Chapter 43 Hindi ko ginustong sagutin si Daddy nang ganoon. It was never my intention to hurt anyone whom I love... especially my family. Pero ano itong ginawa ko? "Kyomi, ilang araw ka nang hindi kumakain sabi ni Manang. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." I kept staring at our family picture on the frame. Mabuti pa sa litratong ito, nakikita kong masaya kaming tatlo bilang isang pamilya. Dito, buo pa kami. Pero ngayon... ako na lang. Ako na lang ang natitira at hindi pa masaya. "Please, Kyomi. It's been a week." Donatella sighed. "Kahit soup o noodles na lang muna. You lost weight too much." Natigil ako sa paghaplos sa salamin ng kuwadradong hawak. Ibinalik ko iyon sa ibabaw ng side table at tumayo mula sa kama. Dumiretso ako sa pinto ng kuwarto at lumabas. "Kyomi, saan ka pupun

