NANG matapos maglagay ni Valeen ng pulang lipstick sa kanyang labi ay tiningnan niya ang sariling repleksiyon sa vanity mirror niya. At hindi niya napigilan ang mapangisi nang makita ang hitsura sa sandaling iyon. Hindi naman sa pagmamayabang pero ibang iba na ang hitsura niya sa dating hitsura niya noon. Hindi na siya manang kung tingnan, she was now beautiful woman. Hindi lang naman kasi ang sarili niya ang nagsasabi niyon, pati na din ang ibang tao na nakakakilala sa kanya. Sa sandaling iyon ay naka-light make up siya. Hinayaan lang din siyang nakalugay ang itim at mahabang buhok niya. Nakasuot din siya ng body hugging dress na hanggang sa tuhod ang haba. Sa suot niya ay lalong lumitaw ang magandang hubog ng katawan niya at lalo din lumitaw ang kasiksihan niya. Pinaresan din niya iy

