Chapter 14

2666 Words
Chapter 14 "Sandali lang!" Agad siyang tumigil noong sumigaw ako. Naglakad ako palapit sa kanya kahit hindi alam kung ano ba ang rason ng pagtawag ko sa kanya. "Uhm..." Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Hmm?" "A-ano... anong ibig mong sabihin doon sa sinabi mo? Anong service? S-school service ba? Hindi ko naman kailangan..." Umikot siya kaya naharap niya ulit ako. Nasa bulsa ng suot na slacks ang kanyang dalawang kamay. Bukas ang suot niyang polo kaya kita ang panloob na puting v-neck shirt. Umangat ang tingin ko sa kanya nang bahagya siyang tumawa. "Hindi ko alam kung binasa mo ba ang lahat ng nakalagay sa binigay kong calling card o ang pangalan at number ko lang ang tiningnan mo," aniya at napailing. I pouted my lips and did not speak. Okay, I'm guilty there. "U-uh—" "Gusto mo bang malaman kung anong serbisyo ang tinutukoy ko?" nakangisi niyang tanong. Tinitigan kong mabuti ang nangingilatis na mga mata niya sa akin. His eyes were always that deep and enchanting. Para bang sa tuwing titingnan ka ng mga matang iyon ay obligado ka ring tingnan pabalik. At kapag nakatingin ka na nang diretso ay para ka naman nang hinihipnotismo. Dahan-dahan akong tumango. Lumapit siya sa akin at walang pag-aalinlangang inilagay ang gilid ng hintuturo sa aking baba bago inangat iyon. Para akong sunod-sunuran na tumingala sa kanya. Dinilaan ko ang aking labing nanunuyo nang naningkit ang mga mata niya roon. Umawang ang labi ko nang punasan niya ang pisngi kong natuyuan na ng luha gamit ang isang panyo. Teka, panyo? Nag-init ang pisngi ko at bahagyang inilayo ang mukha sa kanya. Ngunit nang hulihin niya muli ang aking baba at pinaharap sa kanya ay para na akong nakuryente mula roon hanggang tainga. "I'll just wipe away your tears," he almost whispered against my face. Kahit nakaharap ang mukha ko sa kanya ay nasa ibaba naman ang tingin ko. Ayoko na talagang tumingin sa mga matang 'yan at baka tuluyan akong malunod o hindi kaya ay matunaw. "Tumingin ka sa akin," utos niya. Ngumuso ako, hindi siya sinunod. "Kapag hindi ka tumingin, hahalikan kita ulit," pagbabanta niya. Automatic na napatingin ako sa kanya at sumimangot. Naabutan ko siyang bahagyang nakangisi habang nakayuko at pinapanood ang karumal-dumal kong reaksyon. "Huwag mo nga akong pagbantaan niyan. Do you think it's funny?" I said, trying so hard to make myself intimidating. Kaya lang ay lalo akong nanliit noong tumayo siya nang tuwid at lumawak ang ngiti. "Ah, I guess that was your first—" Tumaas agad ang altapresyon ko. "No, it wasn't!" "Your lips tasted like those of a virgin..." he said nonchalantly. Suminghap ako. Tinulak ko siya sa balikat. He threw his head back and let out a hearty laugh. "How can you say that! I-I am not... I mean..." Nagrambulan na ang mga sinasabi ko. "Come on, Kyo. Halata namang una mo iyon. Don't worry, at least your first kiss is with someone who has more experience. Gusto mo bang turuan pa kita nang mas matindi pa roon? Iyong mas malalim... at mas... masarap." Tinulak ko ulit siya sa balikat. "Alam mo, nakakainis ka! Hindi nakakatuwa 'yan, ah! Oo, first kiss ko 'yon! At ang epal mo dahil kinuha mo 'yon!" Ah, talaga ba, Kyomi? Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam sa mga first na 'yan. Naiirita lang talaga ako dahil ipinangangalandakan niya pa iyon sa akin. E 'di siya na ang ma-experience! Magsama sila ni Dona! Hmp! Ay... huwag pala! Erase, erase. Ang dumi naman no'n. "Bakit ka nga pala may gasa sa noo? Nauntog ka?" natatawa niyang tanong habang sinusubukang tusukin ang tinutukoy. Sinamaan ko siya ng tingin at hinawi ang kamay niya. "Pakialam mo ba? Alam mo, nawiwirduhan na ako sa 'yo. Para kang may DID." "DID?" "Dissociative Identity Disorder." His lips potruded. "What makes you think of that?" Huminga ako nang malalim. Dahil sa pag-extra ng lalaking ito ay nawala tuloy ako kanina sa pag-e-emote ko. "Noong unang meet natin, hindi mo