Chapter 44

2906 Words

Chapter 44 Tila dragong bubuga na ng apoy ang sumalubong sa akin sa kuwarto ko nang umuwi ako sa bahay. Tinawanan ko si Dona at hinarang agad ang mga braso sa harap. "Gaga ka! Saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang pumunta ako kanina ng sementeryo at naabutan ang sasakyan niyo pero wala ka? Aba! Paano kung na-carnap 'yong sasakyan, ha?" Now I'm not sure if she's worried about me or the car! Ngumuso ako at yumakap sa kanya kahit pa pinagtutulakan niya ako. "Sorry, Donat!" I kissed her cheek. Humalakhak ako nang ngumiwi siya na parang diring-diri. "Yuck! Don't call me like that!" She rolled her eyes. "Saka bakit iba na ang suot mo, ha? Saan ka ba talaga nagpunta? Don't tell me ginahasa ka at binihisan ng ibang damit! Oh, no! Ang thoughtful naman ng r****t mo kung ganoon!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD