Chapter 17
"Gago 'tong si Loke," rinig kong sinabi ni Ariana pagkaalis ni Loke.
Nilingon ko si Fera at nakitang natahimik siya. Kahit kaibigan ko si Loke, hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kay Fera. Sanay naman ako sa mga biruan o sagutang ganyan namin lalo na kapag kami-kami lang. Pero 'yong maririnig ng iba lalo na at sobrang daming tao? Parang ako pa yata ang napahiya sa sinabi niya.
The game began and everyone started to cheer again. Nakapasok agad si Loke sa first quarter. Nakaupo lang ako at sumisigaw rin kapag nakakapasok ang bola ng team namin.
"Go, Loke! Tangina mo sapak ka sa akin kapag talo tayo!" Ariana shouted and laughed.
First half pa lang ay lamang na kami ng halos sampung puntos. Noong third quarter ay pinalabas na muna si Loke. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghawak niya sa kanyang kaliwang baywang. May kumausap at tumapik sa kanya nang makarating sa kanilang puwesto.
Don't tell me he got hurt gain? Maya't maya ang tingin ko kay Fera kaya hindi ko napansin. s**t. Ang daya talaga ng mga HUMSS na 'yan! Bakit hindi pa natatawagan ng foul ang kabila?!
"Iyon ba ang bagong captain ng mismong basketball varsity ng school? Bakit tinanggal?" someone asked.
Lumingon ako at nakitang marami ring nagbubulungan kaya hindi sigurado kung sino ang nagsalita.
"Ampucha, sana 'wag na nila ibalik para manalo tayo."
"Oo nga. Go, Yumanista!"
"Dapat kasi 'yong si Montealegre ulit ang captain. Sayang at lumipat ng sports, e!"
The hell?
Tumayo ako at hinarap ang mga nakadilaw na nasa likod namin. They're probably the supporters of those cheaters, huh?
Nang nakita nilang nakatingin ako ay agad silang umiwas ng tingin at naghilahan paalis doon. Umigting ang panga ko at nilingon sina Orange nang magsalita ito.
"Oy, Fera, saan ka punta?" tanong niya.
"Cafeteria lang. Bili ng tubig."
Tumayo rin ako. "Sama ako. Inuuhaw na rin ako."
"Pabili rin!" sabi ni Ariana na hindi naman nakatingin sa amin. "Yumanista mandaraya!" sigaw niya.
I saw Orange pulled her hair. Tumawa si Ariana at nag-dirty finger sa mga sumisigaw sa kanya. Nang ibalik ko ang tingin kay Fera ay wala na siya.
I cursed silently and tried to find her. Mabuti at kita ko agad ang ulo niyang may headband na gawa sa lobo.
"Fera, wait!"
Hinabol ko siya at hinawakan sa braso para tumigil saglit. Kumunot ang noo ko nang makitang nakayuko siya at nanginginig ang mga balikat.
"Fera..." I called and swallowed the lump inside my throat.
Huminga ako nang malalim at tumingala bago kumurap-kurap. Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang kanyang kamay at hinila sa lugar kung saan alam kong wala masyadong tao. Sa may fire station doon malapit sa Chevon ko siya dinala.
Ngayon ay binitiwan niya na ang dalang lobo at itinakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha habang nakayuko pa rin at... umiiyak.
Nag-init ang mata ko at agad siyang niyakap. Lalong lumakas ang kanyang hikbi.
"S-sorry, Kyomi. Sorry... sorry..." she kept on saying while crying.
"Sshh... o-okay l-lang..." Kahit hindi.
Naramdaman kong pinulupot niya ang dalawang braso sa aking baywang at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Humigpit lalo ang yakap ko sa kanya at kinagat ang sariling labi.
"H-hindi ko na kayang magpanggap, e..." she whispered.
Ako rin. Kaya nga umamin ako sa 'yo, hindi ba? Tingin ko kasi, kapag umamin ako ay mas madaling mawala itong nararamdaman ko o 'di kaya'y mabaling din agad sa iba.
Humiwalay ako sa kanya at kinuha ang panyo sa bulsa. Mabuti na lang talaga at lagi akong may dala nito. Imbes na iabot lang sa kanya ay inangat ko ang kanyang mukha.
Namumula na kanyang buong mukha at basa na ng luha. Kinagat niya ang kanyang labi habang marahan kong idinadampi ang panyo sa kanyang pisngi.
"You like Loke."
Tumango siya, nanginginig pa rin ang balikat at humihikbi. My eyes started to blur and I looked away. Kinuha ko ang kanyang kamay at inilagay roon ang panyo.
"I'm sorry..." She cried again.
"It's alright. It's n-normal," I said and bit my lower lip. "Not because I confessed to you means I'd like to have a relationship with you..."
"I'm really sorry..."
"Friendship is fine with me, Fera. That's all what I need. Ayaw ko lang na... mawala ka sa akin."
Hirap na hirap akong huminga dahil sobrang naninikip na ng dibdib ko. This is bullshit.
"Loke likes you, Kyomi."
Nagyelo ako sa kinatatayuan. Umawang ang labi ko at nagkatinginan kami. Namamaga pa rin ang kanyang mata at labi sa pag-iyak.
"I don't like him. You know that it's you that I like," matapang kong sinabi.
Umiling siya at huminga nang malalim. Hinawakan niya ang kamay ko. "I don't think so, Kyomi. Tingin ko... iba na ang gusto mo..."
Kumunot ang noo ko at iniwasan ang tingin niya. Magsasalita pa sana ako nang may pumutok kaming narinig. Nanlaki ang mata ko nang mamataan si Orange ilang metro ang layo sa amin. Nakatulala at namumutla habang pinapanood kaming dalawa ni Fera.
"A-anong ibig sabihin nito?"
Binawi ko agad ang kamay kay Fera at naglakad patungo kay Orange. Mabilis ang hampas sa dibdib ko na para bang may gustong kumawala rito mula sa loob.
"Diyan ka lang, Kyomi!" Orange shouted.
Mabilis ang pag-angat baba ng kanyang dibdib. Tinuro niya ako at sumunod ay si Fera.
"Ano 'to? May relasyon kayo?" she asked exaggeratedly.
Umiling agad ako. s**t!
"Orange—" Fera tried to butt in.
"Kaya pala... iyong tinginan niyo..." she concluded while shaking her head.
Humakbang siya patalikod. Unti-unti hanggang sa tumakbo siya paalis sa kaninang tinatayuan niya. Hindi na ako nakagalaw pa dahil sa pagkabigla. Nanlalambot ang tuhod ko na para bang ilang sandali na lang ay matutumba na ako.
"Kyomi, susundan ko lang si Orange. Ako na ang bahalang kumausap, okay?" I heard Fera said to me but I was just there, standing like a post.
Nawala na siya sa paningin ko pero ganoon pa rin ang posisyon ko. Hindi ako makapag-isip nang matino. Narinig kami ni Orange. She reacted like she's disgusted with... me.
"Miss, hoy!"
Napatalon ako nang may tumapik sa balikat ko.
"H-huh?" I asked, blinking rapidly.
"Hindi ba ay ikaw 'yong naabutan kong nakahubad sa locker room namin noong nakaraan? Babae ni Von?"
Lumuwa ang mata ko. "Anong—"
Tumawa ang lalaking nasa harap ko. Halos mapamura ako nang malakas nang makilala siya.
"Ikaw nga 'yon! Tanda kita, e! 'Yong pisngi mo, tanda ko!" aniya habang tumatawa.
My cheeks burned up because of embarrassment. This guy's mouth had no filter! And why the heck they would always notice my cheeks?
Akmang aalis na ako nang hawakan niya ako sa braso, medyo natatawa pa rin.
"Teka lang! Kanina pa kita hinahanap, e. I mean, kanina ka pa pinahahanap ni Von..."
Kumunot ang noo ko at hinarap siya. Hinahanap ako ni Von? Bakit?
"Bakit daw?"
He pursed his lips. "Lagot. Nakalimutan mo nga!" He laughed again.
Sa irita ko, hinampas ko siya sa braso. Hindi na lang kasi ako diretsuhin!
"Aray naman." He even pouted. "Hinihintay ka ni boss Von. Laban niya ngayon... este kanina kasi tapos na."
"s**t!"
"Talagang s**t!" Tumawa ulit ang bruho. "Punta ka na lang sa pool area. Baka nandoon pa 'yon. Sige, una na ako!" Kumaway siya.
Kinuha ko agad ang phone sa sling bag na dala at binuksan ang messages. Hindi ko pa nabubuksan ito mula kaninang umaga! Napahawak ako sa bibig ko nang makita ang ilang text galing sa kanya.
From: Jairo Montealegre
Good morning. Gising na, Madam.
Nasa school ka na? Hintayin na lang kita rito sa venue. Ingat kung papasok ka pa lang.
Kyomi, you okay? Can I call first before we start? I just want to know if you're okay. I'm worried. Hindi ka nagre-reply.
Huwag ka nang pumunta.
Pumikit ako nang mariin at napamura nang sunud-sunod. Darn, I forgot about his game! Magkasabay pala sila ng game ni Loke!
Tumakbo agad ako sa may pool area. May mga tao pa roon pero iilan na lang. I even saw familiar faces from the first time I went here!
"Uh... si Jairo? Nandito pa ba?" tanong ko sa kanila.
"Kanina pa wala rito. Umuwi na yata o baka dumiretso sa trabaho," sagot ng isang lalaki.