ako pinansin. Actually, nakita kita pero ako ang parang hindi mo nakikita kasi busy ka sa pagtingin sa kaibigan ko. Tapos sa sumunod na mga araw, bigla ka na lang sumasama sa akin. Tapos last time, seryoso ka na lang bigla at sinusulpaduhan mo na ako. Umaakto ka pa na parang walang naaalala. Parang hindi ikaw ang una kong nakilala. Ngayon nama—" Natigil ako sa pagsasalita ng takpan niya ang halos kalahati ng mukha ko gamit ang kamay niya. Nakangiwi siya habang tinitingnan ako. "Alam mo, ang daldal mong babae ka." Hinawi ko ang kamay niya. "I was just explaining why I think you have a DID!" He scoffed and rolled his eyes. "Hindi mo ako puwedeng i-diagnosed na may ganoong disorder kung hindi mo naman alam ang talagang ibig sabihin nito at lalong-lalo na dahil hindi ka naman doktor na espesyalista ang mga ganyang sakit." Ngumuso ako nang ilang segundo niya akong tinitigan bago siya ngumisi. Hindi ko na talaga alam ang takbo ng utak ng lalaking ito. "Nasubukan mo na bang mag-cutting class?" he asked with his evil smirk. Nagsalubong ang kilay ko habang iniisip ang tanong niya. Actually, hindi ko pa nga nasubukang mag-cut dahil natatakot akong mahuli. Never pa naman akong napunta sa guidance at ayaw ko namang mapunta roon dahil sa lumabag ako sa rules. Wala rin namang nagka-cut sa mga kaibigan ko kaya ang korni naman kung ako lang ang magka-cut. But... I don't really have plans of doing that. Not now, not ever. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang aking sarili ngayon na naglalakad patungo sa likod ng school habang hatak-hatak ako ni Jairo. Anong nangyari? Nag-isip lang ako, nakaladkad niya na ako? "Jairo, anong ginagawa natin dito?" bulong ko. Napalingon-lingon tuloy ako sa paligid. Hindi ko nga alam kung bakit bumubulong pa ako, e, wala namang tao. I checked the time on my phone and realized that the bell probably rang without me hearing it. "Sshh... may pupuntahan tayo," bulong niya rin pabalik. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Mainit at malaki iyon na halos sakupin na ang buo kong kamay. Sinubukan kong hilahin iyon ngunit hindi niya binitiwan. Napalingon siya sa akin habang naglalakad kami pareho nang mabilis. "Ayaw kong sumama sa 'yo!" Tumigil siya kaya napatigil din ako. "Kapag sumama ka sa akin ngayon, sasagutin ko ang mga tanong na gumugulo sa isip mo." Napaisip ako roon. "Hindi nga?" Ngumisi siya. "Oo—" "Heh! Uutuin mo pa ako!" Sabay subok ulit ng hila sa kamay ko pero hinila niya rin. Napalapit tuloy ako sa kanya. Aba, kanya bang kamay 'to? Bakit ba siya hila nang hila? "Hindi kita inuuto. Trust me, I'll tell everything you want to know." Maniniwala na sana ako dahil seryoso niyang sinabi iyon, kaya lang ay bigla ba namang kumindat. "Kung may sasabihin ka, bakit hindi na lang mamaya? Dito sa school? Bakit kailangan nating umalis?" Halos matunaw ako sa tagal ng titig niya sa akin. Kinaway ko pa nga ang kamay ko sa harapan niya dahil baka nakakita na pala siya ng multo kaya natulala. "Confidential ang sasabihin ko," seryosong aniya. Nagtaas ako ng kilay. "Kung confidential, bakit sasabihin mo sa akin?" Nag-iwas siya ng tingin at bumagsak ang balikat. Napatingin ako sa kamay ko nang lumuwang ang hawak niya roon hanggang sa binitiwan niya na. "Nevermind. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo." Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad papunta sa may pader na bakod kung saan siguro siya tatawid para makalabas ng school. I was left there hanging and confused. Napatingin akong muli sa kamay ko at sa likod niya. Bahagya siyang nakatungo habang naglalakad. Bakit ganoon? Parang biglang lumungkot ang tono niya... na halata naman sa mukha niya bago ako tinalikuran. May nasabi ba akong mali? O hindi maganda? Ano 'yon? Bakit parang na-guilty naman ako agad? Sinarado ko ang kamao ko at muli siyang tiningnan. Napalunok ako bago bumuga ng hangin. Humakbang ako ng isang beses. Naglakad hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo, hinahabol siya. "Jairo! Saglit lang!" Gumaan ang pakiramdam ko nang tumigil siya at bahagyang lumingon. Nakahanda na ang ngiti ko nang may natapakan akong bato na naging dahilan para matapilok ako at mapaupo. "Aray!" Hinawakan ko agad ang kaliwang paa ko. Ginalaw ko iyon para matingnan kung malala ba. Ngumuso ako nang mag-squat sa harap ko si Jairo at halatang nagpipigil ng tawa. "Sakit ba?" pang-asar niyang tanong. Hinampas ko nang mahina ang braso niya. "Kainis ka, ha? Kahahabol ko sa 'yo, nadapa tuloy ako!" Hinawakan niya ang paang hinahawakan ko at sinuri. Ginalaw-galaw niya iyon. Kumirot lang nang kaunti pero mukhang hindi naman napuruhan. "'Di naman masakit," bulong-bulong ko. Tumingin siya sa akin kaya sumimangot agad ako. "Sino ba kasi ang nagsabi na habulin mo ako? Puwede mo naman akong tawagin." "Tinawag naman kita, ah?" Umirap ako at naglahad ng kamay. Sa una ay tiningnan niya lang iyon. Babawiin ko na sana nang hawakan niya iyon at tumayo siya para hilahin din ako patayo. "Thanks." "Sa susunod, tawagin mo lang ako. Pupuntahan naman kita agad," seryoso niyang sambit at tinuro ang ibaba ko. "Ayusin mo ang palda mo. Iyong binti mo, puno ng dumi." Inayos ko nga ang suot na palda at pinagpagan naman ang binti at tuhod ko. Pagkatapos ay hindi ko na alam kung anong sasabihin sa kanya. Napayuko na lang ako. "Bakit mo ba ako hinahabol?" "Uhm... ano, e..." Napakamot ako sa tungki ng ilong ko. "Sama 'ko..." Matagal siyang natahimik kaya naman nag-angat ako ng ulo. Nakangiti siya sa akin. Ngiti, hindi ngisi. "Bakit ka sasama?" nakangiti pa rin siya habang tinatanong iyon. Ah, bakit nga ba, Kyomi? Akala ko ba ay hindi ka magkaka-cut ng klase? Ano itong ginagawa ko ngayon? "Sabi mo sumama ako?" Umalon ang kanyang lalamunan. "Kung napipilitan ka lang—" "Hindi! Hindi ako napipilitan, okay? Gusto kong sumama..." "Why?" Kumurap-kurap ako. "Gusto ko ring ano... malaman 'yong tungkol sa 'yo. Kasi ang weird mo." Tumulis ang nguso ko at nag-init ang pisngi. Bigla na lang may mabigat na pumatong sa ulo ko. Tumingala ako at nakitang kamay niya iyon. "Damn, you really are so fucking... adorable." Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Noong ngumiti siya nang matagal sa akin, doon ko lang napagtanto na ang guwapong nilalang niya talaga. Mula sa kilay na mas makapal at perpekto sa akin, sa mga matang kasingkulay ng lupa at sa mahahabang pilikmata, talagang mapapatitig ka. His aristocratic nose is perfect. Naalala ko iyong mga kamag-anak ko sa side ni Daddy. Mga may lahing espanyol. Hindi kaya ay may lahi rin siya? May lahi rin naman ako pero mas nagmana ako kay Mommy. Tapos iyong labi niya... iyon ba iyong natikman ko? Ang lambot kasi. Para akong humalik sa bulak. Napalunok ako nang bumaba pa ang tingin ko sa kanyang lalamunan. Grabe talaga iyong adam's apple niya, nakaumbok, e. Halatang-halata lalo na kapag napapalunok siya. Tapos ang panga... teka, ba't panay ang galaw ng panga niya? "Huwag mo akong titigan nang ganyan at baka isipin kong pinagpapantasyahan mo ako." Bumalik ako sa reyalidad dahil doon. "Hindi ako tumititig, ah! I was just... ano... teka, akala ko ba ay aalis tayo?" Tumingin-tingin pa ako sa paligid para lang makaiwas. "Your way of changing the topic sucks." Matalim ko siyang tiningnan. "Hindi bagay sa 'yo ang ganyang tingin. Hindi naman nakakatakot." Bahagya pa siyang tumawa. Bago pa ako makaalma ay nakuha niya na naman ang kamay ko at kinaladkad papunta sa mataas na bakod na gawa sa pader. Binitiwan niya ako at tiningala ang tuktok ng pader. Actually, hindi naman siya ganoon kataas. Siguro isa't kalahating taas lang ni Jairo, ganoon. Ah, mataas din pala. Nilingon ko siya. "Paano mo aakyatin 'yan?" Ngumisi siya sa akin at nag-squat. Tiningala niya ako at tinapik ang balikat niya. "Sampa ka sa akin." Namilog ang mata ko. "Huh? Bakit? Ayaw ko nga. Mabigat ako!" "Bilisan mo na. Lagay mo rito ang binti mo sa balikat ko para makatawid ka." "E, ikaw? Paano ka tatawid?" "Ako na ang bahala. Ilang beses na akong umakyat dito." Tinapik niya ulit ang kanyang balikat. "Sampa na. Ang tagal." "Eh... baka mamaya mahuli tayo?" "Anak ng... mahuhuli talaga tayo kapag tinagalan mo pa," sarkastikong saad niya. Lumingon pa muna ako sa banda namin dahil baka mamaya ay may nakamasid pala o may napadaang estudyante o faculty. Nang wala naman, agad akong lumapit sa kanya at ipinatong ang dalawang binti sa magkabilang balikat niya. Hinawakan niya ang binti ko at tumayo nang hindi nagsasabi. Napahawak ako agad sa ulo niya sa takot na baka mahulog. "May galit ka ba sa akin? Huwag mo namang tusukin ang mata ko," reklamo niya. I giggled. "Sorry, hindi ko nakita, e." "Tss. Kumapit ka na riyan. Itungtong mo na 'yong paa mo sa akin kung nahihirapan ka pa." "Huh?" alma ko agad. "Marurumihan ang uniform mo?" Inisang kalabit niya lang ang ankle strap ng dalawa kong sapatos at hawak niya na agad sa magkabilang kamay iyon. Okay, sabi ko nga. Bilis talaga ng galawan ng lalaking 'to. Tumungtong nga ako sa balikat niya para makatawid sa pader. Nanginginig pa ang binti ko kaya hinawakan niya iyon para alalayan. "Kinis, ah." Nang nasa tuktok na ako ay tiningnan ko siya at nakitang nakatingala siya sa akin. "Nice," aniya sabay ngisi nang nakakaloko. "Kaya mong tumalon mula riyan?" "Kaya naman..." Umupo muna ako sa tuktok at nagbilang ng sampu bago tumalon. I landed safely! Ngumisi ako at pinagpagan ang palda. Mabuti na lang at kahit paano ay madamo ang binagsakan ko. Tumingala ako at nakitang nakaakyat na si Jairo sa tuktok at mabilis na tumalon sa tabi ko. "Oh, suot mo na." Sabay luhod at lapag niya ng sapatos sa harapan ko. Sinuot ko agad iyon. Siya pa ang nag-lock ng strap nito bago tumayo. "Saan na tayo pupunta nito?" "Sa langit." Tinulak ko siya sa balikat. Tumawa siya. "Saan nga?" "Gusto mo munang mag-ice cream?" Nakakita ako agad ng puso nang banggitin niya iyon. "Ice cream? Sige ba! Libre mo?" Tikom ang bibig niya nang ngumisi. Pinisil niya bigla ang pisngi ko kaya napaatras ako. Napapansin ko na talagang ang hilig niyang pansinin itong pisngi ko, ah? Ano bang meron dito bukod sa pagiging mataba? Baka mamaya ay mamayat na lang bigla ang mga pisngi ko. "Fine. I'll treat you... since I..." he trailed off and looked away. Nangunot ang noo ko sa kanya. Since he... what? "Ano 'yon?" Umiling siya at nagseryoso. Tumagos ang tingin niya sa likuran ko kaya naman akma na rin akong lilingon nang hilahin niya ako sa kamay. Tinulak niya ako sa pader at agad nilapit ang katawan sa akin. Namilog ang mata ko at agad tumama sa ilong ang kanyang amoy. Isinandal niya sa pader malapit sa aking mukha ang isang braso habang ang kanang kamay niya ay inilagay niya sa aking leeg. Nanigas ako sa kinatatayuan at tiningala siya. He crouched his head and tilted it a bit when he faced me. Bumilis ang bayo sa dibdib ko nang magkatinginan kami. Halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa akin. "A-anong ginagawa mo?" "Sshh... diyan ka lang. Let's pretend we're kissing," bulong niya pabalik. Napapikit ako dahil tumama sa mismong ilong at labi ko ang mainit at mabango niyang hininga. Naramdaman ko ang lalong paglapit ng mukha niya sa akin at ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa aking leeg. Binuksan ko ang mga mata nang makarinig ng pagsipol. "Oy, Von! Sino 'yan?" someone asked. Sinubukan kong sumilip pero hinarangan agad ako ni Jairo. "Girlfriend ko. Umalis ka na rito." Girlfriend? Kailan pa akong naging girlfriend nito? Bakit hindi ako aware? Ayaw kong maging girlfriend niya! Nahihibang na ba siya? Tumawa iyong kausap niya. "Pakilala mo naman kami. Hindi ka na nagshi-share, ah?" Tumitig sa akin si Jairo at umigting ang kanyang mga panga. "f**k off, William. She's..." Umalon ang kanyang lalamunan at bumaba ang tingin sa aking mga labi. "She's... only mine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD