Epilogue 1/3

4940 Words

"Hindi naman maganda, e," sabi ko bago tumawa at hinampas ng tuwalya si Nazer. Katatapos lang ng practice sa basketball at itong gunggong na 'to, pinakitaan agad ako ng litrato ng isang babae sa cell phone niya. Siyempre, tiningnan ko kasi maganda raw. Pagtingin ko, hindi naman. Stalker na stalker pa ang dating niya. Stolen shot. Nagtatali ng buhok 'yong babae habang tumatawa kasama ang isa pang babae. Parang kinakain tuloy ng pisngi niya ang mata niya roon sa kuha. "Anong hindi, Captain? Labo na ba ng mata mo? Nakita ko na 'to sa personal, e. Kasama ng grupo ni Loke. Pakilala kaya ako?" Sinarado ko ang locker pagkakuha ng pamalit na damit at hinampas siya ulit ng tuwalya sa ulo. "Sa mukha mo, baka matakot 'yong tao. Ako na lang ang magpapakilala—" Humagalpak siya sa tawa at ngising-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD