Chapter 18

2701 Words
Chapter 18 Hinihingal ako nang humiwalay ang labi ko sa kanya. Hindi pa ako nakakadilat ay muli na namang dumikit ang malambot niyang labi sa akin. Bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko dahilan parang umawang ito. Mabilis niyang ipinasok ang mainit na dila sa akin kasabay ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Humiwalay ulit siya kaya suminghap ako para suminghap. Para akong naliliyo nang tumigil siya. His eyes were drowsy as he stared at me and down to my lips. "J-Jai..." I bit my lip. Napapikit siya nang mariin at hinawakan ang kamay kong nakahawak pa rin sa damit niya. Embarrassed at how I crumpled his shirt, I removed my hands on it. Tumayo siya at napasuklay sa kanyang buhok bago nagmura. Napahawak ako sa aking labi. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ang init ng labi niya sa akin. s**t. What the heck am I thinking? "Umuwi ka na, Kyomi," para bang hirap na hirap pa siyang sabihin iyon. Hindi niya ako nililingon. Bumagsak ang balikat ko at nanikip ang dibdib. "Sorry... h-hindi mo ba nagustuhan?" Mabilis ang paglingon niya sa akin, laglag ang panga. "Anong sinasabi mo? Hindi nagustuhan? Tang..." Napahilamos siya ng mukha. Ngumuso ako at tumayo. "How many girls have you kissed?" I asked innocently. He looked away and blurted a deep sigh. "Uwi na, Kyo. Utang na loob." "Bakit hindi mo ako masagot? Siguro sa sobrang dami ay hindi mo na mabilang, ano?" Pagod niya akong tiningnan. Mas lalo kong pinahaba ang aking nguso para ipakita ang pagkainis ko. "Damn it, Kyo. You don't have to ask that!" "I don't have to. But I want to know." Tinitigan niya ako nang matalim. "I've kissed many girls, alright? Ano? Ayos na?" "Dami mo na palang nahalikan samantalang ako, ikaw pa lang. Should I start kissing other men, too? Paramihan tayo?" He gasped and glared at me with his now a bit red eyes. "Sige, subukan mo. I-stapler-an ko 'yang bibig mo. Tingin mo, nakakatuwa 'yon?"' I smirked at him. He looked so damn frustrated. Ano naman sa kanya kung gawin ko iyon? Though, I wasn't really planning on doing that. Pero kung hahamunin niya ako, baka puwedeng magtanong na ako kay Dona para sa tips? Just kidding. Ngumiti ako sa kanya. His enchanting eyes formed into slits. "Masarap palang makipaghalikan? Try nga ulit natin?" Sabay lapit ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya at agad lumayo na para bang may nakahahawa akong sakit. "Tangina naman, Kyomi. Huwag mo naman akong pag-trip-an nang ganito! Maawa ka naman sa akin!" he said exasperatingly. I couldn't contain my laugh anymore. Napahawak pa ako sa tiyan habang tinatawanan ang kanyang itsura. Para siyang matatae na ewan, e! Ang cute! Wait, cute? "Sige, tawa pa. Kakatawa 'yon?" he asked mockingly. "Akala ko ba marami ka ng experience? E, bakit parang takot na takot kang halikan kita?" "Magkaiba 'yon, okay? And can you please stop mentioning about that damn experience?" "Ikaw naman nagsimula, e. So, bakit naman magkaiba?" "Umuwi ka na." "Sabihin mo muna para umuwi ako!" hamon ko. "Tss... ayaw kong pumatol sa bata, Kyomi. Bata ka pa. Hindi kita..." He looked at me as his adam's apple moved. "Papatulan." Umirap ako at humalukipkip. "Arte mo naman. May age preference ka pala, huh? What if I want to kiss you again? You'll really push me away?" "'Di ko na alam ang gagawin ko sa 'yo." I smiled again. Wickedly this time. Pulang pula na ang kanyang mukha, leeg at tainga. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid ng kanyang apartment. "Alam mo, napag-isipan ko na ang offer mo sa akin." He looked at me with horrified eyes. "Ah, shit..." "Puwede na ba akong lumipat ngayong araw? Alam mo kasi, feeling ko talaga ay hindi na ako safe sa apartment ko." Sarkastiko siyang ngumisi. "Ah, talaga?" Tumango ako. "Ikaw na rin naman nagsabi, 'di ba? At least, if I'd live with you here, I'll be safe." He darted his eyes at nowhere. "Hindi natin sure." "Huh?!" Napatalon siya. "I mean, ah, yeah... oo nga. Safe ka rito." Ngumiti ulit ako sa kanya. Napabuntong hininga siya. "Kyomi, please... umuwi ka na..." Lumapad ang ngiti ko. Tumango ako sa kanya kaya naman lumiwanag ang kanyang mukha. "Fine, uuwi na ako." "Good—" "Para kunin ang mga gamit at ang alaga ko tapos dadalhin ko rito. Right?" "Jesus..." Frustrated siyang napahilamos sa mukha. Pinulot ko ang cap na nasa sahig dahil nabitiwan ko kanina noong hawak iyon. Lumingon at nagpaalam ulit ako sa kanya bago dumiretso palabas ng bahay niya. Nang tuluyan nang maisara ang pinto ay napabuntong hininga ako. Nilakad ko lang ang distansya mula Lopez hanggang sa amin. Hindi naman sobrang layo pero dahil sa init ay nakakapagod lalo. Tiningnan ko rin ang aking phone para malaman ang update sa mga kaibigan ko. It was a relief when I received a messsage from Fera. From: Feracious I already talked to Orange. Epal 'yon. Inaasar lang daw pala tayo kanina :< She's not mad. Don't worry, siya lang ang nakakaalam. Hindi makakarating sa iba nating squad. Where are you btw? Nanalo sina Loke ngayon pero may susunod pang laban. Mabilis ko siyang tinawagan at pinaalam na pauwi na ako ngayon at hindi na makababalik pa ng school. "Bakit ka umuwi agad?" she asked sadly. "May inasikaso lang. Bukas na lang ulit." "Hmm... okay." "Pakisabi kay Loke, congrats." Humagikgik ako pero agad ding nawala I could almost see her rolling eyes before she answered. "Irita ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Dami niya namang tagasuporta. He won't even care if I watch or nah!" Pinatay ko na ang tawag nang puro reklamo na ang binabanggit niya. Pina-send ko na lang din ang schedule ng laro ng iba bukas. Tanghali hanggang hapon nga lang ang mapapanood ko dahil balik na ako bukas sa trabaho. Hindi ko pa naisusuksok ang susi sa seradura nang ikutin ko ito at bumukas na. Pumasok ako agad at nilibot ng tingin ang buong paligid. "Susie?" "Mabuti naman at dumating ka na, hija." Napahinga ako nang malalim nang makita si Ate Bebe, ang may ari nitong apartment, na nakadekwatro sa sofa habang nagpapaypay gamit ang kanyang abaniko. "Ate Bebe—" Naglahad agad siya ng kamay pagkatayo. "Nasaan ang bayad sa upa?" "Uhm... ano po kasi... magbabayad naman po talaga ako kaya lang—" "Aba, e, magbabayad ka naman pala. Nasaan na ang bayad? Nagmamadali ako, hija. Pakibilisan," masungit niyang utos. Napalunok ako. "Nanakawan po kasi ako noong nakaraan. Natangay po iyong pera at ilang gamit ko..." Tumirik ang kanyang mata sa pag-irap. "Aba, kasalanan ko pa ba na nanakawan ka? Tatanga-tanga ka kasi! Paano nakapasok ang magnanakaw, ha?" Napatalon ako at napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Narinig ko ang tahol ni Susie mula sa kuwarto ko kaya napalingon ako roon. Kumunot ang noo ko at bumalik ang tingin kay Ate Bebe na nakahalukipkip. Paano nga kaya nakapasok ang magnanakaw sa tanghaling tapat? May mga kapitbahay naman ako at kung mapapansin man nila na may ibang taong pumasok dito, siguro naman ay magsasabi sila? Mukhang alam na alam din ng magnanakaw kung saan nakalagay ang mga gamit ko, ah? Wala kasing nagulo sa mga gamit ko. Basta nasimot na lang lahat ng mga may halaga sa akin. Naningkit ang mata ko. Ayaw ko mang maghinala pero... dalawang tao lang ang posibleng magkaroon ng susi nitong bahay. Ako at si Ate Bebe. "Bakit ganyan ka makatingin, ha?!" Lumapit siya sa akin at dinuro ako gamit ang abaniko. "Magbabayad ka ba ngayon o aalis ka rito?!" Napahilamos ako sa mukha dahil sa tumalsik niyang laway. I don't have proof that she might be the thief so I should remain silent. Bibig pa lang niya, talo na ako. "Aalis na po ako rito," mahinahon kong saad. "Mabuti naman at magbabaya— ano? Aalis ka na?" Tumango ako. "At saan ka naman titira?" Bakit ba lagi siyang nakasigaw sa akin? Magkalapit lang naman kami at hindi ako bingi. Saka bakit nagtatanong pa siya kung saan ako titira? Ano pa ang pakialam niya roon? "Sa kaibigan ko po. Excuse me po... kukunin ko na po ang mga gamit ko." "Inggratang 'to! Bahala ka sa buhay mo!" sigaw niya. Dumiretso ako agad sa kuwarto at sinarado iyon. Panay ang sunod sa akin ni Susie habang kinukuha ko ang maleta at bag na paglalagyan ko ng gamit. Lahat ng mga damit ko, walang pag-aalinlangan kong nilagay sa maleta. Habang ginagawa ko iyon ay nanlalabo ang mga mata ko. Dinidilaan ni Susie ang braso ko kaya hinawi ko siya. Sana nga lang ay hindi talaga si Ate Bebe ang gumawa noon. Lagi naman akong on time magbayad kahit pa madalas, advance siyang nanghihingi. At kung ninakawan niya nga ako at naglagay pa talaga ng asong hawig na hawig ni Susie, sobra naman yata iyon. Anong rason para gawin niya iyon? Tumalon ulit sa kama si Susie. Kinagat niya ang isang damit ko at nilagay iyon sa maleta. I chuckled and caressed her head. She wants to leave here, too, huh? Tumunog ang phone ko na nasa dalang bag kanina. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang tumatawag ay ginalaw na ng paa ni Susie ang screen kaya nasagot ito! "Susie! That's bad!" She just barked at me. Umirap ako bago nilagay ang phone sa tainga. "Hello?" "Bilisan mong mag-impake. Nandito ako sa labas ng apartment mo," the guy over the phone commanded. "Huh?" I checked the caller and saw Jairo's name. "S-sige... patapos na ako." Napatayo ako agad at napatay ang tawag. Basta pinaglalagay ko na lang ang mga damit ko sa maleta sa sobrang pagmamadali. Teka, bakit nga ba ako nagmamadali? Ah, kasi nandiyan siya sa labas at sinusundo ako. Napasabunot ako sa sarili at humiga ulit sa kama. Napabangon nga lang ulit dahil sa katok mula sa labas. Sa mismong pinto ng kuwarto ko! "Ate Bebe?" Tumayo ako at binuksan ang pinto. Napaatras ako agad nang bumungad sa akin ang nakabusangot na si Jairo. "Paano ka nakapasok?" "Tinatanong mo pa ako, e, naiwang nakabukas ang pinto ng bahay mo? The f**k? Paano kung ibang tao ang pumasok dito, ha? Baka may mangyari pang masama sa 'yo!" "E, ikaw naman kaya ayos lang..." mahina kong wika. Kumibot ang labi niya. Ngumuso ako at tinalikuran siya para kunin na ang mga gamit. Narinig ko naman ang yabag niya kaya nilingon ko ulit. Nakatingin siya sa maleta at dalawang bag ko. "Iyan na lahat ng gamit mo?" I nodded. "Marami ba?" Umiling siya bago lumapit sa akin at kinuha ang maleta at mga bag. "Uh... ako na sa dalawa. Kaya ko naman." Sabay subok kong kunin sa kamay niya ang dalawang bag ko. Nilayo niya agad iyon. "Kaya ko rin naman kaya ako na ang magdadala." Nilingon ko si Susie habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay. "Ayos lang ba talaga sa 'yo na maghati tayo sa apartment mo? Saka ano... may aso kasi ako." "E 'di mas mabuti. Para may referee." Huh? Referee? Kumunot ang noo ko sa kanya. Tumikhim siya at naglakad na palabas ng kuwarto ko dala ang mga gamit ko. Napakamot na lang ako sa ulo bago siya sinundan. Si Susie na mukhang alam na kung anong gagawin ay mas nauna pa sa akin palapit kay Jairo. "Jai, kunin ko lang 'yong mga natira pang grocery stocks ko rito para hindi sayang. Bibilisan ko," sabi ko. Hindi na siya nagsalita kaya naman dumiretso na ako sa kusina. Mabuti na lang at may eco bag akong nakatago kaya roon ko na pinaglalagay 'yong groceries. Pagkatapos ko sa kusina ay lumabas agad ako at natagpuan siya sa sala. Tiningnan niya ako at ang dala ko. "Tara na. May tricycle na naghihintay sa labas. Hindi ko alam kung magkano ang binayad niya sa driver pero mabuti na lang at hindi niya na ako siningil. Wala na kasi akong pera. E, kung mangutang na lang kaya muna ako sa mga kaibigan ko? Pagpasok namin sa apartment niya, hinarap niya kaagad ako at nagpamaywang. Natigilan naman ako at tinitigan din siya. "May dalawang kuwarto sa itaas. Isa sa 'yo, isa sa akin. Nasa kanan ang sa 'yo. May kama at cabinet na naman doon." I nodded my head like an obedient child. Nanliit ang mata niya sa akin. "Ilagay mo na lang muna ang mga gamit mo sa itaas tapos bumaba ka na. I'll cook food for our lunch then after we eat, we'll talk about the house rules." Namilog ang mga mata ko at napangiti nang malawak. "Nagluluto ka?" His brows furrowed. "Bakit? Hindi ka ba marunong magluto?" Uminit agad ang pisngi ko sa tanong niya at napayuko. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Sige na. Mamaya mo na lang ayusin ang gamit mo. Doon na ako sa kusina." Tiningnan ko ang mga gamit ko at agad nanulis ang nguso nang hawakan iyon. Pasimple ko siyang sinilip at nakitang nakatingin din siya roon at nakakunot ang noo. Umiling siya at hinablot agad ang mga hawak ko. "Halika na nga sa kuwarto!" he ordered. Nagkatinginan kami. Nauna na siyang umiwas ng tingin bago hinila ang maleta. Para akong tutang sumusunod sa amo. Naiwan sa baba si Susie habang ako ay nakabuntot sa kanya hanggang sa nakarating kami sa kuwartong gagamitin ko. I looked around and it was fine for me. Mas malaki ng kaunti sa kuwarto ko sa dating tinutuluyan. Halos pareho lang din naman ng mga gamit na nandito ang meron ako noon. "This will be your room. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin dito," aniya at nilingon ako. Ngumiti ako sa kanya. "Thanks, Jai." Nalunod ako sa klase ng pagtitig niya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at napailing. Tumulis ang nguso ko. "Magpalit ka na muna ng damit. Iyong mas kumportable ka. Kung gusto mong maligo, nasa baba ang banyo. Iisa lang 'yon." "Magbibihis na lang ako. Uh... luto ka na. Hehe." Ngumiti ako nang tipid. Tumango siya at lumabas na ng kuwarto ko. Kumuha na muna ako ng isang malaking shirt at shorts na nadampot sa unang bag na dala ko. Binuksan ko ang electric fan na nandoon bago nagtanggal ng damit at short pants. Isusuot ko pa lang sana ang shirt nang bumukas ang pinto. "Ano nga pala—" Pareho kaming natigilan ni Jairo. Nanlaki ang mata niya at agad nag-iwas ng tingin. Yumuko siya. "s**t. Sorry." Nang maisarado niya ang pinto ay saka pa lang ako nakagalaw. Kumurap-kurap ako habang nakaupo sa kama. Uh... did he just saw me wearing only my undergarments? I covered my mouth as my blood boiled up in my face. Pinaypayan ko ang sarili at tumingala habang sumisinghap nang paulit-ulit. "Okay, self. Kalma ka lang. Huwag kang pahalata na masyado kang affected. I'm sure he'd seen better than mine. Baka nga tingin niya sa dibdib ko, e, tabla. Siguradong wala lang iyon sa kanya kaya dapat, wala rin sa akin iyon," I murmured to myself. Bumaba na ako nang nakapagpalit na ako ng damit. Mukhang at home agad si Susie dahil tahimik lang siya sa isang tabi noong nilapitan ko. I went to the kitchen to look for Jairo. Naabutan ko siyang nakasandal sa may lababo, nakahalukipkip at bahagyang nakaawang ang mga labi. Kunot na kunot din ang kanyang noo na para bang may malalim na iniisip. Naglakad ako palapit sa kalan kung saan may nakasalang na kaldero. Sinundan niya ako ng tingin bago tumuwid ng tayo at tumikhim. "Pasensiya ka na kung pumasok ako ng kuwarto mo nang walang pasabi. Hindi kasi naka-lock kaya akala ko, hindi ka pa nagbibihis." Lumapit siya sa akin. Umusog ako nang buksan niya ang takip ng kaldero at sumingaw ang mainit na hangin at usok mula roon. Kinagat ko ang aking labi at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay. "Okay lang... wala lang naman iyon sa akin." Kumunot ang noo niya at gumalaw ang panga. "Wala lang sa 'yo iyon? Okay lang sa 'yo na nakita ko ang halos hubad mong katawan?" he asked darkly. Uminit agad ang mukha ko. I nodded my head and pouted my lips. "Sa akin ay hindi ayos iyon, Kyomi. Ayaw kong may ibang makakita sa katawan mo. Kung kailangang balutan kita ng kumot, gagawin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD