Chapter 19

2752 Words
Chapter 19 I was silent the whole time we were eating. Sa sarap kasi ng luto niya ay hindi na ako nakapagsalita dahil tuloy-tuloy ang pagsubo ko. Uminom ako ng tubig ng lagyan niya ang baso ko. Nailang ako bigla nang makita siyang pinapanood ako habang umiinom. Umiling siya at umangat ang sulok ng labi. "Ngayon ay alam ko na kung paanong tumaba nang ganyan ang pisngi mo." Sumimangot ako sa sinabi niya at umayos ng upo. "Bakit ba lagi na lang ang pisngi ko ang pinapansin mo?" "Pisngi mo lang kasi ang may laman." He chuckled. Mas lalo akong sumimangot. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may laman ang sinabi niyang iyon. Binaba ko na ang kutsara at tinidor ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ayaw mo na? Puwede ka pang mag-round 3." Pinalobo ko ang aking pisngi. "Busog na ako! Hmp! E, ikaw? Bilisan mo na nga riyan at 'di ba, may pag-uusapan pa tayo?" Ngumisi siya at tumayo. "I'm done. Pumunta ka na sa sala. Hugasan ko lang saglit ito," aniya habang kinukuha rin ang plato ko. "Huh? Ako na lang ang maghuhugas. Ikaw na nga ang nagluto—" "Doon ka na lang at pag-uusapan nga natin kung paano hahatiin ang mga gawain dito, okay?" Sa huli, dumiretso na nga lang ako sa sala at nakipaglaro kay Susie. Mabilis lang din naman siyang natapos at agad naupo sa katapat na upuan ng sofa kung saan ako nakaupo. "Let's start..." Naglahad siya ng kamay sa akin. "Lapag mo ang mga rules mo. Kapag hindi fair sa akin, may karapatan akong tumanggi." Ngumiti ako sa kanya. "Bawal pumasok sa kuwarto ng may kuwarto unless may permission. Or under some circumstances." Umiwas siya ng tingin bago humalukipkip at sumandal sa upuan. Tumango siya at dinilaan ang kanyang labi. "Kapag may iba kang pupuntahan bukod sa school at trabaho, sabihin mo sa akin. Baka mamaya na-kidnap ka na pala nang 'di ko nalalaman." "Dapat ganoon ka rin!" I said. Tumango siya. "Next na." "Salitan sa paglilinis ng bahay!" "Okay. Ako na muna ang maglilinis ngayon at bukas ka na magsimula. Since hindi ka rin nagluluto, ikaw ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin sa susunod. Fair?" Tumango ako. "Do you bring friends here?" "Hindi. Ikaw? Nagdadala ka ng kaibigan sa apartment mo?" "Hindi rin. Pero minsan may bumibisita..." "Kapag may bisita ka, sabihan mo ako. Kapag lalaki, bawal." Ngumisi siya sa akin. Nagkibit ako ng balikat. "E 'di bawal ka rin magdala ng babae rito?" "Ikaw pa lang naman ang babaeng nakapasok dito..." he lazily drawled. The house rules went on and on. Agree naman ako sa mga terms niya dahil wala namang kalabag-labag doon. Napag-usapan din namin ang hatian sa bayad at nagkasundo na. "I'll give you a spare key tomorrow. Kapag mag-isa ka lang dito, lagi mong ila-lock ang pinto. Huwag mong bubuksan kapag may kumatok. Hindi ako kakatok dahil may susi naman ako. Naintindihan mo ba 'yon, bata?" "Bata pero hinalikan mo rin naman," bulong ko. He glared at me. "May sinasabi ka?" Plastik akong ngumiti. "Wala po... Kuya." Kumunot ang noo niya at tinitigan ako. Pinatulis ko ang nguso at tumayo, buhat si Susie. "Akyat na muna ako sa kuwarto. Aayusin ko ang mga gamit ko." Tumikhim siya. "Okay. Lock your door. Aalis ako mamaya. Baka gabi na ako makauwi. Huwag mong bubuksan ang pinto ng bahay." "Saan ka pupunta?" "Trabaho? May kliyente ako," aniya at nagkibit ng balikat. Buong maghapon kong nilinis ang bagong kuwarto ko bago inayos ang mga gamit. Inabot na rin ako ng gabi kahihintay kay Jairo para may kasabay akong kumain pero hindi siya dumating. Baka overtime ang trabaho niya? Bago ako natulog, ni-check ko muna ang group chat namin. Dahil puro 'congrats' ang nababasa ko roon, nakibati na rin ako matapos mag-back read ng kaunti. Nag-chat din ako na hapon ang punta ko sa school bukas dahil may pasok na ulit sa Coffee Break. I woke up by four-thirty the next morning. Mabuti nga at hindi ako namahay kaya medyo mahaba ang tulog ko. Tulog pa si Susie sa may paanan ko kaya dahan-dahan ang kilos