ISA-isang tinitingnan ni Red ang pictures ni Valeen na kuha niya pagkatapos nang partial pictorial nito. Sa wakas ay natuloy na din ang pictorial nito na postponed dahil sa masamang pakiramdam nito. Hindi naman maiwasan ni Red ang mapatitig sa picture ni Valeen na nasa screen ng laptop niya. Pinalipat kasi niya ang memory ng camera niya sa laptop para mas malinaw niyang makita ang pictures nito at makapili siya ng pictures na gagamitin para sa cover ng isang sikat na Magazine. "Red." Mayamaya ay natigilan siya nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Inalis naman niya ang tingin sa harap ng laptop niya at nag-angat siya ng tingin. At napakurap siya ng mga mata nang makita niya si Valeen na nakatayo sa harap niya. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya.