He left? Already? Ang aga pa!
"Salamat! Mauna na ako..."
"Teka, sandali... ikaw ba 'yong Kyomi? Hinihintay ka niya kanina," pigil ng isang babaeng basa pa ang pixie cut na buhok.
Nakagat ko ang aking labi. "Puwedeng malaman kung anong resulta ng laban niya?"
"First," iyon lang ang sagot nila sa akin at naunawaan ko agad.
Ngumiti ako at nagpaalam na. Hindi ko na alam kung sino ang una kong pupuntahan. Sina Orange at iba pa? O si Jairo?
Kinagat ko ang aking labi at sinubukang tawagan ang number ni Jairo habang naglalakad sa catwalk palabas ng school. Unang subok ay puro ring lang. Pero noong pangalawa na ay sinagot niya sa pangatlong ring.
"Oh?" he greeted coldly.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I'll deal with my friends later. I know Fera can deal with them for now. Uunahin ko na muna si Jairo.
"C-congrats..."
Stupid! Mariin akong pumikit. May naririnig akong ingay sa background niya. Parang sumisigaw at tunog ng sasakyan. He's out?
"Thanks."
"Saan ka?"
He remained silent at first. "Bakit?"
"P-pupuntahan kita."
I heard him laugh bitterly. "Scam 'yan. Huwag mo nang alamin."
Pumasok na agad ako sa loob ng tricycle na nasa pinakaunang pila. Ako na lang yata ang hinihintay.
"Kuya, Lopez!" sabi ko sa driver habang nakatingin sa labas. "Saan ka nga—"
"Nandito. Sa tabi mo."
Napakurap-kurap ako at natigilan sa sagot niya. Naibaba ko ang phone na hawak at nilingon ang katabi. Naroon nga siya. Seryoso at madilim ang mukha habang hawak ang phone na nakaipit sa kanyang kanang tainga. Nakalugay ang kanyang basang buhok at nakasuklay palikod.
"Uhm..."
Pinatay niya ang tawag kaya ganoon din ang ginawa ko. Umupo ako nang maayos at nilingon siya. Kumibot ang labi ko nang maamoy na naman siya. Bakit parang mas bumabango siya kapag tumatagal?
Wala sa sariling nilapit ko ang mukha sa kanyang leeg bago pumikit at sininghot siya. Bakit ganoon? Nakakaadik ang amoy niya. Hindi naman ako nagpapabango pero parang gusto kong gamitin ang sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" malamig niyang tanong.
Napalayo ako agad at ngumuso.
"S-sorry. Galit ka ba sa akin?"
Gumalaw ang kanyang panga. "Hindi."
"Bakit ang lamig mo?"
"Painitin mo ako kung malamig ako."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
Umiwas siya ng tingin at humawak sa kanyang batok. "Wala. Bakit ka ba nandito? Uuwi ka na? Baka hindi pa tapos ang laro ng mga kaibigan mo?"
He was spouting those words like a venom. Tumulis ang nguso ko at pilit hinahanap ang mga mata niya.
"I'm really sorry, Jai..." malambing kong sambit at ipinatong ang kaliwang kamay sa kanyang tuhod.
Nagulat ako nang napaigtad siya at nauntog sa kisame ng tricycle
"f**k! Ah, s**t!" Napapikit pa siya.
Nanlaki ang mata ko at agad hinawakan ang parte kung saan natamaan ang ulo niya.
"Hala! Masakit? Saan? Teka— aray!"
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko nang masiko niya iyon.
"Tanginang buhay 'to, oo..." bulong-bulong niya habang umiirap. "Huwag ka kasing dumikit! Ano, masakit?"
I glared at him while pouting and caressing the part where he accidentally elbowed me. Bumaba ang mata niya roon at agad tinanggal ang kamay ko sa pagkakahimas.
"Puwede bang huwag mong gawin sa harap ko 'yan? Baka akala mo pa rin hanggang ngayon ay bading ako?"
"Ang alin ba? " Hindi ko na rin mapigilang magtaas ng boses. Ang sakit kaya sa dibdib ang masiko!
Umigting ang kanyang panga. "Ayan! Huwag mong... hawakan... puwede ba?"
"Hinihimas ko para mawala ang sakit! Ano bang problema mo? Ikaw na nga 'tong nakasiko sa akin!"
"It was your fault! Lumapit ka sa akin kaya nasiko ko!"
"I was just checking your head! Bakit ka ba nauntog? Parang timang." I rolled my eyes.
"Paanong hindi ako mauuntog, e, nagulat ako sa lambing ng boses mo at may pahawak-hawak ka pa? Tsansing ka lang, e."
Napahawak ako sa dibdib at nanlalaki ang mga matang tiningnan siya. Babarahin ko na sana siya nang biglang may humampas nang malakas sa bubong ng sinasakyan namin.
"Kanina pa kayong dalawa nagsisigawan, ah? Bumaba na nga kayo! Lagpas na kayo sa Lopez dahil sa paglalandian niyo. Hay nako. Mga kabataan nga naman, oo!"
Nagkatinginan kami ni Jairo at pareho ring umirap. Padabog akong lumabas at nag-abot ng bayad sa driver na ang sama na ng timpla ng mukha.
"Kung may pagtatalo kayo, ineng, pag-usapan niyo nang mahinahon. Huwag 'yong nagsisigawan kayo. Aba, napapatingin pa ang mga taong nadadaanan natin kanina sa inyo dahil sa lakas ng boses niyo."
Suminangot ako. Ang tsismoso naman nito ni manong! Nang lingunin ko si Jairo, ang layo na agad! Napatakbo tuloy ako para habulin siya.
"Sandali lang! Can you please walk a little slower? Ang bilis mo!" reklamo ko.
"Mabagal ka lang," he retorted.
I frowned. Sinundan ko siya nang tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Pumasok siya sa loob at nang makitang nasa labas ako ay kumunot ang noo niya.
"Ano pang ginagawa mo rito?"
I pouted. "Susuyuin kita! Napakasungit nito! Bakit ka ba nagagalit, ha? I already apologized!"
He just stared at me for a while. Nanliit ako bigla. He looked somehow amused by something or what. Umirap ako at humalukipkip.
"Talaga? Susuyuin mo ako? Bakit mo gagawin iyon?" tanong niya na bahagyang nakangisi.
"Kasi nga galit ka, 'di ba?"
Ngumuso siya. "Why don't you just go back to school and watch your boy play with his balls."
Kinalas ko ang mga braso sa tapat ng dibdib at laglag ang pangang tiningnan siya. That sounded... different!
"Anong sinasabi mong boy riyan? At play with his balls? Huh?"
Ngumisi siya at hinuli ang pulso ko bago hinigit papasok. Kamuntik pa akong matalisod nang pakaladkad niya akong hinila bago sinara at ni-lock ang pinto.
Hinarap niya ako at binitiwan.
"Alam mo ikaw, babae..."
"I have a name, you know? Don't just call me babae," I said and rolled my eyes.
Umiling siya habang nakangisi. "Napakaingay mo pala."
"E, ikaw? Napakaano mo!" Tumigil ako at nag-isip. "Napakaano... uhm... ano..."
Lumikot ang mata ko at naghanap ng salita. I heard him chuckle.
"Napakaano, Kyomi?" he urged me sensually.
"Ilang taon ka na?" I asked.
Nagtaas siya ng kilay. "Nineteen."
Nineteen and yet he's still in senior high? Baka nag-stop or something?
"Napakatanda mo na! Ano, ha?"
Ang yabang, Kyomi. Dapat pala at gumagalang ako rito, e. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.
"At ikaw? Ilang taon ka na? Sixteen? Fifteen?"
Nag-init ang pisngi ko. "I'm turning seventeen next year!"
He scoffed. "Still young."
"Ang yabang mo, ah. Ano naman kung matanda ka na? You got more experience, huh?" I mocked his words before.
Nagdilim ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Napayuko ako at umatras ulit nang lumapit siya.
"I-I'll get experience, too! You'll s-see!" pagmamatapang ko.
Perhaps I should ask for Dona? Teka, bakit ba iyon ang iniisip ko? Hindi dapat ganito ang usapan namin, e. Dapat makikipag-ayos lang ako pagtapos humingi ng tawad sa pang-i-indian ko kanina.
Paano napunta sa experience?
"You'll get experience? Saan?"
"E 'di... kung saan-saan!"
"Kung saan-saan?" he asked angrily.
I shrieked when he pushed me on my shoulders. Napahawak ako sa kanyang kuwelyo at nahatak siya kasama ko paupo sa sofa na nasa likod ko na pala.
"Tangina," mura niya habang pinipigilan ang sarili na mapaupo sa akin.
Bumilis ang pintig nang puso ko nang makita ang ayos naming dalawa. Nakaupo ako sa sofa at ang mga binti ay nasa pagitan ng nakabuka niyang mga hita. Nakayuko siya habang ang dalawang kamay ay nakasuporta sa likod ng sofa sa magkabilang gilid ko.
Napalunok ako at dinilaan ang aking labi, nanatiling nakahawak sa kanyang kuwelyo. His dark eyes went down on my lips. Umigting ang kanyang panga at umalon ang lalamunan.
I licked my lips again. He cursed silently and tried to pull himself up when I gripped on his collar tigthly and pulled him towards me.
Mariin akong pumikit at dinikit ang labi sa kanya.