Chapter 20

2769 Words
Chapter 20 Makakatulog na yata ako sa sobrang bagal at hina magsalita ng teacher namin sa Ethics. Kinurot ako ni Fera sa tagiliran kaya tiningnan ko siya nang masama. Ngumisi siya at lumapit sa akin. "Kanina pa ako may nararamdamang nagba-vibrate. Phone mo yata iyon, e," aniya. Tumingin muna ako sa harap at nang makitang nakatalikod ang guro, pasimple kong kinuha ang phone sa aking bag. I bit my lip to supress a smile when I saw his name. He was the one who changed it three days ago, I think. From: Bebe Jai Hoy. Nag-aaral ka ba? Ang boring dito. Text tayo, please? Joke. Aral ka lang diyan mabuti. Bumagsak na ako, wag lang ikaw. Basta wag mo lang akong ibabagsak sa panliligaw haha Hintay kita mamaya sa may gate, a. Huwag ka masyadong magtagal. Miss na kita. Aral mabuti Miss you. "Aw!" Napaigik ako nang kurutin ulit ako ni Fera sa gilid. Naibaba ko ang phone nang tumingin si Mrs. Macupad sa direksyon namin. "May problema ba riyan, Miss Cristobal?" mabagal niyang tanong. Umiling ako at nagpanggap na lang na nagsusulat. Nang magpatuloy siya sa pag-discuss ay lumapit na naman sa akin si Fera at pasimpleng bumulong. "Sino 'yon? Pangiti-ngiti ka riyan. Kinikilig ka?" Sinundot niya ulit ako sa tagiliran. I glared at her and put my index finger over my lips. Humagikgik siya at lumayo na sa akin. Yumuko ako at magtitipa na sana ng mensahe nang hinampas ni Mrs. Macupad ang kanyang mesa. "Lorenz and company at the back, go out! Kanina ko pa kayo nakikitang nagdadaldalan diyan! Kung wala kayong balak makinig, huwag na kayong pumasok sa klase ko!" Kumunot ang noo ko at nilingon ang mga kaibigan na nasa kabilang row. Magkakatabi ang apat na lalaki sa pinakadulo. Ano na naman kayang pinag-uusapan ng mga iyon at nahuli? Napailing ako sa apat nang tumayo nga sila at lumabas nang walang sinasabi. Dala pa ang mga bag! Tumingin si Loke sa direksyon namin pero saglit lang dahil tinulak na siya ni Emer. What's wrong with them? Sinadya kaya nilang magpahuli? "Buti nga sa kanila. Tss," bulong ni Fera sa tabi ko. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Halos isang linggo na ang nakalipas matapos ng intrams at hindi nakaligtas sa amin ang lantad na pambabara o 'di kaya'y pag-iwas ni Fera kay Loke. Hindi na tuloy ako nakapag-text at nakinig na lang. Minsan lang magsungit itong teacher namin ngayon at kapag nahuli ka niyang may ginagawang katarantaduhan, hindi niya na 'yon malilimutan. Iyon ang sabi ng mga senior namin. Sa likod agad kami dumiretso nang makalabas ang huling guro. Hindi na nakabalik pa sina Loke at tingin ko ay umuwi na rin ang mga 'yon. "Tatanga kasi ng mga gago. Sinadya yata lakasan ang boses, e. Hindi naman nagpapahuli ang mga 'yon sa daldalan!" Umirap si Ariana. "Buti sa kopyahan, ano? Hindi nagpapahuli?" Risca laughed. "Basta bukas, ha? KTV tayo," ani Orange at lumingon sa akin. Orange promised that she wouldn't tell others about what she knew. Hindi niya na rin naman ako tinutukso. Mabuti nga at tulad ng dati pa rin ang trato niya sa amin ni Fera. Ngumisi ako sa kanila. "Oo ba! Basta siguraduhin niyo lang na pupunta ang mga celebrant?" Nitong Tuesday lang ni-release ang mga nanalo noong intrams. Nanalo ang mga boys sa kanilang sports kaya bukas namin ise-celebrate. Si Risca, nakaabot sa finals pero hindi pinalad. Pero ayos lang naman dahil ang importante, nag-enjoy rin sila sa laban. Though I hadn't watched them play on finals. Dumiretso pa sila ng banyo pero hindi na ako sumama dahil nag-text na sa akin si Jairo. Ngumisi ako nang makitang tumatawag na siya. Hindi ko sinagot dahil sayang sa load. Parang noong nakaraan, lagi siyang walang load, ah? Ngayon, parang lagi namang naka-unli. Kumaway ako nang namataan ko siya sa may gate kasama ang dalawang lalaki. Nakasandal siya sa mismong gate at nakapamulsa habang nakasimangot. "Hi!" Ngumiti ako nang makalapit sa kanilang tatlo. "O, nandiyan na ang girlfriend..." tumatawang saad ni Nazer, iyong kaibigan ni Jairo na nakakita sa amin sa locker room. "Uh, hindi niya ako girlfriend," I corrected him. Lumapit sa akin si Jairo at kinuha ang bag ko. Nazer laughed and shook his head. "Aray! Tinanggi amputs." "Hindi ko siya tinanggi. Hindi niya naman talaga ako girlfriend." Lalong tumawa si Nazer kahit hindi ko makuha kung ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Nanliligaw pa lang. Advance mag-isip, e. Ngumuso ako at tiningala si Jairo. Madilim pa sa gabi ang aura niya. "Ba't nakasimangot ka?" Umirap siya at nilingon ang dalawang kaibigan. Tinapik siya sa balikat ng isa pang kaibigan na si Leonil at tumango. "Sige, 'tol. Sunod na lang?" anito. "Ge. Una na kami." Tumango rin si Jairo at hinawakan ang kamay ko. Kinagat ko ang aking labi at tinanggal iyong kamay sa kanya bago lumingon sa mga kaibigan niyang nag-iwasan ng tingin pero nakangisi. "Nil, ganda ng araw, 'no?" si Nazer sabay tawa. "Gago. Gabi na! Bobo mo magdahilan." Nagtawanan silang dalawa habang naglalakad na paalis. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa humarang ang malapad na balikat ni Jairo sa paningin ko. Gamit ang hintuturo ay inangat niya ang baba ko kaya natagpuan ko ang nagliliyab niyang mga mata. Yumuko siya upang magpantay ang mukha namin. "Sa akin ka lang dapat tumingin." Lumabi ako at mabilis na lumayo. "Uwi na nga tayo!" Nauna akong maglakad sa kanya. Panay ang tingin ko sa paligid at baka makita ang mga kaibigan ko. Hindi ko pa naman nasasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Jairo. Hindi rin nila alam na magkasama kami sa iisang apartment. Baka bigla silang sumugod kapag nalaman nila kaya hindi ko muna pinapaalam. "Bili muna tayo ng hapunan bago umuwi. Hindi na ako makapagluluto ngayon dahil kailangan kong umalis agad," aniya noong nasa tricycle na kami. Tumango ako at nanatiling tahimik. Tumikhim siya bago kinuha ang kanang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri. Mainit at magaspang ang kamay niya pero marahan ang paghaplos niya. Huminga ako nang malalim nang simulan niyang pindutin ang palad ko para imasahe. "Kyo, date tayo." "H-huh?" Nilingon ko na siya ngayon. "Sabi ko... date tayo. This weekend," aniya at tumingin sa labas. I pursed my lips as my cheeks burned up. This is the first time he asked me out on a date but this isn't the first time I was asked for a date. May nagyaya naman noon pero friendly date lang... para sa akin. Ewan ko lang ngayon. Baka courting date? Kasi hindi lang kami friends. Nililigawan niya ako kaya... baka ganoon? Pero may ganoon ba? My gosh, I don't know! "Kung busy ka, okay lang kung huwag na—" Umiling ako at kumapit sa braso niya. "H-hindi. Uh... okay lang. Sige." Narinig ko ang mahaba at mabigat niyang buntong hininga. Lumingon siya sa akin pero agad ding umiwas. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kanyang pagngisi. "Anong oras ka uuwi mamaya?" "Baka... bukas ng madaling araw," tipid niyang sagot bago ako hinila palabas ng tricycle nang tumigil ito. Mabuti at mayroong karinderya na nadaraanan namin pag-uwi kaya roon muna kami dumiretso para bumili at doon na rin kumain. Pumuwesto agad kami sa may bandang dulo, sa may tapat ng electric fan. Um-order siya ng dalawang kanin at ulam. Habang kumakain kami, bigla siyang tumawa kaya kumunot ang noo ko. "Bakit?" Hinawakan niya ang buhok ko at parang may tinanggal doon. "Pati buhok mo, kumakain." Umiling siya at may kinuha sa kanyang bulsa. "Oh, tali mo 'yang buhok mo." Kinuha ko sa kanya ang isang itim na panali sa buhok. Maluwang ang pagkakatali ko kaya may ilang tumatakas na buhok sa gilid ng mukha ko. Ine-extend niya ang braso niya at iniipit ang nalalaglag na buhok sa tainga ko sa tuwing nakikita niya iyon. "Sorry..." Nagbayad na kami matapos kumain. Syempre, KKB. Dala niya pa rin ang bag ko kahit pa kinukuha ko na iyon sa kanya. Ang gaan lang naman no'n, e. "Jai, uh, baka gabihin pala ako bukas," sabi ko pagpasok namin sa apartment. Nilapag niya agad ang bag namin sa may upuan at naupo. Tinanggal ko muna ang sapatos ko at sumunod sa kanya. Lumapit naman agad sa akin si Susie at dinilaan ang mga daliri ko sa paa. "Bakit? Saan ka pupunta?" Nilingon niya ako habang nagtatanggal ng butones ng polo. Umiwas ako ng tingin. Ang totoo niyan ay ilang beses ko na rin naman siyang nakitang nakahubad... I mean, topless. Akala ko masasanay na ako pero iba pala kapag... may feelings ka roon sa tao. That 'feeling' Fera was talking about before. Ngayon ko lang nakuha ang ibig sabihin noon. Kahit pa may feelings din ako sa kanya noon, iba ang pakiramdam ko ngayon kay Jairo. "KTV daw kami. Celebrate lang sa pagkapanalo ng mga kaibigan namin." "Uhuh... okay." I looked at him. Tumayo siya at sinampay sa balikat ang polo bago umakyat sa itaas. Bumuntong hininga ako at sumunod sa kanya. Naabutan ko siyang nakasandal sa may pintuan ng kuwarto ko at nakahalukipkip. Napahinto ako. "B-bakit?" "Ila-lock ko ang bahay. Huwag kang aalis ngayon." Tumango ako. Wala naman talaga akong balak umalis. Siya lang naman itong umaalis palagi. Gustuhin ko mang magtanong pa tungkol sa kliyente niya at kung ano talaga ang ginagawa niya bilang escort, hindi ko matanong sa kanya. Baka isipin niya, masyado akong nangingialam. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Ngumiti siya bago hinalikan ang noo ko. Pumikit ako at pinakiramdaman ang init ng halik niya. Nang humiwalay siya sa akin ay agad akong dumilat at tiningala siya. "Tatlong linggo na lang..." bulong ko at yumuko. After three weeks, would he still continue courting me? Sasagutin ko na ba o patatagalin ko pa? Bawal ko ba siyang sagutin ngayon? Uminit ang pisngi ko sa naisip. Kyomi, sinabi niya na ngang posible siyang matanggal sa trabaho kapag nagkaroon siya ng girlfriend, 'di ba? Ang kulit mo. Pero... aalis na rin naman siya roon, e. Bawal bang i-advance? "Yeah," he said huskily and nodded his head. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "B-bawal ka ba talaga mag-girlfriend pa? Aalis ka rin naman na sa trabaho mong iyan, 'di ba?" naglakas loob na akong tanungin. Pumungay ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Hirap akong lunukin ang nakabara sa lalamunan habang hinihintay ang sagot niya. "I don't even know if I can be a good boyfriend to you, though. You're still young." He sighed. "Hindi na ako bata. Bakit ba lagi mong sinasabi 'yan?" medyo iritado ko nang tanong bago siya nilagpasan at binuksan ang pinto ng kuwarto. Tumindig siya nang maayos at sinundan ako. Tumigil siya sa may pintuan at hinarang ang sarili noong isasara ko na sana ito. Nagngitngit ang ngipin ko at inirapan siya. "I want a serious relationship with you, alright? Pero baka ikaw ang hindi pa handa. Ayaw ko sanang madaliin pero..." Huminga ulit siya nang malalim. "Kung ganito ka kalapit lagi sa akin, hindi ko talaga mapipigilan ang sarili ko, Kyomi." "E 'di huwag mong pigilan!" agap ko na agad ding pinagsisihan. Bahagyang nanlaki ang mata niya at umawang ang mga labi. Lumunok ako at tinalikuran siya pero agad din niyang nahuli ang aking siko. Narinig ko ang marahang tawa niya kaya kumulo agad ang dugo ko. Tinatawanan niya na ako ngayon, huh? May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Umalis ka na nga rito. Doon ka na sa kliyente mo!" Binawi ko ang braso sa kanya pero hinila niya ako ulit. Nagpumiglas ako pero agad niyang pinalibot ang matigas niyang braso sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya. Napaigtad agad ako nang dumikit ang dibdib ko sa kanya at napapikit nang maamoy siya. "Naiinip na ang bebe ko," natatawa niyang sinabi Bebe talaga? Kainis naman, e. Ang korni, korni korni! Hmp! Pilit ko siyang tinutulak pero lalo niyang hinihigpitan ang yakap sa akin. Nangatog ang binti ko nang bumaba ang hawak niya sa balakang ko. "Let me go, Jai," mariin pero mahina kong utos. Bumaba ang tingin niya sa akin habang naglalaro ang ngisi sa mga labi. Inungusan ko siya at tinulak ulit. "Do you want to be my girlfriend, Kyomi? Hmm?" bulong niya habang tinutulak ko pa rin siya. Ano ba, Kyomi. Kung itutulak mo, dapat lakasan para talagang umalis siya. E, bakit parang ayaw mo naman talaga siyang paalisin? I rolled my eyes at him. "Bawal pa, 'di ba? Alis na!" Bumaba ang mukha niya sa akin at pinatakan ako ng mababaw na halik sa labi. Natigil ako sa walang kuwentang pagpupumiglas at napakapit sa kanyang braso habang nakapikit. Humiwalay agad siya. I tiptoed and tried to reach him again but he only chuckled. Napadilat ako at agad siyang kinurot sa braso. "Epal ka, ah! Hinahalikan mo ako, hindi pa tayo!" Mas lalo siyang natawa. "Hinabol mo nga ako. Ano? Sabi ko naman sa 'yo, huwag mo akong hahabulin dahil ako ang kusang lalapit sa 'yo." "A-anong hinahabol? Ang kapal mo—" Tinakpan niya agad ang bibig ko. Damay pa ang ilong! "Sshh... huwag ka nang magsalita. Lumalaki lalo ang pisngi at butas ng ilong mo kapag nagsisinungaling ka," aniya at ngumisi. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit tinanggal iyon. Tumawa siya lalo bago ako pinakawalan. Hinihingal pa ako nang lumayo siya sa akin. "Kainis ka! Hindi ako makahinga no'n, ah. Paano kung namatay ako? Hindi ka na magkakaroon ng girlfriend!" Humagalpak na siya sa tawa habang hawak ang tiyan niya. Tinulak-tulak ko siya sa balikat sa sobrang asar ko. "Huwag mo sabi akong tinutulak, e. Hulog na hulog na nga ako, gusto mo pa yatang ilibing ako para patunayang patay na patay rin ako sa 'yo," nangingiti niyang sambit. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Kung patay na patay ka sa akin, bakit ayaw mo pang pumayag na maging girlfriend mo na ako?" "Okay, fine. Will you be my girlfriend, then?" He chuckled. I glared at him. Sinundot niya ang pisngi ko. Ugh, damn! Sasapakin ko na sana siya nang kumaripas siya ng takbo palabas ng kuwarto ko. Siya pa mismo ang nagsara. "Kyot mo talaga kapag naiinis. Kyo-kyot!" aniya mula sa labas at tumawa. I locked tbe door and took a deep sigh. "Sinasagot na kita, Jairo! Girlfriend mo na ako, ha? Hindi ko na babawiin!" sigaw ko at agad tumakbo sa kama. Nagtalukbong ako agad sa kama, nanginginig sa hindi malamang dahilan lalo na noong sunud-sunod ang katok niya sa pinto. Nalasahan ko ang metal sa aking labi dahil sa diin ng pagkakagat ko roon. Oh, s**t. Is this for real? Sinabi ko ba talaga 'yon? Is it counted and official? Girlfriend niya na ako? Oo, kasi sinagot ko na siya, e. Para tuloy akong uod binudburan ng asin dito sa pag-iisip! "Kyomi Abe Cristobal! Hoy, buksan mo 'to. Anong sabi mo?" Halos hampasin niya pa ang pinto ko. Hindi ako sumagot. Ayoko ngang buksan. Nahihiya ako, 'no. Bahala siya riyan! Tumigil din naman siya matapos ang ilang minuto. Doon pa lang ako nakahinga nang maluwang kaya nagbihis na ako. I waited for almost two hours before I decided to go down. Malamang, nakaalis na 'yon. Mahalaga ang trabaho no'n sa kanya. Tama nga ako. Wala na siya sa sala noong bumaba ako at tanging si Susie na natutulog sa ilalim ng computer table ang naroon. I opened the PC and decided to do a live stream. Tinuruan naman na ako ni Jairo sa pangangalikot dito kaya madali na lang para sa akin. I wore the headset on my head. Nakakabit na ang phone ko sa dapat kabitan. Tiningnan ko ang sarili ko sa screen at inayos ang buhok habang binabanggit ang pangalan ng mga nagpapa-shout-out. I smirked. Feeling famous, Kyomi? Nagsimula na ang laro kaya medyo seryoso na ako. Pero dahil nagaya ako kay Jairo, kung anu-ano na lang ang nasasabi ko habang naglalaro. "Ate Kyo, galingan natin. Nanonood daw si Kuya Von sa likuran mo," sabi ng isang ka-team ko. I got distracted because of that. Nahuli ako ng tank ng kalaban at pinagkaisahan ako. I removed my headset before turning my head around only to see that Jairo's really here! Ngumisi siya at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Tumahol si Susie na nagising yata kanina pa dahil sa ingay ko. Nang makalapit siya ay agad na tinukod ang kamay sa computer table at ang isa sa likod ng upuan ko. Nahugot ko ang sariling hininga nang nilapit niya ang mukha sa akin na halos maduling na ako. Dahan-dahan siyang umiling habang tinitingnan ako. "Mobile Legends lang pala ang magpapababa sa 'yo rito? Kanina pa naghihintay ang boyfriend mo rito, Kyo," he whispered seductively.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD