VALEEN and Red were in the library. Naka-pwesto silang dalawa sa pinakadulong mesa na nasa sulok ng library. As usual kasama na naman niya ang binata sa breaktime niya. He always like that, kapag hindi ito busy at free time nito at tini-text siya nito. Tinatanong kung nasaan siya. At kapag ni-replyan naman niya ito ay expected na niya na pupuntahan siya nito kung nasaan siya. Gaya na lang kanina, nakatanggap siya ng text message dito asking where she is. At nang reply-an niya ito kung nasaan siya, after few minutes ay naroon na agad ito sa library. Napansin nga ni Valeen kanina na napapatingin ang ilang estudyante na naroon sa loob ng library kay Red ng dumating ito. He's really a head turner. Kahit noong tumabi nga ito sa kanya, lumilingon pa ang estudyanteng babae kay Red. Napansin n

