PAALIS na sana si Valeen sa BMF nang makasalubong niya si Tim. "Pauwi ka na, Miss Valeen?" tanong ni Tim sa kanya ng makasalubong niya ito. Tumango naman siya. "Yeah," maikling sagot niya dito. Wala naman na kasi siyang gagawin do'n. And she wanted to go home to rest. "Oh, it's raining outside," imporma nito sa kanya. Napatango-tango naman si Valeen. Kaya pala medyo lumamig dahil umuulan pala ngayon. "Do you have an umbrella?" tanong nito sa kanya mayamaya. Umiling naman siya bilang sagot. May payong naman siya pero nasa kotse niya iyon. Hindi naman kasi niya inaasahan na uulan, eh, kanina nga ay ang ganda ng sikat ng araw. At kapag kukunin niya iyon sa kotse niya ay mababasa din siya. Mayamaya ay napatingin siya sa payong na hawak ni Tim ng i-abot nito iyon sa kanya. "You can

