Chapter 13

2520 Words
Chapter 13 Shocked at his unexpected question, I blinked successively. Bahagyang namula ang kanyang magkabilang pisngi at agad na lumayo sa akin. Kung hindi pa siguro may kumatok ulit ay baka tulala na lang ako sa kanya. He cleared his throat and looked away. "I guess you have another visitor." Dalawang beses akong napaubo bago tumayo. Napakamot ako sa ulo habang tinatawid ang distansya hanggang sa pintuan. "Sino 'yan?" I asked, still not opening the door. "Si Loke 'to, Kyomi." Loke? Ano namang ginagawa niya rin dito? Nonetheless, I opened the door for him. Nakasuot siya ng grey shirt at jersey shorts ng pasadahan ko ng tingin. Nakasukbit din sa kanyang balikat ang isang strap ng bag. "Uhm... napadaan ka?" panimula ko. Nag-iwas siya ng tingin at napakamot sa batok. "Ah, oo. Ganoon nga..." Kumunot ang noo ko at pilit hinuli ang tingin niya. "Kagagaling mo lang ng school? Hindi ka pa umuuwi?" "Ah, oo." "Bakit ka nandito?" "Ah, napadaan lang," sagot niyang hindi pa rin tumitingin sa akin. Ngumuso ako at sinubukang sumilip sa likuran niya. Baka kasama niya rin ang iba? Nang mapansin niya ang ginagawa ko ay agad siyang humarang sa tingin ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakitang umigting ang kanyang panga. "Wala akong kasama." "Ha? E, bakit ka nandito kung ganoon?" "Napadaan nga lang. Bakit ba paulit-ulit ang tanong mo?" Nagsalubong na rin ang kilay niya. Sinimangutan ko siya. "Obvious bang hindi ako naniniwala sa sinabi mo? Paano ka mapapadaan dito, e, hindi naman sa lugar namin ang direksyon ng bahay niyo." He rolled his eyes. "Fine. Nandito ako para kumustahin ka. Ayos na?" sarkastikong aniya. Ngumuso ako para pigilang ngumiti. Umirap lalo siya nang makita ang itsura ko. "Sasabihin lang kasi, nag-iinarte pa." Sabay tusok ko sa baywang niya at halakhak. Nangasim ang mukha niya. "Anong nag-iinarte? Ano ako, bakla?" I raised my brow. "Bakit? Babae at bakla lang ba ang nag-iinarte?" Tumalim ang tingin niya sa akin. "Hay naku, Loke. Tara nga muna rito sa loob—" "Kyomi, who's there?" tanong ni Manager Gus sa likuran ko. Napalingon ako agad at bahagyang tumabi sa may pinto. Sumilip siya sa labas at nagkatinginan sila ni Loke. Pasimple kong nilawakan ang bukas ng pinto para makapasok ang kaibigan ko. "Loke, pasok ka na muna." Hindi niya ako pinansin dahil busy siya makipagtitigan sa boss ko. 'Yong totoo? Naglalabasan na ba ang mga kapederasyon ni Jairo? Bumaling ang tingin sa akin ni Loke, nakakunot ang noo. "Sino 'yan, Kyo? Kuya mo?" "Ha? Hindi! Huy, ano ka ba! Manager ko siya sa Coffee Break. Iyong pinagtatrabahuhan ko?" No choice tuloy ako kung hindi ang ipakilala sila sa isa't isa. Nakakailang lang dahil noong naglahad ng kamay si Manager sa kanya ay tinitigan niya lang iyon bago bumalik sa akin ang mga mata. Ngumisi siya. "Akala ko ba ay papapasukin mo ako?" Natauhan ako sa sinabi niya sabay baling kay Manager Gus. "Ah, oo nga. Manager, doon po muna tayo sa loob." Gumalaw ang panga niya at bumaba ang tingin. Ako ang nahiya para sa kanya nang hindi tanggapin ni Loke ang kanyang kamay. Pagsasabihan ko nga ang isang 'yon sa susunod. Lumingon sa akin si Manager Gus at tipid na ngumiti. "Hindi na, Kyomi. Mauuna na ako." Gusto ko sanang pigilan kasi nakakahiya naman na parang siya pa ang nag-adjust! Tumalim ang titig ko kay Loke nang makita ang bahagya nitong pagngisi pero nang tumikhim si Manager ay agad akong napabaling ulit sa kanya. Bahaw na ngisi ang naipakita ko. "Sigurado po ba kayo?" Bahagya siyang tumango at tinapik ang balikat ko. "Yeah. Dumaan lang talaga ako para personal na sabihin iyong kanina at para tingnan na rin ang lagay