Prologue
It all started with one reason, I loved.
"It looks good on you," I smiled as he said those words for me. Nagsusukat ako ngayon ng damit na isusuot ko para sa kasal.
Sinubukan kong lumakad habang suot ang bestida at humarap sa salamin. "Oo nga,"
It was a tiring day for me. Matapos magsukat ng damit na isusuot para darating na kasal, nauna na akong umuwi matapos akong ihatid ni Gray.
I need to do some of my paperworks the next day, dahil tambak ako ng mga ip-proofread. Nagpahinga lang ako dahil sa sakit ng mata. I answered some calls from my friends and my highschool classmates, puno ng pangungumusta at pag-aaya para sa Reunion, bago sana maganap ang kasal.
["Nako, ang swerte niya at uuwian ko s'ya sa kasal n'ya ha!"] Si Dice sa kabilang linya, nang ikwento ko sa kanya ang tungkol sa kasal.
["See you soon, Dice! Miss na kita."]
["Ako, hindi. Che! I bought you a gift! See you soon, love you!"]
And he hanged up.
2 words, "It's okay," because I need to. Sa dami ng gawain at sa sama ng pakiramdam, hindi ko na napigilang umiyak ng gabing 'yon. Everything feels so heavy that I couldn't bear the pain anymore.
It was already morning when I woke up. Nakatulog pala ako sa kaiiyak kagabi. Again, I received some calls and texts. Hindi ko napansin dahil nakatulogan ko na dahil sa pagod.
From: Gray
"Thanks for today!"
From: Kofi
"Kumusta ang pagsusukat? I'm sure, bagay sa'yo!"
I didn't dare myself to reply to them, dumeretso na ako sa CR para mag-asikaso. And it took me an hour before I finished preparing.
Mabilis na lumipas ang araw and my family got so busy preparing for the wedding. Halos araw-araw akong nakakatanggap ng texts and messages galing kay Dice, puro pangungumusta lang at parang inililihis ang isip ko sa kung ano, he never let me feel that I'm alone. He knows all of my secrets.
He's my cousin, miyembro ng l***q Community. We've been together since we were elementary, kasama si Shekinah. I'm the eldest granddaughter of our family. Kaya naman, mataas ang expectations ng pamilya ko sa akin, I always do my best to not to disappoint any of them, not knowing that I was not happy because I'm not living my own life. Palagi akong nakabantay sa sasabihin ng ibang tao sa akin.
Not until I made it in Senior Highschool. I was finally not bothered by other people's judgements. I learned not to care too much.
"Huy! Ano? Spaced out na naman?" bulong ni Gray sa gitna ng Reunion.
"Sorry, just a bit tired."
"Congratulations sa ikakasal!" sigawan ng lahat. I smiled, walang nagbago. Gano'n pa rin. Suportado pa rin sila hanggang ngayon.
Halos lahat kami, mga busy na sa kanya-kanyang trabaho. Kahit na ang mga pasaway noon sa batch namin, mukhang maunlad na rin ang buhay. Nagsaya kami nang nagsaya at hindi namalayan na gabi na, oras na para umuwi.
Ang iba sa amin, mukhang ayaw pang umuwi dahil sa sobrang kasiyahan, ang iba naman, nauna na dahil may mga anak pang kailangan asikasuhin, tulad nila Andrea at Dannie. May iba ring hindi nakapunta sa reunion tulad ni Kofi, dahil sa papa n'ya.
Kaya naman nagpaalam na rin ako na mauuna na dahil dadaan pa ako sa Hospital, sasamahan si Kofi na magbantay kay tito. Lumapit si Gray sa akin at sila na lang daw ang maghahatid sa akin papuntang Hospital dahil hindi nakasama si Kofi sa event tonight dahil walang magbabantay kay Tito.
"You okay?" tanong ni Grae nang nasa parking lot na. "Ayos lang," I assured him that I am.
Wala naman kaming masyadong ginawa, pero pakiramdam ko, pagod na pagod ako.
Then I realized, I am.