Chapter 12

2658 Words
Chapter 12 If someone was pranking me, then it would be easier for me to recover. Naghintay ako na may bigla na lang papasok sabay sabing, "It's a prank!" pero wala. Imbes na iyon ang marinig ko, nakarinig ako ng tahol. My eyes widened a bit and looked down on Susie, hoping she was still alive. Natuyo na ang luha sa aking pisngi nang hawakan ko iyon bago inilapag sa sahig ang aking aso. I heard another series of bark. Mukhang sa malayo nanggagaling pero inilapit ko pa rin ang tainga sa bibig ni Susie. She wasn't breathing anymore! Kaya paanong tatahol siya? Hindi kaya... nagmumulto agad si Susie? Oh my God! God, I'm hopeless! Pati ba naman talaga iyon ay naiisip ko pa? Muli kong binuhat si Susie at inilagay sa mga braso ko. Namantsahan na ng dugo ang puting shirt na pinahiram sa akin dahil dito. Saka pa lang nagtagal ang titig ko roon hanggang sa may dumaang alaala na naman sa isipan ko. I was in the hospital that time. Pangalawang beses na naospital ako sa magkasunod na taon. First, when my own Dad stabbed me; second, when I cut my left wrist out of depression and sorrow. "How could you do this to yourself, Kyo?" Donatella cried. Tulala ako habang nakahiga sa hospital bed. Nakatayo siya sa may gilid ko habang hawak ang aking kaliwang kamay kung nasaan ang may sugat. "Paano kung hindi ako pumunta sa inyo, ha? Paano? Baka pinaglalamayan ka na ngayon! s**t! Ano bang kagagahan ang pumasok sa utak mo?" I smiled without humor. "Hindi pa nga ako pinaglalamayan, kung makaiyak ka na riyan..." Hinarap ko siya. Napawi ang ngiti kong walang laman nang makita ang sabog niyang buhok, namamagang mata at labi, at namumulang pisngi't ilong. Walang bakas ng kahit anong makeup sa kanyang mukha. "Kyomi naman, eh! Nakuha mo pang magbiro nang ganyan habang nakaratay ka riyan?" Nabasag ang kanyang boses. "Paano mo nagagawang maging masaya sa kabila ng mga problema mo sa pamilya, D-Dona?" Kusang tumulo ang luha sa kaliwang mata ko habang tinatanong iyon sa kanya. Umawang ang kanyang labi at nasapo ang kanyang mukha gamit ang isang kamay. Nanghihina siyang napaupo sa kama habang hawak pa rin ang kamay ko. Pagak siyang natawa. "Akala ko ba, sa ating dalawa ay ikaw 'tong matapang, Kyo? Hindi ako makangiti. "Wala akong sinabing matapang ako, Donatella." "Kahit hindi mo sabihin, halata naman sa 'yo, Kyo. Pero bakit naman ganito? Bakit umabot pa sa puntong... tinangka mong patayin ang sarili mo?" mahina niyang tanong habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko. Bakit nga ba? Paano nga ba? Ah, simula yata noong nalaman ko na kaya akong saktan ng sarili kong ama. Na kaya pala talagang magloko ni Mommy dahil nalaman din niyang nagloko si Daddy. Pero kailangan ba, maggantihan sila? Bakit ang mali nila, patuloy pa ring ginagawang mali? Bakit hindi na lang nila itama ang pagkakamali nila? Kaso huli na rin, e. Last month, lasing ulit si Daddy nang saktan niya ako habang wala si Mommy. At noong dumating siya, hindi ko naman akalain na iyon na pala ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Dad was about to hit me again that time when Mom got a knife. Akala ko ay si Daddy ang sasaksakin niya pero nagulat na lang ako nang sarili niya ang sinaksak niya. Parang bigla akong nagkaroon nang lakas upang itulak si Daddy at lapitan agad siya. My mother killed her own self. Ngumiti siya sa akin habang tumutulo ang kanyang luha sa mga mata. I cried, too, and tried to pulled out the knife but she hold my hand still on the handle and pushed it deeper. She begged me to end her misery when in fact, she did it by herself. Her last words for me were, "Kyomi, umalis ka na rito." It was like she was begging me to leave my Dad alone. Mom was dead on arrival. Dad was devastated. I blamed him for my mother's death. I mourned but never really cried after that. Nakita ko na lang ang sarili ko na may hawak na isang kutsilyo, ang bagay na nanakit sa akin at sa Mommy ko. Pagkatapos noon, nagising na lang ako na nandito sa ospital. "Hindi ko na alam..." hindi ko na naituloy pa dahil napahagulgol na ako nang maalala ang mga nangyari. Ang bilis namang mawala ni Mommy sa akin. Hindi pa nga ako nagde-debut, e. Hindi pa ako nakapagtapos. Hindi pa ako nakaakyat sa stage dala ang diploma. Hindi pa ako nagiging successful. Hindi niya ako naabutang magkaroon ng sariling pamilya. Lahat iyon, hindi niya na makikita. Kasi wala na siya. Bakit ang unfair naman? Kung isinama niya na siguro ako, mas masaya ako. Pero siguro... kaya nandito ako at buhay pa rin ay dahil ayaw niyang ganoon ang mangyari. Maybe she was the real one who saved me. "Sshh... iiyak mo lang muna iyan, Kyo. Alam kong matagal mong kinimkim 'yan sa sarili mo. Basta... huwag mong kalilimutan na nandito pa naman ako, hindi ba? Pamilya t-tayo. Hindi kita iiwan..." Ngumiti siya sa akin kahit pa patuloy ang pagluha niya. Hindi ko maalala kung gaano katagal akong umiyak sa kanya habang nilalabas ko lahat ng sama ng loob sa sarili. Mali na naisip ko pa lang iyon at mas lalong mali na ginawa ko iyon. Humingi ako ng tawad kay Mommy... sa Panginoon... at sa sarili ko. Pero hindi ko mapapatawad ang pumatay kay Susie. Bigay iyon sa akin ni Mommy noong tenth birthday ko. Siya na lang ang natitirang alaala ko kay Mommy tapos may walang hiyang pumatay sa kanya? Ano bang kasalanan ng aso ko? Nilunok ko ang nakabara sa aking lalamunan at lumabas ng kuwarto, dala pa rin si Susie. Iniisip ko pa lang kung saan ko siya ililibing nang maayos nang may tumahol na naman. Kanino bang aso iyon? Hindi ba niya alam na may tao rito na namatayan ngayon lang ng aso? Bastos, e. Nakakairita. "Susie, dito ka lang, ha? Huwag kang aalis..." sabi ko sabay lapag muna sa sahig kay Susie. Muntik ko nang tawanan ang sarili. Kinakausap ko na ang asong patay at sinabihan pang huwag aalis. Siyempre, hindi na talaga iyan makagagalaw. Dumiretso ako sa likod ng apartment. May bakuran doon tapos ilang metro lang din ang layo sa kabilang bahay pero may bakod naman. Kanila kaya iyong aso? Pero... parang wala naman akong aso na naririnig noon, ah? Binuksan ko ang pinto roon at lumabas na nang tuluyan. Lumakas lalo ang tahol ng aso habang nililibot ko ng tingin ang paligid. Hala. Namamaligno na ba o minumulto na ako nang tuluyan? Nakita ko rin kasi si Susie na naroon sa may puno ng malunggay at nakatali! Hindi ba't nasa loob siya kanina? Duguan at wala nang buhay! Kaya sino ito? Dahan-dahan akong lumapit sa asong iyon. Imposible. Ano 'to, dalawang Susie? O baka nanganak tapos kasinglaki niya agad? Tumahol ulit siya at nagpaikot-ikot nang makalapit ako. Naningkit ang mata ko at nag-squat sa harapan niya. My Susie knows herself and her owner so I tried my luck. "Sino ka?" Tumahol siya ng limang beses. Susie. Nanlaki ang mata ko at napalayo nang kaunti. "Sino ang amo mo?" Limang beses ulit ang kanyang tahol. Kyomi. Napaluhod ako at walang pag-aalinlangan siyang niyakap. Tumawa ako nang may tumulong luha sa isang mata ko. Dinalaan niya agad iyon. "Paano ka napunta rito? Sinong nagtali sa 'yo rito? May nakapasok sa bahay? Sino iyong asong kamukha mo na nasa loob?" magkakasunod kong tanong na para bang sasagutin niya ako. Tinahulan lang niya ako at kumawag sa pagkakayakap ko. Tumayo na ako at tinanggal ang pagkakatali ng kanyang leash sa puno. Nang makawala siya ay agad na tumakbo papasok sa loob kaya sumunod ako. Dumiretso ako sa kuwarto at nakita siyang tinatahulan ang drawer na nasa tabi ng kama ko. Lumapit ako at naupo sa kama bago binuksan iyon. Anong meron? Nag-palpitate na lang bigla ang dugo ko nang may mapansin. Ang ilan sa mga mamahaling alahas at relo na bigay ng mga kamag-anak ko noong mga nakalipas na kaarawan ko na dinala rito, wala na! Iyon pa naman ang pinagkukunan ko ng pera minsan kapag kulang na talaga ako! Tindi ng magnanakaw na iyon, ah. Sikat na sikat ang araw, walang kinatatakutan. Nasapo ko na lang ang mukha ko. Umakyat sa kama si Susie at pumatong sa hita ko, naglalambing. Sa huli, napangiti na lang ako. Ayos lang manakawan, basta huwag lang mawalan ng isa na namang mahalaga sa buhay ko. Kahit hindi ko sigurado kung kaninong aso iyong tulad ni Susie ay inilibing ko pa rin naman siya nang maayos sa likod ng apartment. Pilit kong nilinisan ang dugong nagkalat sa sahig ng kuwarto kahit pa paulit-ulit bumabalik ang madilim na nakaraan. Hinubad ko ang duguang damit at nahiga sa kama. Sa init at pagod, hindi ko namalayang nakatulog ako nang nakahubad ang pang-itaas at nakapalda pa. Noong nagising tuloy ako kinagabihan ay lamig na lamig ako. Hindi pa nga yata ako magigising kung hindi lang sunod-sunod ang tahol ni Susie. Kinusot ko ang aking mga mata. "Ano na naman ba 'yon, Susie?" Nagdampot lang ako ng isang malaking shirt sa cabinet ko para magpalit. Hinubad ko na rin ang aking palda kaya natira ang aking itim na cycling. Sinusuot ko pa ang pang-itaas na damit habang palabas sa kuwarto nang may kumatok sa pinto. Kumunot ng noo ko at hinawi ang buhok bago lumapit sa pinto. "Sino 'yan?" tanong ko, hindi pa rin binubuksan dahil baka mamaya ay masamang tao pala. Tumikhim ang nasa labas. "This is Gus, Kyomi." Nanlaki ang kata ko at wala sa sariling binuksan ang pinto. Si Manager Gus nga! Anong ginagawa niya rito? "Uhm... Manager, pasok po muna... kayo..." Napapalingon ako sa loob habang sinasabi iyon dahil ang kalat pala! Para akong si Flash na dinampot ang nakitang mga kalat sa sahig at upuan. Kumirot agad ang tuhod ko nang matumba sa sahig dahil humarang sa dinaraanan ko si Susie. Humanda ka sa akin mamaya! I bit my lip and let out a silent groan. Tumahol si Susie at lumayo sa akin nang samaan ko siya ng tingin. "You okay there?" Mabilis akong tumayo nang marinig ang boses ni Manager sa likuran ko. Sinilip ko ang pinto at nakitang naisara naman niya iyon. "Sorry, Manager. Ililigpit ko lang po ito. Uhm... upo na po muna kayo sa may sofa." Sabay turo ko roon. Nilingon niya iyon pero bumalik din agad ang tingin sa akin. Napansin kong umangat ang tingin niya sa aking noo kaya yumuko ako nang kaunti. "Bakit ka ba nagmamadali? Nadapa ka tuloy," aniya at nginuso ang tuhod kong namula agad. Uminit ang pisngi ko at agad itinago sa likuran ang mga gamit na nadampot ko nang pasadahan niya rin ng tingin ang buo kong katawan. "Ah, wala naman po. Hehe. Upo na po kayo roon." Nginuso ko ulit ang sofa. Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago siya tumango at dumiretso na roon. Bumuga ako ng hangin at nagmadaling pumunta sa kuwarto bago isinara iyon. Nananahimik na si Susie sa aking kama habang kumakawag ang kanyang buntot. Basta ko na lang hinagis sa kung saan ang dala ko at humarap sa malaking salamin. Oh, shoot! Sabog ang buhok ko at may muta pa ako sa kaliwang mata tapos nakita akong ganito ng manager namin? Bakit ba kasi siya nandito? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Hindi ba ay oras ng trabaho pa? Paano ako lalabas ngayon? Napasabunot ako sa sarili at impit na tumili. Wala pa sana akong balak mag-ayos kung hindi lang tumahol ulit si Susie. Daliri ko na lang ang pinangsuklay sa buhok dahil hindi ewan ko ba kung bakit ayaw magpakita ng suklay sa akin..Tinapat ko ang palad sa bibig at huminga para lang malaman na ang baho ng hininga ko. "Ah, shoot." Napapikit pa ako sabay ngiwi. Kumuha ako ng bubble gum sa drawer ko at agad nginuya iyon bago lumabas ng kuwarto. Napatalon pa ako nang nasa tapat ng pintuan si Manager at mukhang gulat din. Sinarado ko na ang pinto para hindi makaepal ang aking alaga. "Sorry. Kakatukin na sana kita kasi akala ko ay kung ano na ang nangyari," aniya sabay ngiti nang alanganin. "Ah, sorry po! Inayos ko lang ang gamit ko." Ngumiti rin ako. "Baka po may gusto kayong inumin, Manager? Coffee, juice o tubig?" "Coffee?" He smiled. Tumango ako. "Sige po. Maghahanda lang ako. Buksan ko lang po 'yong TV para hindi po kayo mainip." Dumiretso na ako sa tapat ng TV para buksan iyon. "No, it's okay—" "Upo na po kayo," sabi ko sabay punta na ng kusina. Mabilis lang naman mag-init ng tubig kaya nilagyan ko na lang muna ng kape, creamer at asukal ang tasa. Magtitimpla rin sana ako ng sa akin kaya lang ay baka hindi na talaga ako makatulog mamaya. I spat the gum in the trash bin before standing up. Nakaupo na ulit siya noong dumating ako. Halatang bored habang nakatingin sa TV pero umaliwalas ang mukha nang makita ako. Tipid akong ngumiti at ipinatong sa lamesita ang tasa bago umupo rin sa sofa. "Thank you," he said and smiled. Ngumiti rin ako pero sandali lang. "Manager—" "Gus na lang," putol niya. Umawang ang labi ko. "G-Gus..." Tumikhim ako. "Gusto ko lang po sanang itanong kung... uh, bakit po pala kayo narito sa apartment ko? At paano niyo nalaman kung nasaan ako nakatira?" Naglapat ang kanyang labi at kinuha ang isang maliit na paperbag na nasa lamesita. Hindi ko iyon napansin, ah? "Sinabihan ako ng tito ni Fera na huwag ka munang papasukin bukas hanggang sa susunod na araw dahil sa..." aniya sabay turo sa aking noo. Bahagyang namilog ang mga mata ko. "Bakit po? Sugat lang po ito. Kaya ko naman pong magtrabaho. Paano po 'yong kikitain ko sana?" Bumagsak ang balikat ko at parang gusto nang kunin ang phone at i-text si Fera. Bakit niya pa sinabi iyon? I can work even with this wound. Hindi naman ang noo ko ang magtatrabaho! "Still, I won't let you go to work, anyway, now that I've seen it." "Pero, Manage—" "Gus," he insisted. "Okay, Gus. Hindi po puwedeng hindi ako pumasok bukas o sa makalawa. Kukulangin po ang budget ko," halos magmakaawa ako. Lalo pa ngayong nawala na ang mga gamit na kung hindi ko sinasangla ay binibenta ko naman para magkaroon ng extra money. "Hmm..." Tumitig siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Puwede ka namang mag-overtime sa Saturday at Sunday, kung gusto mo," suhestiyon niya. Pero... iyon dapat ang pahinga ko, e. Tumulis ang nguso ko at sumandal sa sofa. "Sige po," bigo kong sabi. Narinig ko ang marahang tawa niya kaya nilingon ko ulit. Bahagya siyang lumapit sa akin at inilabas ang laman ng dalang paperbag. "Ano po iyan?" "Pang-first aid. Bumili na ako bago pumunta rito," sagot niya sabay tingin sa akin. "Palitan natin ang gasa sa noo mo." Sabay tingin niya ulit sa sugat sa aking noo. Napahawak ako roon at ganoon din siya. Napapitlag ako dahil ang kamay ko ang nahawakan niya. Umawang ang kanyang labi nang nagkatinginan kami. Ibinaba ko agad ang kamay ko. "Ako na po." Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang lalamunan habang tumatango, nanatiling nasa mga mata ko ang tingin. Iniwasan ko agad siya at tinuro ang tinimplang kape. "Uhm, 'yong kape niyo po lumalamig na," sabi ko para lang makawala sa nakakailang niyang titig. Imbes na lumayo para kunin ang kape ay bahagya pa siyang lumapit. Nanigas na ako sa kinauupuan at bumilis ang pintig ng puso. "Kyo..." halos napapaos niyang tawag. "P-po?" Kumibot ang labi niya at bumaba ang tingin sa aking labi. Wala sa sariling nakagat ko iyon. Hinawakan niya ang aking baba at bahagyang inangat kaya umawang ang mga labi ko. "A-anong gamit mong lipstick?" Kasabay ng tanong niya ay ang malakas na katok sa pinto ng apartment ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD