Chapter 11
Lutang at medyo nahihilo dahil sa nangyari, pinilit ko pa ring makalayo sa kanya. Mapungay ang kanyang mga mata habang nananatili sa pagkayuko. Dinilaan ko ang aking labi at agad dinampot ang unipormeng basta niya na lang inihagis sa sahig.
"A-aalis na ako," sabi ko sa nanginginig na boses.
Hindi na siya nagsalita pa kaya nilagpasan ko na. Pagkalabas ko roon ay natagpuan ko malapit sa pinto ang lalaking pumasok kanina. Napatalon siya at nilingon ako agad. Ngumisi siya na para bang alam niya lahat ng nangyari sa loob.
"Tapos na kayo? Baka puwede na akong pumasok?" he said playfully.
Uminit ang magkabilang pisngi ko at tinalikuran siya. Mabilis ang pintig ng puso ko habang halos tumatakbo na pabalik sa court. Nandoon pa naman ang mga kaibigan ko at nasa tabi na nila si Loke, mukhang naglalaro na sa kanyang phone.
Si Hazel na parang ngumunguyang kambing ang unang nakakita sa akin. Kinalabit niya si Fera at itinuro ako kaya naman lumingon ito sa akin, nakakunot ang noo.
"O, anong nangyari na naman sa 'yo? Ang tagal mong bumalik tapos... nasaan na ang binili mo? At... bakit iba na naman ang suot mo?" Bahagyang tumaas ang kanyang boses sa huling tanong.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Yumuko ako at halos manlambot ang mga binti. Napaupo ako sa tabi ni Loke at agad ibinagsak ang kamay na may hawak na damit sa ibabaw ng hita.
Tumayo na si Fera sa kanyang inuupuan at hinarap ako, nakapamaywang.
"Kyomi, what the hell happened to you?"
Umiling ako.
"Oh... anyare sa 'yo?" tanong ni Loke at umayos ng upo.
Umiling ulit ako.
"Natapon..."
"Huh? Anong natapon? Kanino iyang shirt na 'yan? Mukhang damit ng lalaki, ah, dahil sobrang laki sa 'yo," ani Fera.
Kinagat ko ang aking labi at tiningala siya. Matagal ko siyang tinitigan kaya halos magdikit na ang kanyang mga kilay. Should I... tell her now about my feelings for her? Maybe if I tell her that, I might get distracted a bit.
Huminga ako nang malalim at nilunok ang nakabara sa lalamunan. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya. Kung ano man ang isipin niya ay wala na akong pakialam. Sana lang ay hindi niya ako pandirihan dahil doon.
Ano ba ang nagtutulak sa akin ngayon para umamin na lang bigla? Napapikit ako. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko nang dumilat.
"Fera, can we talk?"
"You're already talking with each other, Kyo-chan..."
"Privately," I added and glared at Hazel who just pouted her lips.
Humalakhak sa tabi ko si Loke. "Ano ba ang pag-uusapan niyo at bakit bawal naming marinig?"
"Fera," tawag ko ulit dahil ang tagal sumagot.
Kahit halatang naguguluhan, tumango pa rin siya. Tumayo na ako.
"Kahit sa... uh... restroom na lang," alanganin kong saad.
Tumango ulit siya. Nilagay ko na sa bag ang damit ko bago tumayo. Nauna akong naglakad para makapunta sa common restroom ng buong school. Wala kasi talaga masyadong napupunta roon kaya mas malaki ang posibilidad na kaming dalawa lang ang naroon mamaya.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Hindi ko na sinubukan pang lumingon sa likod para siguruhing sumusunod siya sa akin. Nang makarating sa harap ng napiling lugar ay pumasok agad ako. Pumasok din siya at sinarado ang pinto.
"What is it, Kyomi?"
Magkaharap na kami ngayon. Ilang saglit ko muna siyang tinitigan. Tumagilid ang kanyang ulo at kunot-noo rin akong tiningnan pabalik.
"Fera..."
My eyes started to well. Napahawak ang isa kong kamay sa lababo upang kumuha ng lakas doon at hindi tuluyang mabuwal sa kinatatayuan.
"What's wrong, Kyomi?" nag-aalala niyang tanong.
"Fera... g-gusto kita..."
Tuluyang nanlabo ang mga mata ko at sunod-sunod na ang pag-agos ng luha mula rito. My chest felt heavy. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na umamin akong may gusto sa isang tao.
I don't even know why I am crying right now. Siguro sa takot at kaba sa magiging reaksyon niya. Hindi naman ako umaasa na ibalik niya ang nararamdaman ko para sa kanya dahil alam kong imposible. She's straight... I'm not. Alam ko naman iyon noon pa.
"Kyomi... anong..."
Suminghap ako at napahawak sa aking dibdib. Pinalis ko ang luhang kumawala sa aking mata at matapang siyang hinarap muli.
"Gusto kita, Fera. N-noon pa..." My voice broke.
Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi.
"H-huh? Paano nangyari iyon? Paanong g-gusto, Kyomi? You mean... you're a gay? I mean... lesbian... or what?"
Mariin akong pumikit at habang kagat ang labi.
"I'm a bisexual..." nanghihina kong sagot.
Ilang saglit na katahimikan hanggang sa nakarinig ako ng ingay mula sa loob. Mabilis kong nilingon ang pinto ng cubicles sa loob.
Fuck. May tao?!
"Sinong nandiyan?" galit na tanong ni Fera.
Napatingin ako sa kanya. Namumula ang kanyang mukha sa hindi ko alam na nararamdaman niya. Nilapitan niya ang bawat cubicle at sinubukang buksan ang iba. At sa pinakadulo... kusang bumukas ang pinto nito at lumabas ang pamilyar na mukha.
Nakangisi ang babae habang pinagmamasdan ako. Itinaas niya ang kanyang phone na para bang may ipinahihiwatig. Kumuyom ang palad ko at nagngitngit ang mga ngipin. Siya iyong babaeng natamaan ko ng bola sa mukha noong mini tournament namin.
"Hindi na pala ako mahihirapang gumawa ng kuwento para siraan ka, Kyomi Abe Cristobal," nanunuyang sambit nito sa akin.
"Sino ka?" mariing tanong ni Fera. "Anong sinasabi mong sisiraan mo si Kyomi?"
Shocked at Fera's aggressive tone, I couldn't stand on her way.
Umirap ang babae at inilagay ang phone sa kanyang bulsa bago humalukipkip. "Will you shut up? Hindi ikaw ang kinakausap ko."
Mas lalo akong nabigla noong tinulak ni Fera ang babae sa balikat, dahilan upang mapaatras ito ngunit hindi naman tuluyang napaupo.
"Bakit hindi ikaw ang tumahimik, babaeng mukhang espasol? Anong narinig mo, ha? Anong sisiraan mo si Kyomi—"
"Shut up, b***h!" Tinulak niya rin si Fera. Mas malakas iyon kaya napaupo ang kaibigan ko.
Nag-alab ang galit sa akin nang makitang masaktan siya. Hindi ako nag-atubiling lumapit sa kanila at hinila ang buhok ng impakta. Tumili agad siya at hinila rin ang buhok ko.
"b***h! Sinasabi ko na nga ba at war freak ka! War freak na, tomboy pa!" sigaw niya habang hinihila ang buhok ko.
"Kyomi!" tawag ni Fera.
Buong lakas kong hinila ang buhok ng mahadera. "War freak pala, ha? Ito ang war freak!"
Panay ang tili niya at kalmot sa aking braso pero hindi ko iyon ininda. Kinaladkad ko siya patungo sa loob ng cubicle bago tinuhod sa kanyang tiyan. Umungol siya sa sakit at napaluhod. Nabitiwan niya agad ang buhok ko.
"Kyomi, tama na 'yan!"
"Walang hiya ka! Nakakadiri kang tomboy ka! Bakit ang daming nagkakagusto sa 'yo gayong ganyan ka pala? Ha! Dito ka pa talaga umamin sa banyo! Disgusting!"
Nandilim pa lalo ang paningin ko at sinubsob siya sa toilet bowl. Tumili siya at humawak sa bunganga ng bowl para mapigilan ang tuluyang pagsubsob doon.
"Kyomi!"
Marahas akong hinila ni Fera sa braso dahilan para mabitiwan ko ang malditang iyon! Mabilis ang paghinga ko habang hinaharangan ako ni Fera sa direksyon ng cubicle.
Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at inalog. "Tama na 'yan, Kyomi! Hindi ka ganyan! Please..."
Bahagyang bumagal ang paghinga ko dahil sa sinabi niya.
"Hayaan mo na, Kyomi..." marahang aniya at ngumiti.
Tumagos ang tingin ko sa likod niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang kinuha ng babae ang bidet sprayer sa tabi ng bowl at mabilis na lumapit sa amin. Tinulak ko agad pagilid Fera kaya imbes na siya ang matamaan, ako ang napuruhan.
My head spun when the metal hit the side of my forehead. Umalingangaw ang sigaw ni Fera sa loob at agad kong naramdaman ang paglapit niya sa akin.
"K-Kyomi!"
Hinawakan ko ang noong natamaan at nakapa ang malagkit na likido roon. Kahit nanlalabo na ang mga mata ay sinubukan kong tingnan ang aking daliri kung saan naroon ang kulay pulang likido.
"Kyomi... please, don't pass out! Tatawag ako ng tulong!" rinig kong halos magmakaawa si Fera.
"D-dugo..."
My hands started to shake. Nandilim ang paningin ko sa aking kamay hanggang sa unti-unti, dumaan muli sa isipan ko ang mga pangyayari noon. Mga pangyayaring halos apat na taon na rin ang nakakaraan at ngayon lang muling nagparamdam.
Gabi noong nagising ako dahil sa lakas ng sigawan mula sa labas ng aking kuwarto. Kahit naalimpungatan ay bumangon ako para tingnan kung ano iyon.
"Mommy?" tawag ko habang pababa sa aming hagdan.
Sa ibaba nanggagaling ang ingay kaya roon ako dumiretso. Nang walang makita sa sala ay nagtungo ako sa kusina.
"Sinabi ko nang wala akong lalaki! Bakit ba mas naniniwala ka pa sa sinasabi ng ibang tao kaysa sa akin na mismong asawa mo?"
Tumigil ako sa bungad ng kusina at nakita sina Mommy at Daddy. Nilibot ko ag tingin sa paligid at nakita ang maraming basag na plato at iba pa.
"Stop lying, Davina! Hindi lang basta sinabi sa akin dahil ako na mismo ang nakakita!"
Napaatras ako nang makitang kumuha si Daddy ng kung ano sa lagayan ng mga kubyertos. Mom's eyes widened and she started stepping away from my Dad.
"Clavio, anong gagawin mo?" Mom asked shakily.
Mabilis akong lumapit upang awatin sila. Naamoy ko agad ang alak kay Daddy noong nakalapit ako. Samantalang si Mommy ay may pasa na sa kanyang pisngi.
"Daddy! Tama na po 'yan!" matapang kong sigaw kahit pa nanginginig na ang mga kalamnan ko sa takot nang makitang kutsilyo ang hawak niya.
"Kyomi!" Mom held my shoulder and tried to get me away from them.
"Umalis ka riyan, bata!" nanggagalaiting sigaw ni Daddy.
Umagos ang luha ko sa pisngi at nilapitan si Daddy pero iwinasiwas niya ang maliit na kutsilyo sa harapan ko. Malikot na ang mata niya at halatang lasing na lasing na. Hindi niya pa ako nakilala.
"Daddy, please... bitiwan mo na po iyan," I begged.
"Manloloko ka!" sigaw niya sabay turo sa akin ng kutsilyo.
"Clavio! Anak natin 'yan! Please!" Humagulgol si Mommy. "Kyomi! Umalis ka na rito!"
Hindi ko alam kung dahil ba talaga sa epekto ng alak o nabulag ng selos at galit ay hindi niya ako nakilala bilang anak niya. Umabante siya sa akin at naramdaman ko na lamang ang pagbaon ng matulis na bagay sa aking tiyan.
Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Mommy. Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at nakita ang nakatarak na kutsilyo roon at ang patuloy na pag-agos ng sariwang dugo.
Naramdaman ko ang paglutang ko sa ere. Kahit kumikirot ang ulo ay pinilit ko pa ring dumilat dahil naririnig ko ang garalgal na boses ni Fera, tinatawag ang pangalan ko.
"Bilisan mo naman, Loke!"
"Ano ba? Manahimik ka nga at nahihirapan din ako. Ikaw kaya ang magbuhat? Mas nakaka-pressure ka."
Nang maidilat ko na ang mga mata ay ang mukha agad ni Loke ang bumungad sa akin. Gumalaw ako kaya napayuko siya sa akin.
"Kyomi!"
"Uh... maglalakad na lang ako, Loke. Kaya ko naman," mahina kong sinabi at sinubukang umalis sa pagkakabuhat niya.
"Hayaan mo na siya, Kyo. Training na niya 'yan," singit ni Fera.
"Hindi, okay lang. Kaya ko naman talaga maglakad. Nahilo lang ako."
"Sigurado ka?" tanong ni Loke at huminto na sa paglakad.
Tumango ako kaya kumawala na ako sa mga bisig niya. Nang makatayo ako ay umikot muli ang paningin ko kaya napahawak ako kay Loke.
"Ayan! Sabi ko sa 'yo, e. Pabuhat ka na lang, Kyo," nag-aalalang sambit ni Fera.
"Huwag na nga. Paalalay na lang ako."
Medyo mabagal ang lakad namin papunta sa clinic. Ginamot lang naman at nilagyan ng bandage iyong noo ko. Assistant nurse iyong naroon at hindi ang mismong nurse kaya medyo natagalan din.
Pinayagan na akong maaga umuwi sa araw na iyon. Si Hazel ang nagdala ng bag ko sa clinic. Namumula ang kanyang ilong at mata nang iabot niya iyon sa akin.
"S-sinong may gawa niyan sa 'yo, K-Kyo-chan?" she asked with shaky voice.
Tipid akong ngumiti. "Nauntog lang, Haze..."
Tumulis ang nguso niya. "But Fera-chan said someone hit you with a bidet!"
"Oy, oy, bebe! Ang ingay mo talaga, e," napapakamot sa ulong singit ni Fera.
Nagseryoso ang mukha ni Hazel. Natigilan ako at tinitigan siya. Maamo ang kanyang mukha at hindi ko pa nakitang ganito kaseryoso ang kanyang ekspresyon. Kumunot ang noo ko habang tumatagal ang titig niya sa akin.
"I'll avenge you, Kyo-chan," malamig niyang sambit.
"Hazel!" gulantang na sambit ni Loke at bahagyang hinawakan ito sa braso. "Anong sinasabi mo riyan?"
Pare-pareho kaming nabigla nang marahas niyang binawi ang braso sa hawak ni Loke.
"No one should hurt my Kyo-chan!" sigaw niyang mas nagpagulat sa amin.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Si Hazel ba talaga itong kaharap namin? Nasaan na ang tahimik at iyakin naming kaibigan? Bakit para siyang sinaniban ng masamang espiritu sa mga pinagsasasabi niya? Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kagalit. Paniguradong ganoon din sina Fera at Loke.
Agad siyang tumalikod at dire-diretsong lumabas ng clinic. Napalingon pa ang assistant nurse na nasa kanyang table dahil sa ingay ng pagbukas-sara ng pinto.
"Hala!" Fera said. "Baka anong gawin niya? s**t! Loke! Sundan mo si Hazel! Baka siya ang mapahamak!"
Agad tumalima si Loke sa sinabi ni Fera. Sumunod din naman kami palabas matapos magpasalamat at magpaalam sa gumamot sa akin.
"Ihahatid na kita, Kyo," Fera offered.
Umiling ako at ngumiti. "Kaya ko naman na, Fera. Salamat... Uhm..."
Tinitigan niya ako kaya uminit ang pisngi ko. Humakbang siya para makalapit sa akin bago niya ipinulupot ang dalawang braso sa akin.
"Kyomi, huwag kang mag-alala at wala pa ring magbabago sa pakikitungo ko sa 'yo, okay?" bulong niya bago humiwalay at ngumiti sa akin.
Nakahinga ako nang maluwang doon. For a moment earlier, I've forgotten about my confession. Masaya akong malaman ngayon na mukhang wala pa ring magbabago sa relasyon naming dalawa. Eventually, I know my feelings for her will fade.
Well... I just know.
Pagkarating sa tinutuluyan ay inaasahan kong sasalubungin ako ni Susie pero ni tahol niya ay hindi ko narinig noong pumasok ako.
Nilibot ko ang paningin sa pagilid, hinahanap ang alagang aso.
"Susie?" tawag ko habang nilalapag ang bag sa sofa.
Kumunot ang noo ko at pumuntang kusina pero wala siya roon. Nilingon ko ang pinto ng kuwarto ko bago naglakad patungo roon. Sarado naman iyon. Imposibleng makapasok doon si Susie. Tumigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad nang makitang walang bawas ang lagayan niya ng pagkain.
Kanina pang umaga itong pagkain niya kaya bakit halos wala pa ring bawas? Alam ko iyon dahil puno lagi ang lagayan niya. Tapos wala pa akong naririnig na tahol mula kay Susie. Sa tuwing naririnig niya pa lang ang pagbukas ko sa seradura ng pinto, nag-iingay na siya.
Except today. Hindi kaya... may masamang nangyari sa kanya?
Bumayo ang dibdib sa negatibong naisip. Pumasok ako sa kuwarto at nilibot agad iyon.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang makita ko si Susie sa sulok ng aking kama sa may sahig. Ang kanyang puting-puti na balahibo ay nabahiran ng ibang kulay.
Napaluhod ako, nanlalabo ang paningin. Sinubukan kong hawakan siya ngunit mabagal na ang kanyang paghinga. Mahina siyang umungol nang subukan ko siyang kargahin.
"Susie..." Tahimik kong hinayaang umagos ang luha sa mga mata ko nang hindi na siya gumalaw pa sa bisig ko.