ko. Kinuha ko agad ang uniform at tuwalya bago ako lumabas ng kuwarto. Dahil medyo madilim at hindi ko alam kung nasaan ang ilaw ay nangangapa lang ang paa ko sa hagdan. Dapat pala ay inalam ko na ang mga ilaw rito kahapon. Ayan tuloy, gumulong pa ako sa huling dalawang baitang na lang yata sana! Tumalsik pa sa kung saan ang hawak kong toothbrush at iba pa. "Aray." I winced. Napahawak ako sa tuhod ko at balakang. Mabuti na lang at medyo may liwanag na sa sala na galing sa labas kaya dumiretso ako sa may pinto kung nasaan ang switch. Mabilis lang akong naligo at nagtapis ng tuwalya bago lumabas ng banyo. Tahimik pa rin kaya siguro hindi pa gising si Jairo o baka wala pa siya? Bago umakyat ulit sa kuwarto ay kumuha muna ako ng malaking mangkok para sa lagayan ng pagkain ni Susie. I can't leave her without food. Baka mangayayat. Dala ang bag na may lamang extra na damit, bumaba na ulit ako. Sakto namang bumukas ang pinto ng apartment at pumasok si Jairo. Nakayuko siya at susuray-suray ang paglakad. Pasipa niyang sinara ang pinto bago dumiretso sa sofa at doon humiga. Lumapit ako agad sa kanya at napangiwi nang maamoy ang alak mula sa kanya. Nakapikit na siya at bahagyang nakaawang ang labi. Malamig naman ngayon pero pinagpapawisan siya sa noo at leeg. Sinundot-sundot ko siya sa braso. "Huy, doon ka na sa kuwarto mo." He groaned. Sinundot ko naman siya ngayon sa pisngi. Kumibot ang labi niya at kumunot lalo ang noo. "Jairo, bumangon ka na nga riyan. Doon ka sa itaas! Huy!" Bahagya ko siyang tinapik-tapik sa pisngi kaya naramdaman ko ang init niya mula roon. My eyes widened a bit. Napaluhod ako sa tabi niya at kinapa ang kanyang noo at leeg. Sobrang init niya! Ano ba ang nangyari at nilagnat agad 'to? Okay pa naman siya kagabi, ah? "Jairo, bangon ka muna, please. Tutulungan kita paakyat sa kuwarto mo. You're hot!" Dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata. Mapupungay pa iyon at namumula nang magkatinginan kami. Pumikit ulit siya at napakamot sa pisngi. "Really, I'm hot?" he asked with raspy voice. Hay nako. Ibang hot pa yata ang iniisip nito. "Tangina, pati ba naman dito, nag-iilusyon ako," bulong niya na ang narinig ko lang ay mura. "Hey, I said wake up!" Sinampal ko na siya nang malakas. "Put—" Napabangon siya agad kaya napaatras ako. Naningkit ang mata niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Lumapit siya at sinundot ang pisngi ko. Hindi pa nakuntento at pinisil na ang dalawang pisngi ko. "Hoy, si Kyomi ka ba? Bakit nandito ka sa bahay ko? Bakit... ang kyot mo?" Tumawa siya na parang baliw habang pinipisil at hinihila ang magkabilang pisngi ko. Kumulo na ang dugo ko at kinurot siya sa braso. Tinanggal niya agad ang kamay sa pisngi ko kaya hinimas ko iyon habang matalim ang tingin sa kanya. "Aray! Bakit ka nangungurot?" Tumayo ako. Tumingala siya habang namumungay ang mga mata. "Ewan ko sa 'yo! Bahala ka nga riyan. Aalis na ako!" pagalit kong sinabi at tinalikuran na siya. Why the hell would he do that? Akala niya ba ay hindi masakit ang kurot niya? Ang sakit kaya! Bakit ba lagi niyang pinag-iinitan 'to? Inaano ba siya? "S-sandali..." pigil niya. Tumigil naman ako. Tuta, Kyomi? "D-dito ka muna, p-please..." paos at basag ang boses niyang pakiusap. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. He sounded weak and broken. Hindi tulad sa mga nakaraang araw na madalas siyang bumanat ng kung anu-anong makapang-aasar sa akin. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga nang hindi pa rin ako lumilingon. "I'm sorry. Sige na. Alam kong may pasok ka," he said coldly. Nakagat ko ang aking labi bago bumuga ng hangin. Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Hindi pa nga ako nakalalayo nang nakarinig na ako ng kalabog at nabasag na kung ano sa loob. Mariin akong pumikit at bago nagdesisyong pumasok ulit. Hindi ko alam kung mabuti ba o hindi na hindi ko iyon na-lock. Ngayon lang 'to, okay, Kyomi? He probably has a problem right now and whatever it is, I'd stay here for him. Ngayon lang. Hinanap ko siya sa sala pero wala roon. I heard another cracking sound in the kitchen so I went there. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig hawak ang basag na baso. Agad kong hinagis ang bag sa kung saan at lumapit sa kanya. "J-Jai... tumayo ka na riyan..." "N-nabasag... teka..." Umiling ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa basag na baso. Pilit ko siyang hinihila sa braso para makatayo. Ang bigat naman nito! "Hayaan mo na 'yan. Tara na sa kuwarto mo muna. Ako na ang bahala rito," sabi ko habang inaalalayan siya. Halos yumakap na siya sa akin habang naglalakad kami palabas ng kusina. I wrinkled my nose because he really smells like alcohol. Ang baho. Idagdag pa na sobrang init niya. "Ligo muna ako," he whispered and let go of me. Wow, ah? Makaligo kaya siya nang ganito ang lagay? Baka matulog lang siya sa banyo? Bago siya pumasok sa banyo ay nilingon niya muna ako. Gulo-gulo na ang kanyang buhok kaya sinuklay niya muna ito gamit ang mga daliri. "Bebe, paliguan mo nga ako," he said and chuckled. What? Bebe? Paliguan ko siya? What the heck? Bumilis ang paghinga ko habang tinitingnan siya. Pinakukulo talaga nito ang dugo ko! "Kung maliligo ka, bilisan mo na! Iinom-inom tapos lalagnatin pag-uwi?" Umirap ako. Ngumuso siya at nagkamot sa ulo bago pumasok sa banyo. Pinigilan kong tumawa nang mauntog siya sa pintuan. Hinampas niya agad iyon at minura. Umiwas ako ng tingin noong tumingin siya sa akin. Hinintay ko siyang matapos. Mga sampung minuto lang yata dahil inorasan ko talaga siya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siya. Lumabas siya nang walang kahit anong saplot at basang-basa pa ang katawan. Nalaglag ang panga ko habang pinapanood siyang tila rumarampa na hubo't hubad patungo sa hagdan nang hindi ako nililingon! Oh my gosh. Oh my gosh. Oh my gosh. I just saw him fully naked! I saw his... his... oh my god. I saw his darn d**k! At... s**t, bakit ganoon? Ang haba at ang taba! Nasapo ko ang mukha at para na yata akong lalagnatin sa sobrang init nito! Lumingon ako sa hagdan at wala na siya roon. Oh, damn it. Alam niya kayang nandito ako? Baka akala niya ay wala ako rito kaya ganoon na lang siya rumampa rito! Hindi puwede sa akin 'yon! Ang halay! Napaakyat ako agad at kinatok siya sa kuwarto. Dapat pagsabihan agad ang lalaking iyon. Mabuti at binuksan niya agad iyon. "Oh?" he asked tiredly and turned around. Pumasok ako agad sa kuwarto niya. Mabuti naman at nakadamit na siya. Baka mahimatay na ako kung maabutan ko pa siyang nakahubad, ano! "We have to talk, Vernon Jairo Montealegre!" Umupo siya sa kama at pagod akong nilingon. "Yeah. What is it..." "Uhm... I have an additional house rule!" Humiga siya sa kama at pumikit. "Bukas na, Kyo. Sakit ng ulo ko." Nilapitan ko siya at tinapik sa braso. Ang init pa rin niya kahit bagong ligo. Baka nga nilalagnat na talaga. Bumuntong hininga ako. "Ikukuha na nga lang muna kita ng gamot. Bakit ka ba kasi uminom? Wala ka na bang laban ngayon sa swim?" I asked. "Tss... ayaw ko na lumaban. Hindi ka naman pupunta, e." Tinikom ko ang bibig at pinanood siyang humihinga nang mabagal. Lumunok ako at naupo sa tabi niya. Bahagyang dumilat ang isang mata niya nang hawakan ko ang kamay niya. "I'm sorry. Hindi ko talaga naalala. Babawi ako, promise. Kailan ba ang sunod mong laban?" I said softly. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong gawin ito. I just feel like I'm obliged to do it. Manghihinayang ako kung hindi na siya makakalaban pa dahil ayaw niya na at ako ang dahilan. His adam's apple moved. "Huwag mo na akong paasahin. Sakit kaya umasa," parang bata niyang sinabi. I stuck out my lower lip. "Hindi naman kita pinaaasa." Pumikit siya at bumuntong hininga. "What happened to your first house rule? Akala ko ba ay bawal pumasok sa kuwarto ng may kuwarto?" "Puwede. Under some circumstances nga tulad ng usapan, 'di ba?" Dumilat siya at umupo agad sa kama. Nabitiwan ko ang kamay niya sa gulat pero agad niyang kinuha iyon at tinitigan. "You know what... this is very wrong." Umiling siya at hinaplos ang kamay ko gamit ang hinlalaki niya. Libo-libong kuryente ang dumaloy mula sa kamay ko patungo sa aking likod dahil sa ginawa niya. Napatuwid ako ng upo at tinitigan ang naglalarong daliri niya sa kamay ko. "Mali na nagpakilala pa ako sa 'yo, e," aniya at bahagyang tumawa. Kumunot ang noo ko at parang kinurot ang puso sa sinabi niya. Anong mali roon sa ginawa niya? Hindi ko naman siya pinilit, ah? "Unang kita ko pa lang sa 'yo... tangina. Gustong gusto na agad kita. Gusto kitang ligawan. Gusto kitang alagaan. Gusto kong pansinin mo rin ako... gustuhin tulad ng pagkagusto ko sa 'yo. Pero... hindi puwede. Tangina." Nanginginig akong suminghap. Naninikip ang dibdib ko at hirap na hirap akong huminga. Tahimik lang ako habang pinakikinggan ang sinasabi niya. Ang mga hinaing niya. Ang pag-amin niya ng nararamdaman sa akin. Kailan... nagsimula? I can... like him back. Yes, I like Fera but I can also like any guy. Nagkakagusto rin naman ako sa lalaki noon pero madalas, sa mga babae ako humahanga. Kaya kung gusto niya ako at hinihintay lang niyang magustuhan ko siya, puwede naman. Pero bakit hindi puwede? Sa kanya? Hindi ko siya maintindihan. Gusto niya ako pero parang ayaw niya naman na gustuhin ko rin siya pabalik. Hindi niya naman pinipilit ang sarili sa akin. Nandiyan lang naman siya lagi sa tabi ko nitong nakaraang araw pero walang pilitan. "You did not notice me the first time we've met so how did you like me back then?" I blurted out suddenly. Ang mapungay niyang mata ay tumitig sa akin. Malungkot siyang ngumiti at bahagyang natawa. "It wasn't the first time I saw you. Hindi mo na siguro naaalala pero ako 'yong nakita mo sa may bleachers sa gym. Natutulog ako noon tapos bigla kang sumigaw. You suddenly freaked out and shouted to ask for help because you think I passed out," he said while chuckling. Namilog ang bibig ko. Oh, no. Naalala ko nga iyon last year! Hinihintay ko si Risca noon dahil practice nila tapos nakita ko ang lalaking iyon sa bleachers. Paanong hindi ko aakalaing nahimatay, e, ilang beses kong ginigising, hindi nagigising. Kung hindi pa yata ako sumigaw nang sumigaw, hindi pa siya babangon, e. He smirked. "Now, you remember it." Ngumuso ako sa kanya. "Kung g-gusto mo pala ako, bakit hindi mo ako n-niligawan?" I stuttered. Pumungay pa lalo ang malamlam niyang mata. Bumaba ulit ang tingin ko sa kamay na hawak niya. Nahihiya akong tinanong sa kanya iyon. Para kasing tunog umaasa ako. "Kapag niligawan ba kita, sasagutin mo ako?" "P-puwede... uh... I mean—" "Kapag niligawan kita at sinagot mo ako, mawawalan ako ng trabaho. Kapag nawalan ako ng trabaho, hindi ko mahahanap ang mga taong hinahanap ko," agarang putol niya sa sinasabi ko. Suminghap ako at tumingala. Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya at hindi na nakapagsalita. Ibig sabihin lang noon, hindi ganoon kalalim ang nararamdaman niya sa akin. Binawi ko mula sa kanya ang kamay ko at tumayo, iniiwasan ang mga titig niya. "I-I see... huwag kang mag-alala... hindi ko naman ipipilit ang sarili ko—" "Sandali, hindi pa ako tapos. Umupo ka rito sa tabi ko." Umurong tuloy ang luha ko sa utos niya. Ano ba naman 'tong taong 'to, lakas makasira ng momentum! At ako namang si uto-uto, umupo nga ulit sa tabi niya. Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinalikan iyon habang nakatitig sa akin. Nagtindigan ang balahibo ko sa daang libong boltahe na naman na dumaloy sa buong katawan ko. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya. "Oh, ano pang idadagdag mo?" Ngumisi siya sa akin. Ngising may binabalak. "Malapit nang maputol ang kontrata ko sa huling kliyente ko. Isang buwan na lang, Kyomi. Pagkatapos ng isang buwan na iyon, aalis na ako sa trabaho ko. Pero puwede bang bago matapos ang kontrata ko... simulan ko na ang panliligaw ko sa 'yo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD