Chapter 15
"Bakit mo ginawa at sinabi iyon, Jairo?" tanong ko pa rin kahit nandito na kami ngayon sa isang parke malapit sa school namin.
Tumingin-tingin ako sa paligid at baka mamaya ay may kakilala akong nandito at isumbong kami. Binalik ko rin ang tingin kay Jairo na bumibili ng ice cream nang wala namang napansing kakilala.
Humarap siya sa akin at inabot ang isang nakaplastic na monay. Kumunot ang noo ko pero kinuha rin naman. Bakit sa kanya, naka-apa?
"Akala ko ba ay ice cream? Bakit tinapay 'to?"
"May palaman 'yan, ice cream. Para mabusog ka rin." Sabay dila sa ice cream niya.
Oh? May ganoon pala. Hindi ko pa 'to natikman kaya naman na-excite akong kagatin iyon. Pinanood niya lang ako habang nginunguya ko iyon.
I smiled widely. "Sarap pala ng ganito!"
Ngumiti rin siya at tinuro ang isa sa mga bench na gawa sa bato at walang sandalan. Nasa ilalim iyon ng puno kaya kahit tirik ang araw, hindi maiinitan sa banda roon.
"Upo muna tayo roon. Pinagpapawisan ka na."
Natigil ako sa pagkagat ng monay nang punasan niya ang gilid ng mukha ko pababa sa aking panga gamit ang likod ng kamay niya. Uminit ang pisngi ko at lumayo sa kanya. Nagtaas siya ng kilay at bahagyang ngumuso.
"Mind your own pawis nga," sabi ko sabay punas ng pawis gamit ang sariling kamay.
Nauna akong naupo sa bench. Sumunod naman agad siya at naupo sa kabilang dulo. Tinitigan ko siya hanggang sa napansin niya iyon at nilingon na ako.
He raised his brow. "What?"
"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Bakit mo ginawa at sinabi iyon kanina roon sa lalaki?"
Nagkibit siya ng balikat at pinatong ang dalawang siko sa magkabilang hita bago ako nilingon ulit.
"Katrabaho ko 'yon. Wala akong tiwala roon lalo na kapag may involve na babae. Tinago kita para hindi ka niya mamukhaan."
"Katrabaho? Nagtatrabaho ka pala?"
Pinanood ko siyang kumain ng ice cream. Napangiti ako dahil ang cute niya lang tingnan sa ganoong ayos. At first, I thought he'd treat me to some ice cream house or parlor. Iyon ang nakasanayan ko noon, e. Pero wala namang kaso na ganitong ice cream ang ipakain niya sa akin.
Saka libre naman. Magrereklamo at magiging choosy pa ba ako?
"May trabaho ako. 'Yong calling card na binigay ko sa 'yo, nandiyan pa ba?" Tumingin siya sa akin kaya napaayos ako ng upo.
Uminit ang pisngi ko nang kumagat ako sa hangin at nakita niya iyon. Oh, darn. Akala ko sa ice cream burger ako nakagat! Humalakhak siya at tumuwid din ng upo. Muntik ko tuloy masungalngal sa bibig ko ang monay sa pagkapahiya.
"Ah... ano, uh, anong trabaho mo?"
Kinagat niya ang kanyang labi at tinitigan ako. Bago pa ako maunang matunaw kaysa sa ice cream niya ay iniwasan ko na ang mata niya. Pero ewan ko ba at napapabalik pa rin ang tingin ko sa kanya.
He chuckled a bit. "Baka husgahan mo ako?"
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Kahit tumawa siya, halata ko pa rin sa boses niyang may pangamba sa posibleng isagot ko. Bakit niya naman kaya nasabing baka husgahan ko siya?
Ibinaba ko ang hawak na pagkain at tumayo. Pinanood niya akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya.
Ngumiti ako. Napawi ang ngiti sa mga labi niya.
"Bakit kita huhusgahan kung alam ko namang nagtatrabaho ka para kumita? Hindi ko man alam kung anong tunay mong rason pero... sigurado naman akong kailangan mo ng bagay na iyon para mabuhay ka... o kaya pati ang pamilya mo?" Nagkibit ako ng balikat.
"I work as an escort," walang kagatol-gatol niyang wika.
Nagkatinginan kami. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang apa at namilog ang mga mata.
"'Yong ice cream mo! Tumutulo na sa kamay mo, oh. Wait, may panyo ako rito."
Kinuha ko ang sariling panyo sa bulsa ng palda at hinawakan ang kanang kamay niya. Hinayaan niya naman akong punasan iyon.
"Alam mo ba kung anong klaseng trabaho ang ginagawa ko?" pabulong niyang tanong.
