NAKABALUKTOT si Valeen habang nakahiga siya sa sofa ng condo. Dumating kasi ang monthly period niya at may dysmenorrhea siya. Sa tuwing unang araw ng monthy period niya ay nakakaranas siya ng menstrual cramps. Her hips, lower back and her inner thighs is in pain. Halos nga ayaw niyang tumayo dahil sa tuwing tatayo siya ay lalong sumasakit ang puson niya. Kanina nga pag-gising niya ay ayaw niyang bumangon mula sa pagkakahiga. Pero bumangon pa rin siya dahil may appointment siya ngayong araw. May pictorial kasi siya para sa isang magazine. At ngayon araw iso-shoot ang nasabing pictorial. Pero no’ng nasa banyo na sana siya para maligo ay lalong sumakit ang puson niya, medyo nakakaramdam nga din siya ng bahagyang hilo. Kaya kahit labag sa loob niya na hindi magtrabaho ay wala siyang nagawa

