AKMANG lalabas si Valeen sa pinto ng kwarto niya nang mapatigil siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng kama niya. At sa halip na lumabas siya ng kwarto ay bumalik siya sa loob para kunin ang cellphone niya na tumutunog. At nang silipin niya kung sino ang tumatawag sa kanya ay nakita at nabasa niya ang overseas call nang Mama niya. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Agad naman niyang dinampot ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng kama niya at saka niya dali-daling sinagot ang tawag sa kanya ng Mama niya sa sandaling iyon. "Hello, 'Ma?" bati niya mula sa kabilang linya. "Valeen, anak? Kamusta ka na diyan?" tanong naman nito sa kanya. "Okay lang din naman po ako, Mama," sagot naman niya dito. "Kayo po, kamusta? Sina Tito?"