mo." "Wow, napadaan din kayo? What a coincidence!" singit ng atribidang si Loke. I glared at him. Pero bumaling din agad kay Manager. "Sige po, Manager. Salamat po!" Ngumiti ako. Nang tuluyan na siyang makaalis ay walang pag-aalinlangang pumasok si Loke sa loob ng apartment ko at umupo agad sa sofa. Wow, ah? Feel at home lang? Well, this isn't the first time he's been here. Napailing na lang ako at sinarado ang pinto. Umupo ako sa tabi niya at nakita siyang tinitingnan ang laman ng paper bag na dala ni Manager. "Hoy, Loke! Bakit ang bastos mo roon kanina kay Manager, ha?" Nagsalubong ang kilay niya at halos ihagis pa sa lamesita ang first aid. "Manager mo 'yon, 'di ba? Masyado naman yatang concern at talagang pumunta pa rito?" Bumaling siya sa akin at nagtaas ng kilay. "Siya rin ba ang nagdala niyan sa 'yo?" "Oh, bakit? Anong masama kung pumunta siya rito? Saka, sagutin mo nga ako!" Ngumisi siya at bahagyang umusog palapit sa akin. "Sagutin kita? Nanliligaw ka pala sa akin, Kyomi?" Umikot ang bilog ng mga mata ko at bahagya siyang tinulak sa balikat. What's wrong with him? Nagiging pilosopo na rin, ah? "FYI, Loke, hindi ko nagustuhan ang trato mo kay—" "FYI rin, Kyomi. Hindi magandang basta ka na lang nagpapapasok ng lalaki rito sa apartment mo—" "Ah, so dapat palabasin na kita—" "Ba't mo ako palalabasin e, hindi naman ako basta lalaki dahil kaibigan mo ako," he countered immediately. "Akala ko ba hindi dapat ako nagpapapasok ng lalaki rito? Kumpara naman sa inyong dalawa ni Manager, mas uunahin ko siyang papasukin sa bahay ko, 'no." "Sabagay, mas matanda nga naman. Dapat paunahin." "He's not that old! He's just... twenty-five!" pagtatanggol ko. "Kaedad niya nga 'yong tito ko! Edi matanda na 'yon!" Sumimangot siya at bumaling sa nakasindi pa rin pala na TV. Napabuntong hininga na lang ako at inangat ang paa sa upuan. Pinatong ko ang baba sa aking tuhod at nanood na rin sa palabas. Kailan kaya uuwi ang isang 'to? "Nga pala, may dinala ako," agaw niya sa atensyon ko. Nilingon ko siya at naabutang nakatingin sa suot ko kaya napatingin din ako. "Anong dala mo?" "Tangina, ano 'yan, naka-panty ka lang?!" Napatayo ang bruho. Nalaglag ang baba ko sa tuhod dahil sa gulat. Tumayo agad ako at tiningnan ang suot, bahagyang inangat ang laylayan ng malaking shirt para ipakita sa kanya ang suot. "Adik! Cycling 'to!" "Ibaba mo nga 'yan! Lintek, nagpakita ka sa boss mo nang nakaganyan lang?" Nagsalubong ang kilay ko bago siya inirapan at naupo na lang ulit. "Ang OA mo naman. Mahaba naman 'tong cycling, ah? "Anong OA? Hindi ka man lang ba nailang o nahiya roon sa boss mo?" pagalit pa rin niyang wika Naalala ko bigla ang tingin sa akin kanina ni Manager. Nakakailang nga iyon pero mas nakakailang lalo noong tinanong niya ako kung ano bang lipstick ang gamit ko. Hindi naman ako gumagamit ng bagay na 'yon, e, kaya bakit niya natanong? Pinalobo ko ang pisngi bago bumuga ng hangin. "Huwag kang mag-alala roon kay Manager. Medyo tagilid naman siya." Napaupo siya at nilapit ang mukha sa akin. "Anong tagilid?" "Tagilid? Medyo ano... I mean, tingin ko kasi ay bading din siya," sabi ko sabay kibit ng balikat. "Oh, ano nga 'yong dala mo?" His brows were still furrowed. "Bading? Hindi naman 'yon mukhang bading!" Tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang ngumisi. "Labas mo na ang dala mo. Dami mong sinasabi riyan, e." Napailing siya at binuksan ang bag. Nilabas niya ang isang supot sabay hagis sa may ibabaw ng hita ko. Kinuha ko agad iyon at sinilip ang laman. I chuckled when I looked at him. "Seryoso? First aid din?" Kumibot ang labi niya at nag-iwas ng tingin. "Tss. Si Fera ang nagsabi na dalhin ko 'yan dito..." Natigilan ako at natulala sa mga gamot. Si Fera talaga ang nagpabili nito? Nakagat ko ang aking labi sa pagpipigil ng ngiti. "Hmm... talaga?" He looked at me weirdly. "Ba't ka nangingiti?" Pinatulis ko agad ang aking nguso. "Huh? Sinong ngumingiti?" Naningkit ang mata niya sa akin. Inilagan ko ang tingin niya at itinabi ang supot. Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto kaya napatayo rin ako. "Aalis na ako, Kyomi. Dinala ko lang 'yan dahil pinilit ako ni Fera." I smirked. "Okay, Loke. Iti-text ko si Fera mamaya at pasasalamatan—" "Huwag na!" agap niya. "Bakit?" "Ako na ang magsasabi ng thank you mo sa kanya." "Magti-text pa rin ako." "Ako na nga! Kulit mo, ah! Alis na ako!" Saka siya nagmadaling lumabas. Padabog niya pang sinarado ang pinto. Napailing na lang ako at ni-lock na iyon. Bumagsak ang tingin ko sa lamesita kung saan naroon ang mga gamot na bigay sa akin. Umiling ako at binuksan ang drawer sa ilalim ng lababo. Nilabas ko mula roon ang sarili kong first aid kit at ginamot na ang sariling sugat. Tanghali ako nagising kinabukasan. Dinidilaan ni Susie ang paa ko pero nang nakitang gising na ay umalis na sa paanan ko. "Morning, Susie!" I greeted happily. She barked and wiggled her tail. Bandang alas dies y media na nang umalis ako sa bahay. Napahaba pala ang tulog ko lalo na't hindi naman ako pumasok nang maaga sa Coffee Break. Pagdating sa school, tanong agad ng mga kaklase at kaibigan ang bumungad sa akin. May hinanap agad ang mga mata ko sa loob. Dahil hindi ko naman masagot isa-isa ay hinila ko na lang basta palabas ng room si Risca na malapit sa akin. "Oy, oy, bakit? Teka, ayos na ba 'yang noo mo? Pina-check up mo na? Tumango ako at naglapat ang mga labi. "Risca, si Hazel? Wala pa siya?" tanong ko agad. Nagsalubong ang kilay niya. "Wala pa si Hazel. Bakit?" Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at sinabi ni Hazel sa clinic kahapon. Umawang ang labi niya at namilog ang mga mata. "Seryoso? Sinabi niya 'yon?" "Kaya nga hinahanap ko siya ngayon. I need to talk to her. Baka mamaya ay siya ang napahamak..." "Wait, I'll text her," aniya sabay labas ng phone mula sa bulsa. Sa aming lahat, si Risca ang pinakamalapit kay Hazel. Laging bini-baby kaya naging ganoon. Ang ipinagtataka ko lang naman ay ang pagbabago bigla ng inakto niya. Parang hindi siya ang Hazel na nakilala ko... namin. "Oh, s**t," mura ni Risca sabay hawak sa kanyang bibig. Naalarma ako bigla kaya mas lumapit ako, nakisilip na rin sa kanyang phone. "Oh, bakit? Anong nangyari kay Hazel?" "She's... f**k! Tingnan mo nga ang phone mo at baka may text din siya sa 'yo!" Bumilis ang t***k ng puso ko habang binubuksan ang phone. Hindi ko pa iyon nabuksan simula kagabi kaya naman halos pa-deadbatt na iyon nang bumukas. Dumiretso agad ako sa messages at nakita agad ang pangalan ni Hazel. From: Hazelnut Kyomi-chan, I'm sorry. I'll be leaving the country tonight with my parents. I'm sorry, Kyomi-chan. I don't know when I'll come back. I will miss you... I will miss everyone. I hope someday, you'll remember me. I still want to see your body... Nanginig ang mga kamay ko habang binabasa ang huling message niya ngayong umaga lang. From: Hazelnut I am still hoping... that the scars on your wrist and abdomen will eventually fade. Or if not, at least the bad memories you got from them will be erased from your heart. I want you to be free from the pain of your past... nee-chan. "R-Risca..." She couldn't look at me. Namumula na ang kanyang mata. Nagsimula na ring manlabo ang mga mata ko habang paulit-ulit na binabasa ang huling mensahe ni Hazel sa akin. "She called me nee-chan," halos pabulong kong sambit. Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad palayo sa akin. Naiwan akong nakatanga sa gilid ng building namin. Pinoproseso pa rin ang mga nabasang mensahe galing kay Hazel. She left. She wanted me to remember her. She knew about my scars even though I never let anyone see them. She called me nee-chan. Anong ibig sabihin ng mga iyon? Hindi ko maintindihan. Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Parang nablangko ang utak ko at kailangang punan ng mga sagot sa tanong ko. Napasandal ako sa pader. Kasabay ng pagyuko ko ay ang pag-uunahan ng luha sa mga mata ko. Nabitiwan ko ang phone sa lupa dahil sa panginginig ng mga kamay. Suminghot ako at yumuko para damputin iyon ngunit may ibang kamay na ang naunang kumuha nito. Nilahad niya iyon sa akin. Aabutin ko na sana iyon nang ilayo niya bigla. "Ano ba—" Natigilan ako nang makita ang taong nasa harapan ko. His dark brown eyes were set into slits. Napaatras ako agad sa hindi malamang dahilan. "I-ibigay mo na sa akin ang phone ko..." Nakatitig lang siya sa akin at pilit inilalayo ang gadget sa akin. Uminit ang pisngi ko sa paraan ng pagtitig niya. Mabilis kong pinunasan ang basang pisngi gamit ang likod ng palad. Nilahad ko ulit ang aking kamay. "Jairo, please, p-pakibalik ang phone." "Bakit ka umiiyak?" walang emosyon niyang tanong at tiningnan ang aking phone. Akma ko iyong aabutin nang itaas niya iyon. Umigting ang panga ko. Pinaglalaruan ba ako ng lalaking ito? Wala akong panahon para sa kanya. I just want my phone back. "Nag-away kayo ng boyfriend mo?" Kumunot ang noo ko sa kanya at natigilan. Saan niya ba pinagkukuha ang mga tanong niyang 'yan? Dumilim ang tingin niya sa akin. "Makipag-break ka na sa kanya kung iniiyakan mo lang din." I pursed my lips. "Wala akong boyfriend." Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Napatingin ako sa kanyang kilay na may ahit lalo na nang itaas niya iyon. "Bakit ka umiiyak kung ganoon?" "Ano bang pakialam mo?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses. "Nagtatanong lang ako. Bakit nagagalit ka?" Humakbang siya palapit sa akin. Napatingin ako sa paligid nang dumikit na ulit ang likod ko sa pader. "Ibalik mo na lang sa akin ang phone ko! Hindi naman 'yan sa 'yo!" Sa gulat ko, bigla niyang kinuha ang kanang kamay ko. Babawiin ko sana kaya lang ay mas malakas siya. Dinikit niya ang hintuturo ko sa likod ng phone. Kung nasaan ang fingerprint scanner! "H-hoy!" Sinubukan ko ulit hablutin pero mabilis siyang tumalikod at lumayo. Pilit akong humaharap sa kanya para kunin ang phone pero hinaharangan niya agad ako ng braso niyang matikas. Ang lapad pa ng balikat kaya hindi ako makasilip! Sarap hilahin ng nakatali niyang buhok. Baka mamaya ay sinisilip niya na 'yong gallery ko! May mga videos pa naman ako roon na ni-save ko galing sa t****k! Gumapang ang init mula sa leeg ko hanggang sa ulo. Nakakahiya iyon! "Ano bang ginagawa mo?" irita kong tanong. Nang sa wakas ay hinarap niya ako at nilahad ang phone, hindi na ako nag-atubili pang kunin iyon at itago agad sa bulsa. He smirked. "I just put my number in your phone..." Ngumuso ako. "Hiningi ko ba?" Nagpamulsa siya at tumagilid ang ulo. "Nope. But mind you, I can be of help for you." "Anong help ang sinasabi mo riyan?" Napasimangot ako lalo. Ano ba siya, 911? Isang tawag ko lang, to the rescue na? Hay naku. Hindi ko na talaga maintindihan ang utak ng isang 'to. Paiba-iba ng ugali. "Mahal ako maningil sa iba, Kyomi. Pero para sa 'yo, libre na ang serbisyo ko." Ngumisi siya at kumindat sa akin bago ako tinalikuran. Anong service? School service?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD