rin na may gusto ka kay Loke. At siguro... front mo lang na may mga babae ka para pagtakpan ang totoong ikaw!" Mabilis ang pagtaas-baba ng aking dibdib habang sinasabi iyon. Pinanood ko ang kawalang ekspresyon ng mukha niya. He wasn't even looked shocked or embarrassed that I already know his little dark secret! Kumurap-kurap siya at mariing naglapat ang mga labi bago humakbang palapit sa akin. Nanigas agad ako sa kinatatayuan. Tumingala ako nang nasa tapat ko na siya. "I'm a gay, you say?" he asked with hoarse voice. Parang nanliit ako bigla. "B-bakit? Hindi ba t-totoo 'yon?" Umalon ang kanyang lalamunan. He crouched and tilted his head. Nanlaki ang mga mata ko at bago pa makagalaw ay parang balahibong dumampi ang kanyang malambot na labi sa akin. Wala sa sariling napapikit ako. "Even if you think I'm a gay, demoiselle, I can still make you wet. Remember that..." he whispered sensually against my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD