"Montealegre, laya ka na." Ako? Laya? Paano ako lalaya gayong wala naman akong pera at higit sa lahat, non-bailable ang k********g. Pero hindi ko naman talaga ginawa 'yon kaya sino ang may kagagawan nito? Kahit kailan, hindi ako namilit ng tao dahil hindi ko kailangan ng tawag ng laman... lalo na sa kanya... sa ngayon. Tinaas ko ang noo at hinarap ang dalawang lalaking nagpiyansa raw sa akin. Mas mukhang matanda ang mas matangkad sa kanila na may seryosong mukha kaya iyon ang tinanong ko. "Sino kayo? Bakit niyo ako pinyansahan?" "Vernon Jairo Montealegre," banggit ng kausap ko at naglahad ng kamay sa akin. "Rogue Montealegre." Nagpakilala sina Rogue at Tres sa akin bilang mga pinsan ko. Kung paanong hinanap pala nila ako ay hindi ko alam. Dalawang dekada akong nawala at ngayon lang na