"Hindi. Ano ba 'yon? Malaki ba ang kita roon? Baka naman puwede rin akong magtrabaho niyan?" medyo excited kong tanong.
Kumibot ang labi niya at nagsalubong ang kilay. Binawi niya ang kamay sa akin at umigting ang panga. Napalunok ako at bumaba ang tingin sa hawak na panyo.
"Trabaho kong samahan ang mga kliyente ko kung saan nila gusto. May kontrata kami. At... hindi ka puwede roon," medyo pagalit niyang sambit.
"Bakit hindi ako puwede roon? I'm... friendly? Kaya ko rin samahan ang mga tao kung gusto nila." Natigilan ako saglit. "Kaso... may schedule ba 'yon? Paano kapag may klase?"
"Kaya nga hindi ka puwede roon, Kyomi. Hindi ka puwedeng lumiban sa klase."
"At ikaw, puwede? Paano mo nagagawa iyon?"
"Napag-uusapan naman namin ng kliyente iyon."
"Oh, puwede naman pala pag-usapan—"
"Hindi ka nga puwede roon, Kyomi!" Tumaas na talaga ang kanyang boses.
Ngumuso ako. Mariing nakatikom ang mga labi niya nang ibato sa kung saan ang apa.
"Bakit ka nagagalit?" mahina kong tanong.
Bumuntong hininga siya at nilingon ako. "Hindi ako nagagalit."
Ngumuso ko. "Okay..."
Nabingi ako sa katahimikan naming dalawa. Hindi ko na naubos ang kinakain ko dahil nawalan na ng gana at natunaw na rin ang ice cream na palaman.
"Do you still have any questions?" he asked after a couple of minutes.
Baka naman kapag nagtanong ako ay magalit pa siya? Huwag na nga lang. Sabi ko na, e. Dapat hindi na ako nangulit.
"Wala na..."
"I don't have a DID or whatever f**k you're talking about earlier."
Doon ako napalingon sa kanya. Tulala lang siya at nilalaro ang kanyang labi gamit ang daliri.
"Bakit paiba-iba ka ng ugali?"
Umangat ang sulok ng kanyang labi nang nilingon ako. "Trip ko lang asarin ka."
I frowned and pushed his shoulder lightly. He chuckled and caught my wrist.
"Kakatawa 'yon?" I asked sarcastically.
"Actually, yes. Natawa nga ako sa itsura mo noong sinungitan kita sa may Chevon at nagpanggap na hindi ka kilala. Hirap magpigil ng tawa lalo na kung mukha kang inalipustang tuta," tumatawa niyang sinabi.
I groaned and tried to pushed him again. Kainis 'to, ah? Inaasar lang pala ako? Akala ko pa naman ay ibang tao na ang kaharap ko.
"At bakit may ahit ka sa kilay mo?"
He shrugged his shoulders and wiggled his left brow. "Trip ko lang ulit. Pangit ba?"
"Hindi naman. You actually look... hot."
Natutop ko agad ang bibig sa sinabi. Ayan na naman kasi ang nakalulunod niyang tingin sa akin! Dapat bang sabihin ko pa iyon? Syempre, hindi! Nahahawa na yata ako kay Fera, e.
Nilapit niya ang mukha sa akin kaya napaatras ako. "Talaga? You think I'm hot?"
Napatango ako nang wala sa oras. Lumayo siya sa akin at humalakhak bago ginulo ang buhok ko.
Tumayo siya kaya napatingala rin ako.
"Gusto mong malaman ang isa pang trabaho ko? Kung saan ako kumikita ng pera?"
Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Dalawa work mo? Galing naman! Ano 'yan? Baka puwede na ako?"
"Hmm... puwede naman. Marunong kang maglaro, 'di ba?"
"Maglaro ng ano?"
"Mobile Legends."
"Oo naman! Anong meron? Teka, naglalaro ka rin ng ML?"
Tumango siya. "Oo. Kumikita ako sa paglalaro at pag-live stream doon."
I know about live stream but I never really tried once. Kaya naman pumayag akong pumunta sa lugar kung saan daw siya naglalaro at nagla-live. Sumakay kami ng tricycle at nagpababa sa Lopez.
Lopez? Hindi ba ay iyon ang binanggit niyang address kung saan yata siya nakatira?
"Saan ka nagla-live?"
"Sa bahay." Ngumisi siya at bumaba na sa tricycle nang huminto iyon.
Sumunod agad ako. Magbabayad na rin sana kaso ay pinigilan niya ako. Binayaran niya na pala kaming dalawa.
Hinawakan niya ako sa kamay. "Tara..."
Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa isang dalawang palapag na bahay. Wala iyong gate kaya diretso kami sa pinto. Hawak niya pa ang kamay ko habang sinusuksok ang susi sa seradura ng pinto.
Saka niya lang ako binitiwan ng nabuksan niya na iyon. Binuksan niya agad ang ilaw sa loob.
"Pasok ka. Sarado mo lang 'yong pinto at ihahanda ko lang ang computer."
Sinunod ko ang sinabi niya. Tinanggal ko ang sapatos na suot dahil nakitang ganoon din ang ginawa niya. Tinabi ko iyon sa may sapatos niya.
"Bahay niyo ito? Wala kang kasama?" tanong ko habang nililibot ng tingin ang buong paligid.
Kasinglaki lang din yata ito ng apartment ko. Ang kaibahan lang ay dalawang palapag itong tinitirahan niya.
"Inuupahan ko lang 'to," sagot niya.
Sumunod ako sa kung nasaan siya. Binuksan niya ang isang set ng computer at isa pang monitor na nasa taas nito. Hinila niya ang upuan at tumingin sa akin.
"Upo ka muna rito. Buksan ko lang 'yong electric fan."
Para akong ignoranteng ngayon lang nakaharap sa isang pc. Nang bumukas iyon ay kinailangan agad ng password. Humawak ako sa keyboard nang narinig siyang nagsalita.
"Montealegre1128 ang password niyan. Lowercase."
I typed what he said. Bumukas nga iyon kaya naman ngumiti ako at lumingon para sabihin sana sa kanya. Kaya lang ay natigilan ako nang nasa likod ko na pala siya at nakayuko sa gilid ng mukha ko.
Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa screen at ako, nakatingin naman sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi at narinig ko ang pagtipa niya sa keyboard. Nasa pagitan ako ng mga bisig niya. Napaigtad ako nang lumingon siya sa akin at halos magdikit ang labi namin.
Napaharap ako agad sa screen at hinawakan ang mouse. Kaya lang ay naroon pala ang kamay niya kaya iyon ang nahawakan ko. Para tuloy akong napaso na agad inalis ang kamay roon.
"Sorry!" I said and bit my lip.
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang halakhak niya sa tainga ko.
"I'll teach you the basic, Kyomi. You should listen well or else..."
Napakurap-kurap ako.
"O-or else?"
Lahat na yata ng buhok sa katawan ko ay tumayo nang maramdaman ang init ng hininga niya sa tainga ko.
"Or else, of course, you won't know how to earn money using this game, Kyomi."
"You smell nice," komento ko.
He smiled smugly. "Huwag mo akong amuy-amuyin at baka maadik ka."
Nakahinga ako nang maluwang noong tumayo na siya at lumayo para kumuha ng isa pang upuan. Pinausog niya ako kaunti at sinimulang sabihin sa akin kung anong mga gagawin. He already connected his phone to the computer and God knows how much it pressured me, really. Hindi ako maka-concentrate! Hindi naman ako 'yong naglalaro!
Nagsuot siya ng headset at tumingin sa akin. Bumalik ang tingin ko sa screen at nagkunwaring interesado roon.
His in game name is vonmontealegre. Has over four hundred thousand followers?
"Daming mong tagasunod!"
"Ganoon talaga kapag magaling." Ngumisi siya.
Tumawa ako at inirapan siya. "Yabang! Mythic na rin ako, 'no!"
"I know. Nakasama kita sa laro noon. Lunox main, huh?"
"Paano mo nalaman?"
"I have smurf accounts. Isa na 'yong jairoah na nakasama mo noon sa classic game."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Siya pala iyon? Hindi ko napansin. Kaya pala jairoah at parang pamilyar ang boses noong nagsasalita!
At bago ko pa mapigilan ang sarili ay nakapagsalita na ako ulit.
"Your voice sounds different, though. Deep and husky! Tunog guwapo!"
Ngumisi lang siya at parang balewala na ang sinabi ko. Nagsimula na siyang maglaro habang nagsasalita sa mic. Minsan, pinapakita niya sa akin iyong mga nagse-send ng puso at iba pa sa kanyang account. Aniya ay puwede iyong i-convert into cash.
Hindi ko alam kung saan ako manonood. Sa screen ba o sa kanya? He would always say some jokes and tripped someone in the game. Kapag napapamura ay napapatingin sa akin.
Nang matapos ang laro ay agad niyang tinanggal ang suot na headset at sumandal sa upuan habang tinitingnan ako.
"Gusto mong subukan?"
"Baka matalo... nakakahiya. Anong mangyayari doon sa makukuha mong pera?"
"E 'di magiging pera?" He chuckled. "Kung wala kang gagawin kapag Saturday o Sunday, puwede kang pumunta rito para mag-live. Ipagagamit ko sa 'yo ang account ko tapos sa 'yo lahat mapupunta ng makukuha mo."
"Puwede 'yon? E paano kung talo?"
Tumawa ulit siya. "E 'di talo? Hindi naman laging panalo sa laro, Kyomi. Walang ganoon. Kahit matalo ka naman, may makukuha ka pa rin."
Ngumiti ako nang malapad. "Sige ba! Sabihan kita kapag puwede ako sa weekends!"
Tumango siya. May kinalikot muna siya sa kanyang PC bago niya pinatay iyon st tumayo. Tumayo rin ako at inayos ang suot na palda.
"Tara na."
"Balik na tayong school?" medyo dismayado kong tanong.
He looked at me and tilted his head a bit. Ngumisi siya at napailing.
"Ayaw mo ba? Gusto mo rito ka na lang?"
"Hoy, wala akong sinabing ganyan!"
Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin.
"Upo ka nga muna. Puwede namang mamaya na tayo bumalik. Ikaw ang masusunod, Madam Kyomi," he said and chuckled.
Inirapan ko siya at dumiretso sa sofa. Nagpamaywang siya habang nakatingin sa akin, nanatili sa kanyang puwesto.
"Nagugutom ka ba? Sorry, late 'yong tanong ko."
Umiling ako. "Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira dito?"
"Hmm. Oo? Bakit?"
"Magkano ang upa? Mahal siguro kasi up and down, e. 'Yong akin down lang. Mag-isa lang din naman kasi ako..."
Tumayo ako sa inuupuan at nagpunta sa may stand niya ng TV. Buti pa siya, may lagayan ng CDs at drawer!
"Five thousand per month."
Five thousand lang 'to?!
"Kasama na ang tubig at kuryente," dagdag niya.
Kasama pa ang kuryente at tubig! Baka may wifi rin, ah? Kainggit!
Natigilan ako sa pagtingin ng mga CD nang may naalala. Hinarap ko siya at nakitang pinapanood lang ako habang nakahalukipkip.
"Shoot! Bayaran na pala ng renta bukas!"
Nagsalubong ang kilay niya. "O, tapos?"
Napakurap-kurap ako at nag-init ang pisngi. "I don't think I can pay for the monthly rent tomorrow."
Bagsak ang balikat na naglakad ako papunta sa sofa. Nakasunod ang mga mata niya sa akin hanggang sa nagpangalumbaba ako.
"Bakit? Wala kang pambayad?"
"Nagastos ko na 'yong pera sa grocery ko. Tapos hindi ko naman akalain na mananakawan pa ako! Nakakainis! Ang sungit pa naman ng landlady! Wala pang konsiderasyon," pagmamaktol ko at ngumuso.
"What? Nanakawan ka?" Tumaas ang kanyang boses.
Tumuwid ako ng upo nang makalapit agad siya sa akin. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat.
Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at bahagyang inalog.
"Ninakawan ka, Kyomi? Nag-report ka na ba sa pulis?" he asked and clenched his jaw.
Umiling ako at kumabog ang dibdib ko sa kaba. Bakit parang nagagalit siya? Hindi naman siya ang nanakawan.
"That's bullshit! Nasa loob ka ba noong nanakawan ka? Kaya ba may sugat ka riyan sa noo?"
Umiling ulit ako. "Nahampas 'to ng bidet sprayer ng schoolmate natin."
Halos lumuwa ang mata niya sa sinabi ko. Napasabunot siya sa mukha niya at ilang beses nagmura.
"Tanginang 'yan. Nanakawan na, nahampas pa ng bidet sa noo tapos..." He laughed mockingly. "Hindi ka nagsumbong, ano?"
"Uhm..."
I don't get why he sounded mad right now. May mali ba ako? Ako ba dapat ang sisihin kaya nangyari iyon? Kung hindi ko tinulak si Fera noon ay siya ang matatamaan. I don't want her to get hurt!
"You know what... umalis ka na riyan sa apartment mo," seryoso niyang sambit at tinitigan ako sa mata.
Agad naman akong umapila. Bakit ako aalis doon? Saan ako titira? Adik ba 'to? Alangan namang sa lansangan!
"Hindi puwede, 'no! Iyon na ang pinakamurang natanungan ko na malapit dito!" sabi ko habang nakabusangot.
Nag-iwas siya ng tingin at ilang beses kong nakitang umalon ang kanyang lalamunan.
"I... actually have one spare room here..." aniya sabay kagat ng labi. "Puwede namang... hati tayo sa renta."