KUMUNOT ang noo ni Valeen nang pagpasok niya sa kusina ay hindi niya nadatnan ang Lola niya na doon. Akala niya ay nando'n ang Lola niya nang hindi niya ito nakita sa sala ng bahay nila ng pagdating niya galing sa School. Napatingin din si Valeen sa paligid, malinis iyon parang hindi nagamit. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ang noo. Sanay kasi si Valeen na pagdating niya sa bahay galing sa School ay nakaluto na ang Lola niya o hindi kaya ay nagluluto pa ito. At sa sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pag-alala para sa Lola niya. Lumabas naman na siya sa kusina para hanapin kung nasaan ang Lola niya. "Lola?" tawag niya, pero wala pa din siyang nakukuhang sagot mula dito. Naglakad naman siya papasok sa kwarto ng Lola niya. Kumatok mo na siya sa pinto bago niya pinihit ang seradu

